Chapter 4


to ceia and tria,

#####
Instagram
rideryker

rideryker:
hey
i forgot to ask lang
may half ka ba?

ziahsfleur:
what?

rideryker:
like
half filipino
half mine? :)

ziahsfleur:
half ulolkaba
anw congrats sa 49

rideryker:
aaaa inspired ako eh 😚
i mean you were in front of me
it brought back a lot of memories 🫶🏻

ziahsfleur:
ULOL
i dont remember you
sino ka ba
pls stop messaging me
i dont talk to strangers 🥱

rideryker:
hey pwede naman pakilala ulit ako
pwede naman tayo umulit
pakilala ko ulit sayo diffuser ko :)

#####
Chapter 04

Bakit kung ano pa ang bawal, yun pa ang ginugusto natin? Kung ano yung alam mong makakasakit, yun pa ang mukhang exciting?

Mama was watching tv when I arrived home, ang lababo ay puno ng hugasin. Nakapatong ang paa n'ya sa mismong center table. Hindi ko mapigilan ang mapabuntonghininga. When she noticed my arrival, agad siyang napatayo nang tuwid.

"Ziah! Kumain ka na ba? Bumili ako ng langka sa canteen kanina," she smiled at me as she helped me took off my bag.

"Okay lang po ako," I said then went to the sink. "Tapos ka na po ba kumain?"

Tinanggal ko ang suot kong relo at ang panali sa aking kamay. I started to scrub the plates with the dishwashing soap.

"Oo, pero hinintay kita para sabay ko na huhugasan ang pinagkainan sana natin."

Napatigil ako roon. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. This is why I can't completely hate my mother and even if it was hard. . .iniintindi ko talaga siya. She is trying to be a good mother despite our current situation. Kung tutuusin ay p'wede n'ya akong iwan sa mga kamag-anak ko habang may trabaho siya. . .pero nasa iisang bahay kami ngayon at gumagawa siya ng paraan para mabigay ang kung anong gusto ko.

She sounded giddy as she walked towards me. "May bago na rin pala akong trabaho, Ziah! Libre kita ng kung anong gusto mo."

Umiling ako. "Okay na po ako. Bili ka na lang po ng kung anong kailangan sa bahay. Palitan na natin yung walis dahil halos lagas na ito. Tapos bili tayo ng mga kurtina na hindi masyado dark color, ang init ng panahon po ngayon eh."

She laughed nervously. "Naku, Ziah. 'Wag mo na nga ako i-po dahil parang ang layo ng agwat ko sa 'yo."

Nanay po kita. Napabuntonghininga na lang ako nang matapos matanggalan ang mga bula sa hinihugasang plato. I couldn't refute her anymore because I know she'll feel old. . .and ugly. Tapos maaalala na naman n'ya na pinagpalit siya sa mas bata. Sa mas maganda. Sa babaeng wala pang anak.

Tangina kasi ng tatay ko, ako sumasalo sa kasalanan n'ya eh.

After doing the dishes, naka-receive ako ng messages from Lotte and Kelsey. Both of them were obsessed with Ryker because they're bombarding me questions if I was the 'good fuck' that Ryker had last night.

Lotte:
IKAW LANG NAMAN YUNG
KASAMA NYA KAGABI RIGHT?

OMG??? you got him head over heels!?

Kelsey:
Grabe 10/10 na agad ratings sayo

Ziah:
ako na yan
pinanganak na masarap ni mama 😚
at oo, sinolo ko siya kagabi

pero di na ako uulit 🤗

Kelsey:
Omg why?
Bad hygiene?
Sobrang rough ba?
Please, just tell us 🥲🥲🥲

Napanguso habang binabasa ang mga mensahe nila. Bad hygiene? He's actually too neat. Sa condo unit nga n'ya ay parang walang alikabok. Plus points na may diffuser siyang. . .malaki; pero ang bango-bango ng unit n'ya at kumakapit ito sa kan'ya.

Even his sweat were too good to be inhaled; ilang beses ko kaya siyang inamoy-amoy. His scent was manly but also wasn't striking my nose too hard. I could inhale his scent even from afar though.

Sa rough naman. . .the reason why we lasted for hours was because he made sure I was comfortable with the positions and with the pleasure that he was giving me. Ilang beses n'ya yatang inayos buhok ko bago ako pinakain ng saging eh.

In short, bastos siya na medyo maginoo.

Hindi na ako sumagot sa mga tanong nila. I just don't feel comfortable with telling them knowing that Ryker and I were over. Natikman na n'ya ako. . .for sure, maghahanap iyon ng bagong babae. Ayoko rin naman na umasa na magtitino iyon sa akin. Hindi ko rin nakikita ang sarili ko na naga-alaga ng isang playboy. Hindi ko nakikita ang sarili ko na parang si mama.

Ang powerful yata ng mga atay ng mga tropa ko dahil nagyaya na naman sila. I wanted to tell them no because I feel guilty over my own score. Hindi naman kasi ako babagsakin, hindi ko lang din talaga inaasahan na may quiz pala kami.

I took a quick shower. I let the cold water washed away my worries, pumikit ako habang pinakiraramdaman ang tubig. When I finally felt refresh, nagpaalam ako kay Mama na aalis at pinayagan naman n'ya ako.

My mother is loose with me. Hindi ko nga inaasahan na magiging maluwag siya kapag may gala ako o kung ano. Ang mahalaga sa kan'ya ay magpaalam ako. Wala akong curfew, pero dapat ay magsasabi ako kung makakauwi ba ako o hindi. It's probably one of the good things that she implemented. Nagkakaroon kasi ako ng dahilan sa mga kaibigan ko kapag uwing-uwi na ako. Sasabihin ko lang sa kanila na di ako nakapagpaalam at dragon ang nanay ko kapag nagagalit. . .which is actually the opposite because she rarely cares.

HAWT GURLS

Lotte:
Z, punta ka ba?

Kelsey:
Ziaaah

Ziah:
punta na me
nakakalakad na ulit ako
🙏 may himala!

Lotte:
Di us maglalasing tonight
I swear
Daddy told me to tone down my liquor, di raw kasi maganda sa babae
[😔🖕]

Z, kawawa talaga ang pakyu react sa 'yo. you always use it! Haha

Kelsey:
Omg, speaking of daddy
Kinakabahan ako kasi si dad din pauwi na ng bansa
Tapos wala pa akong bf huhu baka worried na yun sa akin 😔

Ziah:
can't relit na naman dyan
wala akong tatay 🙏 thank u for blessings!

Nagbihis na ako. I opted for a navy blue cross crop top and black shorts. Nagdala lang ako ng isang bag na heart shaped, kulay pula naman ito. I love this bag because it was a gift from myself. Unang sahod ko noon bilang isang student assistant ay dito ko nilagay. Wala naman talagang sahod pero may allowance kaya naman nung naka-ipon ako ay bumili ako ng gustong-gusto ko. In this case, it was this sling bag.

Gumamit na lang ako ng app para makasakay sa isang motor. I was in a hurry already and I had to wait for a tricycle before I arrived at the jeepney's terminal. Wala na masyadong tricycle ngayon at kung minsan nga ay wala na rin pumapasada na mga jeep. Nakakalungkot lang na dati ay hindi mahirap mag-commute.

Ilang minuto lang at dumating na yung motor. Sinakyan ko ito at binigyan pa nga ako ng hairnet. Hindi mahaba ang naging byahe ko pero halos 7 p.m. na rin ako nakarating. Nahilo pa nga ako sa byahe dahil NMAX ang gamit na motor nung driver. I paid my bill and went inside the club.

I only needed to say Lotte's name for my entrance. Iniisip ko minsan anak ng politiko itong si Lotte eh, ang dami n'ya masyadong connections! Pinagpag ko ang damit ko dahil pakiramdam ko lahat ng alikabok mula sa byahe ay kumapit sa akin.

"Ziah! You came!" Agad na bati ni Lotte sa akin. She was wearing her usual high ponytail and black blouse. Sobrang tita in manila manamit ang isang ito.

Hindi ako binati ni Kelsey dahil busy siya makipagusap sa isang lalaki. Kita ko sa mukha nung lalaki na gusto na n'ya i-ditch si Kelsey, dahil siguro napupunta na naman sa wedding sa Maldives ang usapan nilang dalawa.

Lotte nudged me and whispered. "Akala ko lalagnatin ka?"

"Gaga? Hindi naman engkanto si Ryker para lagnatin ako."

She shrugged off her shoulders. "Saan ka dinala? Sogo? Victoria Court? Wait, I think he'll be more generous, sa mas magandang hotel ba?"

"Sa condo n'ya?" I said as if I was puzzled with her conclusions.

Umawang ang labi ni Lotte, bahagyang puminta sa mukha n'ya ang pagkagulat. "Are you serious? As in? Condo unit n'ya?"

"Yes, sa Pasig. . .bakit ba? I'm sure that I'm not the first girl who went there," I scoffed upon remembering that the guy we're talking about is probably fucking another girl now. "O kung ako man, baka nagtitipid siya sa akin. Hindi n'ya ako kayang pagkagastusan."

I'm no one special. I know what I was to him when we did it. Hindi naman ako naniniwalang mahiwaga ang pussycat ko para mapabago ang isang tulad n'ya. I was clearly aware of why he agreed to do it with me. Hindi rin naman para umasa ako na magpapatuloy kaming dalawa.

Lotte simply shook her head. "Girl, baliktad ka. I don't think he would bring random girls to his condo. Ang alam ko lang ay kung motel man ang pinupuntahan n'ya, he usually gets the higher class ones. Wala rin ginagastos yung babae."

"Weh?" Halakhak ko. Pero base nga sa experience ko, wala naman talaga akong ginastos maliban sa pamasahe paalis.

"Oo nga, kaya nga maraming may gusto na maging FUBU siya but he's not interested." Humaba ang nguso ni Lotte. "Kung may One-Punch Man, siya naman ang tinatawag na One-Fuck Man."

Lalong nadagdagan ng rason kung bakit imposible talagang magkausap pa kaming dalawa. See? Even my friend confirmed it for me. He only fucks you one time and forgets you tomorrow. Kung gano'n lang pala ay papanindigan ko na hindi ko siya kilala!

Napailing na lang ako. Kaya ko naman ibaon ang lahat sa limot. I wouldn't want to risk my heart in a gamble that I can't win. Hindi ako mayaman sa pagmamahal.

"Ry, you have to tell me kung ano bang tipo mo talaga?"

My ears felt like they were prick from the inside. Napalingon ako sa gawi kung saan ko narinig ang boses. True enough, Ryker was there. It wasn't just a name duplicate, siya pala talaga ang nandoon at may kasamang mga babae.

It was a table a few feet away from us. May kasama silang ibang lalaki rin pero halatang ang pakay ng mga babae sa table nila ay si Ryker.

Paano ba naman? Lahat ng cleavage nila ay nakaharap kay Ryker. Mamimili na lang si Ry kung sino magiging ina n'ya for the night eh. Bwisit!

I peered at him and he was laughing with the girls. One hand on his drink and the other was simply using their fingers on tapping on the table, following the rhyme of one of Neyo's songs. Naka-itim siyang t-shirt at pantalon. Ang buhok n'ya ngayon ay mas maayos na kaysa kaninang umaga. Litaw na litaw ang dog tag n'yang suot.

"Uwi na ako," sabi ko kina Lotte. "My head still hurts."

Hinawakan ko pa ang ulo, I didn't drink last night but I could feel the antecedent of having a few hours of sleep. Lumingon naman sa akin si Lotte at nakita kung saan ako nakatingin.

"Oh," she nodded her head. "Gan'yan talaga si Ryker. After one girl, he moves to another. At least, natipuhan ka n'ya."

"Please, I don't care. He can go hop like a bunny for all I know and I wouldn't be bothered," I laughed, dryly. 

I didn't mind giving him my first time in bed. I have all the respect for girls who wait to give it to their first love or even value the notion of giving it to their husband—but I also firmly believe that people cannot impose that the  worth  of a woman is found between her legs. Hindi ko naman ikabababa kung di na ako 'virgin' para sa iba.

"You have to tell me!" The girl on the other table whined, pinagpapalo pa si Ryker sa braso nito. Halatang nagpapa-cute. Sana mabugbog yung biceps ng isa d'yan.

"What? Ano ba sasabihin ko?" Ryker chuckled, knowing pretty well that the girl was trying to get his attention.

"Tell me. . .ano bang type mo?" The girl purred. Humagikhik tuloy ang iba pang mga babae.

"Ah," Ryker cleared his throat. "Probably someone. . .na makalilimutin."

My eyes widened at his statement. Hindi pa nakatulong na pasulyap-sulyap siya sa akin. He even smiled subtly while saying it. He knows that I'm here, huh?

"Someone that I badly want to remind of what happened last night," halakhak ni Ryker. "Hmm, yeah, yun ang tipo ko."

Tipo mo, your arse. Umirap ako sa kawalan habang nakabusangot. If I was his type, baka kasing dami ng type of blood naman ang type n'ya kasi ang dami naman namin!

"Ano bang nangyari kagabi?" Another girl pushed further. Mas lalo n'yang ibinalandra ang boobs n'ya.

"Hm? Wouldn't you like to know?" Ngiti ni Ryker sa babae, the girl only chuckled in response. Kita ko rin ang bahagyang paglapit nila sa isa't isa.

I sneered upon seeing them, lalo na nung nakita ko ang paunti-unting paglagay ni Ryker ng kamay n'ya sa likod ng babae.

Whatever he was playing, in game rin naman talaga ako. I was pissed off by that gesture. Hindi p'wede yun, alam ko sa sarili ko na delikado kung apektado ako sa mga galaw n'ya sa ibang babae. It means I care and caring involves feelings—I shouldn't have any feelings for him!

"Hi!" Someone tapped me on my shoulder.

Iritado ko itong nilingon. Nawala lang ang iritasyon nang mapansin na cute siya. He was wearing a polo shirt and black pants. Nagkakamot siya ng batok habang namumula.

"Kanina pa kita ah. . .tinitingnan," he shyly approached me with a smile. Ah, cute nga ang isang ito.

"And?" Ngumiti ako sa kan'ya. "You like what you see?"

This is what I was referring to. I can bend boys to my own will. Hindi yung ako yung nau-ulol kakaisip sa galaw n'ya. I should divert my attention to other boys. . .to those that I know I can control my feelings over.

"Sobra," he sighed. "I hope this isn't creepy. I can provide my Facebook if you want."

Tumawa ako. "Ang formal ah? But sure. . ."

Inabot ko yung phone ko para ilagay n'ya ang account n'ya para ma-add ko na rin. I know this won't last. Pero p'wede na rin para naman di ako napupunta sa pagiisip tungkol kay Ryker.

Naramdaman ko ang titig ng isang tao. Lumingon ako rito. It was Ryker who had his eyes on me. It was intense and piercing, as if he was really making his presence known. Kahit tuloy yung lalaki na kausap ko ay na-distract sa tingin ni Ryker.

His hands slowly retracted from holding the girl's waist. Ngayon ay napunta na ito sa inumin n'ya at lumagok siya. I could see his adam's apple moving.

"Ah? May b-boyfriend ka ba?" The guy asked upon noticing Ryker. Ngayon kasi ay sa kan'ya na nakatitig si Ryker habang umiinom ito mula sa alak n'ya.

"Wala ah," halakhak ko. "Why? Do you see me as a girlfriend? Agad?"

"Bili lang ako sa labas," Ryker said and swiftly removed himself from the other table. A lot of protests came from their group causing us to look at them.

Napalingon ako sa kan'ya. Ano ang problema ng isang iyon? Bakit aalis?

"Ano bibilhin mo, Ry?" A girl asked in an attempt to probably make him stay.

Tumango si Ryker saka tumingin sa akin, "Memo plus gold na isang banig. Para may makaalala naman d'yan kung paano n'ya ginulo kama ko kagabi."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top