CHAPTER 51

CHAPTER 51

HALIK SA balikat ang gumising sa 'kin kinabukasan. Napadaing ako nang maramdaman ang kamay niya sa dibdib ko. Matunog akong ngumiti nang laruin ng mga galamay niyon ang tuktok ng bundok.

"Maxwell..."

"Morning, baby," bulong niya sa mismong tenga ko.

Gusto kong matawa, talagang natawa ako. Pero ang bulong na 'yon ay matindi ang epekto. Lalo nang matapos sabihin iyon ay hinalikan niya na ang tenga ko. Na awtomatikong bumaba sa leeg dahilan para mapaliyad ako.

"Why do you have to be this beautiful?"pabulong niya muling sabi.

Napangiti ako ngunit awtomatiko muling napadaing nang pisilin niya ang dibdib ko. Pinanggigilan niya 'yon na talagang nagustuhan ko. Kaya gano'n na lang ang pagbagsak ng katawan ko nang bigla niyang tigilan 'yon.

Nakanguso akong napalingon sa kaniya nang ngisihan niya ako. "After the wedding," mahinang aniya saka tumitig sa labi ko na para bang gandang-ganda siya doon.

Bago pa ako nakapagsalita ay sinalubong niya na ako ng halik. Iyon na namang halik na nakaliliyo sa sobrang banayad. Iyong nakakawala ng katinuan sa sobrang bagal na tila ninanamnam ang bawat parte ng labi kong madampian niya ng halik. Nangiti ako nang maingat niyang hawakan ang mga pisngi ko na para bang babasagin 'yon. Itinutuon niya sa posisyon kung saan mas magagawa niya nang tama ang paghalik niya.

Kung kailan lunod na lunod na ako ay saka niya iyon itinigil. Tuloy ay naiwan na naman akong nakamaang at nakapikit, naghihintay na masundan pa ang kaniyang halik.

Nagmulat ako at nakangiti na siyang nakatunghay sa 'kin. Bumagsak ang ulo ko sa unan at humaba ang nguso.

"Why are you doing this to me?" maiiyak na kunyaring sabi ko.

"I love teasing you," aniya na dinaanan ng daliri ang pisngi ko paakyat sa sentido kasunod ang paningin. "Baby, you're so lovely. I thought books were beautiful but damn, your beauty makes me crazy."

"Really?" ngumisi ako.

Nakatitig siya sa ilong ko saka magkakasunod na tumango. Bumaba ang titig na 'yon sa labi ko at akma na akong dadampian ng halik nang bahagya ko siyang itulak pahiga.

Nabibigla niya akong pinanood na maupo sa ibabaw niya. Humawak ako sa dibdib niya saka ko inilagay ang hintuturo ko sa kaniyang noo. Iginuhit ko ang daliri ko pababa sa kaniyang ilong, papunta sa labi. Tumitig ako nang matagal doon at saka kinagat ang labi ko.

"Baby, what are you doing?" dahil panay ang lunok ay naapektuhan ang pananalita niya.

Sinalubong ko ang tingin niya saka ko binasa ang aking labi. "Kaya ka pang baliwin ng labi mga ko, Maxwell," mapanukso ngunit inosente kong sinabi.

Sinadya kong gumalaw sa ibabaw niya saka kinagat ang daliri kong iginuhit sa mukha niya.

"Baby..." napapalunok siyang humawak sa bewang ko. Dahilan para tumingala ako at mas gumalaw pa sa ibabaw niya. Ang sanggiang iyon ng korona at trono ang gumising sa kaluluwa niya. "Fuck," kahit anong hina no'n ay dinig na dinig ko siya.

Tinaliman ko siya ng tingin ngunit napapapikit na siya. Marahan akong yumuko upang halikan ang labi niya. Hindi pa man nagtatagal ay bumaba na 'yon sa leeg niya, papunta sa dibdib hanggang sa bumaba pa sa kaniyang tiyan.

"Yaz..." nagbabanta ang tinig niya, gano'n na katindi ang pagpipigil.

Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa akin. Sa halip ay nagpatuloy ako dahilan para lalo siyang mabaliw. Narinig ko nang bumilis ang kaniyang paghinga. Naramdaman ko nang unti-unting mawala ang katinuan niya. Hindi niya malaman kung paanong hihinga nang tama. Panay ang tingin niya sa 'kin at gayong wala pa man ay bumabaon na sa unan ang ulunan niya.

Tinunghayan ko siya nang kagatin ko nang bahagya ang parte ng boxers niyang nagmamalaki ang tatak.

"Baby...?" iyon lang ngunit tila nagtatanong siya kung bakit ko ginagawa 'yon.

Ngumisi ako nang may matalim na tingin saka marahang ibinaba iyon. Gusto kong matawa, totoo 'yon. Dahil kung ayaw niya ang ginagawa ko ay hindi siya kikilos para mahirapan ako. Ngunit walang kahirap-hirap kong natanggal ang mamahaling telang suot niya at ibinato lang iyon sa kung saan.

Hindi ko halos siya makita nang makaharap ko ang trono. Kung may maipagmamalaki siyang parte ng katawan, hindi ang kaniyang mukha iyon. Kung hindi ang trono. Ang kagalang-galang na trono.

"You are perfect, Maxwell," sabi ko, ang paningin ay titig na titig doon.

Panay na ang daing niya, batid kong dahil sa kahihiyan at kaba. Panay rin ang pagbaon ng ulunan niya sa unan habang panay rin ang tingin pababa sa 'kin. Nasisiguro kong sa taas ng tindig at lapad ng pagkakaposisyon, hindi niya rin ako nakikita.

"Yaz...please, don't..." mahinang pakiusap niya. "Baby...I'm warning you," talagang nagsusumamo siya, nagtatalo ang kahinaan at kabaliwan.

Kinailangan kong sumilip sa gilid para lang magkita kami. "But I'm not yet doing any...thing, baby..."inosente kong sinabi, umaarte. Kinagat ko ang labi ko kasunod ng pagkagat sa daliri ko.

Umawang ang labi niya saka nauubusan ng pasensyang naibaon muli sa unan ang ulunan niya. Noon ko hinawakan ang trono dahilan para tumunghay muli siya.

"Yaz," tinawag niya ako na talagang nagbabanta.

Inosente ko siyang tiningnan saka ko minasahe ang trono nang paulit-ulit sa katawan...paakyat sa tuktok niyon.

Inosente kong tiningnan ang trono habang binabasa ang labi ko. "Naalala mo ba 'yong sinabi kong..." sinadya kong bitinin ang sinasabi saka marahang sumulyap sa kaniya.

Pinigilan kong matawa nang makitang liyong-liyo na siya. Inilalaban ang katinuan gayong nalulunod na sa pakiramdam.

"Baby..." muling pagtawag niya, nakatuon ang parehong siko sa likuran upang matunghayan ako.

"'Yong alam kong masarap...at hindi mo pa natitikman?" kapagkuwa'y dagdag ko.

"You're making me crazy..." habol ang hiningang aniya.

"Yes," bahagya akong ngumiti. Saka ko inilapit ang labi sa trono habang nakatitig sa kaniya.

Napanood ko nang mapapikit siya at mapatingala nang maramdaman ang labi ko. Maging ang mariin at tahimik niyang pagdaing ay hindi nakaligtas sa pandinig ko. Tuluyan nawala ang katinuan niya nang tikman ko ang kabuuan ng trono.

Hindi niya alam kung saan hahawak sa akin. Ingat na ingat siyang hawakan ang ulunan ko habang ako ay nagtatrabaho. Hinawi ko ang aking buhok papunta sa isang tabi saka mabilis na sumulyap sa kaniya. Napangisi ako nang makitang maging iyon ay matindi ang naging epekto sa kaniya.

Gano'n katindi ang pagpipigil niyang dumaing pero hindi rin nagtagal at 'ayun na ang paborito kong ungol niya. Napahawak siya sa pisngi ko at gusto kong bumilib sa pag-iingat niya doon. Pakiramdam ko ay hinahaplos niya 'yon kahit na ang totoo ay alam ko na ang susunod na mangyayari.

Sa isang pagtawag niya sa pangalan ko ay hinalikan ko ang dulo ng trono. Kasunod niyon ay umiyak ito.

Bumangon siya at naghahabol ng hiningang yumakap sa 'kin. Kinagat ko ang aking labi saka pinigilang matawa. Pero hindi ako nagtagumpay nang maramdaman ang sobrang bilis na paghinga niya.

"Hmm?" nanunukso kong bulong.

"Fuck it," gano'n na lang kasarap pakinggan ang pagkakasabi niya niyon.

Nakangising umawang ang labi ko. Hot! "Hmm?"muling pang-aasar ko.

"That felt so good," aniya nang makabawi ng paghinga, iniharap ako para masalubong ang aking mga mata.

"Good, huh?" tanong ko, sa maangas na paraang gaya ng sa kaniya.

"Great, baby..." pagtatama niya na humigpit ang yakap sa 'kin. "That made me crazy."

Tumaas kunyari ang kilay ko. "Akala ko ba 'yong ganda ko?"

"Well...yeah, yes, of course."

"Maxwell?" sinamaan ko siya ng mukha.

"Baby, everything about you makes me crazy."

"Inuuto mo na lang yata ako, eh!"

"Hindi ako marunong no'n."

Natawa ako. "Ano lang alam mo?"

"Well, marami..." nanunuksong sagot niya.

Pinalo ko siya sa balikat. "Nahawa ka na kay Randall." Sumama kunyari ang tingin ko.

"No way," bahagya siyang napaatras. "Sa 'yo ko lang ginawa 'to lahat."

Napangiti ako na nauwi sa pagtawa. "Ikaw 'yong virgin na ang daming alam."

"I'm a guy, Yaz."

"So?"

"So..." gano'n na lang kalalim ang buntong-hininga niya.

"Ano?"

"I'm not as innocent as you, okay? I mean, I imagine things."

"Imagine, huh?"

"And sometimes I do things..."

"Sometimes, hmm. Okay. Bakit kinakabahan ka? Nagtatanong lang naman ako," mataray kong sabi.

Humalakhak siya. "Because you're comparing me to Randall."

Natawa rin ako. "Biro lang kasi 'yon, napakaseryoso mo!" pinalo ko ang balikat niya.

"Baby, I'm hungry."

"Napaka-generous mo kasi," natatawa kong sabi.

Binuhat niya ako paalis sa ibabaw niya. "Ano ba, baka mapaano ka."

"I'm okay."

"Hindi ka pa rin pwede magbuhat."

"Napakagaan mo," natatawang aniya. "See?"aniyang ipinakita ang brasong ipinambuhat sa 'kin. "I can carry you in one arm."

Napanguso ako. "Syempre, binuhat ko rin nang konti 'yong sarili ko, 'no!"

"I love you," malambing na niya saka dinampian ng halik ang labi ko.

"I love you, too."

"I can't wait to marry you."

'Ayun na naman 'yong tuwa ko, na sa sobrang tuwa ay napalo ko na naman siya sa braso. "Me, too."

Pinauna ko na siyang mag-shower. Kakanta-kanta kong inihanda ang susuotin namin. Syempre, sinadya ko 'yon para makapamili ako ng mga damit na magkakapares kami. Parehong itim ang kulay na pinili ko. Itim na polo shirt at khaki shorts ang sa kaniya. Itim na crop top at khaki skirt naman ang sa 'kin.

Nang makita kong may white shoes siya ay napanguso ako dahil pink lang ang shoes na dala ko. Tuloy ay naabutan niya akong masama ang tingin sa mga 'yon.

"What's wrong?" tanong niya.

"Pink lang 'yong shoes na dala ko," maiiyak nang sabi ko.

Nagbaba siya ng tingin sa mga 'yon. "Yeah, and?"

"White 'yong shoes mo."

Bahagya siyang natawa. "Yeah, it should be the same, right?"

Nakanguso akong tumango-tango. "Hmm."Bumuntong-hininga siya saka lumapit sa iba niya pang maleta. "Baby, I don't have anything that's pink. I don't..." natigil siya nang masalubong ang masamang tingin ko.

"I like pink, Maxwell."

Bahagyang umawang ang labi niya. "I was actually starting to like pink, baby. I was thinking of collecting pink whatevers. It's just that..."nagpatuloy siya sa paghahanap sa maleta. "Baby, go ahead and take a shower. Please?" Lumaylay ang mga balikat niya.

Pinigilan kong matawa. Nakanguso, umaarte pa rin akong nagpunta sa shower saka doon inilabas ang pagtawa.

He's so cute!

Nasisiguro kong ayaw niya ng pink. Lahat ng gamit niya ay naglalaro lang sa kahit anong kulay na malapit sa itim at puti. Magkaroon man siya ng ibang kulay ay madalang niyang suotin o gamitin ang mga iyon. Kung madalas man niyang gamitin, ibig sabihin ay myembro ng kanilang pamilya ang nagbigay niyon.

Gusto kong mapahalakhak nang sabihin niyang nagsisimula na siyang mangolekta ng kahit anong pink. Alam kong sinabi niya lang 'yon para mapagaan ang loob ko, natatakot na magtampo ako. Nakakatawa, ang sarap sa pakiramdam na talagang gano'n katindi ang adjustments niya.

Nang makaramdam ng gutom ay minadali ko na ring kumilos. Gano'n na lang ang pagtataka ko nang lumabas ako at hindi siya nadatnan doon. Dali-dali akong nagbihis at nagsusuklay na nang pumasok siya pabalik.

Gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang sapatos niya. "Anong ginawa mo?"nagugulat kong tanong. Naging pink ang sapatos niya!

Ngingisi-ngisi niyang ipinakita 'yon. "Cute, huh?"

"Anong ginawa mo?" natatawa akong lumapit at pinanood siyang maupo sa couch.

"I borrowed Keziah's highlighter pen. It's pink, well, of course." Yumuko siya at astang isusuot na 'yon nang yumakap ako.

"I love you, Maxwell!"

Natawa siya. "I love you, baby. Next time I'll buy pink."

"Pagtatawanan ka ng mga kasama mo,"natatawang sabi ko. "Lalo na ni Randall!"

"I don't care," nagbaba siya ng tingin sa sapatos. "Bawat kasama kong matatawa sa 'kin, ikaw ang maalala ko."

"Ahh..." na-touch na sagot. "I love you!"dinampian ko ng halik ang labi niya. "Ako na,"yumuko ako sa harap niya at tinulungan siyang magsuot niyon.

"I should be the one doing these things to you."

"Sa ngayon, ako muna," ngiti ko. "Kasi hindi ka pa magaling." Nagngitian kami. "Pero dahil ikaw si Maxwell Laurent del Valle Moon, marami pa ring bagay na sobrang galing mo," nang-uuto kunyari, nang-aasar na sabi ko. "Sobrang galing...tsk tsk tsk."

Napahalakhak siya. "Morning grind."

Nawala ang ngiti ko. "Anong morning grind, ha!"asik ko.

Umawang ang bibig niya. "I was just joking."

"See? Nahahawa ka na talaga kay Randall!"

"No, baby, I swear."

"O, baka naman pare-pareho lang kayong loko-loko?" nakapamewang, nakataas ang kilay na tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "No way! I'm not a playboy!" para bang handa na siyang magalit.

Natawa ako. "Playboy nga 'yong kaibigan mo."

"Well, I mean, he's not the kind of playboy who has many casual sexual relationships. He's that wealthy guy who spend most of his time enjoying life...and behaves a little naughty sometimes."

"'Sus, mga sometimes mo," ngiwi ko. "Pinagtatakpan mo pa 'yang best friend mo, e talaga namang loko-loko 'yon," natawa ako.

Natawa rin siya. "Before, yes."

"Talaga?"

"What, talaga?"

"Loko-loko siya before?"

"Kind of."

"Like paano?"

"What do you mean paano?"

"Maraming girls, gano'n?"

"Well, because they're following him."

"Bakit, ikaw, wala?" tanong ko.

Hindi ko akalaing mapapahaba nang ganoon ang usapan namin. Ni hindi namin namalayang nakalabas na kami ng kwarto at pababa na sa kung saan. Ni hindi nga namin alam saan kami pupunta. Parehong lutang.

"Maraming..." tumingin siya sa 'kin at saka lumaylay ang mga balikat.

"Anong marami, baby?" nakangiting tanong ko.

"Walang nagkakagusto sa 'kin," aniya saka nag-iwas ng tingin.

Tumaas ang kilay ko. "Wala?"

"Well..."

"What?" mataray kong tanong.

"Marami," nagbaba siya ng tingin.

Natawa talaga ako. "Ang cute mo!"

"What?" pinagkunutan niya ako ng noo.

"Syempre, maraming magkakagusto sa 'yo, ang gwapo-gwapo mo kaya!" sabi ko.

Umiling siya saka natawa. "I thought you're gonna be jealous."

Ipinakita ko sa kaniya ang singsing ko. "Sila dapat ang magselos sa 'kin."

Nangiti siya sa gwapong-gwapong paraan, sa paborito kong paraan. "Yeah, that's my baby."

"Wait, where are we?" tanong ko nang makarating kami sa labas.

"I was following you."

"We're already outside. I thought we're going to eat?"

"Yeah, you own the property so I was thinking you're going to take me somewhere. Baby, I'm really hungry."

Natawa ako. "Ang daldal mo kasi."

"Not me, you're madaldal."

"Ikaw!"

"Ako nga," sabi niya na iniakbay ang kamay sa 'kin.

"Call them, please. Sa restaurant na tayo dumeretso."

Kinapa niya ang mga bulsa. "I don't have my phone."

Nagkatitigan kami saka sabay na natawa. "Ang daldal mo kasi."

"Yeah," bumuntong-hininga siya.

Magkaakbay kaming pumasok sa restaurant. Lalo kaming natawa nang makitang naroon na ang pareho naming pamilya at mga kaibigan. Gusto kong malungkot kasi hiniling kong sana ay naroon din si Katley. Naisip kong sorpresahin na lang ito bukas ng magandang balita.

"Good morning, everyone," bati ni Maxwell. Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang ganoon kagandang boses niya habang nakaakbay sa 'kin, habang nasa tabi ako. Ngayon ko lang napagtanto na ngayon lang nangyari iyon.

"Hmm," iyon agad ang bungad ni Randall nang makalapit kami.

Napakarami nang pagkain ang nakalatag kaya sa halip na pansinin siya ay inasikaso ko si Maxwell. Habang dumarampot ako ng pagkain ay panay ang pakikipagbeso ko sa mga magulang naming pareho.

"So, was the morning sex?" bigla ay bulong ni Randall, ang kigwa sinundan pa rin ako!

"Hindi mo 'ko titigilan?" dinuro ko siya ng tong.

Humalakhak siya. "Morning grind, huh?"

"Shut up!" asik ko. "Kapag may nakarinig sa 'yo, humanda ka sa 'kin!"

"I want coffee, Yaz, please?" bigla ay request niya.

"Ewan ko sa 'yo!"

"I like your coffee."

"Magpatimpla ka sa asawa mo!"

"But I really like your coffee."

"Sandali." Inilapag ko ang mga dala ko.

"Thank you!"

"Nasa'n na ba si Dein Leigh?" umasta ako na hinahanap ito.

"I was just kidding!" bigla ay asik ni Randall dahilan para matawa ako.

Dinali-dali ko ang pagkuha ng pagkain para pareho na kaming makakain. Gutom na gutom na rin ako. Pero gano'n na nga lang yata talaga ang saya ko. Kasi kahit nagugutom na ako, si Maxwell pa rin ang inuna ko. Pinunasan ko nang pagkaigi-igi lahat ng gagamitin niya para makakain. Hindi ko maiwasang mangiti kasi naisip ko na 'yon na talaga ang gagawin ko araw-araw kapag naging asawa ko na siya.

"Mukhang napuyat kayo, ah?" Hindi ko inaasahang lalapit na naman sa 'min si Randall. Gayong abalang-abala ang asawa niya kausap ang mga Moon.

"Ano ba't pakalat-kalat ka rito?" inis na tanong ko.

Umangat ang gilid ng labi niya. "You want a baby girl or a boy?" bigla ay seryosong tanong niya sa 'kin.

"Syempre, gusto ko ng babae," nakangiting sabi ko.

Awtomatikong nagbaba ng tingin sa 'kin si Maxwell. "Baby?"

"Yes, gusto ko ng baby girl."

Umawang ang labi niya at saka iniakbay ang braso sa silya ko. "Let's eat first and talk about it later, okay?"

Kumunot ang noo ko. "May problema ba?"

Bumuntong-hininga siya. "I'm really hungry."

Pinagsalin ko siya ng rice at iba pa. Ngumuso ako at kung ano-ano na ang naisip tuloy. Pinigilan kong tuluyang umusbong ang lungkot ko. Pero hindi ko na nalimutan 'yon hanggang sa bumalik kami sa Palawan nang sumunod na araw.

Bagaman masaya ako ay talagang napapaisip ko kung bakit tila ayaw ni Maxwell ng anak na babae. Panay ang pagtawa namin ni Katley nang puntahan namin siya ni Maxwell para ibalitang hired na siya. Paano kasi ay hindi siya makapaniwala. Maski si Maxwell ay natawa sa kung ano-anong guhit sa dibdib na ginawa niya.

Ayaw ba niya ng baby girl? O ayaw niyang magka-baby kami agad? Napasinghap ako habang nakatanap sa dagat. Naroon ako sa flat ni Maxwell habang siya ay nagpaalam na magre-report sandali sa ospital at babalik din.

"'Sabagay," napabuntong-hininga ako. "Sa akin nga ay mag-a-adjust pa siya para magkaoras lang."Napangiti ako sa katotohanang iyon bagaman alam kong bawas na iyon.

Kailangan ko ring intindihin si Maxwell. Iyon ang ipinangako ko sa kaniya.

Pinilit kong lokohin ang sarili ko na naiintindihan ko na ang bagay na 'yon. Hindi ko pwedeng ipilit ang gusto ko lang. Kailangan ko talaga siyang intindihin kung ayaw kong maulit ang pinagdaanan namin. Na kahit hanggang ngayon ay hindi pa namin napag-uusapan 'yon, dahil pareho kaming nalunod sa ibang usapan at gawain, naiintindihan ko.

Napabuntong-hininga ako at napatingala sa langit. Saka wala sa sariling pinanood ang pamilyar na chopper na mukhang sa building na 'yon bababa.

Tama. Hindi pa naman kami kasal so bakit kailangan kong mag-worry agad tungkol sa magiging anak? Kailangan pa naming pag-usapan 'yon. Hindi pwedeng ako nang kung ano-ano, wala pa naman kaming napag-uusapan. Nasisiguro kong may plano na rin si Maxwell. Hindi niya pa lang nababanggit sa 'kin.

"Let's go, baby."

Nagugulat akong napalingon nang mangibabaw ang tinig niya sa likuran ko. "Huh? Saan?" kunot-noo man ay lumapit ako at kinuha ang nakalahad na kamay niya.

Ngumisi siya sa 'kin. "I'll take you somewhere."

Nabuhay ang excitement ko. "Saan?"

"It's a secret," aniya na saka inakay ang bewang ko.

"Maxwell?"

"Hmm?" nilingon niya ako.

"Hindi ba ako magtatrabaho dito?"

Nangunot ang noo niya saka sandaling nag-isip. "Let's talk about it later, baby."

Ngumuso ako. Gano'n din ang sinabi mo no'ng baby ang topic natin. Hindi pa natin napag-uusapan hanggang ngayon. Three days na, mahal ko.

"Bakit dito?" nagtatakang tanong ko nang stairs paakyat sa 'taas ang tahakin namin. Wala nang elevator paakyat doon. "Hindi ka pwedeng mag-stairs masyado, Maxwell."

"Ilang stairs lang naman 'to," nakangiting sabi niya. Saka ako pinagbukas ng pinto.

Gano'n na lang ang pagtatakip ko sa tenga nang salubungin kami ng ingay ng chopper. "Saan ba ang punta natin?" pasigaw niyang tugon.

"Sa island ko," pasigaw rin na sagot niya.

Nabuhay pang lalo ang excitement ko at saka kami patakbo na lumapit sa chopper. Gano'n pa ang gulat ko nang makitang si Dirk ang nasa tabi ng pilot. Tinulungan ako ni Maxwell na maisuot lahat ng gear at ilang saglit pa ay lumipat na iyon.

Panay ang ngiti ko habang nakatingin sa 'baba. Pulos tubig lang naman ang nakikita ko pero hindi humuhupa ang saya ko.

Ano kaya ang gagawin namin do'n?

Kinuha ni Maxwell ang bewang ko at saka itinuro ang labas ng bintana niya. Dahil aapat kami sa chopper ay maingat akong tumunghay sa gawi niya.

Nangunot ang noo ko nang makita ang malaki at puting bahay. Sa ganoong taas namin ay iyong malaking pool at mahabang balkonahe agad niyon ang napansin ko. Namangha naman ako nang makitang may helipad sa malaking lote na nasa bakuran niyon.

Inosente akong nag-angat ng tingin kay Maxwell nang maramdamang nakatitig lang siya sa 'kin habang nakangiti.

"That's your house," aniya na nadinig ko sa headphones.

Umawang ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. Saka ko muli sinulyapan ang bahay na itinuro niya. Sa ikalawang tingin ay saka ko nakita ang iba pang detalye niyon. Kung gaano kalaki ang bahay—mansyon dapat ang itawag doon. Maging ang bakuran niyon ay napakalaki! Kaya paano nangyaring bahay ko 'yon?

"Maxwell..." nahawakan ko ang kamay niya.

Ngumiti siya sa 'kin. "That's our house."

Muling umawang ang labi ko at saka napasulyap doon. Hindi maalis-alis ang tingin ko sa bawat parte niyon na natatanaw ko mula sa bintana ni Maxwell habang pababa ang chopper.

Gumuhit ang luha ko nang makitang nasa bakuran ang parehong mga magulang namin kasama ang aming mga kaibigan. Lakad-takbo kaming lumapit sa mga ito. Sa halip na makipagbatian ay nagugulat kong sinuyod ng tingin ang mansyon na iyon sa harap ko.

Lilingunin ko na si Maxwell nang yumakap siya sa likuran ko. Sabay kaming tumingala doon. "This is your house, baby," bulong niya. "Our house."

Natutop ko ang bibig ko saka naiiyak na iginala ang mga mata sa lahat ng parte niyon na maabot ng paningin ko. Saka ako napaharap kay Maxwell at napayakap.

'Ayun na naman 'yong magkakasunod na tanong na nabuo sa isip ko. Kelan niya plinano ito? Kelan niya pinagawa ito? Bakit napakaswerte ko sa 'yo?

"Baby, please don't cry?" aniyang sinilip ang mukha ko.

Nagsabay ang pagtawa at pagluha ko. "Masaya lang ako."

Ngumiti ka. "You happy?"

Magkakasunod akong tumango saka muling naluha. "I love you." Muli ko siyang niyakap.

"I love you, too," bulong niya saka kinuha ang kamay ko. "Let's go inside," malakas na aniya na inimbitahan ang lahat.

Sa gate pa lang ay panay na ang pag-ungol nina Randall, Lee, Tob, Migz at BJ sa paghanga, natawa kami. Paano kasi ay napakataas niyon at nang makapasok ay sinalubong kami nang napakalaking garden. Iba't iba ang kulay ng mga dahon ng bawat puno. Nakapalibot din ang halaman na namumunga ng bulaklak doon. May malaking swimming pool sa gitna niyon at hindi ko malilimutang meron ding maliit sa 'taas. Na overlooking ang dagat mismo. Kunsabagay, wala yatang parte ang bahay na iyon na hindi makikita ang dagat.

May garahe na kakasya ang nasa apat na sasakyan. Pero kahit ilan pang sasakyan ay pwedeng pumarada sa laki ng bakuran niyon.

Pare-pareho na kaming namangha nang tuluyang makapasok. Halos magmukhang sinehan ang sala dahil sa laki ng TV doon! Napakayakap uli ako kay Maxwell nang maalala ang disenyo ng TV na gusto ko. Napakaganda ng mga sofa. Lahat ng paintings ni Deib Lohr na paborito niya ay naka-display doon. Gusto kong matawa nang ituro ni Maxwell ang hindi mabilang na salamin at sabihing ang mga iyon ang magpapaalala sa 'min kung pumapangit na kami.

"Let's go to your kitchen," may excitement sa tinig ni Maxwell.

"Mm, ito ang pinakamalaking area sa floor na 'to," ani Deib Lohr.

Nagugulat ko siyang nilingon. "Ikaw ang engineer nito?" tanong ko.

"Duh? Mukha bang may iba pang makagagawa nang ganitong kagandang bahay bukod sa 'kin?"

"Arkitekto ka na rin ba ngayon?"

"I am Deib Lohr Enrile Moon, walang imposible sa 'kin."

"Oo nga, angil ko. Napakayabang mo na rin."

"So, sinasabi mong mayabang kami?"

"Ikaw lang!"

"Mas mayabang ang asawa ko."

"Ewan ko sa 'yo," angil ko saka siya tinalikuran.

"Ang arte mo! Hindi naman ako nagkagusto sa 'yo!" pahabol niya na naging dahilan ng tawanan namin.

"This is your kitchen," ani Maxwell.

Gano'n na lang ang paghanga ko sa itsura niyon. Napakahaba ng kitchen island at sa gitna niyon, naroon ang walang burners. Sa likod ay may panibagong island kung nasaan ang tatlong sink at isang dryer. Kompleto ang gamit, lahat ay nakapaloob sa cabinets! Mula sa ref, ovens at iba pa!

"Maxwell!" patiling sabi ko nang makitang kompleto ang lahat ng hihilingin ko. "I love you!"

"I love you, too," ngiti niya. "You like it, huh?"

"Sobra!"

"Kaswerte ni inday!" nakangiwing ani Zarnaih. Sinagot ko lang siya ng tawa.

"Now let's go upstairs," magkahawak-kamay kaming pumunta doon.

Ipinakita niya sa 'kin ang walong kwarto. Sinimulan namin ang master's bed room na siyang tutulugan namin. Maging ang lahat ng bathroom ay nagustuhan ko. Hindi matapos-tapos ang pag-iyak ko dahil sa magkahalong gulat at paghanga.

Lalo pa nang makaakyat kami sa ikatlong palapag at makitang mayroon pang gym doon! May outdoor grill na sa 'baba, hindi ako makapaniwalang meron din sa 'taas. Bukod sa infinity pool na nasa ere pa lang ay hinangaan ko na, lalo na nang harapan kong makita. Wala akong masabi, lahat ay kompleto. Wala na talaga akong hihilingin pa dahil napakaganda ng bahay na 'yon!

"Now I'm going to show you the last room,"aniya.

Umiiyak akong nag-angat ng tingin sa kaniya, natatawa kong pinunasan ang mga luha ko. "Meron pa?"

"Of course," nagmamalaking aniya. Masayang-masaya dahil nagustuhan ko ang kaniyang sorpresa.

Magkahawak-kamay kaming bumaba, naiwan na sa 'taas ang mga kasama namin. Naroon kasi sina Wilma at Tita Heurt na siyang naghanda ng mga pagkain. Sa grilling area sila pumuwesto, sa tabi mismo ng infinity pool sa 'taas.

Umawang ang labi ko nang tuluyan niyang buksan ang malaki at huling kwarto na sinasabi. Sa isang tingin ay alam ko na agad kung para kanino iyon. Sa lahat ng kwartong ipinakita niya ay iyon lang ang may naiibang kulay. Bukod sa nakaimprenta ang iba't ibang drawings sa pader niyon. Ang sahig ay iba rin ang kulay ng carpet.

Naroon ang naggagandahan mga kuna. Talagang hindi lang isa kundi apat pa! May dalawang blue at dalawang pink! Maging ang mga open closet ay punong-puno ng samu't saring damit na pambabae at panlalaki! Sa laki ng kwarto, may sariling playground doon. May sarili ring balkonahe. May sarili ring kitchen bagaman pulos bote ng gatas at iba pang gamit ng baby ang nakalagay. May kulay blue at pink na mga estante na puno ng pambatang mga libro. Hindi ako makapaniwala. Paano niyang nagawa ang lahat ng ito?

Sa pader ay nakasulat sa pilak na bakal ang pangalan naming pareho. Maxwell Laurent and Zaimin Yaz del Valle Moon. Sa ilalim niyon ay nakasulat sa gintong metal ang nakapagpaluha sa 'king pangalan. Maximillian Laurentius del Valle Moon.

"Hmm?" ungol niya, tinatanong kung ano ang masasabi ko.

"Maxwell," luhaan na naman akong tumingin sa kaniya.

Ngumiti siya saka tinanaw ang pangalan ni Maximillian Laurentius. "I want my firstborn to be a boy, Yaz," mahinang aniya, sa paraang para bang nakikita niya na ang magiging anak namin. "I want that to be his name." Saka siya nagbaba ng tingin sa akin. "I hope that's okay with you."

Magkakasunod na pumatak ang mga luha ko saka magkakasunod ding tumango. "Lahat ng gusto mo ay ibibigay ko, Maxwell."

"Then we'll talk about our baby girl's name after. That okay with you? Hmm?"

Tumango ako nang tumango. "Thanks for making me happy."

"You make me happy, baby, you complete me."

"Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka rin tulad nang pagpapasaya mo sa 'kin, Maxwell."Niyakap ko siya.

"I just want you to marry me, I don't want anything else."

"I love you, Maxwell."

"I love you without limits, Yaz." Iyon lang at sinakop niya nang muli ang mga labi ko.

Totoong gusto ko ng babae. Pero ang katotohanang gusto niya ring magkaanak sa akin ay talagang binura ang lahat ng hangad ko pa. Ang sorpresa niya ngayon ang nagbigay sa 'kin nang maraming dahilan para mas pagtiwalaan at mahalin siya. Dahil iba ang plano niya sa akin sa mga gusto ko. Dahil hindi niya kalilimutan ang lahat ng gusto ko. Dahil parati niya pa ring ikinokonsidera ang lahat ng pangarap ko. Mahal na mahal ko ang lalaking ito.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji