Chapter 21

Chapter 21 | Block

I spent my Sunday morning inside my room sleeping. I unconsciously heard my mother outside earlier asking if I was already awake, but my eyes felt heavy and my body was too tired to function.

I was unable to respond to her call and I ended up sleeping again after that encounter. It was already twelve noon when I decided to go up and eat my late breakfast.

Nilibot ko saglit ang aming first floor upang hanapin si mama sa paligid at noong napagtanto kong wala siya rito sa baba ay naisip kong baka na sa itaas siya.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kaliwang kamay habang paakyat sa second floor. Naabutan kong bukas ang bathroom katabi ng nakasarang kwarto ni mama.

"Ma?" tawag ko sa kanya kasabay ng aking pagkatok.

Mabilis naman siyang rumespunde, "Mika! Gising ka na pala. Pasok ka!"

Wala sa sarili kong ginawa ang kanyang sinabi. Marahan kong inikot ang doorknob at tinulak ang pinto upang makapasok sa kanyang kwarto.

Una kong napansin ang mga nagkalat na mga papeles sa ibabaw ng kama, mukhang napansin ni mama na roon ako nakatingin kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ng kanyang laptop.

"Do you need something?" she asked me when we were finally facing each other.

Mom was wearing her usual white shirt and cotton shorts for today. I parted my lips to reply but I was unable to say anything in return. Her eyes slightly narrowed and displayed a frown.

She was probably weirded out because I didn't typically go up here to look for her. I would just wait downstairs or message her when I have something to say. I honestly had nothing to tell her, I just unconsciously looked for her because of what happened earlier.

"Wala naman, ma..."

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at bahagyang hinaplos ang aking leeg.

I blinked several times. "H-Hindi naman, ma."

"Late ka ng nakauwi kagabi at nakatulugan ko ang paghihintay sa 'yo, nalaman ko na ang nangyari mula kay Trojan mismo. Napadaan siya kaninang umaga rito dahil may naiwan kang gamit sa kotse niya."

Para bang ngayon lang ako tuluyang nagising dahil sa narinig.

Nandito sa bahay kaninang umaga si Trojan!

Napansin ni mama ang pagbago ng aking ekspresyon kaya nagpatuloy siya sa pagkwento, "Niyaya ko pang mag-almusal dahil saktong nagluluto na ako. Mukhang pagod din siya kanina kaya pinagpahinga ko rin saglit. Sinubukan kitang gisingin kanina pero tulog na tulog ka."

"Nag-breakfast kayo, ma?" wala sa sarili kong ulit.

Tumango si mama. "Oo nga, tapos noong paalis na siya si Jijinia naman ang dumating—"

"Ha?" napataas ang aking tono sa narinig.

Bakit naman biglang bibisita si Jijinia... matagal na kaming hindi nag-uusap at nagpapansinan!

"Bakit ba gulat na gulat ka sa mga sinabi ko?" natatawang tanong ni mama, "may inabot na pasalubong si Jijinia. Kauuwi lang daw ng parents niya mula sa Japan at may mga binili sila para sa 'yo. Mostly mga pagkain kaya nakatago na sa ref natin."

Ngayon ko lang napansing matagal na palang nakabukas ang aking bibig, napalunok na lamang ako sa dami ng nalaman mula kay mama.

Ang daming nangyari kaninang tulog ako at pareho pang mga hindi ko inasahan!

"Ayos ka lang ba, Mika?"

Mabilis akong tumango at sinabing, "Oo, ma, medyo nagulat lang ako sa dami ng nangyari kaninang umaga. Hindi ko inexpect na... magdadala si Ji ng pasalubong para sa akin dahil hindi naman na kami nagpapansinan no'n sa school."

Kumunot muli ang noo ni mama sa narinig. "Nag-away kayo? Kaya pala sinabi niya kaninang sinadya niya 'tong dalhin dito sa atin dahil baka raw 'di niya mabigay sa 'yo sa eskwela."

"Ah," I nervously chuckled, "hindi naman sa nag-away... sadyang hindi na lang kami biglang nagpansinan mula noong bumalik ako sa Higharo."

Naramdaman kong gusto pa sanang magtanong ni mama ngunit pinigilan na lang niya ang sarili.

Mabuti ring hindi na niya ako pinilit pang magkwento tungkol doon dahil ayaw ko na ring pag-usapan ang amin ni Ji. Matagal na 'yon at natanggap ko na rin kalaunan na hindi na kami magkaibigan tulad ng dati.

"Bakit naman gano'n reaction mo kanina noong sinabi ko 'yong kay Trojan? Kung sabagay, ako rin naman kanina ay nagulat dahil umaga siya pumunta para lang ibigay ang naiwan mong damit."

"Ah..." I trailed off, not knowing what to say, "hindi ko lang din inasahan, ma."

"Are you two in good terms? Kagagala niyo lang kahapon pero kalungkutan ang nakikita ko sa mga mata mo, Mika."

Napatingin ako sa sahig matapos marinig ang tanong ni mama. Hindi na niya siguro kailangan pa ng kasagutan dahil sapat na ang napuna niya upang isiping hindi nga ako okay.

Sariwa pa sa aking isip ang bawat salita na nagmula sa kanya at nasabi ko kagabi sa daan pauwi. Inakala kong madadaan ko 'to sa mahabang tulog pero ngayong naalala ay hindi ko man lang natago ang naramdamang sakit.

"Hayaan mo na, kumain ka na muna roon sa baba at anong oras na," marahang sabi sa akin ni mama. Saglit pa niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko upang pagaanin ang aking loob.

Tipid akong tumango at hindi na nagsalita pa sa pag-alis. Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa dining area at doon nakita ang kanina pang nalutong almusal.

Inisip ko kung ano ba ang pwede kong gawin ngayong tanghali bukod sa ituloy ang naudlot kong schoolworks. Mabilis ko lang naman kasing matatapos ang mga iyon dahil karamihan ay tapos ko na at id-double check na lang.

Ayaw kong bumalik sa kwarto ko at magmukmok buong oras kaya gusto kong may pagkaabalahan muli pagkatapos gumawa ng schoolworks.

Siguro magb-bike na lang ako sa hapon? O 'di kaya yayain si mama mag-spa tutal mukhang wala naman siyang pasok ngayon?

Natapos na lang ako sa pagkain ay wala pa rin akong naging pasya. Bahala na, basta hindi ako papasok muli sa kwarto ko mamaya para lang mag-emote.

Nakakapagod ding maging malungkot, ha! Kung may sweldo lang ang pagiging emotera, siguro mas mayaman na ako sa pamilya ni Trojan.

Ayan, Trojan na naman. Bigla tuloy may sumagi sa isip ko dahil sa pagbanggit ng kanyang pangalan sa aking isip.

Sa sala ako tumambay pagkatapos kumain at kalaunan ay kinuha na ang mga kakailanganing gamit mula sa kwarto.

Tinitigan ko saglit ang mga notebook at yellow papers na nakalatag sa lamesa bago napagpasyahang sumilip saglit sa Instagram.

Mga close friends ko lang ang naka-view sa previous IGS ko at kasama ang account ni Trojan sa list na iyon. Wala sa sarili kong hinanap ang kanyang account sa dami ng mga nakakita.

Mukhang nakita niya ang mga IGS ko kahapon dahil nahuli ko ang account niya sa lahat pero ni-isang beses ay hindi siya nag-react gaya ng madalas niyang gawin.

Puro naman tungkol 'yon sa biglaan naming punta sa Enchanted Kingdom, si Loui nga ay nabigla dahil nagawa ko pa raw gumala sa kalagitnaan ng hell week.

Halos mabitawan ko na ang aking phone sa gulat noong naabutang active si Trojan ngayon sa IG!

Napasulyap ako saglit sa mga naghihintay na schoolworks ko at napagdesisyunang kuhanan ng litrato ang mga ito. Inayos ko pa sila na kunwari mga nakakalat para marami kuno ang hinahapit.

I chose a warm filter that suited the afternoon vibe and added a caption, "hapit again after ng saya haha".

I purposely added it on my IGS in close friends settings again so that I could monitor if Trojan would view it immediately like before.

I decided to search for Pirad's IG while I was waiting for Trojan to do something. Hindi ako nahirapang hanapin ang account ni Pirad dahil sa following list ni Trojan ako naghanap.

Naka-follow na pala sa akin si Pirad na hindi ko man lang napansin noon! Mabilis ko siyang ni-follow back dahil naka-private ang account niya at sinali sa close friends list ko upang makita niya rin ang exclusive stories ko.

I was growing tired of waiting when I realized almost ten minutes had passed. Na-accept na ni Pirad ang follow request ko at mukhang nakita niya na rin ang mga IGS ko dahil nakita ko ang username niya the last time I checked.

"Ang tanga-tanga mo, Mikasha," bulong ko sa sarili.

I was about to close my phone and start doing my school work when a message from Pirad popped out my screen.

He wasn't the person I was waiting for, but he might be with Trojan today!

iamnotpirad:
Thanks sa follow back, mika

mikachu.duran:
I don't accept thanks answer my question

iamnotpirad:
so aggressive but sure

mikachu.duran:
Kasama mo ba bebe ko?

iamnotpirad:
lmao I thought move on na???

mikachu.duran:
Akala ko rin e :')

iamnotpirad:
hahahaha you two are really entertaining to watch, but to answer your question, he isn't with me. We were supposed to attend the morning mass when he ditched us to deliver your thing. He went there, right? So you met him again?

mikachu.duran:
TULOG AKO NUNG DUMATING SIYA

iamnotpirad:
aww that's unfortunate

mikachu.duran:
Nagtatampo ako, Pirad. Hindi na niya vini-view IGS ko :(

iamnotpirad:
lol hahahahaha idk where he is but maybe he's just busy, magdrama ka na lang ulit if within 24 hours di talaga siya nag-view

mikachu.duran:
ang lungkot naman kainis pwede bang mag-volunteer na lang ako maging asawa niya?

iamnotpirad:
hahahahahaha well it's not impossible if you have something good to offer to their clan like power or money. Tutal iyon naman talaga habol nila sa arranged marriages.

mikachu.duran:
pwede bang magandang genes lang ang kaya kong i-offer?

feeling ko bagay talaga genes ko kay Trojan, e, ayaw naman siguro nila ng pangit na apo, no???

iamnotpirad:
hahahahaha you're insane

mikachu.duran:
Nagmamahal lang po


Pirad was unexpectedly fun to chat with, I honestly would've conversed with him more if I didn't have anything to do. I politely informed him that I had schoolworks to do.

He promised to inform me as soon as he had an update on Trojan. I didn't ask him to do it, but I thanked him right away.

He made fun of me for being so smitten over his best friend, but it didn't even bother me anymore.

I was so focused on my studies that I didn't realize it was almost evening! I would have kept working on what I was doing if Mom hadn't come downstairs to cook dinner.

Pagkatapos kong kumain ng gabihan kasama si mama ay saka lang ako muling pumasok sa aking kwarto upang maglinis ng katawan at magpalit ng pantulog na damit.

Hindi ko matanggap na Lunes agad bukas dahil gusto ko pa sanang magpahinga!

Bigla ko tuloy inisip habang nags-shower kung pwede kaya akong umabsent bukas? Ang dami kasing gagawin at nakakapanghinayang ang attendance pero pagod ako both mentally at physically.

Natigil lang ang aking isipan ng nakatanggap ako ng message mula kay Reon noong tapos na akong mag-shower at magpalit ng damit.

Nakasandal lang ako sa puting headboard ng aking kama sa pag-reply sa kanyang mensahe. Mula noong bumalik ako sa Higharo ay nagpatuloy pa rin ang komunikasyon namin ni Reon, hindi nga lang madalas magkita dahil parehong abala sa studies.

Nasabi ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Mika at marami rin siyang nakwento sa akin tungkol sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraan.

Ngayong gabi ay kuryoso siya sa biglaang gala namin ni Trojan kahapon kaya pinag-usapan namin 'yon.

"So you were the one who asked to cut the ties but ikaw din ang nagsisisi ngayon?" Reon laughed, "you're unbelievable!"

Sumimangot ako upang ipakitang nalulungkot talaga ako sa nagawa. "Tawa ka diyan! Broken ako, okay?"

Napa-video call kami ng wala sa oras para daw mas mapabilis ang chismisan namin. Reon looked a bit different now, her hair was longer than the last time I saw her and her skin was glowing.

Plus, she was more enthusiastic now compared to last year. I wondered what was happening to her, specifically her love life?

Ang blooming niya talaga ngayon kaya baka may ganap na 'to sa pag-ibig!

"And now you're ranting because he hasn't viewed your Instagram story yet, huh?"

"Kinalimutan na niya ako," peke kong iyak at binaon pa ang mukha sa yakap na unan.

"Lakas mong magdrama, wala namang kayo to begin with. Panindigan mo 'yang desisyon mo, tanga ka pa naman!"

Dahil hindi ako mapakali kakadrama, ang gaga, nagpatugtog pa ng Stupid Love habang patuloy akong nagsasabi ng feelings ko kay Trojan.

Hindi ko inakalang alam pala niya ang mga ganitong tugtugan kaya imbis na malungkot ako sa mga pinagsasabi ay natawa na lang ako.

"Ako'y nananaghoy puso ko ay nabiyak. Wasak na wasak ang puso ni Mikasha. Inaamin ko noon na minahal nga kita, pero ngayon—mahal pa rin kita!"

Binago ko pa ang huling mga salita kasi 'di ko naman kayang bawiin agad feelings ko kay Trojan kahit ilang beses na akong nagmukhang tanga.

Si Reon naman ang sumigaw ng "Stupid!" pagkatapos. "Ano ba 'yan, Mika, talagang binago mo pa lyrics."

I spent the night with Reon, which made me much better than yesterday.

My hands moved on their own the next morning to search for my phone. With my eyes half-opened, I visited my Instagram to check my stories.

I added another one last night before I slept and that was a screenshot of my video call with Reon.

My fingertip brushed against the screen, and my squinted eyes scanned for Trojan's username, but I got nothing!

Grabe, Trojan, paano mo natiis na hindi tingnan IGS ko sa dami ng pinagsamahan nating dalawa? Mage-expire na 'yong isa kong story ng 'di mo nakikita!

Gusto ko sanang tanungin si Pirad kung nagkita o nag-usap ba sila kahapon ni Trojan dahil hindi na niya ako muli ni-chat, pero pinigilan ko ang sarili dahil baka ma-creepy-han na talaga si Pirad sa akin.

Tamad akong bumangon at dumiretso ng banyo upang maghilamos. Lumabas ako sa aking kwarto pagkatapos at nakakita ng note sa dining table na mula kay mama.

"I'm off to work early. I prepared breakfast. Pm mo 'ko if na sa school ka na. Love you."

Napangiti ako sa mensahe ni mama at dali-daling tinanggal ang takip sa mga ulam upang tingnan ang kanyang niluto. Nagutom naman ako agad ng maamoy ang mabangong fried rice kaya napakain na rin ako.

Naghanda na lang ako para sa pagpasok mamaya sa mga nagdaang oras. Quarter to twelve ako madalas umalis sa bahay dahil malapit lang naman kami sa paaralang pinapasukan ko. Kung hindi nga mainit ang panahon ay nilalakad ko iyon para ma-exercise ako.

Naligo na ako ng nakitang ten forty na ang oras. Sanay na ako sa tahimik na kapaligiran kapag wala si mama o kahit naman nandito siya kaya wala na sa aking issue ang mag-isa sa tahimik na bahay. Iyon nga lang, dahil ang tahimik ng kapaligiran ko ay 'di ko maiwasang antukin.

Natapos na ako sa pagligo at sinasara ko na ang butones ng aking puting blouse ng napansin ang bagong notification mula kay Pirad.

Nanlaki ang aking mga mata at para bang nakuryente ang buo kong katawan sa gulat. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbukas ko sa message niya!

iamnotpirad:
Break time namin hahahaha I was with your bebe the whole time cause we're classmates

I was about to type when he suddenly sent a video!

"Oh my gosh!" tili ko at napatalon-talon pa sa saya.

I quickly played the video because the thumbnail intrigued me! Most of them were wearing white lab gowns so I assumed this was filmed during their chemistry class.

Pirad walked towards Trojan who was standing and busy reading a book above the long white table, there were some laboratory apparatus in front of him as well.

"Hey," mapang-asar na tawag ni Pirad sa kaibigan.

Medyo maingay ang paligid pero dahil malapit ang phone sa kanilang dalawa ay sapat kong narinig ang mga boses nila.

Halos mapudpod ko na ang volume button ng phone ko para lang malakasan pa ang volume.

"What is it now?" masungit na tanong ni Trojan na kinatawa ni Pirad.

Lumipat ang atensyon niya kay Pirad na halos ikatunaw ko na!

Shet naman, ang gwapo niya sa suot na puting lab gown! Para akong tangang nakangiti na akala mo hindi siya iniyakan kagabi.

Mukhang hindi pa napapansin ni Trojan na naka-video ang phone ni Pirad dahil natural lang siyang kumilos.

"Anong nangyari dito?" Pirad pointed at something that was out of the camera.

Trojan's sight followed Pirad's finger. He rolled his eyes as he lazily answered, "It's broken, obviously."

Pirad amusingly teased, "You mean like you? It's broken like you?"

"Ang pangit mo," iritadong sabi ni Trojan na kinatawa muli ni Pirad. "Do'n ka na nga!"

"Aww, just confess to her, dude. She's even willing to volunteer herself to be your wife."

Matalim ang mga titig ni Trojan sa nang-aasar na Pirad. "Who's she? I don't know her."

Doon na natapos ang video.

Medyo nasaktan ako sa pa "Who's she" ni Trojan sa dulo pero overall, sumaya naman ako dahil talagang sinend 'to sa akin ni Pirad.

Siguro way niya lang talaga ito upang asarin si Trojan pero nahalata ko rin sa naging attitude ni Trojan na parang genuine 'yong galit niya, hindi ko alam kung kay Pirad ba o sa akin...

mikachu.duran:
uy grabe hahahahaha kinilig naman ako don ang gwapo talaga ng bebe ko kahit galit

pero di mo na need magsend pa ng ganyan next time, baka mas lalo siyang mainis sa atin kapag nalaman niyang pinagkakaisahan natin siya

tho thank you!! Inaantok pa ako kanina, nagising diwa ko dahil dito haha iba talaga nagagawa ng pag-ibig


All of the sudden, an unexpected direct message was sent to me from the most unexpected person!

My hands were shaking as I stared at the notification he left. I didn't want to read it, I could hear how loud and wild my heartbeat was due to nervousness.

Kaliligo ko lang at nakatutok pa ako sa electric fan pero ramdam ko na ang pawis sa aking ulo at likod.

I kept stomping my feet for no absolute reason and my lower lip would probably bleed any time now due to my intense bite.

Pirad still hadn't replied yet and the time was running. I might be late for school if I'd just stand here and stare at his unread message.

Wala naman akong data to read this later sa school... so I finally decided to open it with an anxious feeling.

m.trojanzorron:
Stop bothering other people just to ask about me. I thought we had already agreed to part ways, so why were you now stalking me through Pirad?

You're being annoying, and it's no longer funny. I'm blocking you. I hope that's enough to convince you to put an end to this madness.

My thumb accidentally refreshed our conversation, and after the reload, his username changed from "m.trojanzorron" to "Instagram user."

My tears began to stream down my cheeks, and I attempted to wipe them off with the back of my hand.

I let out a chuckle in between my sobs. He meant it, huh?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top