ghost 83
ghost 83:
halos mabingi ako sa ingay dito sa loob ng Bar. langya, bakit ba ako pumayag na pumunta dito? Heto namang katabi ko ay busy sa kakachismis ng kung ano-ano at wala naman akong maintindihan kahit isa. samantalang yung pinsan ko naman ay kausap ang isang kaibigan na lasing na lasing na ngayon. well, binibigyan lang naman nila ito ng advices dahil nga broken hearted. sad.
si Maria naman ay nakikipag-usap sa isang lalaking di ko kilala pero kaibigan rin ni Andrey. nagulat pa nga ako dahil nandito rin sya, yun pala ay inimbitahan rin sya ng walang hiya kong kaibigan. dahilan nya? baka daw di talaga ako makakapunta ngayon kaya tinawagan nya ang kapatid ko para may back up sya. aba matalino talaga tong si Jimnet. sya ang isang babae na di dapat tularan. I sighed.
may mga hawak silang Whiskey samantalang orange juice lang sa akin. ayokong uminom ng alak eh, masakit sa lalamunan at ulo.
"So, anong nangyari sayo at pumayag kang sumama dito?" tanong pa ni Jimnet sa akin. nakangisi na ito ngayon sa akin. napanguso nalang ako at sumandal sa upuan.
"I just want to unwind."
"so you think that this place will help you to unwind?" ngisi pa nya.
napairap ako.
"denifinitely not."
napahalakhak naman sya ng tawa. mukhang may tama na ata tong kaibigan ko ah.
"sabi na eh. so kwento na. dali!"
napakunot ang noo ko.
"at ano namang ikukwento ko?"
"kung anong dapat mong ikwento."
kumuha sya ng panibagong whiskey at nilagok ito. "ano bang nangyari sa blind date mo?"
dahil sa sinabi nya ay muling sumagi sa isipan ko si Emman. hays, sya nga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito eh. napakagat labi nalang ako.
maybe, kapag sinabi ko kay Jimnet ang iniisip ko ay matutulungan nya ako.
"Sa party."
napaayos naman sya ng upo at naging attentive.
"anong Party?"
"iyon ang unang araw na nagkakilala kami. His name is Emman loyd Fuerva. hindi ko alam pero nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kaba nung makita ko sya. tapos, may sinabi sya sa akin na talagang nagpagulo sa isip ko. Days later, my parents set me a blind date at di ko naman alam na sya pala ang makakablind date ko kaya nagulat ako. may sinabi sya ulit sa akin kaya nahimatay ako------"
"What!? nahimatay ka?! bakit di mo sinabi sa akin?!" gulat na tanong pa nya.
I sighed.
"marami akong iniisip kaya nakalimutan ko na."
napailing naman sya.
"okay ka na ba?" nag-aalalang tanong pa nya.
ngumiti naman ako.
"yeah, I'm fine. don't worry."
she sighed.
"tapos?"
"ayun, kinabukasan ay nagpaalam sya sa mga magulang ko na liligawan nya raw ako. sinabi nya talaga yun sa harapan ko! nakakagulat diba?"
napasinghap naman sya sa sinabi ko.
"oh my gosh! seryoso?! ginawa nya yun?!" I nodded. napahilamos naman sya ng mukha. "oh my gosh! ang lakas naman ng loob nya para gawin yun! nakakahanga ah?! ayieee!!! sabihin mo nga sakin, gwapo ba sya? anong hitsura nya? ipakilala mo nga sa akin! yieee magkakalove life na sya yieee!"
maang akong napatingin sa kanya. seriously?! nagdadrama na nga ako dito tapos sya naman kinikilig? ayos ah? kaibigan ko ba to?
"hoy Jimnet pwede ba umayos ka nga muna! nagkukwento ako dito tapos ikaw naman kinikilig na dyan!" sabay nguso ko at umirap.
natawa naman sya at tumikhim.
"O-okay, I'm sorry."
napabuntong hininga naman ako.
"tapos ayun na nga.. pinayagan sya ng mga parents kong manligaw na wala man lang alinlangan! nakakaloka! di ko pa nga sya kilala tapos pinayagan sya agad ng parents ko? My gosh!"
"ay weh?! baka dinaan nya sa charms ang mga magulang mo ah? sabihin mo nga, gwapo ba sya o hindi?"
I pouted.
"Well, sad to say gwapo sya."
napasinghap naman sya sa tuwa.
"Omg! seryoso?! mayaman ba?"
tumango ako. impit syang napatili.
"kyaaa!!! yun naman pala eh! sagutin mo na agad! sus, gwapo na mayaman pa! san ka pa diba? wag ka na magpabebe! yung ulam na mismo ang lumalapit sayo eh. yieee! naiexcite tuloy akong mameet yang manliligaw mo. haha!"
"eh?" laglag pangang napatitig nalang ako kay Jimnet. ano bang pinagsasabi ng isang to?! akala ko matutulungan nya ako pero langya, sya pa ang kinikilig sa amin. kabute!
napakagat labi naman sya at lumapit ng bahagya sa akin.
"Alam mo kasi Ysha, sa panahon ngayon hindi na uso ang mga babaeng pakipot. kung gusto mo sya edi gora ka na!"
natawa naman ako.
"anong gora ka dyan? di ko sya gusto no! hindi ako pabebe." shems, bakit parang iba ang meaning ko sa mga sinabi ko?
napailing-iling naman sya.
"Aish tsk tsk tsk. hindi dapat ganyan. aba tumatanda ka na, hindi pwedeng hindi mo sya magustuhan. dapat nga ay may boyfriend ka na eh." muli syang kumuha ng isang whiskey at ininom ito. "Hays, di bale na nga. magrelax ka muna ngayon dito at mag-enjoy. ahh! anyway, nagrequest pala ako kanina na pakantahin ka sa harap." inginuso nya ang isang stage.
"Ano?" kunot noong tumingin ako sa kanya at sa stage. what the heck! nagrequest syang kumanta ako?!
napangisi naman sya sa akin na para bang may kakaibang pinaplano.
"alam mo kasi, hindi pwedeng itago mo ang iyong talent! aba, ang ganda kaya ng boses mo! hehe."
napakurap-kurap ako sa sinabi nya.
"A-anong----! hoy, bakit mo naman ginawa yun! ayokong kumanta! di ako ready, wala akong naisip na kakantahin!" nagsimula akong makaramdam ng kaba sa aking dibdib.
"Aish ano ka ba! okay lang yun. nakasulat na doon yung kakantahin mo. saka isa pa, hindi ka na pwede magback-out. nakalista na ang pangalan mo."
"A-anong-----"
natahimik kaming lahat nung biglang huminto ang Music at nagsalita naman ang isang lalaki na tingin ko ay Dj sa stage. anak ka ng tipaklong! mukhang alam ko na ang kasunod nito!
nagsimulang magkarambola ang aking puso sa sobrang kaba.
"goodevening everyoneeeeee!!!" nagsimulang maghiyawan ang mga tao sa paligid.
may mga sinasabi syang pakulo at jokes pero wala akong maintindihan kahit isa dahil yung utak ko nagkakagulo na. Natataranta na ako sa loob ko. nag-iisip na ako kung anong dapat gawin. shemay naman kasi si Jimnet! bakit pa kasi nya nilista ang pangalan ko doon eh di pa ako ready! well, wala akong masterpiece! ayoko namang kumanta ng kung anu-ano lang dahil walang kabuluhan yun!
parang gusto ko tuloy tumakbo palabas ng lugar. jusme, nakakakaba!
"hep, hep! don't ever think of escaping this place, Ysha." banta pa ni Jimnet nung mapansin nya ang akmang pagtayo ko.
napanguso naman ako at muling bumalik sa pagkakaupo. napangiti naman sya dahil dun samantalang napacross arm naman ako at napatingin sa malayo pero laking gulat ko nung bigla kong nakita si Emman loyd sa kabilang table malapit sa amin na nakatitig sa akin! may mga kasama rin syang dalawang lalaki at tatlong babae na di ko maaninag ang mukha.
halos mapatalon ang puso ko sa gulat. shemas! anong ginagawa nya dito?! bakit nandito rin sya!? syeteng kalabasaaa!!! nagsimulang magkarambola ang aking puso. He's Staring at me! ni hindi sya kumukurap! wala rin akong mababasang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. he's just staring blankly at me. dumoble tuloy ang kabang nararamdaman ko. parang tumatagos sa kaluluwa ko ang kanyang mga titig. nailang tuloy ako kaya naman agad akong umiwas ng tingin.
"May we call on Ms. Ysha Delasen to come over and sing this song entitled 'love moves in Mysterious way'! it is requested by Ms.Jimnet?"
biglang may Spotlight ang tumama sa akin.
naghiyawan agad ang mga tao at napatingin sa akin. nagtitili naman ang Kapatid at kaibigan ko dito sa tabi ko. tinulak-tulak pa ako ng dalawa para lang tumayo. now, nasa akin na ang atensyon ng lahat!
nagtriple agad ang kaba sa aking dibdib.
anak ka ng kabuteee!!!!! jusmiyo marimar!! sa lahat naman ng pwedeng irequest na kanta, iyon pa talaga ang napili ni Jimnet?! walangyaaaa!! parang kanina lang pinapakinggan ko iyon tapos ngayon kakantahin ko naman!?
"uy Ate Ysha kantahin mo na yun dalii!! maganda yun! alam mo bang kinanta ko yun sayo nung nacomatose ka pa lang?" nagtatakang nilingon ko si Maria.
"Ano!?"
"oo kinakantahan kita dati! kaya sige naaa!! kantahin mo ulit yun para sa akin pleasee???" aba, nagpacute na sa akin ang kapatid ko.
"Oo nga Ysha! dali naa.. naghihintay na ang stage sayo oh! hehe!" dagdag naman ni Jim.
napakagat ako ng mariin sa aking labi. Shemas! I'm doomed!
sa di malamang dahilan ay napalingon ako sa gawi ni Emman na ngayon ay may nagtatakang tingin sa akin. maybe he's wondering bakit ako pinapakanta? itanong nya nalang sa may topak kong kaibigan. napakagat labi nalang ako at agad na umiwas ng tingin.
and then, the people started to chant my name.
"Ysha! Ysha! Ysha!"
shemas talaga!
napabuntong hininga nalang ako at tumayo. mas lalo silang naghiyawan dahil dun. okay, wala na akong magagawa kundi ang pagbigyan sila. well, isang kanta lang naman kaya sige, pagbibigyan na natin.
nagsimula akong maglakad papunta sa Stage kahit nanginginig na ako sa kaba. todo cheer naman sa akin ang mga kasama ko.
"Go Ysha! Go Ysha!"
"Go ate kaya mo yaannn woohhhh!!"
"Yesss pinsan ko yaannn!!!"
malilintikan talaga kayong tatlo sa akin mamaya!
pagdating sa stage ay nginitian naman ako nung lalaki at binigay sa akin ang Mic. nanginginig na tinanggap ko yun. may sinabi pa sya sa akin bago sya bumaba at agad ko namang nilibot sa mga tao ang aking paningin at huminto ito kay Emman kung saan diretso lang ang tingin nya sa akin. hindi ko alam pero dahil sa tingin nya ay medyo humupa ang kabang nararamdaman ko. Weird.
nagsimulang magplay yung intro ng kanta at nagkanya-kanyang hila naman ang mga tao ng makakapartner sa dance floor.
samantalang ako, heto at nakikipaglabanan ng titig kay Emman. mukhang napansin nya ata ang panginginig ng kamay ko kaya naman ay nginitian nya ako sabay tango. awtomatik na nawala ang kaba ko dahil dun! wow! magic?!
and then, I started singing.
"who'd have thought
this is how the pieces fit.
you and I shouldn't even try making sense of it..
I forgot how we ever came this far
I believe we had reasons but
I don't know what they are.
so blame it on my heart ohh"
habang kinakanta ko iyon ay hindi natatanggal ang mga titig namin ni Emman sa isa't isa kasabay ng pagbilis ng tibok sa aking puso.
hindi ko rin alam kung bakit intro palang ay May nararamdaman na akong kakaiba sa kanta. para akong maiiyak na ewan pero pinipigilan ko lang.
"Love moves in Mysterious ways
it's always so surprising
when love appears over the horizon
I love you,
for the rest of my days
but still it's a mystery,
of how you ever came to me
which only proves
Love moves in Mysterious ways.."
nagsimulang makisabay sa kanta ang mga tao. yung iba naman ay sumasayaw na sa gitna. pero ang buong atensyon ko ay nakay Emman na ngayon ay may isang tingin na di ko na mapangalanan. nakita ko pa ang bahagyang pagtatagis ng kanyang panga.
"heaven knows love is just a chance we take.
we make plans but then love demands the leap of faith.
so hold me closed,
never ever let me go.
cuz even though we think we know
which way the river flows,
that's not the way love goes noo ohh
love moves in Mysterious ways
It's always so surprising,
when love appears over the horizon,
I love you
for the rest of my days,
but still it's a mystery
of how you ever came to me,
which only proves
love moves in Mysterious way..."
medyo napakunot ako ng noo nung may isang imahe ang biglang pumasok sa utak ko. the image is a place at di ko alam kung saan yun. biglang akong kinabahan. yung puso ko ang lakas na naman ng tibok nito.
pero buti nalang at nagawa ko paring magconcentrate sa pagkanta.
"Like the ticking of the clock,
two heart beat as one,
but i'll never understand
the way it's done no oohh
Love moves in Mysterious ways,
it's always so surprising
when love appears over the horizon,
I love you
for the rest of my days
but still it's a Mystery
of how you ever came to me
which only proves
Love moves in Mysterious way..
Love moves... in Mysterious ways..."
after ng kanta ay agad akong bumaba ng stage at nagdire-diretso ng lakad paalis ng lugar. hindi ako lumingon, hindi ko rin pinansin ang mga taong tumatawag sa pangalan ko.
Kailangan kong umalis dahil pakiramdam ko hindi ako makakahinga ng maayos. ang bigat ng dibdib ko. pakiramdam ko maiiyak ako anytime kahit wala naman akong dahilan.
ngunit Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng biglang humarang sa daan si Emman at hinila ako palabas ng lugar.
hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin pero hinayaan ko lang syang hilain ako. pakiramdam ko nanghihina ako at kailangan ko ng taong gagabay sa akin.
bakit ganun, ang simple lang naman nung kanta pero ang laki ng epekto sa sistema ko. pakiramdam ko may something sa kanta na di ko maintindihan.
napatitig ako sa likod ni Emman habang hila-hila nya. dahil dun ay di ko maiwasang isipin na may alam sya sa kanta or may kinalaman sya sa kinakanta ko. napatingin ako sa kamay naming magkahawak at bigla na namang sumikdo ang tibok ng aking puso.
dumiretso kami sa parking lot at pinatunog nya naman ang kanyang kotse. hinila ako papasok at umikot naman sya papunta sa driver seat. pinaandar nya ang makina ng kotse at walang imik na nagdrive paalis.
hindi ko tuloy maiwasang titigan sya.
Napakaseryoso ng hitsura nya ngayon. nakakunot ang noo at nagtatagis ang bagang. nasa harap lang ang tingin nya pero nung mapansin nyang nakatitig ako ay napalingon rin sya sa gawi ko.
"S-San tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko pa pero di nya naman ako pinansin. bagkus ay nagconcentrate lang sya sa pagmamaneho. napatingin nalang ako sa labas at huminga ng malalim. medyo mabilis ang pagpapatakbo ng kotse ni Emman pero tiwala naman akong hindi nya ako ipapahamak.
buong byahe kaming walang imikan sa isa't isa.
hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero patuloy lang sya sa pagmamaneho. mukhang sa labas ng maynila nya ako dadalhin.
maya-maya pa ay huminto ang kotse at tinanggal naman nya ang kanyang seatbelt kaya naman tinanggal ko rin ang akin at lumabas.
pero ganun na lang ang pagtataka sa aking isipan nung mapagtantong nasa Benguet kami. ang lugar kung saan ako nagkaisip. gabi na kaya naman kitang-kita ko ang iba't ibang ilaw ng mga bahay at establishment.
anong gagawin namin dito? bakit dito ako dinala ni Emman?
nagtatakang nilingon ko sya kung saan seryoso lang ang tingin sa akin. nakasandal sya sa kanyang kotse at nasa mga bulsa naman ang kanyang kamay.
nilapitan ko sya at tinitigan sa mata. ganun din ang kanyang ginawa.
"W-why are we here?" takang tanong ko pa.
hindi nya ako sinagot.
nagsimula syang humakbang papalapit sa akin ng hindi bumibitaw ng tingin.
hinawakan nya ang mga takas kong buhok at inipit sa aking tenga. medyo nagulat ako sa ginawa nya kaya naman napalunok nalang ako.
"Allesha."
nagulat nalang ako nung bigla nya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
hinawakan nya ang aking ulo at naramdaman ko naman ang paghalik nya sa akin dito. napasinghap ako sa ginawa nya at napatulala. ang lakas ng tibok ng puso ko. pero ang nakakapagtaka ay hinahayaan ko lang sya sa mga ginagawa nya sa akin. it feels like kilala sya ng katawan ko.
"Allesha, bakit ganun? kahit anong gawin ko ay lagi kitang namimiss? sinubukan kong kalimutan ka pero I always failed. damn. I still love you until now."
hindi ko alam kung anong nangyari basta bigla nalang tumulo ang mga luha sa aking mata dahil sa mga sinabi nya. ang laki ng epekto sa akin ng ginagawa ni Emman.
he said I love you and my heart is crying for joy.
humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin para titigan ako sa mata. his eyes is showing a lot of emotions I can't determine. he cupped my face then rest his forehead on mine. I can now feel his breath. amoy alak sya. uminom ata sya pero di naman sya lasing.
"Multong pangit, hindi mo ba maalala? dinala mo rin ako dito dati noong nasasaktan ako sa panloloko sa akin ni Almira. ngayon naman ay ako ang nagdala sa iyo dito dahil gusto kong maalala mo ang mga pinagsamahan natin."
I felt something strange in my heart.
"E-Emman..."
"alam kong hindi magiging madali itong gagawin natin pero tutulungan kitang maalala ako Allesha. maghihintay ako sayo kahit gaano pa katagal na panahon ang lumipas maalala mo lang ulit ako. just let me. let me place in your heart. ganun kita kamahal."
nagsunod-sunod ang mga luhang pinakawalan ko dahil sa sinabi nya. pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko.
"E-Emman... S-sino ka ba talaga sa buhay ko? b-bakit ganito nalang ang kabang nararamdaman ko sayo?"
he gulped then look straight into my eyes.
"I-I am... I am... your prinsipe dodong."
p-prinsipe dodong?
mas lalo lang akong napaiyak sa sinabi nya. shemas! ano bang nangyayari sa akin! bakit nagiging emosyonal na ako?
I felt his hand wiped my tears away.
napapikit nalang ako. bakit ang sarap sa pakiramdam ng ginawa nya?
"alam mo ba kung anong kinalaman ng kinanta mo sa ating dalawa?" maya-maya'y tanong pa nya.
napadilat naman ako at sinalubong ang kanyang mga titig. then I gulped.
"A-anong meron sa kantang iyon?"
"that song... is our one and only theme song. our favorite song."
napasinghap ako sa sinabi nya.
"A-ano?"
lumayo sya sa akin ng kaunti at hinawakan ang aking kamay. napatingin ako saglit doon.
"you often sing that song before. sabi mo sa akin, kapag kinakanta mo iyon ay naalala mo ako at pakiramdam mo may kakaiba at ipinahihiwatig ang kanta para sa ating dalawa."
napakurap naman ako.
"t-talaga?" He nodded. natahimik ako.
Hindi ko maiwasang maniwala sa kanyang mga sinabi. pakiramdam ko kahit anong tanggi ang gawin ko ay totoo ang lahat ng mga sinasabi nya.
hindi naman kasi magiging ganito ang reaksyon ko kung wala lang yun diba? hindi kaya... totoo ang lahat ng mga sinasabi nya? kasi kung totoo man, gusto kong maniwala sa kanya at maalala ang mga nakaraan namin.
"Allesha, I know it's too early to ask this but... I love you. I really do. will you accept my love for you? can I court you?"
napasinghap na naman ako sa kanyang mga sinabi. napatulala nalang ako sa kanyang mga mata and I can see the hope through his eyes. at hindi ko nga alam kung anong hipnotismo ang meron sa kanyang mga mata at kung anong klaseng espiritu ang sumanib sa akin dahil bigla nalang akong napatango.
nagulat naman sya sa ginawa ko pero agad din yung napalitan ng tuwa.
"Thank you."
at nagulat na nga lang ako nung bigla nya akong kabigin ng isang halik sa labi. oh my gosh! he's kissing me!
ilang segundo akong natulala sa ginawa nya pero ewan ko ba kung bakit tila nakaramdam ako bigla ng contentment at pakiramdam ko buong-buo ang pagkatao ko sa kanyang ginawa kaya naman ay unti-onti kong ipinikit ang aking mga mata at tumugon sa kanyang mga halik. I placed my hand on his hair and deepend the kiss. naglandas naman ang kanyang isang kamay papunta sa aking bewang at mas lalong idinikit ang sarili.
oh gosh. ang lambot ng mga labi nya. ang sarap halik-halikan.
pakiramdam ko tuloy panaginip lang ang lahat.
***
nagising ako na wala sa sariling kwarto..
wait... wala sa sariling kwarto!?
napabangon ako at agad na inilibot ang paningin sa buong paligid. at oh my gosh! totoong hindi ko kwarto to! may study table sa gilid, may malaking tv sa gitna, tapos may malaking kabinet at may malaking curtain sa glass wall. shemas! hotel ba to?! OO HOTEL NGA!
teka.. anong ginagawa ko dito?!
biglang bumukas ang pinto ng Comfort Room at iniluwa naman mula dito ang bagong ligo na si Emman---- wait.. si Emman!?
napatitig ako sa kanya at nagtama naman ang aming paningin. nginitian nya naman ako habang nagpupunas sa kanyang basang ulo. biglang kumabog ng malakas ang aking puso. shemas! ang gwapo nya parin tignan kahit bagong ligo! fresh na fresh! He's just wearing a white shirt and khaki short. oh my! ang hot nya! pakiramdam ko tuloy namula ang buong pisngi ko.
at doon nga muling pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi. shems! hinalikan nya pala ako!! hinalikan nya ako and.... and....what?
did I passed out?
"glad you're already awake. gutom ka na ba?" tanong pa nya. napanganga nalang ako nung muli na naman syang ngumiti sa akin. shemay! pinasadahan ko syang muli ng tingin mula ulo hanggang paa kaya naman napalunok ako at umiwas ng tingin. pakiramdam ko ang init ng paligid!
mukhang tangang umiling lang ako.
"A-ano palang nangyari kagabi?" kinakabahang tanong ko pa.
lumapit naman sya at umupo sa kama. then he showed his killer smile on me.
"We kissed."
I gulped..
"a-and then?"
"you passed out...again." natawa naman sya after nyang sabihin yun.
pakiramdam ko tuloy nangamatis ang pisngi ko. shems! nakakahiyaaaaa!!
hindi ko tuloy alam kung paano sya haharapin ngayon! hindi ako nahihiya dahil nahimatay ako, nagpapasalamat pa nga ako dahil iyon ang nangyari eh. nahihiya ako dahil hinayaan ko syang halikan ako! di ko alam kung first kiss ko ba yun o ano dahil wala akong maalala! tapos muling bumabalik sa isipan ko yung mga binitawan nyang salita at yung paghingi nya ng permiso na ligawan ako! walangyaaa!!! bakit pumayag akooo!!??! parang gusto ko tuloy sabunutan ang sarili sa katangahan! hindi ko na pwedeng bawiin yung pagpayag ko dahil masyado ng nakakahiya at unfair sa kanya! putek, may ultimate manliligaw na nga ako!
"you're blushing again... Allesha." muli akong napalingon kay Emman na ngayon ay may isang ngiting tagumpay sa labi. napalunok nalang ako at napaiwas ng tingin. jusme. what have I done!
tumayo naman sya mula sa pagkakaupo at ibinato sa akin ang kanyang tuwalya edi sapol sa mukha ko! inis na kinuha ko yun. langyaa! nang-aasar ba sya!? pinukulan ko sya ng nakakamatay na tingin. tinawanan nya lang ako.
"nananadya ka ba?!" inis na tanong ko pa.
ngumisi lang sya sabay iling.
"Nope."
"eh bakit mo ibinato sakin to?! sa mukha ko pa talaga ah?"
"I just want to remind you na maligo ka na." lumapit naman sya at inilahad ang kamay sa akin para tumayo. tinignan ko lang yun. "c'mon.. Mamamasyal pa tayo dito. sayang ang araw kung maglalambingan lang tayo dito sa hotel."
Ano daw?! lambingan?!
kumabog na naman ng malakas ang aking puso dahil sa kanyang sinabi. at bigla akong nakaramdam ng kakaibang kilabot sa salitang lambingan kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang kanyang kamay at magpahila.
todo ngiti naman sya dahil dun kaya naman inirapan ko nalang sya at dumiretso sa CR.
kabutee! bakit pakiramdam ko walang naidudulot na maganda sa sistema ko ang Emman na yun?
saka wait... mamamasyal? kami?!
oh my gosh! don't tell me magdedate kami!?! KABUTEEEEE!!!!
wait... ibig sabihin, nasa Benguet parin kami?!! Tipaklonggg!!!!
hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong sa CR. wala lang, nag-iisip lang naman ako ng magandang gawin ngayon lalo na't nasa Benguet pa pala kami. hindi nya ako inuwi sa bahay! shemas baka nag-aalala na sa akin ngayon ang mga magulang ko. mukhang seryoso nga ata talaga si Emman na ligawan ako ah! lintik.
after kong maligo ay binuksan ko ng bahagya ang pinto ng CR. sinisilip ko kung nasaan si Emman. at nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala sya. nakatuwalya lang ako no.
may isang paper bag at sticker note ang nakalapag sa kama. kinuha ko naman ito at binasa ang sticker note.
"I bought you a dress. just wear it. I love you."
hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig sa sinulat nya. at dahil nga dun ay napangiti ako ng malawak.
shemay ka Emman! wag mo akong pinapakiliggg!!!
tinignan ko naman ang dress na binili nya. it's just a simple dress na kulay pink at may belt sa gitna. napangiti nalang ako at sinuot yun.
talagang alam nya na paborito ko ang pink huh?
I blower my hair and put some make up on my face. humarap ako sa salamin at napangiti nung makita ang sarili. yess ang ganda ko! hehe. nagpaikot-ikot ako at nagpose ng kung ano-ano na parang model at minomodel ang damit. pinicturan ko pa ang sarili sa salamin. shemas para akong baliw na bata. pero dahil maganda ang mga shots ko ang iaupload ko ito sa IG mamaya.
"you didn't change huh? still the ugly ghost I know." gulat akong napalingon kay Emman na nakacross arm at nakasandal sa gilid ng pintuan. nakangisi pa sya habang nakatitig sa akin. shemay! paniguradong nakita nya akong nagpopose dito. nahiya tuloy ako bigla. naglakad naman sya papalapit sa akin kaya naman napayuko nalang ako at kinagat ang labi. natawa naman sya dahil dun. "alam mo bang ganyan ka rin dati? naalala ko pa nung birthday Party ni Janna. nagpopose ka sa harapan ko ng kung anu-ano. mukha ka pang tanga nun kaya naman tawang-tawa ako."
wait... who's Janna? nagpose? sa birthday party ni Janna? sa harapan nya? mukhang tanga?
napanguso naman ako at tinignan sya ng masama. Grabe makatanga ah!
ni hindi ko nga maalala ang mga pinagsasabi nya eh!
"grabe ka naman makatanga sa akin! sinasabi mo bang mukha akong baliw dati?" nakangusong saad ko pa.
natawa naman sya sabay tango. Aba naman!
"don't worry, nag-improve naman na ang posing skills mo ngayon. pwede ka na magmodel." ngumisi sya pagkatapos.
napaismid ako. ang lakas ng loob nyang mang-asar ah.
hindi ko nalang sya pinansin. nilagpasan ko rin sya ng lakad pero napahinto ako dahil sa sinabi nya.
"You look so gorgeous in that dress. bagay sayo."
my heart flipped. I felt my cheeks heat up. I bite my lips. shemas! shemas! shemasss!!!! ayoko sabing kiligin pero langya! taksil tong katawan koo!!
at dahil ayokong makita nya ang pamumula ng pisngi ko ay nagkunyari na lang akong may ginagawa. Jusme.
***
" Ayokoooo!!"
"Haha! c'mon Allesha! di naman kita ihuhulog sa tubig."
"No way! wala akong tiwala sayo!"
"haha! damn, you are so cute."
"Shut up!"
tumawa lang sya.
aba naman..
tumingin ulit ako sa tubig. mukhang nakakatakot talaga eh!
nandito kasi kami ngayon sa Burnham park sa Baguio. kinakareer na ni Emman ang panliligaw sa akin. at talagang kinakabahan akong sumakay sa maliit na bangka na ito.
napalunok nalang ako.
nagulat naman ako nung biglang hawakan ni Emman ang aking kamay at ngumiti sa akin. napatitig ako sa kanya at nagtama naman ang aming paningin. my heart beats faster.
"don't you trust me? c'mon nandito lang ako. hindi kita hahayaang mahulog sa tubig." pinisil nya ang aking kamay. nakaramdam ako ng kakaibang kiliti dahil dun.
muli akong lumingon sa ilog at napakagat labi.
"w-wala namang mga shark dyan or crocodile diba?"
"what?" He laughed. "oh Allesha, walang mababangis na isda dito. it's safe so you don't have to worry."
napakagat labi nalang ako at huminga ng malalim. hindi naman siguro ako mapapahamak. sabi ni Emman hindi nya ako pababayaan. at hindi naman nya ako titigilan hangga't di ko nagagawa ang gusto nya. edi pagbigyan nalang natin. kawawa naman. saka parang gusto ko rin itry eh. natatakot lang talaga ako sa mga posibleng mangyari.
"s-sige.. t-tara." sabi ko pa.
agad namang nagliwanag ang kanyang mukha at di na nag-aksaya ng oras. hinila nya ako at inalalayang makasakay. medyo gumalaw pa ang bangka pagkasakay ko kaya naman napakapit ako ng mahigpit kay Emman. todo alalay naman sya sa akin.
jusme, pakiramdam ko muntikan na akong mahulog kanina. nakakakaba!
at nung makasakay rin sya ay nagsimula na syang magsagwan palayo. nung una ay natatakot pa ako dahil pakiramdam ko matutumba ang bangka. umaalog kasi eh pero kalaunan ay nawala na ang takot ko at napalitan ito ng tuwa at saya lalo na nung may mabangga kaming ibang mga bangka. nagtatawanan nalang kami kapag nangyayari yun. may iba namang naghahabulan ng bangka at yung tubig ay tumatalsik sa amin.
pinagtawanan pa nga ako ni Emman nung mabasa ako sa talsik ng tubig na nanggaling sa kabilang bangka. langya!
at dahil di ako pumayag na ako lang ang mabasa ay sinabuyan ko rin sya ng tubig. napamura naman sya sa ginawa ko kaya naman tawang-tawa ako.
"talagang sakin ka pa gumaganti huh?" saad pa nya habang pinupunasan ang sarili.
napangisi naman ako
"pinagtawanan mo ako eh."
napa-tsk nalang sya at natawa kalaunan. nagpatuloy sya sa pagsasagwan at nilalaro ko naman ang tubig sa kamay ko.
nabalot rin kami ng katahimikan pero buti nalang at di na ako nakakaramdam ng awkward.
"Allesha."
nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Mmm?"
"If you're thinking about your parents then don't worry. I already told them you're with me." ngumiti sya pagkatapos.
napatango nalang ako at muling bumalik sa ginagawa. well, nag-aalala talaga ako kanina baka hinahanap na nila ako pero di naman nila ako tinawagan kaya tingin ko alam na nila kung nasaan ako. and I was right. dahil si Emman na pala mismo ang nagpaalam sa kanila.
after naming magbangka ay naglakad-lakad muna kami sa Park at bumili ng mangga. saktong-sakto lang ang mangga para sa klima dito. malamig kasi eh buti nalang at mukhang Boyscout tong si Emman dahil binigyan nya ako ng puting Jacket. adik talaga.
may nakita kaming isang bench kaya naman napagpasyahan naming umupo at magpahinga.
may nakita akong mga taong nagbibike at dahil na-engganyo akong sumakay ay hinila ko si Emman para magrent ng bike.
parehas single bike ang pinili namin.
at dahil may naisip akong pakulo ay hinamon ko sya..
"Emman! let's have a deal."
He raised his eyebrow then smirked at me.
"what deal?"
napaisip naman ako bigla.
"Mm, paunahan tayong makabalik dito. kapag nanalo ako ay tutulungan mo akong maghanap ng Engineer at Architect para sa ipapatayo kong Charity."
"charity?"
I nodded.
"yups."
napakunot ang kanyang noo.
"you're planning to build a charity? that's nice huh." napangiti naman sya at kinagat ang labi. "Mm, sige. pero kapag ako ang nanalo?"
"nasayo na kung anong gusto mong ipagawa sa akin."
napatitig naman sya sa akin saglit at napangisi rin maya-maya na para bang may naisip na kakaiba.
"Mm. sige. deal."
I smirked. okay! sana lang hindi ko pagsisihan tong deal na to. jusme!
pumwesto kami sa gitna. inihanda ko agad ang sarili. ganun din sya. at nung masigurong okay na ang lahat ay nagkatinginan kami saglit at sabay na humaharurot ng mabilis. binilisan ko ang pagpadyak sa pedal at natuwa naman ako dahil naunahan ko sya. binigyan ko sya ng isang ngiting nang-aasar at napailing naman sya at nagconcentrate sa pagbabike. kailangan kong manalo dahil baka hindi makatao ang ipapagawa nya kapag sya ang natalo.
malapit na kami sa finish line kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pagbabike pero nagulat nalang ako nung biglang nanguna si Emman. sa sobrang gulat ko ay natulala ako saglit kaya naman naging dahilan yun para sya ang manalo! shemasss!
hingal na hingal ako nung makarating sa pwesto. pakiramdam ko ako yung tumatakbo at hindi yung bike! shemas pawis na pawis ako!
"Pa'no ba yan, ako ang panalo?" nakangising sambit pa ni Emman. aba! masaya talaga syang nanalo sya ah!
binigyan nya ako ng towel at pinunas ko naman yun sa mukha ko.
okay fine. sya na ang panalo. sana naman makatao yung ipapagawa nya sa akin.
"so, anong ipapagawa mo sa akin?" tanong ko pa.
lalong lumaki ang ngisi sa kanyang labi. nakahawak pa sya sa kanyang baba na animo'y nag-iisip.
"mm, wala pa akong maisip sa ngayon eh."
"so?"
"meaning, saka ko na sasabihin ang dapat mong gawin. just be ready." then he wink at me. nakahinga naman ako ng maluwag. buti at may panahon pa ako para maghanda sa deal na to. shemas.
after naming magbike ay muli kaming naglakad-lakad. wala lang, mas maganda kasi ang maglakad-lakad dito lalo na't malamig. saka exercise na rin to para sa mga tuhod ko.
ilang minuto rin kaming tahimik ni Emman. parehas di nagpapansinan.
napayuko nalang ako habang naglalakad. I wonder, ano kayang iniisip ni Emman ngayon? teka.. at kelan pa ako naging curios sa mga iniisip nya?!
"Allesha." medyo nagulat ako nung tinawag nya ang pangalan ko pero nakabawi rin naman kalaunan.
I faced him and arched my eyebrow.
"yes?"
"may naalala lang ako." napangiti sya. tinitigan ko lang sya.
"Ano naman?" I asked.
huminto sya sa paglalakad at hinarap ako. then he look straight into my eyes. nakaramdam naman ako ng ilang pero nilabanan ko lang. shemas. nakakapanghina ng mga tuhod ang kanyang tingin.
"I remember before.. we made a deal."
napakunot ang noo ko.
"a deal?"
he nodded.
"yeah. You and I made a contract paper before.. it's about you helping me to make almira fall inlove with me. and in return, I will also do the same to you."
napanguso ako. ano naman ngayon eh di ko maalala yung mga sinasabi nya?
"sorry wala akong maalala."
"okay lang. alam ko namang maaalala mo rin iyon sa tamang panahon." saad pa nya. napatingin ako sa kanya. he's confident na maaalala ko talaga ang mga nakaraan namin huh? kung meron man?
He bite his lip then move closer to me.
"And I guess, mauulit na naman."
napakunot ang noo ko..
mauulit na naman?
"w-what do you mean?"
"may deal tayo kanina diba? sabi mo kapag nanalo ka ay tutulungan kitang maghanap ng Engineer at Architech? at kapag ako naman ang nanalo ay gagawin mo ang ipapagawa ko."
"eh? parang di naman." sabi ko pa at nagsimulang maglakad. sumunod naman sya.
"well for me walang pinagkaiba yun." sabi pa nya.
napabuntong hininga nalang ako at kinagat ang labi.
"okay. sabi mo eh."
nabalot na naman ng isang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. at dahil pinipigilan kong magsalita ay ibinaling ko nalang sa ibang bagay ang aking atensyon.
pero napahinto ako nung tumapat kami sa isang Simbahan. dahil dun ay napahinto rin si Emman at sinundan ang aking tingin. Ewan ko, pero iba ang pakiramdam ko dito. pakiramdam ko may naging memories ako dito.
tinitigan kong mabuti ang simbahan at may biglang isang imahe ang pumasok sa isip ko. blurred lang sya pero isa itong imahe ng babae at lalaki sa loob ng simbahan habang nagdadasal. napakunot ang noo ko at medyo sumakit ang ulo ko.
"Allesha, are you okay?" nag-aalalang tanong pa ni Emman nung mapansin nyang napahawak ako sa aking noo. yung dalawang braso nya ay nakahawak na sa aking magkabilang balikat.
napatitig ako sa kanya at muli na namang pumasok sa isipan ko ang imahe ng lalaki na nagdadasal sa simbahan. tumibok ng malakas ang aking puso kaya naman umiwas ako ng tingin kay Emman at napalunok.
"Y-yeah. I'm fine."
kumunot ang kanyang noo.
"you sure?"
I nodded.
"yes."
He sighed. he bite his lips then pulled me for a hug. nagulat ako sa ginawa nya pero nakabawi rin naman ako at ginantihan sya ng yakap.
ewan ko lang pero gumagaan ang pakiramdam ko kapag magkayakap kami. it's like nawawala ang lahat ng mga bad thoughts or problems ko kapag nandyan sya.
"Kapag may masakit sayo, just tell it to me okay? you can trust me." mahinahong sambit nya habang yakap ako.
tumango nalang ako at di na nagsalita. naramdaman ko rin ang paghalik nya sa ulo ko bago nya ako pinakawalan.
muli syang tumingin sa mga mata ko.
and I can still see the worried look on his face.
"gusto mo bang pumasok sa loob ng simbahan?"
I gulped.
"p-pwede ba?"
ngumiti naman sya.
"of course. silly." hinawakan nya ang aking kamay at sabay naming tinahak ang daan papunta sa loob ng simbahan. "just so you know Multong pangit. bukas para sa lahat ang simbahang ito." natawa sya after.
I made a face.
oo na! nang-aasar pa eh.
pumasok kami sa Loob. may mga mangilan-ngilang tao dito na nagdadasal. umupo naman kami ni Emman sa bandang gitna. inilibot ko ang aking paningin sa loob. well, maganda ang disenyo ng simbahan ano pa bang iniexpect ko? malaspanish style. pero hindi yun ang iniisip ko. I'm still thinking of the image I saw on my mind. pati itong ambiance ng lugar ay parang naramramdam ko na before. pero ang tanong, sino yung dalawang tao na nakita ko sa isip ko?
napatingin ako bigla kay Emman nung hawakan nya ang aking kamay. then he smiled at me. nakaramdam ako ng di maipaliwanag na emosyon dahil dun.
"may naalala ka ba sa lugar na ito, multong pangit?" nakangiting tanong pa nya.
"A-ano?" takang tanong ko pa.
lumingon naman sya sa altar bago muling bumaling sa akin.
then he sighed.
"four years ago, may isang makulit na multo ang nagpumilit sa akin na pumasok dito. she even commanded me to pray. sabi nya, makatutulong para sa mga tao ang pagdarasal. it can also help for our emotions. nababawasan nito ang bigat na ating dinadala. Sabi nya rin, God will hear us and grant our prayers." natahimik ako sa kanyang sinabi. pinagsiklop nya ang aming kamay sa isa't isa at nakaramdam ako ng kakaibang electricity dahil dun.
"and do you who is she? it is you, Allesha. ikaw ang babaeng yun."
napakurap ako. I felt something strange in my heart and I feel something butterflies in my stomach. hindi ko alam pero pakiramdam ko totoo yung mga sinabi nya. pakiramdam ko ay konektado ang mga sinabi nya sa nakita kong imahe sa isip ko.
I gulped and look straight into his eyes.
"t-totoo ba yang sinasabi mo?"
He nodded and sighed. "c-can I pray?"
He nodded again and smile.
"of course. nandito lang ako. sabay tayong magdadasal."
sabay kaming lumuhod at pumikit. pinagsiklop ko ang aking mga kamay at nagsimulang magdasal.
"dear god, first of all I just want to say thank you for giving me a second chance to live and see this wonderful world. patawad po dahil ngayon lang ulit ako nakakadalaw sa iyo. its been a long time since I pray at marami po akong gustong sabihin. may sister died long time ago at napakasakit po nun tanggapin para sa amin. nalaman ko po na ampon lang ako and my true mother were dead at hindi man lang po ako nagkaroon ng pagkakataon na makita sya. ganunpaman ay nagpapasalamat parin po ako sa kanya dahil sinakripisyo nya ang kanyang sarili para sa akin. kung hindi dahil sa biological mother ko, hindi ko po makikilala ang mga tumatayong magulang ko ngayon. masaya naman po ako na kasama sila. they give me the love that I need. they support me in all the things that I do. masaya na rin po ako ngayon dahil natapos na po ang malaking problema na kinahaharap namin dati. nakulong na po si Buenavera. pero may bago po akong problema na kinahaharap ngayon. I met Emman loyd. the first time I saw him I felt something strange in my heart. and then sinabi nga po nya sa akin na may nakaraan kami at mahal na mahal namin ang isa't isa. alam nyo po bang kahit anong tanggi ang gawin ko sa mga sinasabi nya ay hindi ko po natatalo ang aking puso na syang naniniwala sa kanya. Unti-onti na po akong bumibigay. I pray po na gabayan nyo po ako sa mga desisyon na gagawin ko. please give me a courage to face this problems. ikaw na po ang bahala sa mangyayari sa akin. wag nyo po kaming pababayaan. protektahan mo po kami mula sa kapahamakan at sakuna. also, protect our hearts from any heartache. ikaw na po ang bahala sa akin father God. I believe in you. I praised and honor you in jesus name I pray, Amen."
unti-onti kong iminulat ang aking sarili at umupo. natigilan pa ako nung makitang nakatitig sa akin si Emman, but this time kalungkutan ang nakikita ko sa kanyang mga mata. nagtama ang aming paningin. and then I felt something pain in my heart upon seeing him like this.
I cleared my throat.
"A-are you done praying?" kinakabahang tanong ko pa. tumango lang sya at di nagsalita. I gulped.
"L-lets go?"
Kinuha ko ang kanyang kamay at hinila palabas ng lugar. at dahil gusto ko ulit maramdaman ang kakaibang electricity na naramdaman ko kanina ay pinagsiklop ko ang aming mga kamay. nagulat pa sya sa ginawa ko at napatingin doon bago ako balingan ng tingin. ngumiti nalang ako sa kanya at napatitig naman sya sa akin.
dahil dun ay hinigpitan nya ang pagkakahawak sa aking kamay na tila takot na mawala ako. nakaramdam ako ng kakaibang tuwa dahil dun.
"Emman may sasabihin ako"
"what is it?" He asked.
huminto ako sa paglalakad nung nasa entrance na kami ng simbahan, ganun din sya. then, we stared at each other.
"I saw an image in my mind. isang babae at lalaki na nakaupo sa loob ng simbahan. blurred nga lang kaya di ko makita ang mga hitsura nila." I gulped. he remained silent. "t-tell me... is it true? t-the two person I saw... t-tayong dalawa ba yun?"
Silence overload.
walang nagsalita sa amin. We just stared at each other for about one minute? And I can't determine his reaction.
pero nagulat nalang ako nung bigla nya akong kabigin at hinalikan sa labi.
anak ka ng kabuteeee!!!
***/*/*/**/*/*/**/*/***
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top