CHAPTER 23
CHAPTER 23
"BABY..."
Nagising ako sa paulit-ulit na haplos sa mukha ko. Umiling ako nang paulit-ulit bago tuluyang nagmulat. Nakangiting mukha ni Maxwell ang una kong nakita.
Sa unang pagkakataon ay hindi ko kinayang titigan ang napakagwapo niyang mukha. Sa gano'ng lapit namin ay amoy na amoy ko ang paborito kong pabango niya. Ang mapuputi niyang ngipin, ang mamula-mula at mamasa-masang labi, ang preskong-presko niyang dating, lahat 'yon ay hindi ko mapagtuunan ng pansin ngayon.
"Good morning," aniya saka yumuko at dadampian na sana ng halik ang labi ko nang mag-iwas ako.
Nakita ko nang matigilan siya at tumitig sa 'kin. Pinilit kong ngumiti habang bumabangon saka itinabing ang comforter sa mukha ko.
"Kagigising ko lang," dahilan ko. "Nahihiya ako."
Natatawa niyang inalis ang comforter. "It's fine."
"No," agad na tanggi ko saka tumayo.
Nagtataka niya akong tiningnan saka ngumiti. "Okay," tumayo siya at saka naupo sa single sofa. "I'll wait for you here."
Maxwell...
Napatitig ako sa kaniya habang siya ay nakatingin din sa akin. Sa takot kong baka magtaka na siya ay ngumiti ako at isinenyas na pupunta lang sa restroom.
Napasandal ako sa pinto at wala pa man ay naiiyak na naman ako nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko matanggap sa sarili ko na ginusto kong bumaba para makita si Maxrill. Hindi ko matanggap kung paanong nasundan ko siya hanggang sa kaniyang unit. Hindi ko lubos maisip kung bakit ko ginantihan ang halik niya.
Umalis ako sa pagkakasandal at tumitig sa pinto na para bang tumatagos doon ang paningin ko para makita si Maxwell.
Paano kung malaman niya? Umiling ako nang umiling dahil sa naisip. You're so stupid, Yaz! Ang tanga-tanga mo! Ang tanga-tanga mo talaga!
Naihilamos ko ang mga palad ko at saka tuluyang naluha. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nahigitan niyon ang mga kaba na naramdaman ko sa nakaraan. May kung ano sa 'kin na takot na takot mawala sa 'kin si Maxwell dahil sa sarili kong katangahan.
Sa buong buhay ko, sa dami ng katangahan ko, ngayon lang ako pinakanagsisi. Ngayon lang ako natakot nang ganito katindi. Ngayon lang ako nag-alala nang sobrang lala. At wala akong ibang sinisisi kung hindi ang sarili kong katangahan.
Mahal ko si Maxwell. Mahal na mahal ko si Maxwell. Magkakasunod na pumatak ang mga luha ko. Natatakot akong malaman niya ang tungkol doon. Paniguradong magagalit siya at natatakot akong hiwalayan niya ako nang dahil do'n.
Paano mong nagawa 'to, Yaz? Tanong ko 'yon sa sarili pero pakiramdam ko ay si Maxwell ang nagbulong sa 'kin. Muling tumulo nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tingnan siya kung nagkataong itanong niya nga 'yon. Hindi ko kakayaning sagutin siya. Ngayon pa lang, pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap pa.
Dumeretso na ako ng ligo. Ayaw kong magtaka si Maxwell sa pagtatagal ko. Lalong ayaw kong mahalata ni Maxwell ang namumugto kong mga mata kaya dalawang beses akong naghilamos.
Kausap niya na si Lee sa kusina nang matapos ako at pumasok sa kwarto para magbihis at ayusin ang mga gamit na dadalhin ko.
"Bakit kasi hindi mo pa kagabi inayos 'yan, ate? Naghihintay na ang uyab mo," ngingisi-ngising ani Zarnaih. "Pasalamat ka at may sarili silang eroplano," tawa niya pa. "Kaso hindi rin yata pwedeng maghintay nang matagal kasi limited lang 'yong parking time ba 'yon?"
Hindi ko siya sinagot. Ni hindi ako sigurado kung naintindihan ko ba nang tama ang mga sinabi ng kapatid ko. Basta ang alam ko ay nagsalita siya.
"Baka sa sobrang kaartehan mo, madala mo naman buong Palawan? Don't tell me magmamaleta ka pa?" dagdag niya.
Napabuntong-hininga ako. Naririndi ako na hindi maintindihan. "Kaunting gamit lang naman ang dadalhin ko dahil sa bahay naman tayo uuwi," sagot ko, hindi man lang siya nilingon.
"Naku, for sure matutuwa sina mommy nito. Gustong-gusto nila si Maxwell, ate. Saka ang tagal mong hindi nag-boyfriend!" Hindi ko siya sinagot, sandaling katahimihan ang namagitan sa 'min. "Assuming ka naman, e, 'di ba? Matanong kita, ate," bahagya siyang lumapit."Nagparamdam na ba ng kasal ang uyab mo, ate? Ano, ha?"
Natigilan ako sa paglalagay ng gamit sa bag. Mabilis na nangilid ang mga luha ko. "Hindi namin...napag-uusapan ang kasal."
"Feeling ka naman, ate, e, ano sa tingin mo, ha? Kasi knowing Maxwell, ate, deretso future ang tingin niyan. Si Maxwell Laurent del Valle 'yong tipong nanliligaw pa lang, ipinagpapatayo ka na ng bahay. Kasasagot mo pa lang ay inaasikaso na ang negosyo para sa extra income niyo. Napakaswerte mo,"marahas niyang bulong, mas excited kaysa sa 'kin.
Lalo pang namuo ang mga luha sa mata ko dahil sang-ayon ako sa sinabi niya. And yet nagawa ko siyang pagtaksilan. Napapikit ako at tuluyang napaluhod sa carpet.
What the fuck did I do?
"Nako, for sure maiinggit ang college friends and enemies mo kapag nakita kung gaano kagwapo ang boyfriend mo! Isama mo si Maxwell sa alumni keme niyo, ate!"
Hindi ko na siya nagawang sagutin. Palihim kong pinunasan ang mga luha ko saka nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.
"Ate!"
"Ano ba?" angil ko. "Ang ingay mo! Nakakainis!"
Natahimik siya. Akala ko ay mananahimik na siya ng tuluyan pero naglakad siya papalapit sa 'kin.
"Dinedma ko na kanina pero napapansin ko talaga, eh," hindi ko namalayan ang paglapit niya. "Ba't may topak ka? Nag-away ba kayo?"
"Hindi. Please, bigyan mo muna ako ng katahimikan, Zarnaih."
Napakislot ako nang may kumatok at bumukas ang pinto. Nalingunan ko si Maxwell, awtomatiko akong ngumiti bagaman pilit.
"Would mind if I come in?" tanong niya, tiningnan kaming dalawa ni Zarnaih.
"Ano ka ba, may anak naman na 'ko kaya hindi ko iisiping type mo 'ko, tuloy ka," ani Zarnaih.
Tawa lang ang isinagot ni Maxwell saka dumeretso sa 'kin. "Are you okay?" aniya na ang paningin ay naro'n sa mga gamit. "I'll help you."
"No, I'm...I'm almost done," basta ko na lang inilagay ang mga gamit ko sa handbag ko at isinara 'yon. "Done."
"I'm hungry," nakangusong aniya, hinihimas ang tiyan habang hawak ang kamay ko.
"Do you want me to cook for you?" nag-aalalang tanong ko.
"Nako, sorry, enough lang kasi ang niluto ko dahil sabi ko aalis din naman tayo," ani Zarnaih. "Ayaw kong may matirang foods."
"It's okay," sabi ko saka hinigit ang kamay ni Maxwell. "I'll make a sandwich for us."
Dinala ko siya sa kusina at agad kong inilabas ang lahat ng kakailanganin ko. Dali-dali akong nagluto ng ham at egg rolls na madalas nilang kainin, hinaluan ko iyon ng minced carrots at spring onion. Saka ako nag-toast ng bread na may margarine sa ibabaw. Ipinagtimpla ko siya ng coffee nang matapos ang lahat.
"Go ahead and eat, Maxwell," sabi ko habang nagpupunas ng kamay.
Sa halip na sundin ako ay nakangiti siyang tumingin sa 'kin. "I'm so lucky to have you."
Natigilan ako saka tinalikuran siya at ibinalik sa handle ng ref ang towel na hawak ko. Nakababa na ang tingin ko nang muling lumapit sa kaniya.
Sa halip na sa harap ay doon ako naupo sa tabi niya. Hindi ko talaga kayang salubungin ang tingin ni Maxwell ngayon. Nilalamon ako masyado ng konsensya ko at nangangamba akong baka bigla na lang ako maiyak sa harap niya.
"I'd love to wake up beside you and watch you make pancakes for me," aniya sa nanunuksong tono, nakatingin sa 'kin at hindi pa rin ginagalaw ang pagkain niya.
Kinaya kong ngumiti pero hindi makisama ang mata ko. Pilit ko na lang nililiitan 'yon na para bang mapipigilan niyon ang pamumuo ng mga luha ko.
"Kumain ka na," sabi ko na itinuon agad ang paningin sa mga inihanda ko.
"Every Sunday, we'll watch movies in our pajamas, eating pizza, fries, burgers, sa sofa...sa floor..." patuloy niya, nakangiti na para bang nakikita niya na 'yon.
Namuo ang mga luha ko, gano'n na lang ang tindi ng pagpipigil ko sa pagpatak niyon. Nakangiti kong isinubo na lang basta ang egg rolls at dali-daling dumampot ng tissue. Kasabay ng paglagok niya sa coffee ay pinunasan ko ang mga namuong luha sa mata ko.
"I guess you're not yet ready for that, huh?"bigla ay tanong niya.
Natitigilan, nagugulat ko siyang nilingon. "Of course, I'm ready," sinikap kong huwag mautal.
Tumitig siya sa inihanda kong pagkain nang may tipid na ngiti sa labi saka pa lang nagsimulang kumain.
"Maxwell," hinawakan ko siya sa braso.
"Mm?" nilingon niya ako saka muling ibinaling ang tingin sa pagkain.
"Sorry..." Ang puso ko ay gusto nang sabihin sa kaniya ang bumabagabag sa 'kin. Pero ang kaba ko ang kumakain sa kakatiting na lakas na loob na meron ako.
"For what?" tanong niya, seryoso. Pero hindi ko nakuhang sumagot. "Sorry for what, baby?"
"Nothing," utal kong sagot.
Matagal siyang tumitig sa 'kin. "Am I...missing something?"
"No, nothing," agad kong iling. Gaya kanina ay tumitig lang sa 'kin, matagal at emosyonal. Lalo tuloy akong kinakabahan. "Hindi maganda ang gising ko." Totoo 'yon.
Pero gusto ko ring pagsisihang ganoon pa ang sinabi ko, sa pag-aalalang baka maghanap siya ng dahilan sa mga pinagsasasabi ko.
"Nabibilisan ka ba sa 'kin?" mayamaya ay tanong niya, seryoso. "Don't like my plans?"
"What do you mean?"
"Do you want to do this?" nilingon niya ako.
"Alin?"
Muli siyang tumitig sa 'kin na para bang hindi inaasahan na gano'n ang isasagot ko. Bakit nga ba iyon ang isinagot ko gayong alam ko ang tinutukoy niya?
Stupid, Yaz! You're so stupid!
"Do you still want me to meet your parents?"
Napatitig ako sa kaniya. "Of course!" matagal bago ako nakasagot. Tumitig siya sa 'kin na para bang inaalam kung totoo ang sinabi ko. "Of course, Maxwell, I want to do this. I want you to meet my parents. And I'm happy to introduce you to them as my boyfriend."Tumayo ako at yumakap sa kaniya.
"You're making me worry," 'ayun na naman 'yong malungkot niyang tinig. Napapikit ako sa likuran niya. "I feel like something's wrong."
Umiling ako nang umiling. "No, everything's...all right."
"You sure?"
Sinalubong ko ang tingin niya. "Of course."
Tinitigan niya ako at nang makontento ay siya na ang yumakap sa 'kin.
Tahimik naming tinapos ang agahan at mayamaya pa ay paalis na kami.
Wala nang katahimikan nang magsimula ang aming byahe, hindi mahinto ang bibig ni Zarnaih sa pagkukwento. Ang isip ko ay kung saan-saan lumilipad pero pilit kong itinutuon ang atensyon ko kay Maxwell na noon ay naroon sa harap ko.
"I'm sleepy," aniya mayamaya. Ngumiti ako at tinanguan siya.
Pinanood ko siyang matulog. Pero mayamaya lang ay 'ayun na naman sa paglalayag ang isip ko. Sumilip ako sa labas ng bintana at maiiyak na naman yata sa pag-iisip.
Panay ang pagtatanong ko sa sarili kung bakit ko iyon nagawa. Paulit-ulit kong kinuwestyon ang sarili ko kung bakit ako tumugon sa halik ni Maxrill. Ilang beses kong kinastigo ang sarili kong damdamin kung may nararamdaman ba ako para rito. Pero paulit-ulit din niyong sinasabing si Maxwell ang mahal ko. Ngunit nakarating na kami sa Cebu at lahat, hindi ko pa rin mabigyan ng dahilan ang sarili kung bakit ko iyon nagawa.
"Ano'ng problema?" pasimple akong nilapitan ni Zarnaih nang makarating kami sa airport ng Cebu.
"Ha?" lutang kong tugon saka tinanaw sina Maxwell na noon ay umo-order ng coffee.
"Para ka nang maiiyak habang nakatitig sa bintana kanina, ate. Hindi excitement ang nababasa ko sa mga mata mo. Ano'ng problema?"
"Zarnaih."
"Tell me the truth, ate," seryoso siya.
"I don't know what you're talking about, Zarnaih."
Pinigilan niya akong talikuran siya. "Sinasabi ko sa 'yo, ate, malakas ang pakiramdam, sinuman sa mga del Valle. Umayos ka."
"Ano ba'ng sinasabi mo?" angil ko.
"Na ako ngang kapatid mo ay nakakahalatang may kakaiba sa 'yo kaya hindi malabong makahalata rin itong mga kasama mo," dere-deretso, mabilis at galit niyang sinabi. "Umayos ka, ate."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Zarnaih."
"Hindi nga ba? Wala nga ba talagang problema? Kanina ka pa lutang. Hindi ka ganyan, ate. Excited ka parati kay Maxwell. Pero ngayon..."
Napatitig ako sa kaniya at agad na nag-iwas ng tingin.
"See?" dagdag niya, huling-huli ang mga aksyon ko.
Damn it!
Napapailing akong nag-iwas ng tingin at bago ko pa mapansin ay nangingilid na ang mga luha ko.
"Ate..." marahan niya na akong iniharap sa kaniya. "Tell me, what's going on?" nag-aaalala ang tinig niya. "Believe me, halata ka masyado."
"May...nangyari kasing ano..." hindi ko maituloy.
"Ano?"
Magsasalita na sana ako nang maiiyak na akong mapatitig sa kaniya. "Fuck..." nasapo ko ang noo ko.
"Ano'ng nangyari?"
"Hinalikan ako ni Maxrill." Mahinang sagot ko. Nakita ko nang matigilan siya ngunit hindi niya nakuhang magsalita. "Damn it."
"Bakit?"
"Ano'ng bakit?" inis kong tugon. "Alam mo ang dahilan."
"Alam kong may gusto siya sa 'yo pero bakit ka niya hinalikan, alam niyang boyfriend mo si Maxwell, ate."
"Hindi 'yon ang problema ko, Zarnaih."
"Ay, punyeta, ate..." Wala pa man ay parang naghihinala na siya.
"G-Gumanti ako sa halik niya," tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
"Punyeta ka, ate," gigil niyang sinabi.
Sunod-sunod kong pinahira nang mga luha ko. "Hindi ko sinasadya, hindi ko...hindi ko alam!"paulit-ulit kong naihilamos sa mukha ko ang mga palad ko.
"Ayusin mo ang sarili mo, nariyan na si Maxwell."
Aligaga akong napaayos, pinahiran ko nang pinahiran ang mukha ko. Mabuti at hindi ako naglagay ng kahit anong koloreteng makakasira sa itsura ko. Kinuha ko ang sunglasses ko sa bag at mabilis na isinuot.
"Coffee," iniabot sa 'kin ni Maxwell ang isang cup.
Hindi naman na namin nagawang mag-usap ulit ni Zarnaih dahil nag-ring ang cellphone niya at si mommy ang tumatawag.
Si mommy ang agad na sumalubong sa 'kin, si daddy naman ay sinalubong si Zarnaih at pamilya nito. Saka ko pa lang naiharap sa kaniya ang pamilyang Moon.
"I can't believe you are all here," ani mommy nang nasa van na kami pauwi sa bahay.
Malaki ang family van namin, customized ang interior niyon. Sa likod ng driver and passenger's seat ay may dalawang single seat kung saan naroon sina mommy't daddy ngayon. Kaharap no'n ay apat na dalawang double-seater kung saan nakaupo sina Tito More at Tita Maze, at si Mokz sa tabi. Naroon naman kami sa three-seater ni Maxwell sa bandang likuran ng kaniyang lolo. Sina Zarnaih at kaniyang pamilya ay nasa likuran namin.
"Nako, hindi nakatulog ang isang iyan dahil sa sobrang excitement," sabi naman ni daddy.
Nakangiti kong nilingon si Maxwell, nakangiti niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon sa kandungan niya.
Sinulyapan ko si Maxpein, panay ang lingon niya sa kung saan habang karga ang anak. Si Deib Lohr ay natutulog. Sina Tita Maze, Tito More at Mokz ay lumilingon-lingon sa labas pero kadalasan ay tutok sa harap ang tingin.
"Wala yata iyong bunso ninyo?" mayamaya ay tanong ni mommy.
Nawala na naman ang ngiti sa labi ko nang maalala si Maxrill. Nag-iwas agad ako ng tingin, taliwas kung saan naroon si Maxwell. Pero sa gilid ng mata ko ay naramdaman ko sa 'kin ang tingin ni Zarnaih.
"Yeah, I'm sorry, he wasn't able to join us here," agap na sagot ni Tita Maze. "Nagsisimula pa lang siya sa profession niya and he's currently going through a busy time in his life."
"Diay? Parang kailan lang ay isip-bata pa iyon bagaman binatilyo na, ano?" nakangiting ani mommy.
"Ganoon nga," tatawa-tawang ani Mokz, palibhasa'y ito ang halos tumutok sa apo maliban sa pumanaw na chairman. "Ngayon ay may nagugustuhan na."
"Nako! Sinumang magustuhan ng inyong mga apo ay napakaswerte. Bukod sa gwapo at may pinag-aralan ay napalaki ninyong tama at mabubuting mga bata." Sinulyapan ni daddy si Maxwell.
"Kumusta naman itong gwapong doctor natin?" nakangiting baling dito ni mommy. "Itong mga gwapong lalaking ito," sinulyapan niya sina Lee at Deib Lohr na parehong tulog. "Pinagtitinginan ng mga kababaihan sa airport. Nako..."
Napangiti rin ako nang makita ang kislap sa mga mata ni mommy matapos sulyapan ang kamay naming magkahawak. Maski si daddy ay hindi naitago ang tuwa nang sulyapan kami.
Naramdaman ko nang mailang si Maxwell. Nakangiti niyang nakamot ang kung ano-anong parte ng mukha, naiilang na tumingin sa 'kin saka tumango sa mga magulang ko.
"It's nice to see you again...po."Mahihimigan ang kaba at pagkailang ni Maxwell, na maging mga magulang niya ay naramdaman iyon kaya natawa.
Hindi na nagawang sumagot nina mommy't daddy. Hindi na rin nawala ang ngiti at tingin nila sa kamay naming magkahawak hanggang sa makarating kami sa bahay.
Makikita ang paghanga sa mukha ng mga Moon nang makita ang mansyon namin. Masaya ako na pumasa sa panlasa nila ang bahay namin na halos kalahati lang ng sa kanila.
"I'm sure you're all hungry," ani mommy. "Ipapapanhik ko na sa itaas ang mga gamit ninyo. Mag-lunch na tayo."
"I like your house," ani Maxwell, habang hawak ang kamay ko.
"Thank you."
"I love you," aniyang hinalikan bigla ang kamay ko.
"I love you."
Tumuloy kami sa dining area. Ang parteng iyon, bukod sa kitchen ang pinakamodernong parte ng aming bahay. Sa gitna ng floor ay may nakapailalim na malaking aquarium kung saan naroon ang mga alagang coy ni daddy. At isa lamang iyon sa marami niyang aquarium.
Nagkatinginan at natawa kami ni Zarnaih nang manguna sa 'min si Maxpein. Gaya ng inaasahan ay napatalon ito nang mapansin ang tinatapakang glass floor.
"Mahilig sa isda ang daddy ko, nabanggit ko na sa 'yo 'yon," tawa-tawa si Zarnaih. Napilitang ngumiti at tumango si Maxpein at iniwasang tapakan ang gawing iyon.
Napakaraming seafoods na nakahanda. Habang kumakain ay walang hinto sa pagkukwento sina mommy't daddy tungkol sa fish farming business namin. Ibinida nila kung paano silang nagsimula noon. Kung paanong nag-struggle ang business namin. Hanggang sa mag-boom ulit at makapagpatayo kami ng sariling sardines manufacturing company.
"Malungkot kasi helpers na lang ang kasama namin," mayamaya ay malungkot ngang ani mommy. "Parehong babae ang anak namin. Iyong isa ay may pamilya na nga pero noon pa man ay hindi na namin nakakasama. Ito namang si Zaimin, dalaga nga ay nalayo rin naman."
"Mahirap namang pigilan," dagdag naman ni daddy. "Alam mo namang tayong mga magulang. We always want what's best for our children and that includes their happiness. Kung masaya sila na malayo sa amin ay suporta na lang. Mabuti at mga responsible, madalas namang tumawag at mangumusta."
Natawa si Zarnaih. "Ano bang meron dito sa sugpo at nagda-drama ang mommy't daddy?"
Nakangiting sinulyapan nina mommy't daddy si Maxwell, na noon naman ay naiilang na lumingon sa 'kin. Gusto kong matawa dahil sa pagkakakilala ko sa kaniya, hindi ko inakalang makikita ko sa ganitong sitwasyon.
"Uhm," matunong ang pagbuntong-hininga ni Maxwell. "Actually, we're here po to let you know that...uhm..." Hindi ko inaasahang lilingunin niya ang mga magulang sa paraang tila humihingi ng tulong.
Natawa ako saka inilapit ang mukha sa pandinig niya. "Relax, baby..." bulong ko.
Nilingon niya ako at nakagat ang sariling labi. "Yeah, I got this," bulong din niya.
"Yaz and I are in a relationship...po," sa wakas ay nasabi ni Maxwell.
Sandaling napamaang sina mommy't daddy saka sabay na natawa. Nahuhulaan ko nang gaya ko ay naiisip nila na sa sobrang kaba na makikita kay Maxwell ay animong mamamanhikan na ito.
"I promise I'll take good care of her, tito, tita." Gusto kong matawa sa pagiging seryoso ni Maxwell ngunit takot akong magalit ito.
"Iyon pa nga lang hindi kayo ay hindi mo na pinabayaan ang anak ko. Hindi na kwestiyonable iyon ngayong kayo na," ani daddy.
"At masaya ako, kami, na sumadya ka rito para ipaalam sa amin ang inyong relasyon."Madramang tumayo ang aking ina upang lumapit at yumakap kay Maxwell. "Alagaan ninyo ang isa't isa. Nasa edad naman na kayo, hindi na kailangang turuan sa mali at tama. Ang sa 'kin lang ay paghandaan ninyong mabuti ang kinabukasan. Para rin naman sa inyo 'yan."
"We will...po," nakangiting ani Maxwell.
Gusto kong matawa sapagkat kung isunod niya ang paggalang ay para bang parati niyang nalilimutan.
Tumayo siya at tumango sa mommy ko. "Thank you, tita." Saka siya humarap sa aking daddy at muling tumango. "Thank you, tito."
Pinigilan kong matawa sa kaniya, takot mabastos ang ganoon nilang kultura.
"Nako, hija, kailangang igala mo si Maxwell sa buong lugar," suhestyon ni mommy saka bumaling kay Maxwell. "Alam ko kung gaano ka-busy ang trabaho mo, you deserve a break."
"Yes, tita." Nakangiti akong nilingon ni Maxwell. "I'm excited."
"Kami na ng daddy mo ang bahala sa family niya," paniniguro ni mommy.
Hindi ako nagsayang ng sandali. Sa halip na magpakalunod sa pag-iisip ay sinunod ko ang sinabi ni mommy. Adventurous si Maxwell. Naaalala ko noon sa t'wing may off siya sa trabaho ay inilalaan niya 'yon sa pagta-travel kung saan-saan. Kahit isa o dalawang araw lang 'yan ay kung saan-saang parte ng Batangas at Laguna siya pumupunta. Nandiyan iyong aakyat siya ng bundok, madalas naman ay nagbababad lang sa dagat mag-isa.
Nang matapos kaming kumain ay nagpunta kaming lahat sa 'taas. Nahihiya naming inisa-isa ang mga kwartong naroon sa kanila.
"Nako, paano ba ito, tatlo lamang ang bakanteng kwarto sa ngayon," nahihiyang ani mommy.
Ang isang kwarto ay para kina Tita Maze at Tito More. Ang isa ay kina Maxpein, Deib Lohr at Spaun. Ang isa ay kay Mokz. May sari-sarili kaming kwarto ni Zarnaih kaya doon sa kanya mananatili sina Lee at Zaydie.
Nagkatinginan sina mommy at daddy, nahihiya.
"I can sleep downstairs," ani Maxwell. "It's okay."
"No, you can stay in my room," ngiti ko. "Ako na lang ang doon sa 'baba."
Bigla ay gusto ko ring mahiya. Hindi namin kailanman naranasan ito sa pamilyang Moon. Napakaraming bakanteng kwarto sa mansyon nila. Sa t'wing aalis ay kayang kaya nilang mag-provide ng tig-iisang kwarto para sa mga bisita.
"Bakit hindi pa kayo magsama sa iisang kwarto? Matatanda naman na kayo,"nakangiwing suhestiyon ni daddy.
"Dad..." kamot ang ulong sabi ko.
"Arasseo," ani Maxpein. "Let them sleep together."
Nakita ko nang magkatinginan sina Tita Maze, Tito More at Mokz. Sabay-sabay ring bumuntong-hininga ang mga ito. Pero walang nagawa sa tiwala ni Maxpein. Tiwala na pareho naming sinusuway ni Maxwell.
Pumasok sa kani-kaniyang kwarto ang lahat para magpahinga kaya tumuloy kami ni Maxwell sa kwarto ko.
Pinanood ko nang ilapag niya ang kaniyang maleta at mabilis na iginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto.
"I like your room," aniya.
Gusto kong matawa. Marahil ay hindi niya inaasahang sa arte kong ito, ganoon lang kasimple ang kwarto ko. Halos puti ang lahat, kung may maiba man ay naglalaro lamang iyon sa gray o black na kulay, o kung hindi naman ay sa salamin.
Gaya rin ng inaasahan ay nagustuhan ni Maxwell ang malaki at pabilog kong bintana na may overlooking view ng nature at pond.
Niyakap niya ako sa likuran at sabay naming tiningnan 'yon, tahimik lang at parehong nakangiti.
"I've never felt so complete in my life, Yaz,"masaya ang tinig niya. "Akala ko before, profession ko lang, okay na 'ko." Tumawa siya sa huli. "Because of you I get to experience everything. All my dopamine levels go silly because of you. You're like a...coronary artery because you're wrapped all around my heart. "
Napalingon ako sa kaniya saka natawa. "Oh, my God, Maxwell. Pick-up line ba 'yon?"Natawa rin siya saka tumango. "It runs in your blood, 'no?"
"Alin?"
"'Yong ganiyang mga banat na...ang weird!"
Lalo siyang natawa. "Si Maxpein ang pinakamagaling bumanat sa amin."
"Okay," natatawa akong nagkibit-balikat.
"But..." inilapit niya ang labi sa sensitibong parte ng leeg ko. "If I were an enzyme, I'd be a DNA helicase."
"Why?" nakangising sabi ko.
"So, I could unzip your genes..." bulong niya saka natawa.
"Puro ka kalokohan." Tinapik ko ang kamay niya.
Iniharap niya ako sa kaniya at nakangiting tinitigan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mukhang nahuhulaan ko na ang susunod niyang gagawin.
Nahawakan ko ang pareho niyang braso. "Maxwell..."
"Mm?"
"Baka...pumasok ang parents ko."
Natitigilan siyang tumingin sa 'kin saka sinulyapan ang pinto. "Wala naman tayong ginagawa."
Napalunok ako. "Oo nga."
Pinagkunutan niya ako ng noo at saka marahang binitiwan. Muli siyang tumitig sa 'kin saka niya ako tinalikuran. Dumeretso siya sa mga gamit niya at naglabas ng ilang damit mula roon.
"Maxwell," habol ko sa kaniya.
"I'm sorry, Yaz."
"For what?" nauutal na tanong ko.
Pero hindi siya sumagot sa halip ay isinara niya ang maleta at itinabi iyon sa gilid. "Tell me, saang hotel ang pinakamalapit dito? I can...stay there."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Sunod-sunod akong umiling. "No. Please. I want you to stay here."
Muli siyang tumitig sa 'kin. Kanina pa man ay napapansin ko nang panay ang pagtitig niya sa paraan na para bang inaalam kung ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay akma sa reaksyong nababasa niya sa mukha ko.
Pero nagbaba lang siya ng tingin. "I'll use the bathroom if you don't mind."
"Maxwell," muli ko siyang hinabol nang akma siyang dederetso na doon.
"I hope you're not thinking about somebody else while we're together, Yaz."
Napayakap ako sa kaniya. "Please 'wag kang mag-isip nang ganyan."
Tumitig siya sa 'kin saka kinalas ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Pilit muli siyang ngumiti saka tinalikuran ako para pumasok sa bathroom.
Ngumiti siya sa 'kin. "That night...I saw you and Maxrill together. Hinila ka niya papasok sa unit niya," parang mababasag ang boses niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib ko. "Sana walang kinalaman do'n 'yong dahilan kung bakit ganito ka sa 'kin ngayon."
Nagbaba siya ng tingin saka muling ngumiti. Natulala na ako nang tuluyan at hindi nakapagsalita. Napatitig lang ako sa pinto ng bathroom kung saan siya pumasok.
Nakita niya kami...nakita niya kami. Paulit-ulit iyong umugong sa isip ko.
Naupo lang ako sa bed at hinintay siyang matapos. Panay ang tingin ko sa pinto, hinihintay na bumukas 'yon at lumabas si Maxwell. Pero sinadya niya yatang magtagal doon dahilan para makatulugan ko ang paghihintay at pag-iyak.
Nagising ako sa ilang na nagmumula sa labas. Nakabukas ang pinto nang magmulat ako. At napabalikwas ako ng bangon nang sulyapan ko ang bintana at madilim na. Sinulyapan ko ang relos ko at mag-aalas onse na ng gabi. Dali-dali akong tumuloy sa bathroom at nagsepilyo saka bumaba.
"Hindi niyo ko ginising," nakasimangot kong sabi nang madatnan ang mga lalaki sa kusina na umiinom ng beer. "Baka malasing kayo."
Sinulyapan ko si Maxwell na noon ay deretsong nakatingin sa 'kin. Ngumisi siya ngunit nag-iwas lang din ng tingin.
Nakanguso akong lumapit sa kaniya. "Baka malasing ka."
"Yeah, compared kay Maxrill ay mahina akong uminom," ngisi niya. Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "Mag-dinner ka na."
"I'm not hungry," sabi ko.
Nilingon niya ako, nangunguwestyon ang tingin. Awtomatiko akong dumampot ng plate na naroon sa tabi at sumandok ng rice at lechon. Nakangiti akong sumubo habang nakatingin sa kaniya.
"I love you," nakangising sabi ko.
"Tsh." Bumuntong-hininga siya saka lumagok sa baso.
Tiningnan ko ang boteng hawak nina Deib Lohr, Lee, Tito More, Mokz at daddy. Tanging si Maxwell lang ang nakabaso kaya natawa ako.
"Ayaw mong tumungga sa bote, 'no?" nang-aasar kong sabi. "Marumi?"
"Si Maxrill lang ang tumutungga sa bote."Hindi ko inaasahan ang sagot niya.
Lumaylay ang mga balikat ko. "Bakit ba puro siya ang binabanggit mo?"
Lumapit siya sa pandinig ko. "Dahil siya ang iniisip mo."
"Maxwell," pinagkunutan ko siya ng noo.
"Finish your food."
Hindi na ako nagsalita at basta na lang ako kumain. Hindi ko magawang lunukin nang ayos ang kinakain ko dahil parang bumabara 'yon nang paulit-ulit sa lalamunan ko.
Naunang nagpaalam si Deib Lohr na sinundan naman nina Lee. Nang lalong lumalim ang gabi ay nagpaalam na rin si Tito More dahilan para sina Mokz at daddy ang maiwan kasama namin.
"Matulog na rin kayo, Yaz," ani daddy. "Lasing na si Maxwell."
"I'm fine, tito," ani Maxwell, hindi mahihimigang may tama bagaman amoy beer na.
Nagsalita si Mokz sa ibang lenggwahe. Bagaman hindi ko naiintindihan ay batid kong pinagsasabihan niya si Maxwell. Hindi na ako magugulat kung tumama ang hula ko. Sinasabi marahil nito kay Maxwell na mag-ingat dahil nakainom siya at magkasama kami sa iisang kwarto.
"Ako na pong bahala sa kaniya," sabi ko saka inakay si Maxwell pabalik sa kwarto. "Hindi ka ba lalamigin sa suot mo? Malamig dito dahil centralized ang aircon."
Hindi ako nakatanggap ng sagot. Sa halip ay kumalas siya sa pagkakaakay ko at nauna papasok sa kwarto. Kumuha siya muli ng gamit sa maleta at dere-deretsong tumuloy sa bathroom.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang hinihintay muli siyang matapos. Pero hindi gaya kanina ay hindi siya nagtagal doon. Wala pang sampung minuto ay lumabas siyang tumutulo pa ang buhok at nakatapis ng twalya.
Kinuha ko naman ang towel ko at ako naman ang sumunod sa bathroom. Sinulyapan ko siya ngunit hindi man lang yata siya tumitingin sa gawi ko. Nakanguso akong naligo at nagpalamon sa konsensya ko.
Hindi rin ako nagtagal sa bathroom. Pero nakahiga na si Maxwell nang lumabas ako. Nakanguso akong nag-lotion habang nakatingin sa gawi niya. Hindi siya gumagalaw kaya naisip kong baka tulog na. Mabilis akong nagbihis. Ipinatay ko ang ilaw saka ako nahiga sa tabi niya.
Isiniksik ko nang isiniksik ang sarili hanggang sa magdikit ang katawan naming dalawa. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Yumakap ako pero ilang saglit lang ay tumalikod siya sa gawi ko.
"Maxwell..."
"Mm?"
"Galit ka ba sa 'kin?"
"Hindi. Go to sleep."
"Face me."
"I sleep like this."
"You're mad at me, eh..."
"I'm not."
Hinigpitan ko ang pagkakayakap at nakangusong umangat at inihiga ang mukha sa tabi ng mukha niya.
"Maxwell..." ang sarap-sarap sabihin ng pangalan niya. Lahat na lang sa kaniya masarap.
"Hm?"
"'Wag ka nang magalit."
"I'm not galit. I'm just sleepy."
"Galit ka."
"I'm not."
"Galit ka, eh."
"Then, tell me why." Bigla ay hinarap niya ako. "Tell me why you're thinking that I'm galit." Seryoso na sana akong mag-aalala pero natawa ako sa huling salita niya. "Tsh."
Hindi ko napigilang matawa at sa huli ay nagpigil siyang matawa. "I love you," bulong ko.
"I love you," malambing na aniya saka dinampian ng halik ang tungko ng ilong ko. "I love you so much," emosyonal niyang dagdag.
Hinalikan ko siya sa pisngi, paulit-ulit. Bahagya niyang iniharap ang mukha sa 'kin at ginawaran din ako ng halik. Bahagya kong kinagat ang pang-ibaba niyang labi dahilan para malanghap ko ang amoy ng alak na naiwan sa hininga niya. Muli ko siyang hinalikan sa labi saka iyon pinagapang sa kaniyang tainga.
Nararamdaman kong makiliti si Maxwell dahil sa pigil na pagdaig niya at matunog na paglunok. Niyakap ko ang katawan niya at paulit-ulit na hinaplos 'yon. Matunog kong hinalikan ang kaniyang tainga na may kasabay ng kaunting pagbuga ng hangin. Nararamdaman kong lalong umiinit ang kaniyang katawan.
Bumaba ang kamay ko papunta sa trono at awtomatiko niyang hinuli ang labi ko nang kumilos ang kamay upang paglingkuran iyon.
Akala ko ay ako ang maghahari nang gabing iyon ngunit nang sandaling kumilos ang kamay niya ay naramdaman ko kung sino ang mas makapangyarihan sa 'ming dalawa.
Gano'n kabilis niyang nailihis paitaas ang pantulog ko at gamit ang isang kamay ay nahubad ang tinatakpan niyon.
Bumangon ako at nakatingin sa kaniyang hinubad ang pantulog ko. Ang naliliyo niyang mga mata ay hindi maalis sa 'kin. Marahan akong pumaibabaw sa kaniya nang hindi rin inaalis ang tingin nang pag-isahin ko ang trono at ang korona. Ibinaon niya ang ulo sa unan nang tuluyan akong makaupo.
Inihawak niya ang parehong kamay sa magkabilang balakang ko at pinakilos ang katawan ko sa paraang pareho kaming nakokontento.
Pabilis nang pabilis, pabaon nang pabaon. Bago pa ako makagawa ng ingay ay bahagya na siyang bumangon na siya at inangkin ang mga labi ko.
Pareho naming habol ang hininga nang muling mahiga. Yumakap ako sa kaniya at pumikit.
"My dad talked to me," mayamaya ay pabulong na aniya habang nilalaro ang ilang piraso ng buhok na naroon sa balikat ko.
Hindi ko na nagawang tumugon nang mangibabaw ang antok ko dahil sa pagod.
"They want us to marry," dagdag niya.
Awtomatiko akong napamulat at tumingala sa kaniya. "Talaga?"
Wala sa 'kin ang tingin niya, sunod-sunod siyang tumango. "He also talked to your dad with Mokz. Lee and Deib Lohr heard everything. They were all happy for us."
Inaantok akong ngumiti. "What did you tell them?"
"That I'll marry you."
Nangilid ang luha ko saka emosyonal na tumingala sa kaniya. "Pwede kong tanungin kung kailan?" nakangiti, emosyonal kong sinabi.
Ngunit malungkot siyang nagbaba ng tingin sa 'kin. "Kapag sigurado ka na sa 'kin."
Bigla ay nagbago ang emosyon sa mukha ko. Ang ngiti ay napawi. Ang luhang idinulot ng tuwa ay napalitan ng luhang dulot ng pangamba.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top