CHAPTER 22
Chapter 22: CAR, BLOCK
"KAHIT minor lang po siya ay kaya na niyang buntisin ang babae." Umawang ang labi ko sa diretsong sinabi nito. Ni hindi man lang nabahala sa komento niya na baka...
"Cevianna!" sigaw sa kanya ng marahil ay kapatid niya at hinila nito ang kanyang buhok kaya napaigik siya sa sakit. Sinundot pa ang kanyang noo kaya napasimangot siya.
"Aray naman po, Ate Lev!" reklamo niya sa kapatid at hinila siya nito palayo sa amin. "Ang sakit kaya!"
"Where did you get that talkin' from, huh? Kaya nadadamay sa 'yo ang mga kaklase mo dahil ang bastos ng bibig mo, sobra! Isusumbong talaga kita kay Daddy!" asik nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang haplusin ang ulo niya. Nanakit siguro ang scalp niya dahil sa paghila nito sa kanyang buhok kaya tumutulis din ang nguso niya. She's cute, though.
Pero muli kong narinig ang sinabi niya kanina. Hindi ko tuloy mapigilan ang pamulahan ng pisngi. Why she need to be straight forward kung magsalita?
"Kahit minor lang po siya ay kaya na niyang buntisin ang babae."
"Kahit minor lang po siya ay kaya na niyang buntisin ang babae." Paulit-ulit ko tuloy naririnig ang boses na, eh.
How did she figure that out? Eh, ang mga lalaking kasama namin ay hindi naisip na puwede palang mangyari iyon. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang pagiging matalino niya.
"We're stupid in that part!" natatawang sigaw ni Zules na mabilis ding natahimik dahil sa pagsiko sa kanya ng Kuya Ryle niya.
Si Zue ay nagpipigil na lamang nang tawa at tinakip ang bibig. Rykiel had no reaction pero alam ko kung saan-saan na umabot ang isip nito.
"Pero totoo po ba iyon, Ate J? Totoo po bang anak mo talaga si Ryx at hindi mo siya kapatid?" Zules returned to being serious and had the courage to ask me that. Na mukhang ang mga kasamahan namin ay naghihintay rin sa isasagot ko.
Wala namang kaso iyon sa akin pero...
I looked at Arzeil, knowing this thing was a big deal to him. I'm just not sure if he's aware or has a hint about Alkhairo if it's really my son or just a brother of mine?
Arzeil is courting me, kung sino man ang mas maaapektuhan sa katotohanan ay si Arzeil iyon. Pero nang makita ko ang magaan niyang pagngiti sa akin na tila wala siyang pakialam sa bagay na iyon, sa katotohanan na iyon ay nawala ang kaba ko sa dibdib.
"It's okay, babe. Anak mo man si Alkhairo ay tatanggapin ko pa rin siya. I can also be his father, and I will love him, treat him like my real son," sabi niya at kung may ano'ng bagay ang humaplos sa dibdib ko. "Hindi magbabago ang tingin ko sa 'yo at seryoso pa rin ako na ligawan ka," dugtong niya. I was touched by what he said and my tears wanted to fall. When he saw my reaction, na naging emotional din ako agad ay hinapit niya ako sa baywang at mahigpit na niyakap. "Alam mo naman na gustong-gusto kita, Jessel... My feelings won't change even if I found out that Alkhairo is your son. Mabuti na iyon, dahil may panganay na tayo agad, 'di ba?" biro niya na mahinang ikinatawa ko.
Kumalas ako sa yakap niya at muling binalingan sina Rykiel. Hindi na ulit mababakasan ng kahit ano'ng emosyon ang mukha niya. Mas lalong naging blangko iyon at bumaba ang tingin ko sa mahigpit na nakakuyom niyang kamao. Naglalabasan tuloy ang galit na galit niyang ugat doon. Nang magtama ang mga mata namin ay nabigla na naman ako sa pag-irap niya. Ako lang yata ang nakakita no'n.
Bakit niya ako inirapan? Para siyang babae.
"Is that fact hard to believe? Why do we believe people's speculations rather than choosing to believe what we see o sa malalaman mo mismo sa mga taong pinaghihinalaan natin? Why don't we ask the person if it's the rumors are true or fake?" seryosong sabi ni Khai kaya nailipat na naman sa kanya ang tingin ng lahat.
Nagbago na naman ang emosyon ni Rykiel. Kahit na mahirap pa ring basahin iyon ay tila lumambot na naman ang ekspresyon ng mukha niya at malamlam ang mga matang nakatingin sa aking anak.
Hindi ko alam kung bakit palaging ganyan ang reaksyon niya sa tuwing nakikita niya si Khai.
"Maybe it's true... Kasi hindi naman nagsisinungaling itong si Ryx, 'di ba Zules?" untag na tanong ni Zue sa pinsan niya at bahagya niyang siniko ito. Napatango naman ang huli.
Wala sa sariling napatingin tuloy si Zules sa batang babae na nagngangalan na Cevianna.
"Why are you looking at me like that?" nagdududang tanong nito sa kanila at hindi man lang nag-abala na mag-ayos ng sarili dahil magulo pa rin ang buhok niya but she's still pretty. May hawig din siya sa ate niya.
"Bakit mo nasabi na isa sa mga kuya namin ang Daddy ni Ryx?" tanong ni Zules at nagtaas pa ng kilay.
"Oo nga, kami nga ay hindi naisip ang bagay na 'yan!" pagsang-ayon naman ni Zue. Nanatiling tahimik na lang nakikinig ang ate ni Cevianna.
"Because you mentioned the word DNA test and you have doubts that maybe...si Zairyx Alkhairo na ang nawawala niyong kapatid. Kasi naman hindi itinanggi nang tinatawag ng kaibigan niyong Mommy na hindi niyo naman ito kapatid kaya naisip ko na baka isa sa kanila ang Dadady ni Alkhairo, saka opinyon ko lang naman iyon na baka ang kamukha niya ang biological father niya," mahabang paliwanag niya at itinuro pa gamit ang nguso niya si Rykiel. Kumunot tuloy ang kanyang noo.
"Eh, ang dami mong nalalaman. Ang daldal mo kasi, kaya ka pinagdiskitahan kanina ng dalawang iyon dahil sa kadaldalan ng bibig mo," ani Zules at hindi man lang siya nabahala na baka ma-offend niya ito o kaya naman matakot dahil kasama pa naman nito ang nakatatandang kapatid pero mukhang wala naman iyon sa babae dahil ngumisi lang ito.
"Yeah, indeed! Maging sa klase natin ay ang ingay-ingay mo at sobrang kulit mo rin! Si Ryx lang talaga ang nagtsagang pakinggan ka sa kadaldalan mo!" ani naman ni Zue.
Pero kahit iyon ang sinabi nila ay mukhang iba rin naman ang reaksyon na ipinapakita nila. Parang sanay na sila sa laitan nilang lahat.
"Wow! Parang kanina lang na kinakampihan niyo ako, ah! Tapos ngayon, sinasabi niyong makulit ako?! Madaldal?!" laban ni Cevianna. Nanatili kaming tahimik na nakatatanda habang pinapanood lang sila sa sigawan nila.
Napangiti pa si Arzeil dahil nasaksihan niya ang pag-aaway ng mga bata na hindi naman yata sinasadya ng mga ito na sabihin ang mga katagang iyon. Napahilot sa sentido niya si Ryle at wala na naman sa tatlong bata ang tingin ni Rykiel.
Nasa akin na naman at nahuhuli ko ang tingin niya na dumadapo sa baywang ko. Baka iyong braso ni Arzeil.
"Shut up! You're so noisy!" Khai shouted at them, at doon lang sila natigilan.
Napanguso pa si Cevianna dahil sa pagsigaw ng anak ko. "Tse! Hindi rin tayo bati! Magsama kayo ng kaibigan mong pangit! Magkamukha kayong tatlo!" nagtatampong saad niya at umirap pa saka niya hinila ang kapatid para makaalis na.
"Hey, wait! We haven't talked about our community service natin, Cevianna!" sigaw ni Zules pero hindi na siya pinansin pa nito.
"Ikaw kasi, bakit mo ginalit?" mahinang tanong ni Zue.
I just shook my head in amusement bago ko binalingan ng tingin ang anak ko. "Do you still have a classes, Khai?" I asked my son at napataas ang kilay ko nang mapansin ko na naman ang tingin sa amin ni Rykiel. Na mukhang interesado na naman siyang marinig ang sasagutin ni Khai. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.
"Wala na po, Mom. Orientation lang naman po ang kanina," sagot niya at sinabayan pa nang marahan na pag-iling.
"We'll go ahead, Ryle, Eryx..." paalam ni Arzeil sa kanila at nakipagkamay pa pero mapapansin ang paghigpit ng kamay nila ni Rykiel. Kumunot ang noo ni Arzeil dahil sobrang tagal bago siya binitawan nito.
"Bye, Ryx!"
"Huwag mo na kaming iiwasan, ha!" sigaw ni Zue. Tumango lang din sa kanya si Khai saka kami isa-isang naghiwalay.
***
"Hindi ko alam na ganoon pala ang gagawin ni Tito Rylander," Arzeil said in the middle of our ride and glanced into his view mirror. Nandoon kasi nakaupo sa backseat si Khai. Tapos nang ginamot ang sugat niya kanina ng school nurse nila.
Nasa labas ng bintana ito nakatingin at nararamdaman ko na kanina pa siya tahimik na mukhang malalim din ang iniisip.
"I also don't know why they're forcing that thing," I said. Malamang alam ko naman talaga kung bakit. Dahil lang sa mukha ng anak ko at pati na rin ang lukso ng dugo, that's probably how they feel right now, and everytime na makikita nila si Khai.
"Hindi ko rin naman sila masisisi, eh. May similarity sa kanila ang bata, lalo na si Eryx. Everyone would think they were twins. Kahit kung nakatalikod nga, eh ay akala mo iisa lamang sila. Kung hindi lang mas matangkad at malaki ang katawan ni Eryx. Ewan ko na rin ba," sabi niya. Pati siya ay nagdududa na rin. Feeling ko ay unti-unti ng mabubunyag ang sekreto na hindi ko naman talaga sinadyang itago.
"Pero hindi naman kasi lahat ng magkamukha ay kamag-anak na nila," labas sa ilong na sabi ko.
"Hindi ko masyadong napansin ito, Jessel. Pero ngayon ay napapaisip din ako. Tama nga naman na malaki ang pagkakahawig nila sa isa't isa pati...ugali ay magkatula... Ang pagiging tahimik at seryoso," he muttered.
Hindi naman ako nabahala na baka marinig ni Khai ang pinag-uusapan namin. Na isa pa ay wala naman sa kanya ang mga ito. Saka nakasuot siya ng headphone niya at mukha ring may pinapakinggan na kanta.
"But what about a DNA test?" tanong ni Arzeil at kinabahan ako agad.
I shouldn't be worried if they will just match it to Mr. Barjo's blood test but I am worried that Rykiel's blood might be DNA tested too. They gonna find out what the relationship is and that's what really scares me.
Because Khai and I have different blood types. Baka nakuha niya iyon sa daddy niya, kay Rykiel. Ako naman ay kay Daddy. Hindi kinuwestiyunan ng mga tao ang blood type ni Khai because it might be the same with Mom.
"Wala naman akong kinakatakutan sa DNA test pero ang hindi ko matatanggap ay kung bakit nila pinipilit sa sarili nila na si Khai na ang nawawala nilang kapatid. That's the only thing that pisses me off more," I blurted out.
"Though I find it hard to believe that it was an accident... I'm sorry for that word, Jess... Baka nga may ugnayan si Alkhairo sa Barjo family... I want to ask, Jessel. I want to ask how or what happened, why did Alkhairo grow up without his father? But I respect you. I'm just going to court you and I still don't have the right to ask you about that matter. Alam kong naging magkaibigan din tayo...pero kahit hindi mo naman sinabi sa akin ay hindi naman ako magagalit o magtatampo sa 'yo." Napangiti ako sa sinabi niya.
This is one of his side that I liked about him. Ang pagiging maunawain niya at handang maghintay sa lahat ng bagay.
"Salamat, Azz. Salamat sa pagtanggap sa akin... Salamat at hindi mo ako kinuwestiyunan tungkol sa pagkakaroon ko ng anak...sa ibang lalaki," emotional kong sabi sa kanya. Inabot niya ang kaliwang kamay ko at hinawakan iyon. Nakatutok pa rin naman sa daan ang atensiyon niya.
"Mabait na bata si Alkhairo at proud na proud ako sa 'yo na napalaki mo siya ng maayos. Walang kaso sa akin iyon, Jessel. Mahal ko ang mga taong minamahal mo rin," sabi niya at mabagal na dinala niya sa labi ang kamay ko saka niya iyon hinalikan.
How I wish... I just hope the heart can be taught. I wish it was easy to forget.
Because if I fall in love again, I will not waste the chance to care and to love Arzeil.
Bihira na lamang sa mundo ang mga katulad niya. Na wala ng pakialam sa nakaraan ng isang babae at tanggap ang buong pagkatao nito.
Pero ilang taon na ang nakalilipas. May isang tao pa rin ang nananatili sa puso ko. Siya pa rin ang tinitibok nito kahit naisip ko noon na imposible na ang pagkikita namin ulit.
Ang kinakatakutan ko lang ay baka mas lalong lalalim ang pagmamahal ko sa kanya kapag madalas siyang nagpapakita sa akin. Sa halip na ibaling ang aking nararamdaman kay Arzeil.
Dahil may mga pagkakataon din na gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya. Na walang nagbago sa nararamdaman ko, na siya pa rin ang hinahanap nito. Na siya pa rin talaga kahit nakalimutan niya ako...
***
We just dropped Khai off at our condo. Arzeil and I are back in A.Z. because his commercial shoot isn't over yet.
I need to talk to my father about this. I want to let him know what the Barjo family is planning. Alam ko rin na hindi niya palalampasin ito. My father care too much about my son.
Kaya nang araw na iyon ay tinapos ko ang trabaho ko para makauwi nang maaga. Inalok pa ako ni Arzeil na kumain sa labas kasi iyon din naman ang plano naming dalawa. Pero nag-excuse muna ako na next time na lang muna dahil sinabi ko rin na uuwi kami sa mansion at kakausapin ko si Dad.
Naintindihan din naman niya ako dahil alam niya kung ano ang pag-uusapan namin sa mansion.
"Next time, alright? Take care," malambing na sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan namin at inalalayan akong makapasok sa loob.
"Tawagan o i-text mo ako kung nakarating ka na, okay?" Tumango lang ako bilang tugon. "Saka huwag mo masyadong isipin ang mga nangyari kanina. Susubukan ko na kausapin si Tito." Naging seryoso ang mukha niya ng sabihin iyon.
"Sige na. Ingat ka rin," paalam ko. Ngumiti pa siya bago maingat na isinara ang pinto.
Ibinaba ko ang salamin ng bintana kasi mukhang wala siyang balak na sumakay rin sa kotse niya. Gusto niya na makita na kami agad ang aalis.
"Do you need something?" tanong niya at humilig sa bintana. This made me laugh.
"Sumakay ka na rin. Mas nag-aalala ka sa akin, eh kasama ko si Sabel. May mga bodyguard din ako. Mauna ka na, Azz," sabi ko at sinilip pa niya ang driver. Nasa passenger seat naman nakaupo si Sabel na hindi naman iyon magsasalita kung hindi mo tatanungin o kung walang importante na sasabihin.
"Alright, then," sabi niya at naglakad na siya palapit sa BMW niyang naka-park din. Naunang pinausad ang sasakyan niya bago kami.
Pero hindi pa naman kami nakalalayo, maliban sa kotse ni Arzeil ay may humarang ng itim na kotse sa amin. Kaya dahil din sa hindi inaasahan ay agad na nagpreno ang driver namin. Mabuti na lamang ay pareho kaming nakasuot ng seatbelt.
Hayan na naman ang kaba ko sa dibdib. Bakit kaya ito humaharang sa amin? Saka parang pamilyar sa akin ang sasakyan na ito.
"Stay here, Miss Jessel," sabi ni Sabel at nanatili sa puwesto niya ang kasama naming driver. Nagsibabaan din kasi ang iba at ang iilan na iyon ay nagbantay sa pinto na nasa side ko.
Iyong kaba ko ay dumoble nang makita kung sino ang bumaba sa kotseng iyon.
"Rykiel?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top