Chapter 1

"Hindi na talaga kita hihintayin sa susunod. Malelate pa ako dahil sayo," iritableng saad ng best friend kong si Stella nang salubungin ko siya sa sakayan.

"Uy, sorry na... Hindi ko kasi naayos kagabi yung mga gamit ko. Sabog tuloy kanina," nagpapaawang sabi ko na inilingan lang niya.Sakto naman ay may dumating na jeep kaya nakasakay kami agad.

Ngayon ang first day namin. Pareho kaming grade 12 students ni Stella. Magkaiba nga lang kami ng strand. ABM ang kinuha ko habang STEM naman ang kanya. Ayoko mag-STEM kasi mahirap at hindi naman aligned sa course na gusto ko pero wala namang nakapagsabi sa akin na mahirap din pala mag-ABM!

"Graduating na pala tayo, 'no? Ang bilis naman ng panahon! Parang dati lang tinatawanan ko lang yung papiyok-piyok ni Sir Math nung grade 7," sabi ko kay Stella.

Natawa siya. "Loko ka talaga! Busy akong nakikinig doon tapos biglang tumatawa."

Palaging si Stella ang top one sa klase namin noon. Since kinder kami ay wala nang nakakapantay sa talino niyan. Seryoso rin siya palagi kapag nagkaklase at hindi mo talaga siya madidistract kasi sobrang focused niya. Ako lang ang nakakapagtanggal sa focus niyan sa klase.

"Punta ka sa party ni Bianca?" tanong ko, pag-iiba ng topic.

"Kung papayagan," sagot niya.

Pumalatak ako. "Hay nako, Stella Collins! Sa tanda mong 'yan, nagpapaalam ka pa?"

"Makamatanda 'to. Eighteen lang ako!" pakikipagtalo niya.

"Mas matanda ka pa rin sa akin." Nagkibit-balikat ako, nang-aasar.

"At least, legal na uminom," aniya bago gayahin ang mapang-asar kong kibit-balikat. "Ikaw seventeen pa lang pero ang lakas na uminom. Maawa ka naman sa atay mo," sita niya.

"Matatag 'yan like me," pagmamalaki ko. "Tsaka ano naman masama kung seventeen pa lang umiinom na? You know it's better to start 'em young."

Inirapan niya ako. "Ewan ko sayo."

"Para po," sabi ko sa driver nang makitang malapit na kami sa school.

Agad na bumaba si Stella at dali-daling naglakad papasok sa school.

"Hindi pa naman tayo late, ah!" sabi ko habang hinahabol siya.

"Five more minutes and we are," sagot niya. "Bakit ba kasi hindi mo pa inayos mga gamit mo kagabi?"

Bumuntong-hininga ako. "Tinamad ako and ayoko pumasok."

Hindi na ako sinagot ni Stella at dumiretso na sa STEM building.

"Bye, bitch!" sigaw ko at kinawayan niya lang ako.

Naglakad na rin ako papuntang ABM building na hindi naman kalayuan sa STEM building. Pagkarating na pagkarating ay sinilip ko munang mabuti ang loob ng room namin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran.

"Baka may pinaplanong masama yung lalaking yun," sagot ko.

"Sino– Ah, si Gabriel," sabi ni Hope, isa rin sa matalik kong kaibigan.

Nang makitang hindi naman siya tumambay sa room namin ngayon ay confident akong pumasok sa loob. Ang ganda-ganda ng mood ko nang biglang bago ako umupo ay may humila sa upuan ko kaya napaupo ako sa sahig.

"Tang– Gago ka talaga eh, 'no?!" sigaw ko sa tumatawang si Gabriel ngayon. Nagtatawanan sila nung kaklase kong kinaibigan niya dati para may free pass siya sa room.

"Mare, ba't ka pumasok agad? Sasabihin ko pa lang dapat na nagtatago si Gabriel," sabi ni Hope.

"Missed me, Crabby?" tanong ni Gabriel bago ngumisi.

Napaismid ako. "Kung ikaw lang din makikita ko tuwing umaga, sana namatay na lang ako."

"Ay, mabuti pa nga," sabi niya bago tumawa ng mahina.

I smiled sarcastically. "Bibigyan kita ng ten seconds para umalis sa paningin ko or else–"

"Or else what?" sabi niya, nanghahamon.

Tinignan ko siya ng masama. "Ten," pagsisimula kong magbilang.

"Hoy, Lia, itigil mo 'yan," ani Bianca na best friend ko rin, sakto ang dating nito.

"Nine," pagpapatuloy ko.

"Kapag nagpang-abot kayo dito, magaguidance kayo pareho," pang-aawat pa rin ni Bianca.

"Seven."

"Think about the future. Kapag naguidance ka, hindi ka na maiisuehan ng good moral cert," sabi ni Hope, patuloy akong kinukumbinsi na tigilan na.

"Five."

"Sis, UP, UST, Ateneo, La Salle, ring a bell? Scholarships pa!" paalala ni Bianca.

"Four."

"NYU, Harvard, UCLA, 'di ba?" sabi ni Hope.

"Three."

"Lianna!" suway ni Bianca pero di pa rin ako nakinig. Si Gabriel naman ay hinahamon pa rin ako gamit ng tingin.

"Two."

"Sige, magpatayan kayo," pagsuko ni Hope.

"One," bilang ko bago tumakbo papalapit kay Gabriel. Ang loko naman ay tinakbuhan din ako.

"Sige, lumayas ka! Huwag ka nang bumalik!" sigaw ko habang pinapanood siya tumakbo papuntang staircase.

"Ah, Miss Tyler, correct?" tanong sa akin ng isang babae. Liningon ko ito at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang adviser namin. "And I assume that's Mister Winters," aniya na itinuro ang daang tinahak ni Gabriel.

"Good morning, Maam," bati ko.

"Good morning po," bati ni Hope at Bianca.

"I heard about your feud sa mga colleagues ko. Stress na stress daw ang mga past advisers dahil sa inyong dalawa. Since grade seven pa daw pala kayong magkaaway?"

"Since elementary kamo," bulong ni Bianca. Siniko ko siya ng mahina.

"Sorry po talaga. I promise he won't bother our classes po," sagot ko.

Tumango naman siya. "Okay. You girls may enter," sabi niya sa amin at tumango lang kaming tatlo bago dahan-dahang naglakad papasok.

Pinigilan ako ni Maam bago ako tuluyang makapasok. Nilingon ko siya.

"This is against my promise as a teacher but I can't help but choose a side," sabi niya. Nangunot naman ang noo ko, hindi maintindihan ang sinabi ni Maam.

She chuckled. "I'm rooting for you, Miss Tyler. Itaas mo ang bandera ng mga kababaihan," sabi niya bago itinaas ang isang kamao at pumasok na sa loob ng room.

I smiled and thought to myself, 'May bago na naman akong kakampi.'

Tuwang-tuwa akong pumasok sa room at naupo na, handang makinig kay Maam.

☔︎・☔︎・☔︎

"Ang gago lang, 'di ba? Ang hilig talaga niya tumambay sa ABM building. Sana nag-ABM na lang siya kung doon din naman siya palagi!" pagrarant ko kay Jaden. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at kumakain.

Natawa siya. "Chill ka lang. Hindi ka pa nasanay kay Gabriel."

"Paano naman ako makakasurvive kung makikita ko na naman siya palagi?!" reklamo ko.

"Hey." Hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. "Sabihin mo sakin kapag ginawa niya yun ulit sayo. If you want, I could be the one fighting your battles," sabi niya na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

I gulped bago ibinaba ang tingin sa pagkain. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

That's Jaden Key. Hindi ko siya boyfriend pero hindi ko rin kaibigan. We like each other more than a friend but less than a couple. Nanliligaw siya pero hindi ko pa sinasagot. Malakas din kasi trip ko sa buhay kaya hinihintay ko yung perfect time na sagutin siya.

"You don't have to. Kilalang-kilala ko na si Gabriel. Alam ko kung paano siya lalabanan and besides, may plano na ako para makaganti," sabi ko nang makarecover.

"Ano?" tanong niya.

"You'll see," sagot ko bago ngumisi nang maisip ang plano.

☔︎・☔︎・☔︎

"Paano kapag namatay yan?" nag-aalalang tanong ni Bianca habang pinapanood akong maglagay ng shock button sa locker ni Gabriel.

Nag-aalala si Bianca kasi pinsan niya si Gabriel. Ang ironic, 'no? Sinubukan niya kaming pagbatiin ni Gabriel noon pero masyadong matataas ang pride namin kaya wala talagang sumusuko sa amin.

"Hindi yan," sagot ko, inaayos pa rin yung shock button.

"Don't worry, Bianca. Tolerable shock lang naman ang binibigay ng buzzer na yan," pangrereassure ni Stella.

"And killing him is not an option. Ayokong makulong," sabi ko bago sinecure yung button.

"Saan mo naman ba kasi nakuha yan?" tanong ni Bianca.

"Binili ni Khaila at Tori," sagot ko bago sila nginitian, nagpapasalamat.

"Hindi matatapos 'to kung kukunsintihin niyo parati," sabi ni Bianca sa kanila. Nagkibit-balikat lang ang dalawa.

"Ayan. Note naman," sabi ko bago kinuha ang notepad mula sa bag ko at sinulatan. Isinilid ko sa loob ng locker niya ang note bago hinarap sila Bianca. "Tara," aya ko sa kanila bago naglakad palayo.

"Paano natin malalaman kung gumagana?" tanong ni Hope.

"Gagana yan. Kinausap ko kanina. Ready to shock the world daw," barumbadong sagot ko. Napailing lang sila dahil sa kalokohan ko.

"May kukunin lang ako sa locker ko. Kita na lang tayo sa labas," paalam ko sa kanila bago tumuloy sa hallway kung nasaan ang locker ko.

Nang makarating ay inunlock ko yun at agad na binuksan. Nagulat naman ako nang biglang napaliguan ako ng isang baldeng tubig. Napatingin ang lahat sa biglaang pagligo ko.

Tumingin ako sa taas at nakita ang isang balde na connected sa pintuan ng locker ko. Dali-dali kong kinuha ang jacket na nasa locker ko at pinatong sa basa kong blouse.

"GABRIEL WINTERS!" inis kong sigaw bago isinara ang locker ko at tumakbo pabalik sa hallway kung nasaan ang locker ni Gabriel.

Napatigil ako sa pagsugod sa kanya nang makitang sinisimulan na niyang buksan ang locker niya. Nagulat siya nang maramdaman ang kuryente mula sa buzzer na nilagay ko. Hinawakan niya ulit at napatalon na naman siya nang maramdaman yun.

Natawa ako. Ang bobo naman!

Nang mabuksan niya ang locker ay nakita niya ang iniwan kong note. Iginala niya ang mata sa paligid hanggang sa nakita niya ako, tinatawanan pa rin ang katangahan niya.

Padabog niya akong nilapitan. "Anong karapatan mo para i-electrocute ako!?" inis niyang sigaw.

Electrocute agad? Hindi naman siya namatay o kinumbulsyon, eh!

"At anong karapatan mo para gawin sa akin 'to!?" bwelta ko habang tinuturo ang basa kong buhok at damit.

"Masakit yung pagkuryente mo na yun! I could've died, you know?!"

"Sa tingin mo yung pagpapaligo sa akin nakakabuti? Paano kapag nagkapulmonya ako, huh!?"

"Miss Tyler! Mister Winters!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likuran. Napalingon kami pareho at ramdam kong nawalan ng kulay ang mukha ko nang makita ang Guidance Counselor namin. "DETENTION, NOW!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top