Chapter 28



to betinna, eli, jurassic,

#####

Messenger
Ryker Adeva

8:00 AM

Aziah:
Ryker.
Nagpadala ka ng dog food?

12:42 PM

Ryker:
yup

12:43 PM

Aziah:
Bakit?

6:00 PM

Ryker:
child support

6:01 PM

Aziah:
Huh
child support?
gets ko yung dog food, dentastix, and shampoo
pero bakit may bulaklak

6: 45 PM

bakit may bulaklak sabi
ayieeee

6: 59 PM

miss mo na flower ko? 🌺
HAHAHAHAHAHAHA

8:03 PM

HUY I-SEEN MO AKO
BWISIT KA

#####

Chapter 28

Love is sweeter the second time around. Kaya naman kahit nagpapa-hard to get si Ryker sa akin ngayon ay todo ang pagpapapansin ko sa kan'ya.

Yet, we became busy. Ako dahil marami akong hinabol para makapasok sa dean's list. Buong second year ako pudpod sa pagaaral! Samantalang maraming sinalihan na extracurricular si Ryker. I see his name on the president's list, kaya naman proud ako sa kan'ya. I always greet him but he seldom replies, minsan nga ay react lang.

Okay lang!

Bibigay din ang isang iyon sa akin. Alam ko naman na maganda ako. Hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil may anak (si Ryzi) din kami. He wouldn't abandon him. He wouldn't abandon me. Yet.

Third year came in a blink of an eye. Tiningnan ko ang mga past messages naming dalawa ni Ryker. Ang dry talaga n'ya kausap. He would only respond with one-liners or replies that I didn't need to prolong anymore. Minsan nga ay nagpapadala na lang siya ng mga needs ni Ryzi. The funny part was. . .there was always a flower. Hindi ko alam para kanino iyon.

Nag-ayos ako. My hair was still up until my shoulders. Balak kong pahabain ito dahil mas maganda ang pagkakakulot n'ya kapag mahaba ang hibla. I combed my hair using my hands. Napangiti ako sa salamin. I swiped my lipstick on my lips as I winked at the mirror. Ganda-gandahan na naman ako!

Palagi akong excited pumasok dahil doon lang kami nagkikita ni Ryker. I would pester him when our paths clashed; hindi n'ya ako masyado pinapansin. Sometimes, he even blatantly flirts with other girls.

Alam ko rin na baka bumalik siya sa dating gawain n'ya. Balita ko rin na mahilig na ulit siya mag-bar. For some reason, hindi na kami nagkakatagpo sa mga bar. Kung gaano kaliit ang mundo namin noon, ngayon naman ay sobrang lawak na nito. Minsan nga, gusto kong direktang yayain sina Lotte sa East Drive dahil nagbabakasali akong pareho kaming naroon.

I don't mind. As long as he comes home to me; the past relationships that he'll have will feel nothing like a speck of dust for me. Hindi rin naman ako selosa.

Yet, it's hard waking up with no one asking if I'm already awake. It's hard to look at certain places and not think of the person you could have spent time with; in that place. I would bury my thoughts yet they would come back as ghosts to haunt me at night.

Napapikit na lang ako. Umiling-iling at agad na sinilid lahat ng gamit sa aking bag.

Maganda rin pala na busy ako sa school dahil mas kakaunti ang mga naiisip ko na ganito. I had to become busy in order to not let the thoughts consume me.

Pagkarating sa eskwelahan ay tumambay muna kami sa hallway. Napaaga rin kasi ako kaya naman wala pang klase dahil wala pa yung professor. Nilingon ko si Mikay na may kausap na kapwa naming medtech student. Napakamot sa ulo yung lalaking kausap ni Mikay.

"Pst," sitsit ng isang medtech student na napadaan sa harap ko. "Pengeng tae."

Pinakita n'ya pa sa akin yung stool sample container na walang laman. Agad na kumunot ang noo ko sa kan'ya at umangat ang tingin sa kan'yang mga mata.

"Tangina ka," I showed my middle finger. "Parang candy lang hinihingi mo ah?"

Bumungisngis lang yung lalaki. Lumapit siya kay Mikay at ganoon din ang sinabi. "Pengeng tae, kahit parang munggo lang."

At this point, wala na kaming hiya pagdating sa mga usapang urine, stool, blood, at sperm. Kailangan kasi talaga naming pag-aralan. Bukod pa sa nagiging artistic kami sa pagda-drawing ng mga organs at kung anu-ano, kailangan talaga namin ng mga sample upang i-check sa laboratory namin.

From time to time, I still think of my path in medical technology. Natatakot ako na baka hindi siya para sa akin. I wasn't as passionate as Ryker, as hardworking as Mikay, or even as rich as Lotte in life. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong tahakin pagdating ng araw.

The fear of missing out could really get you sometimes. You want to be more but for some reason, in your current circumstances, you couldn't be anything but less of what you've dreamed of. The only silver lining here is this wouldn't last forever, hopefully.

We had our classes and lab done at exactly 12:30 p.m., after no'n ay nagkaroon na kami ng vacant. Ang sunod na klase ko ay 5 p.m. to 7 p.m. pa, uma-attend talaga yung professor kaya hindi p'wedeng attendance lang.

Bumili ako ng kanin saka ng dumplings na toppings sa isang kiosk. Tumambay kaming dalawa ni Mikay sa cafeteria at doon ay may isiniwalat siya sa akin. Mikay stopped eating midway because she started to tap me harshly on my shoulders. Agad ko siyang nilingon.

"Ano ba iyon?"

"Alam ko naman na alam mong maganda ka," she said. "Pero alam mo bang during seminal specimen collection kanina sa section A ay sikat ka?"

Nabilaukan ako. Halos maluwa ko yung nginunguya kong dumplings. "Pasintabi naman sa kumakain, Mikay!"

"Seryoso nga!" she insisted, tumigil na siya sa pagsubo ng kan'yang pagkain. "Kasi kailangan na dito sa school sila mag-collect, since 3o minutes to 60 minutes ay tumitigas na yung semen."

"Oh? Wala naman akong semen, girl. Bakit ako sikat sa section A?" usisa ko.

"May umuungol daw kasi ng pangalan mo sa banyo," Mikay said with a straight face. "Habang nagko-collect sila ng seminal specimen."

I almost barfed. "Gago lang!?"

Bumunghalit ang tawa ko kay Mikay. Hindi ko ma-imagine! I mean, gets! Mahirap naman kasi talaga ang maglabas ng gano'n! Mas madali pa ang urine dahil p'wede kang uminom nang uminom ng tubig! I couldn't blame them for imagining things to get some release.

"Oo nga," Mikay bit her lips to suppress laughter. "Si ano raw. . .Si Ryker Adeva raw iyon."

My lips went apart.

Nanglaki ang mga mata ko. Hindi kasi usual talaga sinasabi kung sino ang donor ng specimen, pero siguro ay ginawa nilang tsismis yung nangyari kasi kahit naman sino ay matatawa kung maririnig iyon.

Bigla akong humagalpak nang marinig iyon. I knew it! Pakipot lang talaga ang isang iyon! Tingnan mo naman? Ako pa rin pala talaga ang pantasya! He couldn't resist me at all.

He could try to flirt with all the girls in town but he knows that I'm the only girl that he'll find irresistible. Natatawa na lang ako sa mga failed attempts n'ya sa paglalandi!

Hindi ko alam paano i-o-open up kay Ryker ang narinig na rumor. I find it funny because I know that Ryker would have joked about it if we were still talking. Baka nga nagpasalamat pa siya sa akin kanina kung bati lang kami.

Naghintay lang ako sa susunod kong klase. After we had that class, I could feel my muscles and bones slowly being consumed by tiredness. Hindi ko alam kung makakakain pa ako paguwi dahil mas nakakapagod minsan ang byahe kaysa sa mismong ginawa ko sa eskwelahan.

Halos 8 p.m. na pero wala akong maabutan na jeep. Tapos naman na ang rush hour pero mukhang kakaunti na talaga ang pumapasada ngayon.

"Aziah," someone called my name. Nilingon ko ito.

In his neat uniform, Ryker went towards me. His anti-rad glasses were perfectly placed between the bridge of his nose. Kahit sa dilim ay kita ko ang tangos nito. His jaw and his eyes were his greatest asset. Halos maningkit ang mata n'ya sa akin.

"Sabay ka na," he declared. Agad n'ya akong tinalikuran kaya naman nagmamadali akong sumunod sa kan'ya.

"Katatapos lang din ng klase n'yo?" I bubbly asked.

"Yup," he said.

Hindi n'ya ako tinanong pabalik kaya naman napanguso ako. If this was my Ryker before, he would ask me about my day or if something happened. Bigla akong natawa dahil naalala ko tuloy yung nakwento ni Mikay. Akala mo naman ay di pa rin patay na patay sa akin!

Napalakas yata ang tawa ko dahil tumingin si Ryker sa direksyon ko.

Lumingon si Ryker sa akin. One of his brows rose. "Bakit?"

"Wala," I said but then laughed again. "Sorry, pero, ano, wala talaga." Halakhak ko. Bwisit kasi naalala ko na naman na umungol siya gamit ng pangalan ko!

Pumasok na kami sa kotse n'ya. I miss this. As soon as the familiar scent of his car hit my nostrils, I sighed. I really miss it when he used to care for me. Mayroon pa rin naman hanggang ngayon pero parang patak na lang kumpara noon na halos ibuhos n'ya talaga sa akin ang atensyon n'ya.

"Bakit ka natatawa?" he said, still insisting for me to tell him.

"Did you. . ." I laughed once again. "Think of me today?"

"Hindi," direktang sagot n'ya. "Bakit naman?"

"Umungol ka raw gamit ng pangalan ko ah," I teased him.

Biglang huminto ang makina at lumingon siya sa akin. His eyes widened and his whole face went red.

"Why? Did you imagine me in a bikini? Blue? Favorite color mo?" Halakhak ko sa kan'ya.

"For your information, I needed that for an activity," namumulang sagot n'ya. "At ano naman kung ini-imagine nga kitang naka-blue na bikini, eh pangarap ko iyon?"

Natutop ang labi ko. Wow, did he just admit he imagined me in a blue bikini? Nagulat din yata si Ryker sa lumabas sa bibig n'ya dahil mahina siyang napamura.

"You didn't even imagine me without any dress on? Talagang naka-blue bikini lang ako ay nilabasan ka na?" litanya ko.

Hindi siya sumagot.

I could slowly track the heat of shame in his cheeks. Kitang-kita ko na naiirita siyang hindi n'ya ma-deny na umungol talaga siya gamit ng pangalan ko. Napangisi naman ako.

I laughed. "Grabe, ganito pala yung feeling na magamit for educational purposes."

"Aziah," he shot me a quick glare as he hissed. "Hindi ko naman sinadya. You're the only girl that I. . .remember that time. Pero just so you know, I'm already having other girls."

"Exclusively?"

"Hindi."

I whistled. "Edi bakit parang tinatakot mo ako? You really want me to believe that you don't love me anymore? You couldn't even act like it."

Sinamaan n'ya ako ng tingin. Pero wala siyang sinabi o sinagot. He knows it. He could have other girls—but it wouldn't be compared to me.

I would lie if I didn't say that him having other girls doesn't bother me a bit. Pero habang wala pa siyang girlfriend o seryosong nililigawan, I don't really fear anything at all.

"Pero noted," I purred. "I'd wear a blue bikini on our next beach trip. Bibili talaga ako. Kapag nakita mo akong naka-blue bikini, just know that it's for you."

His cheeks once again reddened. Kaya ngumisi muli ako. Maybe this is the reason why he's avoiding me like the plague; he knows that I still have effects on him. Hindi n'ya ako magawang itanggi sa sistema n'ya.

Binuksan ni Ryker yung radio ng kotse n'ya. Sa unang station ay If Ever You're in Arms Again agad ang tumugtog.

The best of romances
Deserve second chances
I'll get to you somehow
'Cause I promise now

"If ever you're in my arms again, this time I'll love you much better," pagsabay ko sa kanta. Bumagal ang pagmamaneho ni Ryker na para bang natigilan siya.

Pinatay ni Ryker yung radio. Nilingon ko siya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo n'ya. Tumawa tuloy ako.

"Kinakantahan ka lang!"

"Matulog ka na lang d'yan," he hissed at me.

Napailing na lang ako habang may ngiti sa labi.

Hinatid ako ni Ryker. Medyo traffic kaya naman ginabi na kami. Walang pasok bukas kaya naman niyaya ko si Ryker na manatili sa bahay.

"Ayoko matulog na katabi ka," matabang na banggit n'ya.

"May isa pang kwarto roon," I pointed towards the other room. "Tabi kayo ni Mama."

"Aziah!" Namutla siya.

"Oh! Edi sa kama na kita. Daming arte eh, para namang di mo ako niyayakap sa kama ko noon!?"

"Noon yun," he said. "It's not the same anymore."

My heart somewhat felt heavy after hearing those words. Maybe because in my head, he was still my Ryker. Mahal pa rin n'ya ako.

"P'wede pa rin naman ibalik," I shrugged off.

Hindi n'ya ako sinagot.

"Arf!" excited na sinalubong ni Ryzi si Ryker nang makapasok na kami sa bahay.

"Ryzi ko!" Ryker hugged him as soon as they met. Gumulong-gulong sila sa sahig.

Ryzi kept on playing with Ryker. Tuwang-tuwa naman si Ryker. I could see his eye-smiles sometimes. Mahal n'ya talaga si Ryzi. Naglaro muna sila bago tuluyang napagod si Ryzi at nagpahinga na rin. Nagsimula na maghubad si Ryker ng uniform n'ya. He had a white shirt underneath his uniform. May iilan siyang damit sa kwarto ko kaya naman hindi siya nahirapan magpalit.

Sa sala talaga siya natulog. He refused to sleep beside me. Napanguso naman ako at niyakap na lang ang unan ko.

Maybe. . .it will be hard to get his heart again. Yet, I was determined to win his love back, even if it means I have to keep up with all his avoidance.

Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok pero nakapikit na ako. Someone opened the door because the lights from the outside hit my eyes. I could hear the door creaking.

"Sleep well, Ziah," Ryker said in a hushed tone as he raised the blanket up to my shoulders. Hindi ko pinaramdam sa kan'ya na gising pa ako. Pero ang puso ko ay halos hirap na rin makatulog sa sobrang pagtibok nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top