ALC-DTC: Kabanata 40
Dedicated ito kay Ate @lelegen sobrang salamat po sa support, Ate! Pati sa mga comments. Pati na rin sayo AnneBringas and sayo ulit Ate RosemeldaLeoparte, maraming salamat po! :)
Malapit na talagang matapos, Sweethearts. Inuunti unti ko talaga ang update dahil mamimiss ko talaga sila ng sobra. Huhuhu. Salamat kasi nandiyan pa rin kayo! <3
ALC: Kabanata 40
"Yeah, after ng meeting ko with my new clients, di-diretso na ako sa office ni Dad para makita yung mga maiiwan niyang trabaho kapag pumunta na sila ni Mama sa Japan." Kwento ni Tyler habang ngumunguya ng pagkain.
Sabay kaming nag be-breakfast ngayon dito sa unit ko at isa isa niyang sinasabi sa akin ang mga schedule niya ngayong araw na ito. Medyo naaawa ako sa kanya dahil parang punong puno ang schedule niya at sa tingin ko dahil na rin 'yon sa ilang araw na naiwan niyang trabaho nung nasa Siargao kami nung nakaraan pa.
"Sobrang busy mo ngayong araw na 'to ah," Sabi ko, sasagot na sana siya pero natigilan siya at napansin kong kumunot ang noo niya na para bang may tinitignan do'n sa sala.
"Huy!" Untag ko sa kanya, binasa niya ng dila niya ang kanyang labi saka tumuro siya do'n sa sala.
"Kanino galing 'yon?" Kunot noong tanong niya saka lumingon ako sa may sala at nakita ko ang yellow roses na binigay sa akin ni Jonathan kahapon, nakalagay na 'yon sa flower vase.
Lumunok ako at nagbalik ng tingin sa kanya, "Ah, kay Jonathan. Nag sorry siya sa akin." Paliwanag ko na mas lalong nagpa-simangot sa kanya.
"Itapon mo 'yan o ako ang magtatapon." Pagbabanta niya.
Huminga ako ng malalim at inilingan ko siya, nagseselos na naman ang isang ito.
"Tyler, nag sorry lang naman yung tao eh. Saka kahit anong mangyari, hindi ka na mapapalitan sa puso ko." Paninigurado ko sa kanya, napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple niya at kaunting namula ang kanyang mukha.
Pinipigilan kong magpakawala ng ngisi dahil alam ko kung kailan kinikilig ang puso nitong lalaking ito.
Tumikhim siya at saka uminom ng tubig. "Kahit na, ayokong tumatanggap ka ng regalo sa gago na 'yon. Dahil kapag naaalala kong hinalikan niya yang labi mo, gustong gusto ko siyang bangasan ng walang humpay. Ako lang ang may karapatang humalik sa lahat ng parte ng katawan mo." Pagbabanta niya at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako o biglang tumalbog yung puso ko.
"O...okay." Nauutal na sagot ko sa kanya.
---
"So, alam mo palang pupunta ng Japan sila Dad?" Usisa ko sa kanya habang nagmamaneho na siya, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw no'n na hindi inaalis ang mga mata do'n sa kalsada.
"Yes, sinabi sa akin ni Mama. I asked them kung pwede ba natin silang ihatid mamayang gabi, pero hindi daw pumayag si Dad. Sunduin nalang daw natin sila once na magpasiya na silang bumalik dito sa Pinas." Aniya, mamayang gabi na kaagad kasi ang tulak nila Mama patungo sa Japan.
Nalulungkot ako dahil medyo magiging malayo sila Mama pansamantala, hindi ko na sila mapupuntahan anytime kagaya sa Zambales. But at the same time, masaya na rin ako dahil 'yon ang magiging tulay upang makapag isip-isip si Dad at mapatawad niya kami ng tuluyan ni Tyler.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya nang tumigil na siya sa tapat ng company ko, tinignan ko siya at kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang malungkot niyang itsura.
"Oh? Ano yang mukhang yan ha?" Ngisi ko, pinag salikop niya ang daliri naming dalawa.
"H'wag ka na kayang mag-trabaho? Samahan mo nalang ako palagi sa office." Ngumuso siya at halos matawa ako dahil ngayon ko lang nakita na umasta siya na parang isang bata.
Kinurot ko ang pisngi niya, "Tyler, alam mo naman na hindi ako papayag, right? Unti unti nang lumalaki ang kumpanya namin ni Monet and I am so happy dahil noon pinapangarap lang namin 'to. Pero unti unti nang natutupad, dahil na rin sa naitulong mo." Nakangiting paliwanag ko sa kanya, totoong malaki ang naitulong ng investment ni Tyler sa company namin ni Monet dahil mas lumaki ang benta namin nang madagdagan kami ng ilang botique.
"At saka isa pa, kailangan naming magbayad ng utang sayo." Ngisi ko, tumawa siya at hindi napigilan ng puso ko ang pagkalabog dahil sa paglabas ng dimples niya.
"Hindi niyo naman kailangang bayaran 'yon." Aniya at nanlaki ang mata ko dahil do'n.
"No! Babayaran ka namin noh!"
"Kiss nalang ang ibayad mo." Tumatawang sambit niya at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.
Sinundot ko ang dimples niya, "Ikaw ha, para-paraan ka din noh?"
Muli kong narinig ang magandang halakhak niya.
"Come on, Althea. Bigyan mo ako ng lakas ngayong araw na 'to, I have a lot of works to do. Busyng tao ang mapapang asawa mo na nangangailangan ng matinding halik mo para magkaroon ako ng lakas." Panunuyo niya na nagpatawa sa akin ng sobra, mapapang-asawa? Isipin ko pa lang 'yon ay natutuwa na ako.
"Pipikit na ako." Ngisi niya saka marahan na ipinikit ang kanyang mata, nanatiling nakalabas ang dimples niya dahil hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.
Sandali muna akong ngumiti bago ko napag pasiyahan na dahan dahang ilapit ang labi ko sa pisngi niya.
"Sweetheart, halik best friend naman yan eh." Pagmamaktol niya, hinampas ko ang braso niya pero tumawa lang siya at hindi na ako nakapalag nang siilin niya ako ng napakalalim na halik!
Pikit mata kong tinugon 'yon na talaga namang naghahatid ng masarap na pakiramdam sa buong katawan ko.
"Tyler..." Halinghing ko sa pagitan ng halik naming dalawa, alam kong siya ang kauna unahang nakahalik sa akin sa buong buhay ko, pero bakit masasabi kong siya na yata ang pinaka masarap humalik sa lahat ng lalaki.
Halos maghabol ako ng pag hinga nang pakawalan niya ako.
"Sweetheart, sobrang sarap ko bang humalik para marinig ko na naman ang napaka-seksing ungol mo?" Pang aasar niya na nagpalaki sa mata ko!
Namula ang buong mukha ko, "Tyler!!" Hiyaw ko sa kanya!
"Biro lang." Bawi niya saka hinalikan ang noo ko. "I'll try na masundo ka mamaya." Pagbabago niya sa usapan.
Umiling ako, "No, it's okay. Kaya ko namang umuwi mag isa. Basta kumain ka sa trabaho." Bilin ko sa kanya, ngumiti siya.
"Ikaw din, kumain kayo ni baby..." Panunuya niya, hinampas ko ang braso niya. A smile pulls at his lips dahil sa naging reaction ko.
"Baby ka diyan!" Suway ko sa kanya.
Hindi nakaligtas sa tenga ko ang magandang halakhak niya. "Why? We made love, Althea, and it was the most amazing night of my life. I'm sure may unti unti nang nabubuo diyan, sa tagal kong nagtiis paniguradong walang sasablay sa mga naipon ko." Pagyayabang niya na nagpainit sa buong mukha ko!
Isipin ko palang na magkakaanak na kaming dalawa ay tumatalon na sa saya ang puso ko. Pero, nandoon pa rin ang kaba sa akin. Kaya ko bang maging mabuting isang magulang? Sana ay magawa ko.
"P..papasok na ako." Nauutal na paalam ko upang makaiwas sa usapan saka bumaba na ako ng kotse niya, pero hindi ko pa man din naisasara ang pinto ay may pahabol na naman siyang muli.
"You're so beautiful, Sweetheart!" Puri niya habang ngiting ngiti sa akin, kitang kita ko ang matinding kasiyahan sa kanyang mata. "Especially when you're naked." Kumindat pa siya at sumaludo sa akin!
Mas lalong nag init ang buong mukha ko dahil sa kapilyuhan niya, "Bastos!" Sigaw ko sa kanya saka malakas kong tinalpak ang pinto ng kotse, ibinaba naman niya ang salamin nito.
"I'll see you tonight, Sweetheart! I love you!" Sigaw niya pero hindi ko na pinagbigyang pansin 'yon, mabilis na akong nag martsa papasok sa company namin.
---
"Ano ba yang mga eroplanong papel na 'yan?" Usisa ni Monet ngayong nandito kami sa board room, katatapos lang ng meeting namin about sa monthly sale at bigla kong naisipang gumawa ng ilang sulat para kay Tyler gamit muli ang mga eroplanong papel na ginagawa ko noong mga bata pa kami para mapansin niya ako.
Ngumiti ako at ipinagpatuloy ko ang ikalimang eroplanong papel. "Ibibigay ko 'to sa kanya." Sagot ko kay Monet na hindi inaalis ang tingin sa ginagawa ko.
Narinig kong tumawa siya at para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"My God, Althea, sinong mag aakala na ganyan kang ka-korning ma-in-love?" Ngisi niya.
Ngumuso ako at nagtaas ng tingin sa kanya. "Monet, importante sa buhay namin yang mga eroplanong papel na 'yan, kaya hindi korni 'yan noh!" Suway ko sa kanya pero tumawa lang siya at piniling pag masdan ako sa ginagawa ko.
"Pero, maiba tayo. Kailan mo nasabing mahal mo yang Kuya mo, I mean, si Tyler." Tanong niya, itinupi ko na ang huling eroplanong papel at bumaling ako sa kanya.
"Actually, hindi ko alam kung kailan at paano. Kasi, sa totoo lang, sa aming dalawa siya ang unang nagmahal. At habang tumatagal yung pagmamahal na alam kong noon pa man pinaparamdam na niya sa akin, nagising nalang ako isang araw na para bang madalas ko na siyang hinahanap hanap kahit pa pinagtatabuyan ko siya." Litanya ko, nakita ko ang pagka mangha sa mga mata ni Monet.
Siguro para sa ilan hindi normal ang magkagusto o mahalin ang isang kapatid, pero sa kaso naman naming dalawa ni Tyler, sa papel lang kami legal na magkapatid. Gano'n pala 'yon ano? Hindi mo alam kung kanino titibok ang puso mo, kung sino ang mamahalin mo ng buong buo. O kung kanina ka ba nakatakda.
"Pero, in fairness, never ko kayong nahalata. Napakagaling mong magtago." Mapait na sabi ni Monet na tinawanan ko lang, "Kaya nga sorry na diba?" Ngisi ko sa kanya.
Natigilan kaming dalawa sa pag-kukwentuhan nang marinig naming may kumatok at si Rhea 'yon na secretary ko.
"Uhm? Natapos mo ba yung pinapaasikaso ko?" Tanong ko sa kanya at iniabot sa akin ang envelope na ipinadala ko sa kanya para maibigay sa family Lawyer namin ang mga papeles na kailangan sa pagpapalit ng apelyido ko.
Binuklat ko 'yon at kumunot ang noo ko nang makita kong nando'n pa ang lahat ng papeles.
"Oh, eh bakit ibinalik 'to? May mali ba?" Pagtataka ko saka tinignan ko siya.
"Ah, Ma'am may sinabi po kasi sa akin si Attorney." Hindi mapakaling aniya, bigla naman akong kinabahan dahil do'n.
"Come on, Rhea, huwag mo akong pakabahin ng ganito." Suway ko sa kanya.
"Hindi naman po kakaba-kaba, kaya lang po Ma'am nagtataka lang ako." Sambit niya, pinandilatan ko siya ng mata.
"Kasi po mag lilimang taon na daw pong napalitan ang apelyido niyo at sa Japan pa daw nga po niya nakuha ang mga papeles." Kwento niya na nagpaawang sa labi ko!
"Nak ng pucha!" Ngisi ni Monet at napahampas pa siya sa lamesa kaya napapitlag ako!
"Nagtataka lang po ako Ma'am, dahil yung investor po nating si Mr.Cotrezano ang nagpapalit ng apelyido niyo. Hindi po ba, kapatid niyo siya?" Pang uungkat nito.
"Ha?" Wala sa sariling sagot ko sa kanya.
Tumikhim si Monet. "Hindi niya kapatid si Mr.Cortezano. Thank you and you may now go back to your office." Pagbabago ni Monet ng usapan na siyang nahihiyang tinanguan naman ni Rhea.
Hinarap ni Monet sa kanya ang inuupuan kong swivel chair at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkagulat dahil sa balitang ibinunyag ni Rhea.
"Haba ng hair, lokong loko pala talaga sayo 'yang gago na 'yan. Isipin mong mabuti, nahirapan kang sabihin sa Mama mo na gusto mong palitan ang apelyido mo. Pero siya? Walang pasabi na basta nalang pinalitan ang apelyido mo! Aba, parang siguradong sigurado talaga siyang sa kanya ka babagsak bandang huli!"Hindi makapaniwalang sambit ni Monet.
Tinapik tapik ko ang pisngi ko, "Monet, kailangan ko yata ng tubig." Sabi ko saka tumayo ako at nagmadaling bumalik sa opisina ko dala dala ang mga gamit ko. Narinig ko pa ang malakas na halakhak ni Monet dahil sa reaksyon ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayong napansin kong may iba pang nakasingit na papel do'n sa envelope na ibinalik sa akin ni Rhea. Kinuha ko ang dalawang papel na 'yon at halos tumulo ang luha ko nang makita ko ang original birth certificate ko kung saan ang tunay na magulang ko ang naka-register at Ella Reyes ang nakalagay na pangalan ko.
Ang isa namang birth certificate ay yung bagong palit kong pangalan.
Althea Lauren Reyes
Nakangiti kong pinunasan ang luha ko sa pisngi at para akong baliw na niyakap ang dalawang birth certificate na 'yon. Para bang pakiramdam ko ay kumpleto na ang buong pagkatao ko.
Nagpasiya akong pumunta sa opisina ni Tyler, dahil sa sayang nararamdaman ko sa ginawa niya para sa akin. Kahit pa ito ang unang pagkakataon na bibisita ako sa office niya ay alam ko namang puntahan 'yon dahil nakalagay ang company address niya sa bawat email na sine-send niya sa akin.
Dala dala ko ang envelope na naglalaman ng birth certificate ko at ang mga eroplanong papel na ginawa ko kanina upang sorpresahin siya. Kinakabahan ako, para bang bumalik ulit ako sa panahong mga bata palang kami. Yung panahong eroplanong papel ang ginagamit ko upang makausap ko siya mula sa bintana ng kwarto niya.
___
"Just make sure na mapipirmahan lahat ng bagong kontrata na ginawa natin para sa kanila." Utos ko sa secretary ko.
"Masusunod po Sir," Sagot nito bago pa tuluyang lumabas ng opisina ko, ibinalik ko ang buong atensyon ko do'n sa laptop at tinignan ang monthly sales ng ilang pinag-invest-san ko.
Kahit pa ginugulo ni Althea ang isipan ko ay pinipilit kong mag focus sa trabaho, nakakabaliw dahil mas lalo siyang hindi tumitigil sa pag-takbo sa isipan ko. Kung pu-pwede nga lang palagi siyang nasa tabi ko ay gagawin ko, being with her makes everything better. Nagiging maayos ang takbo ng buhay ko basta alam kong nandiyan siya at alam kong sa akin lang siya.
Sandali akong tumingin do'n sa binili kong bulaklak kanina, "Mapapalitan na rin ng mapupulang bulaklak na 'to ang pangit na dilaw na rosas na 'yon." Bulong ko sa sarili ko, gago mang pakinggan pero ayokong tumatanggap siya ng kahit anong regalo galing sa ibang lalaki dahil baka makabugbog na naman ako ng mukha ng iba dahil sa pagseselos na bumabalot sa katauhan ko.
Hindi na ako makapag hintay na makita at mahalikan siyang muli mamayang gabi. Hindi ko rin mawala sa isipan ko kung gaano siya kaganda nung gabing inangkin ko siya ng buong pagmamahal, nakakagago mang isipin pero mas kailangan kong patindihin ang pag kokontrol ko sa sarili. Because, I want more, gusto ko pang ulit uliting iparamdam ang matinding pagmamahal ko para sa kanya pero kinakaya kong pigilan upang hindi siya makaramdam ng pagkailang sa akin.
Alam kong bago ang lahat ng ito sa kanya kaya naman sisiguraduhin kong bawat segundo ay magiging espesyal.
Hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko dahil alam ko sa sarili kong may mabubuo sa lahat ng ibinigay ko sa kanya. Meron, sigurado ako.
Nawala ako sa gagong pagpapantasya ko sa mapapang asawa ko nang mapansin kong may lumipad na papel mula do'n sa gilid ng pinto ng opisina ko.
Tumayo ako at para akong gagong napangiti nang makita kong isang eroplanong papel ang nasa sahig. Fuck, alam ko kung sino lang ang gagawa nito. She never fails to make me smile, pakiramdam ko ay nangangalay na ang panga ko sa ilang araw na walang humpay na pag ngiti.
Dinampot ko 'yon saka biglang naramdaman yung mabilis at maingay na tibok ng lintik na puso ko para sa kanya.
Thank you for choosing to stay, even though I tried to push you away.
Sulat kamay niya ito, kagaya ng palagi kong sinasabi. Kabisado ko na ang lahat sa kanya.
Sa pangalawang pagkakataon ay may lumipad ulit na eroplanong papel patungo sa akin na mabilis kong dinampot ulit.
Thank you for all the love that you gave to me.
Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo yung gagong luha ko dahil sa saya, hindi ko pa rin lubos maisip na naipanalo ko siya sa kabila ng lahat ng sakit na dinanas ko.
"Tangina, panalo ka, Tyler." Bulong ko.
When I say 'I love you', I mean every word of it.
Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko ngayon, daig ko pa ang nakapanalo sa pagkuha ng mga investors.
I love you so much and I won't stop loving you, until I've made sure that you're the happiest man on earth.
"You're making me crazy, Althea. Ngalay na ngalay na yung lintik na panga ko kakangiti dahil sayo." Para akong gago na kinakausap ang mga eroplanong papel na hawak ko, natupad na ang pinaka inaasam asam kong pangarap sa buhay ko. Wala na yata akong mahihiling pa dahil na sa akin na ang babaeng nagpapasaya ng lubos sa puso ko. Wala na akong rason para gumawa pa ng katarantaduhan para lang mag-papansin sa kanya dahil alam kong minamahal na niya ako ngayon, buong akala ko ay tapos na pero may isa pang papel na nahulog mula sa ere.
Words could not be enough to describe all my love for you, Tyler.
Ang bilis bilis ng tibok nung puso ko at sa tingin ko noon pa ma'y ganito na ang tibok nito para sa kanya, nag angat ako ng tingin at mas lalong nagwala yung lintik na puso ko nang makita ko na siya, she's really simply beautiful in every way. Bukod kay Mama, sa kanya lang ako sobrang nagagandahan. Hindi ako magsasawang tignan ang maganda niyang mukha na nagpapahumaling sa akin ng sobra.
Nangungusap ang mata naming dalawa tungkol sa pagmamahal na nararamdaman namin sa bawat isa. Nakakaloko pero totoo palang pwedeng mag usap ang mga titig na malalalim kapag nag susumigaw ang puso.
Humakbang ako palapit sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya ng sobrang higpit dahil sa pagkasabik ko sa kanya.
"You have no idea how you've changed my life, Althea, you made all my dreams come true and I love the way you completed me."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top