ALC: Kabanata 31
Dedicated to @chandra_selene thank you so much! Huwag ka na umiyak.
And sa inyo, salamat sa matiyagang paghihintay ng update nito kahit nakakaasar na talaga. Kasi ako naaasar na rin hahaha.
ALC: Kabanata 31
Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe ni Tyler pauwi ng Manila. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko yung nangyari kagabi, kung paano siya umiyak nang umiyak sa harapan ko at magmakaawa na huwag ko siyang iiwanan. Laking pasasalamat ko nalang din dahil napapayag ko na siyang umuwi na kami dahil nakakaagaw pansin na rin kami sa mga tao sa labas ng ospital.
"Can I stay here? Dito na muna ako matutulog ngayong gabi." Suhestiyon niya nang makarating na kami sa unit ko, lumingon ako sa kanya at kumirot ang puso ko dahil sa namumugto niyang mata.
Kung iisiping mabuti ay napaka tapang nitong lalaki na ito pero kagabi, nakita ko ang kahinaan niya na sobrang nagpakirot sa puso ko. At hindi ko lubos na matanggap na ang pagkawala ko sa buhay niya ang magiging kahinaan niya.
Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako. "Please? Ayokong umalis sa tabi mo ngayon." Pakiusap niya sa akin at humiga siya doon sa kama ko. Ipinatong niya ang isang braso niya sa kanyang noo at mariin na ipinikit ang mata.
Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha, sa totoo lang ay maamo ang kanyang mukha sa tuwing seryoso ang ekspresyon niya, nagiging pilyo lang iyon sa tuwing masaya siya. Sa hindi ko malamang dahilan ay pumatong ako sa ibabaw niya at niyakap ko siya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko pero mas hinigpitan ko ang yakap at pinakinggan ko ang maingay na pintig ng puso niya, amoy na amoy ko rin ang mabangong pangangatawan niya.
Naramdaman kong yumakap na rin siya sa akin dahil sa pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. "Mahal mo ba talaga ako, Althea?" Bulong niya.
Huminga ako ng malalim at tumingala ako sa kanya upang pagtagpuin ang mata naming dalawa, sa simpleng pag titig niya lang sa akin ay masasabi kong mahal talaga ako ng taong ito.
"Mahal na mahal kita, Tyler." Bulong ko na siyang nagpakislap sa malungkot niyang mata.
"Then, bakit mo ako iiwanan?" Walang atubiling tanong niya na nagpakaba sa akin.
Pinilit kong maging matatag sa harapan niya kahit pa ang totoo ay nasasaktan na ako, "Hindi naman kita iiwanan." Labag na bulong ko, hindi ko na mabasa kung anong sinasabi ng mga mata niya ngayon.
Ang alam ko lang nababalot iyon ng takot ang lungkot.
Ilang sandali pa ay nagulat ako kung paano siya umikot dito sa kama at nagawa niyang siya naman ang nasa ibabaw ko. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang angkinin niya ang labi ko at pikit mata kong tinugon iyon.
Panay ang haplos ng dila niya sa labi ko sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko upang tanggapin ang halik niya. Pero ang nagpapitlag sa akin ng sobra sobra ay nang marahan niyang pisilin ang dibdib ko kasabay ng pag galaw niya sa ibabaw ko na siyang naghahatid ng kakaibang init sa mga ugat ko.
"Tyler..." Hinaing ko dahilan para bumaba ang halik niya sa leeg ko, kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ng gilid ng tenga ko ang mainit na halik niya na mas lalong nagpapatindig sa balahibo ko, iba ang pakiramdam na ito kumpara sa madalas na paghalik niya sa labi ko. Para bang unti unti niyang binubuhay ang mga nakapatay na bumbilya sa katawan ko, pero ilang sandali pa ay huminto rin siya. Bigla kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko dahil dinig ng dalawang tenga ko ang paghahabol ko ng hininga dahil sa sensasyong bumalot sa amin kanina.
Tumungo siya sa balikat ko at doon nagsalita. "I've been driving myself crazy thinking about you— making love with me." Mainit ang pagbuga ng hininga niya nang ibulong iyon. "Araw araw kong naiisip yon, Althea, pero nagawa kong magtiis dahil mahal kita." Dagdag niya na nagpalunok sa akin ng sunod sunod.
"Tyler,"
"Pero ngayon, magtitiis pa din ako. Dahil kung babaliwin kita sa bisig ko, ayokong gigising ako na wala ka sa tabi ko kinabukasan." Pagtatapos niya at mabilis siyang tumayo saka lumabas ng kwarto ko.
Mabilis na paghinga ang pinapakawalan ko ngayon. At masasabi kong ang lalamunan ko ay nanunuyo na dahil sa sobrang kaba. Tumayo ako at inayos ko ang sarili ko. Ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko dahil sa nangyari. Hindi ko maiwasan ang hiyang natamo ko dahil sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Biglang tanong ko sa kanya nang makita kong binuksan niya ang pinto ng unit ko.
Hindi siya lumingon sa akin, nanatili siyang nakatalikod at kitang kita ko ang pagtaas baba ng balikat niya dahil sa mabigat na paghinga na pinapakawalan niya.
"I'm going home, magpapalamig lang muna. You have no idea what I want to do with you, Althea, maybe you're thinking the same thing, maybe not, ewan ko, hindi ko alam o baka ako lang." Usal niya na nagpalunok sa akin dahil alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero tama lang ang gagawin niya, lumayo nalang muna siya hangga't hindi pa kami dumadating sa puntong yon.
"Aalis ako ngayon, pero hindi ibig sabihin na sinusukuan na kita."
Yun lang at tuluyan na siyang umalis. Mabilis kong naramdaman ang panghihina ng tuhod ko kaya naman tumungo ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig na siyang nagpagaan sa pakiramdam ko!
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may meeting kami with the Marketing department team.
Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang kalagayan ni Mama ngayon doon sa Zambales. At sumasakit na rin ang ulo ko sa kaiisip kung paano ako bibitaw kay Tyler sa paraang maiintindihan niya. Pero kahit anong gawin ko ay alam kong kailanman hindi niya ako maiintindihan.
"Althea?"
Panay lang ang pagpapaikot ko sa ballpen na hawak ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa amin kahapon ni Tyler. Isang halik lang yon na alam kong mag uuwi sa amin sa mas malaking kasalanan kung sakaling natuloy.
"Althea?!" Nagising ako sa pag iisip nang sumigaw na si Monet sa tabi ko, tinignan ko silang lahat sa board room at nakaramdam ako ng hiya dahil parang kanina pa nila akong pinagmamasdan.
"Ah...what can you say? Okay ba yung presentation?" Nakangiting tanong ni Jonathan na nagpaawang sa bibig ko. Ang totoo ay wala manlang akong naintindihan dahil napupuno ng maraming kaguluhan ang isip ko.
"Okay siya!" Magiliw na sagot ni Monet upang saluhin ako sa kahihiyan. Pero nanatiling nakatitig sa akin si Jonathan kaya pinagtaasan ko siya ng kilay na siyang nginisian naman niya.
"Anyway, i-sesend ko nalang din sa email niyo para ma-review niyo pa." Sabi ni Jonathan na nagpahinga sa akin ng maluwag.
Matapos ang meeting ay bumalik na rin sa kanya kanyang opisina ang mga staff namin ni Monet. Naiwan nalang kaming tatlo doon sa board room.
"May problema ba?" Untag ni Jonathan sa akin.
"Ha? Wala." Pagsisinungaling ko, nagkatinginan sila ni Monet at mukhang magkakasundo na naman ang dalawa.
"May tinatago siya sa atin, Monet." Tumango naman si Monet bilang sagot kay Jonathan.
Uminom ako ng tubig at nag iwas ng tingin sa kanila. Saka tumayo na rin ako at naglakad na papunta sa opisina ko pero hindi ako tinantanan ng dalawang ito.
"Come on, Althea, hindi ka naman ganyan kung walang gumugulo sa isip mo." Ani Jonathan na mabilis na namang sinang ayungan ni Monet.
"Don't tell me, nakahanap ka na ng ipapalit sa akin!" Pagbibiro ni Jonathan dahilan para batuhin ko siya ng ballpen na hawak ko. "Or let me say, baka may boyfriend na?" Gatong pa ni Monet.
"Pwede ba? Manahimik kayong dalawa." Natatawang suway ko dahil ang kukulit ng expression ng mukha nila.
"Magtatampo kaming dalawa sayo. Kung umasta ka parang hindi mo kami kaibigan, hindi ka na nag sasabi ng problema sa akin ha." Pagtatampo ni Monet na nagpa-angat sa labi ko.
"Guys," Pakiusap ko para huwag na silang magtampo pero hindi sila nadala sa malambing ko boses.
"Alright, nag aalala lang ako kay Mama. Kakauwi lang nila ni Dad last yesterday from Paris, and nasa ospital siya ngayon. Inatake siya sa puso." Maikling kwento ko.
"What?! What happened? Sana hindi ka na muna pumasok! Sana binantayan mo na muna si Tita!" Suhestiyon ni Monet at kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya. Gustuhin ko mang bantayan si Mama, pero malinaw sa akin na ayaw na muna niya akong makausap pansamantala. Masakit iyon para sa akin pero kung iyon ang magpapagaan sa kalooban ni Mama ay gagawin ko.
Hindi ko alam kung paano ko ba ikukwento sa kanila. Na kami ni Tyler ang dahilan kung bakit inatake si Mama? Na nahuli kaming naghahalikan sa isang kama? Damn it, hindi na ako makapag isip ng maayos.
"Mahabang kwento." Yun na lamang ang naisagot ko sa kanila. Mga ilang sandali pa ay pinili nalang muna nila akong mapag isa.
Ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa buong maghapon. At sa maghapon din na yon ay hindi ako nakatanggap kahit isang text message mula kay Tyler, mabuti na rin siguro iyon para unti unti ko nang sanayin ang sarili ko na wala ang presensya niya.
Nag aabang na ako ngayon ng taxi pauwi nang biglang huminto sa harapan ko ang sasakyan ni Tyler. Mabilis gumapang ang kaba sa puso ko pero nanatili akong kalmado.
Bumaba siya doon at nakapamulsang lumapit sa akin. Naka black long sleeves siya at maong pants, kung kahapon ay namumugto pa ang mata niya, ngayon ay medyo maayos na yon.
Malalim ang pag titig na ibinibigay niya sa akin ngayon. "Pauwi ka na ba?" Untag niya sa namamaos na boses, tumango ako bilang sagot.
"Ihahatid na kita. Flight ko na mamaya papuntang Japan, pinapapunta ako ni Dad to meet some prospective business partners. Hindi siya makaalis gawa ni Mama." Kwento niya sa akin, ramdam ko yung panlalamig niya pero nandoon pa rin naman sa mga mata niya ang paglalambing.
"O..okay." Sagot ko saka nilagpasan ko na siya at sumakay na ako sa kotse niya, pagkatapos ay sumakay na rin siya.
Tahimik lang kaming pareho habang tinatahak niya ang daan patungo sa condo unit ko. At dahil malapit lang naman sa office ko yon ay mabilis kaming nakarating.
"Ah, thank you." Bulong ko saka tinanggal ang seat belt ko. Pababa na sana ako pero natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.
Lumingon ako sa kanya, seryoso ang mukha niya at diretso lang ang tingin niya doon sa labas. "May babalikan pa naman ako pagbalik ko diba?" Paninigurado niya, huminga ako ng malalim dahil heto na naman yung traydor kong luha.
"Tyler, ayokong mawala si Mama." Bulong ko.
"Ako rin naman, sa tingin mo ba madali sa akin 'to? Hindi, Althea, pero mas pinipili kong lumaban kasi mahal kita." Pagdidiin niya.
"Hindi mo ako naiintindihan." Nabasag na ang boses ko.
"Hindi talaga! Damn it, ang ganda na ng usapan natin nung mga nakaraang araw. Magkasama tayong lalaban, pero sa pinaparamdam mo ngayon parang nakahanda ka nang iwanan ako." Punong puno ng desperation ang boses niya at alam kong hindi na naman kinakaya ng puso ko iyon.
"Tyler, hindi ko gustong iwanan ka. Pero nung nakita kong nahihirapan si Mama, nagdasal ako ng sobra sobra. Umiyak ako, humingi ako ng tawad, lahat na ng pwede kong dasalin dinasal ko." Pagdidiin ko sa kanya na mas lalong nagpapahigpit ngayon ng kapit niya sa kamay ko.
"Ayoko, Tyler. But, I made a promise to God, na kapag ibinalik niya sa atin si Mama, handa akong pakawalan ka. At ginawa niya, Tyler." Umiiyak na bulong ko sa kanya na siyang nagpaluwag sa kapit niya sa akin.
Bumaling siya sa akin at tinitigan akong mabuti sa mga mata ko, "No, you don't." Pilit niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at inilingan ko siya habang umiiyak ako. "And it's not possible to take back my promises that I've made with God. Alam mo yan, Tyler, sinabi yan sa atin ni Mama, na kapag nangako tayo sa Diyos dapat tutuparin natin. Dahil masama ang nangangako sa kanya kung hindi rin naman natin susundin." Paalala ko sa kanya sa pangaral na ibinigay sa amin ni Mama.
"Huwag mong kakalimutan ang ginawa ni Mama para sayo, nangako siya na hindi ka niya sasaktan kahit kailan basta mabuhay ka lang sa mundong 'to. At alam nating dalawa na hanggang ngayon ginagawa ni Mama ang pangakong binitawan niya sa Diyos, pinoprotektahan ka niya kahit na sobrang nasasaktan na siya." Iyon lang ang huling sinabi ko at nagmadali na akong bumaba ng sasakyan niya.
Pilit kong pinupunasan ang luha ko pero panay lang ang pagtulo nito, hindi pa man din ako nakakapasok sa tower ng condo ko ay mabilis niya akong hinila sa braso ko at hinalikan sa labi! Isang malalim na paghalik na mas lalong nagpaiyak sa akin ng sobra sobra.
Pagkatapos niya akong halikan ay niyakap niya ako, panay lang ang pag iyak ko sa dibdib niya dahil ang sakit sakit na kasi talaga at hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para makatakas sa sakit na 'to.
"Hindi ko na pipilitin, pero kapag dumating yung araw na hindi mo kayang sundin ang pangako na yon. Sasamahan kitang humingi ng kapatawaran sa kanya araw araw." Aniya habang mas hinihigpitan ang yakap sa akin.
"Althea, forgiveness is always there, especially at God's throne of grace. He is the one who teaches us to forgive kaya naniniwala akong mapapatawad niya tayo." Patuloy niya na mas lalong nagpakirot sa puso ko.
"You keep on saying na sinabi ni Mama yon diba? Baka nakakalimutan mo, Al, God is a forgiving God. All we have to do is repent from the heart and ask for forgiveness and he will forgive us. Come on, Sweetheart, si Mama naintindihan niya tayo at naniniwala ako na maiintindihan tayo ng Diyos. Mahal natin ang isa't isa, Althea! We will ask for forgiveness hanggang sa mapatawad niya tayo, kaya please." Pag papaintindi niya sa akin pagkatapos ay humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at tinitigan sa mga mata. Yung mga titig niyang iyon ay nangangakong hindi siya susuko kahit ano pang mangyari.
"Hindi na kita pipilitin, maghihintay ako. Kung nangako ka sa Diyos, igagalang ko yon. Pero kapag hindi mo kinaya, sasamahan kitang humingi ng tawad sa kanya hanggang sa pareho na niya tayong patawarin."
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top