Chapter 3

'Gosh! I'm never going to drink again! Hindi na talaga!' I thought to myself habang kumikirot ang ulo ko. Pakiramdam ko ay pinupukpok ako ng sampung martilyo nang sabay-sabay at wala akong magawa. I reached for the blanket dahil sobrang lamig. Pero bakit—

Napamulat ako ng mga mata ko at nakita ko na wala ako sa sarili kong kwarto. Agad kong tiningnan kung may damit ba ako at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na iba na ang suot ko. Oh, my God! Anong ginawa sa akin n'ong pesteng lalaking 'yon?!

I was wearing an oversized white shirt at hindi na ako nagbalak na tingnan pa kung may underwear ako. Gosh! Agad akong tumayo at hinanap ang mga damit ko. Paikot-ikot ako pero wala akong makita. Lumabas ako sa pinto at laking gulat ko nang may makasalubong akong lalaki.

"Good mor—"

"Sino ka?!" I asked. Why was I in another guy's room?! At bakit hindi naman ito iyong pesteng lalaki?! Did he leave me with some stranger?! Talaga bang sagad ang kasamaan n'ong lalaki na 'yon?! I mean, yes, we're strangers to one another pero hindi naman yata tama na iwanan niya ako sa lalaki na literal na ngayon ko lang nakilala!

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, he raised a mug and handed it to me. "Preston told me you're probably hung-over. Drink up," sabi niya sa akin. I eyed him carefully. He looked decent—actually, mukha siyang mabait. But I didn't trust anyone dahil lang mukha silang mabait! I never judge a book by its cover! Mamaya kasi maganda lang ang cover pero pangit naman ang plot.

"Sino ka muna?" I asked again.

"I'm Benj."

"At bakit ako napunta rito?"

"Preston brought you here," sabi niya.

"Sino si Preston?"

"You don't know him?" he asked. I shook my head. Sino ba iyong Preston na 'yon? "Is he picking up random strangers now?" he murmured pero narinig ko naman. He looked at me and then smiled a little. "Uhh... mamaya ko na sasabihin kung sino si Preston. Want to eat first?"

I was about to say no nang biglang tumunog ang tiyan ko. This guy in front of me was smiling. Mukha naman talaga siyang harmless. At isa pa, sigurado naman ako na pagagalitan na ako ni Mama dahil sa ibang bahay ako natulog nang walang paalam. E 'di sagarin ko na rin.

After I finished the mug he gave me, umupo na ako sa upuan. He began to serve food and I was quite mesmerized. Bihira lang kasi ang lalaki na sanay magluto. Si Benny, hindi naman talaga sanay 'yon. Nasanay lang 'yon dahil matakaw ako. Siya naman talaga ang nag-aadjust sa aming dalawa.

Haaaay. Another day, another regret.

"I hope you're not vegetarian?" he said as he served a plateful of bacon, fried rice, and eggs. Gosh. Mas lalo kong naramdaman ang gutom. Inabot ko iyong plato at nagsalin. I began to eat nang mapansin ko na nakatingin lang sa akin iyong lalaki.

"Uh... ano nga ulit ang pangalan mo?" I asked, wincing a little. Mabilis kasi akong makalimot ng pangalan. Nahihirapan kasi akong tandaan lalo na kung alam ko na once ko lang naman makikita. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na tandaan, 'di ba?

"Benj—short for Benjamin," he said. "Ikaw?"

Nilunok ko muna iyong pagkain. "Nari," I replied. "At saka... sino nga ulit iyong Preston na sinasabi mo?"

Habang nagsasalita siya, kumuha ako ng baso ng tubig. Hindi na ako nahiya kasi pinakakain niya na rin naman ako so sulitin ko na. At saka ang kapal ko naman kung siya pa ang kukuha ng tubig para sa akin.

"Si Preston?" he asked and I nodded. According sa kanya ay si Preston daw kasi ang nagdala sa akin. Wala naman akong maalala na Preston. Wala akong kilala na ganoon ang pangalan. Pero parang nagkaroon ako ng panaginip kagabi na may nakita raw akong angel. "He brought you here last night. Sabi niya, nakita ka raw niya sa labas ng bar tapos pinilit siya ni Imo na ihatid ka pero hindi mo naman nasabi kung sa'n ka nakatira."

At sino naman iyong Imo? Bakit ang dami kong pangalan na naririnig ngayon?

"At bakit niya ako dito dinala?" I asked. Not to offend him pero hindi ko naman kasi siya kilala! Mukhang may sira sa ulo iyong Preston na 'yon!

"You didn't tell him where you live."

"He could've looked for my ID. May address naman ako ro'n," I said.

He wrinkled his nose. "He really doesn't like touching other people's things."

"Ang arte!" I said and then Benj laughed a little. "E bakit sa condo mo niya ako dinala?"

"He said that if he brought you to a hotel, you might drown in your barf. Ayaw niyang makonsensya kapag namatay ka. And bringing you at his house wasn't an option. Mahigpit kasi si Tita," he explained.

"At talagang dito niya ako dinala?! Wala ba siyang friend na babae? Nakakaloka 'yang Preston na 'yan!"

Benj shook his head. "Preston's friends are mostly guys. And he brought you here because I don't live with my parents."

"Nasa'n parents mo?" I asked. Tutal marami na rin akong tinatanong, itodo ko na.

"Cebu," he replied. "I'm just here to study," he continued. "Anyway, we didn't do anything to you, I swear. We called the cleaning lady and asked her to change your clothes dahil nasuka ka kagabi."

Nanlaki ang mga mata ko. Nasuka ako? Gosh! Nakakahiya! Bakit naman kasi ang dami kong nainom kagabi? Akala ko, e medyo umaabante na ako pero dahil sa mga kaganapan kagabi, sure ako na stuck pa rin ako sa nakaraan. Hindi na yata talaga ako makakausad.

Tumayo si Benj at may kinuha. Maya-maya, bumalik siya at may inabot sa akin na paper bag. "I had your clothes washed. You can use the bathroom tapos hatid na lang kita," he said with a smile. Ang bait niya naman! In fairness, good choice naman iyong Preston na 'yon na dalhin ako dito kay Benj. Pero grabe pa rin iyong mga rason niya para dito ako dalhin! Kahit 'di ko pa siya kilala, feeling ko masamang nilalang iyong Preston na 'yon, e.

I excused myself and took a really quick bath. Sobrang gumaan iyong pakiramdam ko pagkatapos kong maligo. Good thing I had my makeup kit with me dahil hindi talaga ako disente tingnan kapag bare face. My lips were chapped, sobrang laki ng eyebags ko, may blemishes din ako. Normal na tao ba. I mean, hindi naman ako sobrang ganda. Sakto lang. Hindi rin ako panget. Sakto lang. Pero matalino naman ako! Cum Laude akong g-um-raduate!

Upon making sure that I looked presentable enough, I went outside. Benj was sitting on his couch and watching TV. Nang makita niya ako, he smiled and asked kung ready na ba ako. See? Nothing special sa reaction ni Benj. Hindi naman kasi ako artistahin talaga. At saka masyadong gwapo 'tong Benj na 'to para pag-isipan pa ako nang masama. Mga ganyang mukha, madaling makakuha ng babae. Naniniwala kasi ako na maraming babae ang desperado magkaroon ng boyfriend. Sa rami ba naman ng mga nagpaparinig sa Facebook newsfeed ko na mga babae na gustong magkaroon ng lovelife? Parang 1:5 ang ratio ng lalaking available sa babaeng gusto ng lovelife. Ganoon kalala.

Habang pababa kami, I thanked him. Ang bait niya naman kasi kahit na strangers naman talaga kami.

"Where will I drop you off?" he asked.

"Ah, sa Makati na lang. May work pa kasi ako," I said.

"You're working na? I thought we're of the same age."

"Ha? Ilang taon ka na ba?"

"Twenty," he replied. Nanlaki ang mga mata ko. What the hell?! Twenty lang siya?! Gods! Bakit biglang ang dirty ng pakiramdam ko?! His forehead creased upon seeing my reaction. "Is there something wrong?" he asked.

"Wala..." Pakiramdam ko lang, ang cradle snatcher ko kahit wala naman akong ginawa talaga.

"Ilang taon ka na ba?"

"Twenty-three..." I almost whispered. Gosh. I felt so old. He just nodded.

Wala na bang ibibilis pa 'tong elevator na 'to? Pagdating namin sa basement, he clicked his key fob at tumunog iyong isang sasakyan. I stopped myself from gaping. Ang ganda ng sasakyan niya! Iyan 'yong dream car ni Benny, e! Palagi niyang tinitingnan sa mga magazines tapos palagi niyang sinasabi na kapag successful na kaming dalawa at saka siya bibili. Ang priority niya kasi ay bahay muna namin. S'yempre bago kami maghiwalay. Baka iba na rin ang priorities niya...

Pumasok kami sa loob. He revved the engine to life and then began to drive. Since Benj lived in BGC, sandali lang naman iyong drive pabalik sa Makati. At isa pa, Saturday morning naman. Walang awa lang talaga iyong boss ko kaya pinagtatrabaho ako kahit Saturday!

"Thank you!" I said when we arrived.

"No prob," he replied with a smile. "Work hard, Nari," patuloy pa niya at saka nag-roger sign.

I smiled awkwardly and went inside the building. Gosh. Bakit ba napasama ako sa mga bata?

***

Pag-uwi ko sa bahay, nakataas agad ang kilay ni Sari sa akin. Akala ko, e si Mama ang maaabutan ko. Nag-prepare na kaya ako ng mahabang paliwanag! Alam ko naman kasi na sermon ang abot ko, e. Bigla na lang akong 'di umuuwi! S'yempre, gets ko naman kung sasabunin ako ni Mama.

"At saan ka galing?" she asked, her brows still arched. "Uwi ba 'to ng matinong babae?"

"Kuha mo nga akong tubig," sabi ko sa kanya pagka-upo ko sa sofa.

Pagbalik ni Sari, may dala na siyang tubig. Agad kong inubos iyon. Ang dami naman kasing revisions na pinagawa n'ong Mr. de Marco na 'yon! Daming alam! Hindi lang ako makaangal dahil pamangkin ng may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kaya ang lakas maka-powertrip.

"Saan ka nga galing, ate?"

"Hindi ba ako hinahanap ni Mama?"

She shook her head. "Nang maramdaman ko na 'di ka uuwi, nagsinungaling ako kay Mama. Sabi ko sa kanya, nag-text ka sa akin na do'n ka matutulog kina Ate Venice. Muntik na ngang atakihin si Mama kasi ang dinig niya sa Venice ay Benny! Alam mo naman si Mama, fangirl ni Kuya Benny!" sabi ni Sari na mas lalo lang nagpasakit sa ulo ko.

Gosh. Everyday na lang ba, may role si Benny sa buhay ko? Fair ba na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi ko siyang naaalala tapos siya, mukhang tuluyan na akong kinalimutan?

"Kaya dahil pinagtakpan kita, ate, maging honest ka naman! Saan ka nga galing?" I eyed Sari. Alam ko na hindi niya ako titigilan. Makulit na bata 'to, e. Lahat, gustong malaman.

"Uminom lang kami kagabi..."

"Tapos?" she asked. "Gosh, Ate! Don't tell me magkakaroon na ako ng pamangkin after nine months?!"

Binatukan ko siya. "Kung ano-ano ang naiisip mong bata ka! Magsimba ka mamaya, ha!"

"E kasi naman, ate! Ganoon ang uso ngayon. One night stand, gano'n! Malay ko ba kung sa sobrang pagka-depressed mo kay Kuya Benny, doon ka mapunta? At saka sobrang weak mo kaya uminom! Bilis mo kayang malasing. 'Di mo ba alam na nagkaka-British accent ka kapag lasing? Nakakaloka ka talaga, ate!"

Alam ko naman na sobrang bilis akong malasing at usually, wala talaga akong naaalala. Kaya nga si Benny, hindi ako pinapayagang uminom dahil sobrang lala ko raw talaga. Or if iinom ako, kailangan kasama ko siya para safe ako.

"Pero kung makikipag-one night stand ka, ate, dapat sa mayaman at saka gwapo para naman hindi ka lugi!"

"Ikaw, masasakal na talaga kita, ha! Anong tingin mo sa akin? Malandi? 'Tong batang 'to!"

Imbes na makapagpahinga ako, ginulo lang ako ni Sari. Bandang gabi, nakapagpahinga na ako, finally. May pasok na naman bukas dahil sa boss ko. Walang awa kahit Sunday. Ang malas ko talaga. Kasalanan talaga 'to n'ong shit na nilalang na nang-agaw ng taxi sa akin. Naku! Makita ko lang talaga 'yon!

I woke up around 2 A.M. dahil nakaramdam ako ng gutom. While eating, binuksan ko iyong Wi-Fi ng phone ko dahil nagtext iyong isang orgmate ko no'ng college na nasa group chat daw iyong details para sa kasal niya. Invited kasi ako.

My Wedding

Cristine: Guys! RSVP na kayo, okay? Para may headcount na!

Maricris: Okay, madam! Anyway, pwede ba magdala ng date?

Cristine: Sure but pakisabi maaga para maayos yung seatplan

Maricris: Yay! Paki-reserve ako ng isa.

Angge: Ako rin! May lovelife na ako sa wakas! Pakilala ko kayo pero wag nyo aagawin!

Maricris: Asa ka naman! Nakita ko na si forever ko!

Cristine: Ay, may chika pala ako!

Angge: Ano? Spill!

Cristine: Nag RSVP na kasi kanina si Benny! Tapos may date daw siya!

Maricris: Weh?! Sila na ba ulit ni Nari?!

Angge: Pagkatapos siyang iwan ni Nari, tanga ba si Benny na babalik? Benny can do better, no.

Cristine: Malay nyo naman... We knew them naman, di ba? They were great together.

Angge: Agreed. Pero nag-expire na yung greatness nila. We all saw Benny nung iniwan ni Nari. Kita mo kung paano na-depress si Benny, di ba? Masisisi mo ba ako if I'm rooting for Benny to find someone else? Iyong hindi siya bigla na lang bibitiwan sa ere. Di niya kasi deserve yun.

Sobrang sumakit iyong puso ko sa mga nabasa ko. Naglasang maalat na iyong sandwich ko dahil sa mga patak ng luha. Ganito ba ang tingin nilang lahat sa akin? Na deserve ko lahat ng sakit na nararamdaman ko? Hindi ba p'wedeng natakot lang din ako? Na nabigla? Na nalito? Hindi ba p'wedeng magbago? Hindi ba p'wedeng magsisi? Bakit ganito sila? Why did they keep on judging me as if they knew my pain?

Nari Miranda left the group.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top