Chapter 10
to shamae,
*****
Messenger
Lade Bunso 😎
Kuya Cal 🤓:
Lade
Lade Bunso 😎:
ano yun
Kuya Cal 🤓:
Paano lumandi?
Lade Bunso 😎:
HOY HAHAHAHAHA
BAKET SAKIN KA
NAGTATANONG
parang ang landi ko
naman nyan! 🤯😱
bait bait ko eh.
Kuya Cal 🤓:
Grade eight pa lang
may jowa ka na.
Lade Bunso 😎:
HUY
teenage mistakes lang yun.
ANG TRUE LOVE KO
SA SENIOR HIGH KO NAKAMIT
nothing personal
against redacted 😁
Kuya Cal 🤓:
Ah. Ask ko na lang si Dad.
Lade Bunso 😎:
Baka turuan ka nyan
gumawa ng bata 🥲
Kuya Cal 🤓:
Better then.
Haha. 🤪
*****
Chapter 10
To simply put things in a context, I can feel myself slowly floating in cloud nine. Hindi ko inakalang aabot ako sa point na halos hindi ako makatulog nang hindi ako nakakatanggap ng 'good night' mula kay Iscaleon. At first, I was weirded out. Eh kasi naman, sa buong existence ko, wala naman akong alarm clock o di naman ako nag-subscribe sa mga daily reminders o greetings. Ang tanging notifications lang na mayroon ako ay yung mga nasa emails na kusang nag-si-send ng mga kung anu-anong promotions or iwas #scams galing sa mismong bangko.
So having Iscaleon greet me in the morning, afternoon, and night felt surreal. It makes my smile widen whenever I visit our conversation.
Cal 🐯:
Morning.
Celest:
Good morning 😘
Cal 🐯:
Good Afternoon.
Kumain ka na ng lunch? 😗
Celest:
HIII
Yep.
Ikaw ba? 😘
Cal 🐯:
Yes.
That's good.
Don't skip meals. 😗
Celest:
Eat ka na rin 🥰
Cal 🐯:
Good evening.
Don't forget dinner. 😗
Ang lawak ng pagguhit ng ngiti sa aking labi. Bare minimum na kung bare minimum pero para sa isang tulad ko na walang ganito kadalasan ay para bang gusto kong ipa-frame ang mga mensahe n'ya sa akin. I want them to last longer. I want to savor them and make them my core memory.
Pauwi na ako galing sa Saturday class ko nang makasalubong ko si Micah at si Diana. Both of them were tugging at each other. Para bang naghihilahan sa gitna ng daan. Nasa bandang gate na sila kaya naman agad na kumunot ang noo ko at nang tuluyang makalapit ay saka ko lang narinig ang usapan nila.
"Mag-sorry ka na kasi," Micah hissed at Diana who was still trying to get away from her grip.
"Oo na! Eto na nga eh! Bitawan mo na ako," Diana shot back then kept on pulling her arm away from Micah. "Nagco-compose lang ako ng sasabihin sa utak ko!"
"Hindi naman kailangan lyrics yung apology!"
"Tangina ka!"
Natigilan sila nang makita ako sa kanilang harapan habang umiinom ako ng palamig mula sa canteen. I sipped on my drink as both of them were still staring at me dumbfounded. Napaayos sila nang estilo ng pagkakatayo. Diana looked like a stick was inserted in her back whereas Micah immediately beamed upon seeing me.
"Ayan na pala siya!" Micah pulled Diana to my direction. Halos makaladkad si Diana para lang makasunod. "Celest! May sasabihin daw si Diana sa 'yo."
Nagkatitigan kami ni Diana bago n'ya muling binawi ang kan'yang mga mata mula sa aking direksyon. Her whole face flushed in red before she heaved a breath.
"Sorry!" Diana blurted out, still not looking at my direction. Tanging ang mga damo mula sa gilid ng aming gate ang ka-eye to eye contact n'ya. "I'm sorry."
"Para saan?" I feigned innocence. Ang totoo n'yan ay gusto kong malaman kung sino ang nagplano na gano'n ang mangyari. Ang huling usap kasi namin ni Micah ay tungkol sa kiss namin ni Iscaleon. S'yempre, censored version lang ang nakarating sa kan'ya dahil di naman ako kiss and tell.
Napalunok siya. "Sorry kasi nasaktan ka namin. Alam ko naman na parang ang selfish sa part namin na hindi ka namin niyaya. Pero ayaw ko lang kasi maramdaman mong nile-left out ka namin. Ayaw kong isipin mong out of place ka dahil kasama namin mga jowa namin."
"Kalandian ko lang yun," Micah snorted. "Di ko yun jowa."
Umirap si Diana saka napalingon na sa direksyon ko. This time, I could fully materialize the remorse being shown in her face.
She bit her lower lip before uttering. "Sorry talaga kung parang gano'n ang dating sa 'yo. Hindi ikaw yung mali. Ako talaga yun. Si Micah. . .hindi lang n'ya alam na hindi ka invited. Nasa Baguio na kami nang sinabi ko na hindi ko sinabi sa 'yo. That's why nakita mo pa yung sa stories n'ya. Hindi intentional yung nagawa namin. Wala sa intention namin yung saktan ka."
Narinig ko ang panginginig sa boses n'ya at base sa kung gaano siya kabilis magkwento na para bang may humahabol sa kan'ya o mala-late na siya sa susunod n'yang klase; ramdam ko na kinakabahan siya sa magiging reaksyon ko.
My shoulders relaxed. Tama nga si Iscaleon. Even when their intentions were clear and clean, it doesn't mean their actions wouldn't hurt. May mga pagkakataon talaga na hindi naman natin gusto makasakit pero dahil na rin sa maling mga desisyon ay makakasakit talaga tayo.
Yet who am I not to understand where my friend was coming from? I shouldn't have chastised her over this. She just adjusted from my situation. Kaya naman pinilit ko ang isang ngiti sa labi ko.
Hindi ako nakasagot sa kan'ya dahil biglang dinumog ng mga tao ang dinadaanan namin. Hinila pa tuloy kami ni Micah papunta sa gilid. I was flustered as I felt Diana's skin against me. Ang totoo ay miss na miss ko na sila. I gently reached out to her by touching her shoulder.
"It's okay," I said, then wetted my lower lip. "Sorry rin sa pagiging OA."
Umiling si Diana sa akin.
"Hindi ka naman naging OA. I was just aggressive that time, kaya parang naging gano'n ang tugon ko. Pero kung iisipin ay valid naman ang naging reaksyon mo."
"I spoiled your fun," I managed to say. "Sorry."
Lalong nadepina ang guilt sa mukha n'ya. She shook her head. "It wasn't fun without you, anyway."
"Sorry ulit, Cel." Si Micah naman ang lumapit sa akin para yakapin ako. She folded her arms around me. "Ang lungkot ng linggo na di tayo naguusap. Pakiramdam ko bumait ako."
"Tarantado ka para namang ako lang yung dahilan bakit masama ugali mo," I shot back then laughed.
Tumawa rin siya. "Gagi! Totoo nga, sobrang bait ko nung mga panahon na di tayo nakakapagusap. Feeling ko, nabinyagan ulit ako! Ni hindi ko nababanggit ang mga salitang makamundo!"
"Nakakaloka ka!" I laughed amidst our conversation. Si Diana na kanina na halos hindi makatingin sa akin ay nakitawa na rin.
I'm glad that we've resolved this issue. Kumain lang kaming tatlo nang sabay, like usual. Wala masyadong catching up na nangyari dahil siguro iniiwasan nilang i-open up yung about sa Baguio trip. Ang balak ko naman ay ako na mismo ang magtanong sa kanila tungkol doon para naman maisip nila na wala na yun sa akin. Everything's alright on my end.
Masakit na ang mga paa ko at balikat dahil sa biyahe pauwi. I badly needed some rest but I also wanted to talk to someone. Wala akong naabutan sa bahay na tao, siguro ay OT si Mama ngayon. Kaya naman nang makatuntong ako sa kwarto ko ay agad kong binuksan ang iMessage sa phone upang kausapin si Iscaleon. Agad naman n'yang ni-read ang mga kwento ko sa kan'ya.
Celest:
HELLO
AUXJWKAOZ
Kwentuhan lang kita ah!!
So ayun, nagusap na kami ng mga friends ko. AT FIRST, syempre pabebe ako kunyari di ko alam ano ganap pero KABADO RIN AKO what if magsampalan kami (WELL MEDYO MALABO KASI EKIS PHYSICAL FIGHTS SA AMIN) pero nag-sorry lang sila sa akin 🥹🥹🥹🥹 HUHU DESERVE KO BA YUN feeling ko talga umatake lang pagiging OA ko
Cal 🐯:
Hi, Cel.
Really?
I'm glad bati na kayo. 🤓
Celest:
HUHU
FEELING K NGA
ANG OA K LANG
Parang pinahaba ko lang sana tinanggap ko na lng agad yung sorry nila kaysa umabot pa ng ilang days? Almost a week!! Natiis ko sila nang ganun 😭🥺
Cal 🐯:
I beg to differ, Cel.
Tama lang na inalagaan mo muna kung ano yung nararamdaman mo at that time.
Tao ka naman, Cel.
Hindi ka nuno o engkanto na isang 'tabi-tabi po' o paghingi ng paumanhin ay okay lang ma-ihi-an o kaya matapunan ng mainit na tubig. Di napapawi nang gano'n lang ang nararamdaman ng isang tao.
Tao ka na alam kung paano ka dapat i-trato.
Weird ng analogy pala. 🥲
Pero kung ano man yung naramdaman mo, hindi mo p'wedeng ipagkait sa sarili mong maramdaman yun, alright?
You did well today, Cel. 😚
Celest:
SHSHSHAIZNAK
OK
SALAMAT 🥹🥹🥹
TYL DI AKO NUNO
VALID FEELINGS KO
HEHE i love being tao.
BTW HAHA FAVE MO BA YUNG 😗 at 😚 emoji!!! Gamit na gamit mo eh.
Cute naman so no worries 😘
Cal 🐯:
Oh.
Not really.
I was just responding.
Celest:
BQHSSHKKJQJ
responding saan!!!
Cal 🐯:
To your kisses. 😗
Celest :
hala huy shet!?!?!
KAILAN SER HAHAHA
NAGAWA KA NAMAN STORY
Cal 🐯:
Check messages.
I always reply 😗 to your 😘.
Goodnight, Cel. 😘
Visualization. Haha 🤓
Napanganga na lang ako lalo na nang makita yung huling picture na si-nend n'ya. My heart was beating wildly against my chest. Hindi ko mapigilan ang matuwa na isa akong tao na nakakaramdam nang ganitong saya dahil kay Iscaleon. Grabe, ang smooth talaga ng isang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top