Chapter 7
Mugto ang mga mata ni Floreign nang magising kinaumagahan. Ang tagal niyang nakatulog dahil sa kanyang pag-iyak. Ayaw man niya pero ang mga mata at luha niya ay ayaw tumigil.
"Floreign, gising ka na ba?" It was her Nana.
"Opo! Bakit po?"
"Dumating na si Sir Trevor. Hinahanap ka."
Kumabog ng malakas ang puso niya. Tinginan niya ang orasan. Nasapo niya ang kanyang noo dahil alas dyes na nang umaga. Wala pa siyang ligo. Medyo masakit pa ang ulo niya dahil sa kakaiyak. Her heart still aches.
"Susunod na lang po ako!" Tumayo siya sa kama. Kukunin na sana niya ang bathrobe niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya.
"I hate waiting, baby." Nasapo niya bigla ang kanyang bibig nang marinig ng pamilyar na boses.
Her Dada Trevor is here!
"D-dada.." Wala siyang paki-alam kong ano ang itsura niya. Hell! She wants to see her Dada.
"Yes.. it's me, baby." Humakbang ito palapit sa kanya at mabilis na ikinulong sa matipuno nitong mga braso. Inside his arms..she feels safe.
"Dada.." Wala sa sariling nakagat niya ang ibabang labi dahil sa mabangong amoy na pumasok sa ilong niya.
Good God! He smells so good!
"Huwag ka munang umiyak, okay? I can't stand seeing you cry. Okay?" Marahan siyang tumango. Isiniksik niya ang kanyang sarili sa matipunong dibdib ni Trevor. Bigla na naman siya nakaramdam ng kakaibang kiliti sa luob ng tiyan niya.
"M-maliligo po muna ako, Dada. Can you wait for me downstairs?" Kumawala siya sa pagkakayakap kay Trevor. Nag-iwas siya nang tingin nang nagtangkang hulihin ni Trevor ang mga mata niya.
Nahihiya siya.
"Paliguan kita." Napanguso siya dahil sa sinabi nito.
"K-kararating mo lang, iniinis mo agad ako." Isang kurot sa ilong ang natanggap niya at maliit na halik sa ulo. Biglang namula ang mukha niya.
"Mabango pa rin naman ang baby ko ah. Mamaya ka na maligo. Hug mo muna ako. God! I missed you so bad, baby." Hinapit ni Trevor ang beywang niya at mahigpit na niyakap. Ang bango talaga!
Isiniksik niya ang kanyang ulo dahil alam niyang sobrang pula na nang mukha niya. She doesn't want her Dada Trevor see her red face.
"Bakit ang init mo? May lagnat ka?" Napaigtad siya nang biglang dumapo ang isang kamay ni Trevor sa leeg niya.
"Hey! Look at me, baby." Pero hinigpitan lang niya ang yakap. Nahihiya talaga siya. Sobrang pula na ata ng mukha niya.
"You're so hot. Naiinitan ka?" Mabilis siyang umiling.
"H-hindi po, Dada." Napalunok siya. Hindi niya alam bakit ganon ang naramdaman niya. Nakakahiya. Si Trevor ay ama niya. Hindi maaring may iba siyang maramdaman. Mali.
"Maligo ka muna. Kakausapin ko lang ulit sila Ate at Kuya. Mom and Dad's jar with their ashes just arrived an hour ago. I will wait for you downstairs, baby." Humalik muna ito sa kanyang noo at ginawaran ulit siya nang mahigpit na yakap at saka iniwan siya sa kwarto.
Wala sa sariling nasapo ang naninikip niyang dibdib dahil sa walang tigil na pag tibok ng puso niya.
Hanggang sa pag-ligo niya. Hindi nawawala ang malakas na tibok niyon.
PILIT na pinakalma ni Trevor ang sarili nang makalabas siya sa kwarto ni Floreign. Hawak-hawak niya ang dibdib na kumakabog. Kanina pa nya ito pinipigilan. Hindi naman kasi niya akalain ganon ang mag react ang katawan niya.
After 15 years.. Finally they've meet again.
"Chill, self. Its just her.." Napailing siya at natawa habang hawak ang dibdib dahil sa inakto nang puso niya.
"Baka mabaliw ka diyan, Trevor." His eyes meet his brother Terron. Nakangisi ito.
"Let's talk. May dapat kang ipapaliwanag sa'kin." Napailing si Trevor habang sinusundan si Terron sa patungo sa library kung saan nadoon ang opisina nang daddy nila. Ang kapatid na si Teissa ay nandon na rin.
"Hey bunso. You should start explaining this." May hawak itong folder at inabot sa kanya.
"What's this?" Binuklat niya ito at binasa ang laman. Kumunot ang noo niya. Kararating niya lang e!
Marriage certificate
"A-ano 'to?" Nakasulat ang dalawang pangalan nila ni Floreign.
"Mommy didn't tell anything about you and Floreign. Ikaw? May alam ka ba?" Mabalis na umiling si Trevor. Nakatitig pa rin siya sa folder na hawak.
Hindi niya alam ito at alam niyang wala ring alam si Floreign.
"Are you sure wala kang alam? Bago pa 'to eh." Umiling ulit si Trevor. Paano naman niya malalaman? Wala siyang ibang inaatupag kundi ang tabaho niya at ang kaligtasan ni Floreign.
"Better talk to our family lawyer. Baka may alam ito." Sumang-ayon sila Terron at Trevor sa sinabi ni Teissa.
Ibinalik na ni Trevor ang folder sa kapatid at naupo sa couch. Ang Kuya Terron naman niya ay naka upo sa office chair nang namayapang ama.
"Bukas ililibing agad sila Mommy at Daddy, and after that tatawagan ko si Atty. Ramos para sa last will. Hindi ko na pinapunta ang mga relatives natin. Ayoko ng magulong libing. Alam nyo naman ang mga hangal na 'yon." His brother Terron was referring to their mother's siblings and cousins.
May apat na kapatid ang Mommy nila. Their father was the only child. Born naturally rich dahil mabangis ang ama ng ama nila sa langaran ng negosyo.
Von– their father got all the inheritance when his father died. Lahat nang ari-arian ay napunta rito at kasama na 'don ang malalaking lupa na pinapaupahan nang mga magsasaka.
Therese–their mother was born poor. Magsasaka lang ang mga magulang nito. Bunso sa magkakapatid, mabait at masipag. Twenty years old ang Mommy nila nang makilala ito ni Von sa isang palayan na binibisita.
That was love at first sight. Sabi nang Daddy nila nang nag kwento ito nuon nang love story nilang dalawa nang Mommy nila.
"Ang cute-cute ng Mommy ninyo 'non! Kahit nakalusong sa putikan litaw na litaw ang ganda.. siya lang ang pumukaw ng atensyon ko. Isang araw ko lang siya nakita pero napaibig na agad niya ako.. without her knowing."
Na-alala ni Trevor na sabi ng Daddy niya nang siya nalang ang natira 'non sa bahay nila dahil maagang nagpakasal ang dalawa niyang kapatid.
"Ang dami naming pinagdaanan ng Mommy mo. Hindi ako gusto ng mga kapatid niya at mga pinsan niya.. puro mga babae sila, at alam mo ba kung bakit ayaw nila ako para sa Mommy mo? Dahil mayaman daw ako..hindi ako bagay kay Therese..ang akala ko'y iyon lang ang dahilan..pero nalaman ko isang araw ng nagpunta ako sa palayan para bisitahin ang Mommy niyo..sinasaktan nila ang Mommy mo..sobrang sakit para sa'kin na makitang sinasaktan nila ang mahal ko.. I heard them saying na hindi siya bagay para sa'kin dahil isa siyang basahan.. puro putik ang nasa damit niya.."
It was a heartbreaking love story to tell. Iyak daw ng iyak ang Mommy niya 'non.
"Your Mom just cried, mabuti na lang at iniwan nila si Therese at nagkaroon ako ng pagkakataon na lapitan siya..dinala ko siya sa syudad. Pero syempre with her parents consent 'yon, anak. I told everything what I saw, mabuti nga at wala doon ang mga kapatid niya at mga pinsan.. nagkaroon ako nang pagkakataon.. that was the day I've thank God, ang sabi ko. Para sa'kin talaga si Therese."
Nalaman din ng Daddy nila na kaya hindi siya gusto ng mga kapatid at pinsan nito para sa Mommy nila ay dahil may gusto daw ang nakakatandang kapatid nito na ka-edad lang ng Daddy nila.
"Twenty-five na ako 'non at twenty-one ang Mommy mo nang buntis siya kay Teissa. We secretly got married, ayaw ko man pero gusto kasi ng Mommy mo na hindi ipaalam sa media. You know, our family is famous. Pero hindi nagtagal, nanganak ang Mommy mo and everyone knew about it. Ang bilis kumalat nang balita. Nalaman ng kapatid nita at sinugod siya kahit kakapanganak niya lang. I got angry. Bakit hindi? Tatlong araw pa lang 'yon nang manganak ang Mommy mo sa ate mo at sinugod nila agad. Kaya pala nawala daw si Therese sa palayan dahil lumalandi na."
Wala rin daw ibang magawa ang Mommy nila kundi ang umiyak. Nabinat pa nga raw ito dahil nga'y sinugod siya ng mga pinsan at kapatid nito.
"They accused her na nilandi daw ako ng Mommy mo, galit na galit ako. Wala ako sa tabi niya nang mga panahon na 'yon dahil may emergency meeting, gabi pa sana ang bisita ko. Pero ang emergency meeting ko ay mabilis na na cancel, thanks to my friend dahil naiintindihan niya ako. I was so furious, I called them names, I cussed infront of many people just to protect your Mom. Wala na akong paki-alam sa mga sinasabi ko sa kanilang masasakit na salita. Basta galit ako sa kanila. Sinaktan nila ang babaeng mahal ko, kaya matitikman nila ang galit ko. Hindk ko kasi kayang makitang umiiyak ang Mommy mo."
Hanggang na maka tatlong anak daw sila ng Mommy nila ay galit pa rin siya.
"Pinagsabihan ko silang lahat na wala silang karapatan na saktan ng Mommy mo. Nang mabuntis ulit ang Mommy mo, namatay ang Lola at Lolo mo, araw lang ang pagitan kaya umuwi kami, kahit hindi ko gusto. Labag sa loob ko pero mahal ko ang Mommy mo at mahal ko ang Lola't Lolo mo, the only thing I didn't regret that day was looking at your grandparents inside the coffin with a smile... Masaya silang dalawa..at alam ko kung bakit."
When Von took Therese with him. He secretly took care of Therese parents too.
"Napag-alaman kong gusto ni Tita Rina si Daddy dahil mayaman ito at itong ibang kapatid at pinsan ni Mommy ay may usapan, na kapag Rina ay nagustuhan ni Daddy at ito ang papakasalan ay paghahatian daw nila ang yaman ni Daddy." Trevor got back to his senses when his older sister talk.
"Ang kapal talaga ng mukha. Mabuti na lang talaga at si Mommy ang nagustuhan ni Dad. Tiyak mag hahabol 'yon ngayon dahil wala tayong guardian." Napailing silang dalawa ni Terron at Trevor. Mukhang mapapasabak sila.
"Wala naman silang karapatan. I'm sure Atty. Ramos will took care of everything." Trevor agreed with Terron. Alam na siguro ng abogado ng pamilya ang gagawin.
There's nothing to worry about.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top