Chapter 31
*****
Chapter 31
We went to Baguio for Valentine's. Uminit yata ang Baguio dahil sa aming dalawa. I love how everything about him compliments me. I relished his sweet words while eating croissants and heavily relied on him for directions when we were there. We took pictures of each other; gusto lang na sana mas tumagal pa ang panahon na magkasama kaming dalawa.
He even asked for my mother's permission before the trip. Kahit nga minsan lang sila magkita ni Mama ay nakita ko kung paano siya makitungo rito.
Family-wise, we didn't have any conflict. Siguro nahihirapan lang kaming ayusin kung ano talaga dapat kami. We started at the wrong foot, maybe we need more time to relabel our relationship. Pero gaano pa ba katagal ang kailangan kong hintayin? Malapit na ang graduation ko. . .
"Ano balak mo after graduation?" tanong sa akin ni Tita Istelle. Nasa bahay ulit nila kami, nagluluto para kina Philomena dahil nandito siya.
"Ah, wala pa po," sagot ko habang nagbubukas ng mga itlog. We were going to have an omelet for breakfast, I think. Pero yung omelet na ito ay may bell pepper at keso, no'ng una ay di ko ma-imagine ang lasa pero nang matikman ay di ko na siya matanggal sa mga pagkain na gusto kong kainin kapag umaga o kaya kapag nagmamadala.
I cracked another egg, waiting for a follow up question. Mukhang kahit si Tita Istelle ay natigalgal sa naging sagot ko. Another egg was opened when she finally cleared her throat and tried to cheer me on.
"That's okay," she gently puts a hand on my shoulder. She rubbed her hand against it as she tried to comfort me. "You have all the time to figure things out."
Totoo ba?
Kasi halos lahat ng nasa paligid ko ay alam na kung saan sila patungo. Hindi ko nga magawang tanungin sina Micah at Diana sa mga plano nila pagkatapos ng graduation dahil mangliliit ulit ako. Hindi naman ako naiinggit sa kanila, natutuwa pa nga ako dahil may mga plano ang mga kaibigan ko na malapit sa reyalidad nila.
Sana ako rin.
"Thank you po," ngiti ko na lang kay Tita Istelle. Her words made my heart lighter.
She coughed on the other side and covered her mouth. "I'm so sorry. Excuse me lang sandali."
"Last week pa yung ubo mo, Tita ah?" saad ko habang unti-unting lumapit para humagod sa kan'yang likod. Nangunot ang aking noo.
"Really? I've never noticed," she said as she slowly blinks. "Baka nga need ko muna magpa-check up. Akala ko kasi ay baka trangkaso lang."
"You should also take a break, Tita," I told her. "Alam ko po na mahirap maging ina at magtrabaho nang magkasabay."
"Ah yes," tumango si Tita Istelle. "Sabi nga ni Cayden ay p'wede naman daw kaming mag-hire ng helpers pero ako mismo ang nakiusap na gusto ko pa rin maging tigaluto, tagapangalaga, at makausap ang mga anak ko. I still want to spend time with them in our house. Sayang naman ang bahay kung di gagamitin."
My smile gradually fades away. Sa amin nga, maliit din naman ang espasyo ng bahay pero malimit pa rin kaming magkita ni Mama. Kung magusap man ay once a week lang na tila ba sinisingit n'ya lang ako sa schedule n'ya. Yet, I couldn't hate her entirely. I'm grateful that she works hard in order for me to have a comfortable life. Lalo tuloy ako nagkakaroon ng pressure na dapat magkaroon na ako ng plano sa buhay at kasama siya roon. She should also have a vacation. . .it was my top priority after I graduated.
Naghain na kami ng pagkain. We had maple bacon, the omelet that I've made, and some pancakes courtesy of Philomena who was wearing her uniform when she went here. Nakatirintas ang buhok n'ya at kahit pawisan ay nananaig pa rin ang kagandahan.
"Kain na tayo," anyaya ni Tita Istelle sa pamilya n'ya.
They had a long table. Pero hindi naman kami kumakain na para bang may galit kami sa isa't isa dahil halos tabi-tabi naman kaming anim. Katabi ko si Iscaleon, si Iscalade naman ay katabi si Philomena, at syempre katabi ni Tito Cayden si Tita Istelle na panay halakhak dahil sa asawa n'ya.
"Ano na naman pinagsasabi mo sa nanay ko?" Iscalade jeered at his father. Bahagyang natigil sa pagkain.
Bumaling ng tingin si Tito Cayden kay Iscalade. "Wala naman, kinukwento ko lang kung ano magiging routine natin para kay Iscabella."
"Wala pa ngang Iscabella!"
"Patience is a virtue, Lade! Kung ikaw nga nakapaghintay ng two years, ako pa kaya? Magkakaroon tayo ng Iscabella rito sa bahay, kahit pa mag-break kayo ni Philomena—"
"Ang foul!" Iscalade scoffed then continued eating. "Walang pwedeng mag-break up dito!"
Napailing na lang si Cal. That movement made Tito Cayden glance at him. Tumikhim si Tito saka ngumiti nang malawak.
"Anong balak mo sa graduation, Cal? Malapit-lapit na ah? Magbabakasyon ba muna kayo ni Celest? Sasagutin ko na agad ang trip n'yo. Mag-enjoy muna kayo bago mag-trabaho para di ka agad ma-burn out," aniya ay sumimsim sa kan'yang juice.
Cal stopped eating mid-way upon hearing his father. Bahagyang gumalaw ang panga n'ya na tila ba hindi alam kung ano ang dapat n'yang sabihin. Bumalibot ang katahimikan matapos ang tanong na iyon.
"No pressure, Cal. . ." mahinang saad ni Tita Istelle. Ngumiti siya sa kan'yang anak.
Umiling si Cal. "Baka po maghanap ako ng mga offers o bridging programs para sa ibang bansa. Kukuha ng experience tapos. . .babalik dito po. Hindi ko po sure kung magpapahinga pa ako dahil baka sayang sa oras."
My heart lurched upon hearing his words. Sayang ba ako sa oras, Cal? Kahit kaunting oras lang ay di mo talaga p'wede ibigay sa akin pagkatapos ang graduation? Hindi ko maiwasan ang mapatigil na rin sa pagkain.
Maasim na ang timpla ng pagkain sa akin. Hindi ko na magawang isubo pa ang mga susunod na subo ng kinakain ko. I was already playing with my food when Cal nudged me. Lumingon ako sa kan'ya.
"Are you okay?"
Paano ko yan sasagutin? Hindi ko rin alam, Cal. Hindi ko alam kung bakit parang nagsasawa na ako kakaisip kung ano mangyayari after graduation. Hindi ko nga alam kung kasama ba ako sa mga plano mo eh.
I tried to smile at him but it was futile. My eyes couldn't lie to him. I was feeling down because I couldn't tell him what I really felt. Hindi ko masabi na gusto ko na maging kami na talaga. Okay lang kung mag-ibang bansa siya. Payag naman ako sa long distance relationship o kung gusto n'ya at asikasuhin ko ang visa ko para sumunod sa kan'ya eh, tutal wala pa naman akong plano sa bansa namin.
"Wala naman," I vaguely said.
I wanted him to comfort me. I want him to ask further. I wanted him to not stay silent and pester me to confess so I could tell him the elephant in the room. Pero natutop lang ang bibig n'ya. He averted his sight and continued eating.
I have never thought that silence can be this deadly. Akala ko noon, kung di ako magsasalita kapag may nararamdaman akong emosyon ay mas mabuti. Pero tila ba tinataga ang dibdib ko dahil sa katahimikan na naghahari sa aming dalawa. Hindi ako mapakali.
"Dito ba kayo mag-stay ngayong gabi?" tanong ni Tita Istelle sa amin kaya nabasag ang katahimik.
"Ihahatid ko po si Celest sa bahay nila," sagot ni Cal na lalong nagwasak ng puso ko. Is he. . .already distancing his family from me? Kasi malapit na graduation?
Tumitig lang ako kay Cal bago napayuko at napakagat sa pangilalim na labi.
Hinatid ako ni Cal noon matapos kumain. Pareho kaming tahimik sa biyahe. Habang nasa kalagitnaan ng traffic ay nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kamay n'ya. Pumaibabaw ito sa kamay ko. He intertwined our fingers together.
Unti-unti n'yang inangat ang kamay n'ya upang umangat din ang aking kamay at dalhin ito malapit sa kan'yang labi. He kissed the back of my hand.
Nanubig ang mga mata ko. I don't need your actions right now, Cal. I want you to say what you really feel about me. Mahal mo ba talaga ako? Kasi ramdam ko naman, pero wala kang sinasabi. All your 'I love you's are mere displays of affections but I want the truth from you.
Are we even real?
Bumaling ako ng tingin sa bintana at tuluyan nang bumuhos ang mga luhang matagal ko nang kinimkim. In my silent sobs, naramdaman ko ang pagbitaw ni Cal sa kamay ko. I didn't look at him anymore.
Hindi ko alam pero nang dumating kami sa gate ng bahay ko ay dali-dali akong bumaba. I didn't wait for him anymore. I didn't even say goodnight. Nag-text lang ako sa kan'ya nang makapasok na ako sa bahay. Langitngit lang ng gate ang tanging gumawa ng ingay sa aming dalawa.
Celest:
Goodnight.
Thank you, Iscaleon.
Nagtitipa pa lang ako ng mga sasabihin sa kan'ya ay humihikbi na ako. Mabigat ang bawat bitaw ng aking hininga. Pumanhik ako sa kwarto ko at sinubsob ang aking mukha sa aking kama. Patuloy na umaagos ang mga luha sa bedsheets ko. My chest tightens as I embrace the excruciating pain.
Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula kung matatapos kami.
Hindi ko nga namalayan na namimili na ako ng damit para sa graduation ko. Akala ko April pa lang. . .nagising na lang ako na May na at may martsa na kami. Malamig ako kay Iscaleon ngayon dahil wala pa rin siyang sinasabi kung ano bang balak n'ya sa aming dalawa.
Hindi ba ako naging klaro rin sa kan'ya? Why is he so dense? Ang gusto ko lang naman sa kan'ya ay sabihin n'yang totoo na kami. Naiiyak na naman ako. Ako pa ba ang kailangan magsabi n'on? Sa lahat ng relasyon na mayroon ako. . .it was always me. Ako palagi ang gumagawa ng paraan para may mangyari.
Tangina.
Nakakapagod din pala talaga.
I went with my comfort color—a square neck black dress with a slit 'till my thigh. I partnered it with a black stilettos. May make up artist kaming kinuha nila Micah at Diana, sumakto kasi na sabay-sabay ang department naming tatlo. No'ng ako na nga ang lalagyan ng make up ay tulala lang ako.
Napatigil yung make-up artist nang makita ang bahagyang pagkatulala ko. Si Micah ang kumuha sa kan'ya kasi magaling daw talaga ito mag-make up at saka manipis lang ang paglagay n'ya. Hindi sobrang putok na para bang pinaglaruan kami ng mga batang babae bilang barbie dolls.
"Okay ka lang ba beh?" tanong sa akin ng make-up artist. Tinaktak n'ya yung brush sa gilid ng hawak n'yang eye shadow palette. "Di ka pa rin makapaniwala na graduate ka na?"
Doon lang ako nagising sa munting pagkatulala. Si Micah na kanina pa nakamasid sa akin ay nakakunot na ang noo. Si Diana naman ay halos di na rin maipinta ang mukha dahil siguro sa color dark blue n'yang damit. Umuurong siguro siya ngayon dahil babaeng-babae ang datingan n'ya.
"Ah, opo," I laughed dryly.
"Congrats ulit beh," sabi n'ya sa akin. "Ang ganda-ganda mo, huwag mo hahayaan may sumira ng araw na ito para sa 'yo."
Sumibol ang kakaibang kaba sa dibdib ko habang nakaupo sa high chair at nasisilaw sa vanity mirror na gamit nung make-up artist. Hindi ko magawang sumagot sa kan'ya dahil pakiramdam ko baka ma-jinx. Gano'n naman talaga 'di ba? We shouldn't hope a lot because we tend to disappoint ourselves.
"Thank you."
"Ang tahimik mo naman," sabi n'ya pa. "Sabihin mo kung may ayaw ka sa look mo, ha? I-a-adjust ko, huwag ka mahiya."
"Okay lang po talaga," sabi ko. "Hindi lang ako mapakali kasi di pa sumasagot boyfriend ko. . ."
"Oh, baka may surprise sa 'yo. Uso kasi yun, beh. Malay mo bouquet of one thousand. Bonggalicious ka roon kung sakali. Kabogera ka ng taon."
I doubt it. Malamig kaming dalawa ni Iscaleon mula no'ng gabi na halos nag-walk out ako sa kan'ya. He tried numerous times to talk to me but I didn't want to hear his uncertain answers. Gusto ko makiramdam siya na unti-unti na akong nawawala sa kan'ya at kung hahayaan n'ya yun ay ano pa ba ang gagawin ko?
I'm too tired of running for a marathon that seems to be an endless trail.
Para akong nakikipagkarera sa isang paligsahan na matagal naman nang tapos; hindi ko lang matanggap yung resulta.
"Celest, okay ka lang ba talaga?" Micah nudged me when I stood from the chair.
"Yes, of course, why not!?" sunod-sunod kong sabi.
Kumunot ang noo ni Micah saka hinawakan ako sa aking balikat. "Magsabi ka sa amin, ha? Alam ko naman na. . .baka may malalim kang problema ngayon. Hindi man namin masosolusyunan agad, mas maigi pa rin na magkwento ka kaysa wala kang sinasabihan ng problema mo. Nandito naman kami."
"Hindi mo ako sasabihan ng tanga?"
"Hindi?" Lalong lumalim ang kunot sa kan'yang noo. "Tanga ka ba?"
"Gaga."
She chuckled then placed her head on my shoulder. "Seryoso na. Magsabi ka lang. Magkwento ka. Kami yung tanga kung di namin napapansin na hirap ka na. Celest, you don't have to carry everything on yourself—you have friends who will carry your baggage as well."
Napangiti naman ako.
I'll tell them about this soon. Wala na akong pakialam kung mukhang kwentong barber shop pero gusto ko maka-alpas sa pinasok kong gulo.
I texted Cal just in case.
Celest:
Cal, punta ka mamaya, ha?
May sasabihin din kasi ako.
Ingat ka. I love you.
Maingat ako sa pagtipa ng mga sasabihin sa kan'ya. I was wishing that he would respond immediately yet hours passed; he did not answer.
Celest:
Hi, Cal.
Start na program.
Celest:
Saan ka na?
Celest:
Cal?
Celest:
Iscaleon, will you come?
Okay lang ma-late.
Celest:
Cal? Are you here sa school?
Nanubig ang mga mata ko habang nag-te-text sa kan'ya. I got my diploma already. Mama went here and was actually asking me where I wanted to eat. Hindi ko siya masagot dahil may hinihintay akong tao.
"Gusto mo ba ng inasal? May gusto ka bang kainan?" tanong ni Mama sa akin. "Celest?"
"Mamaya na po, please," I was crying already. Tangina naman, sumagot ka naman, Cal.
Hindi n'ya ba talaga ako sinipot?
Baka may nangyari lang. Magsasabi naman siya kung sakali. I wanted to contact Iscalade and Philomena but I was too shy. Ano naman alam nila kung nasaan si Cal ngayon? Hindi naman sila magkakasama 24/7.
"Celest?"
"Ma. . ." I wailed as I called her. "Ma. . .di ko alam bakit ako umiiyak ngayon."
Ang tanga-tanga ko. Hanggang graduation lang naman kasi talaga kami. Why did I expect that he would come at least on my graduation?
"Cel. . ." Mama was worried sick as she went near me. Inalo n'ya agad ako sa pamamagitan ng pagyakap sa akin. "Okay lang, umiyak ka lang, nandito si Mama."
Lalo akong umiyak sa kan'ya dahil doon. I cried until I was short of breath. My eyes were blurring my sight already. Wala na akong pakialam kung maraming nakatanaw sa akin ngayon dahil sa pag-iyak ko.
"Celest?" a familiar voice called me. His footfalls went near me.
Napalingon ako sa kan'ya.
"R-Ryker?" napapaos kong bungad sa kan'ya.
There are beliefs that I used to believe in but as time reaps, I no longer agree with it anymore. I used to get scared with the notion that nothing is permanent but now I'm glad that nothing is permanent thus change will always be possible. It's nice to see that within the years; it is possible to change not only yourself but also your views and your path in life. Happiness may not be evermore but may we find comfort in knowing that our pain as well is not forever.
Just like how I knew. . .I should stop loving Iscaleon Jaiven Altreano—na mananatili na lang kaming what if. Hanggang doon lang ang pagmamahalan naming dalawa—o ng pagmamahal ko sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top