Chapter 6

Nagising si Floreign dahil sa nakakasilaw na liwanag na nag-mula sa kanyang bintana. Bumangon siya at tinignan ang orasan. Alas utso na ng umaga. Bumangon siya at nag hilamos, nagsipilyo at nag-bihis. Wala siyang balak na pumasok. Natatakot pa rin siya. Mabuti na lang at nakatulog pa siya. Thanks to her Dada Trevor. Naging maayos nag pakiramdam niya. Nagtatampo pa rin siya. Para kasing ayaw na siyang kausapin nito.

"Good morning, Nana. Si Lolo at Lola po?" Nakababa na siya nang hagdan at nakitang naglilinis ang ibang maids.

"Umalis sila nang maaga dahil may pupuntahan daw sila. Mag almusal kana. Hindi ka ba papasok ngayon? Tinanghali ka ng gising ah?" Ginawaran lang nya 'yon nang maliit na ngiti at tinutungo ang kusina at saka kumain. Habang kumakain ay humihikaplb pa siya. Hindi nga niya alam anong oras na siya nakatulog.

After niyang kumain ay bumalik ulit siya sa kwarto nagpahinga lang siya sandali at saka kinuha ang cellphone at nag scroll-scroll sa Facebook. Hindi nman niya ugali na magbabad sa Facebook pero hindi niya alam bakit mag nag-udyok sa kanya na mag online at mag scroll-scroll.

"Ang boring naman pala ng Facebook ko." She lazily said. She was about to close the app when she accidentally saw an article.

Isang sasakyan ang sumalpok nang dahil sa isang 10-wheeler truck na nawalan ng preno. Dead-on-the spot ang driver at isang sakay ng Mercedes-Benz na kinikilalang may ari nang pinaka-malaking  Lending company sa bansa.

Nanginginig ang dalawa niyang kamay habang tinitignan ang isang video footage. Hindi siya nagkakamali. Sasakyan 'yon nang Lolo at Lola niya.

"N-no..L-lolo.. Lola." Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap, wala na ang dalawang tao na pinaka-mamahal niya. Napamahal na siya sa dalawa kahit na hindi ito ang tunay niyang pamilya, mahal na mahal siya ng mga ito. Babawi pa siya eh. Isang taon na lang sana at makakapag-tapos na siya.

"No!" Sobrang lakas ng pag-iyak niya. She dialled Trevor's number. Wala siyang ibang karamay ngayon.

"Dada.. please answer." Nangingig pa ang mga kamay niya habang hawak ang cellphone. Walang awat ang luha na lumalabas sa mata niya.

"B-baby?" A hoarse voice lingers on her ears.

"Dada.." Ang lakas ng hikbi niya.

"I..I just received the news from Kuya Terron, baby." Pilit na kinalma ang sarili at pinahid ang mga luha na nasa pisngi niya. Sobrang sakit nawalan.

"I'll be there tomorrow..uuwi ako. Please stop crying, baby. Nakakahawa ka." Rinig niyang suminghot ito. Tiyak umiiyak rin ito dahil sa pagkawala nang mga magulang nito.

Naputol na ang tawag. Binitawan niya ang cellphone at hinayaan na lang niya ang sarili na umiyak hanggang sa nakatulog siya.

Nang magising siya ay hapon na. Tahimik ang bahay. Kumakalam na ang sikmura niya kaya bumaba siya. Akala niya walang tao pero naroon ang dalawa pa anak nang Lolo at Lola niya.

Si Terron at Teissa. Mugto ang mga mata.

"Reign.." Lumapit si Teissa nsa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Ate.." kapwa sila napa hagol-hol.

"W-we decided na ipa cremate na lang agad sila ni Daddy at Mommy. I'm sorry, ayoko ko–namin na makita kang nahihirapan..alam naman namin na napamahal kana kay Daddy at Mommy dahil sila halos ang karamay mo sa lahat ng bagay..I am so sorry. H-hindi rin namin kaya na dalhin pa ang mga bangkay nila dito sa bahay. Mas masasaktan tayo." Mariin pinisil ng Ate Teissa niya ang kanyang nanginginig na mga kamay.

Hindi siya makapag-salita. Sobrang sakit nang nararamdaman niya. Ito ang pinaka masakit na nangyari sa buong buhay niya. Losing both of them makes her heart broke into pieces.

"Ililibing din sila agad, Reign." Sabi ni Terron na lihim na umiiyak.

"Pero iuuwi muna natin ang mga abo nila rito bukas dahil uuwi si Trevor." Dagdag nito. Tumango lamang siya. Naupo na sila ni Teissa sa sofa at duon pilit na pinapatahan ang sarili. Ayaw paawat nang mga luha niya.

"Kumain ka muna. Ang sabi ni Nana ay hindi ka pa raw kumakain. Natulog ka lang." Tumango siya. Pero bigla na lang nawalan siya nang gana. Gusto niyang umiyak ng umiyak.

"K-kumain na muna. Baka magalit sila Mommy kapag pinabayaan ka namin." Napayuko siya. Bigla niyang na-alala na lagi niya itong kasalo sa tanghalian kapag nasa bahay lang siya.

"Sige na.." Pilit nang ate Teissa niya. Tumango na lang siya at tumayo. Iniwan niya sa sala ang dalawang kapatid ni Trevor at pumasok sa kusina.

Naghain siya para sa sarili. Pilit na kinakain ang pagkain na nasa harapan pero nahihirapan siyang lunukin ito.

"Lola...ang daya mo naman eh." Iyak pa rin siya nang iyak habang sinusubo ang kutsara na may lamang kanin at ulam.

Alas tres na. Ang mga oras na sana na 'yon ay snack time nila. Usually nagpapa-deliver ang Lola niya nang pizza o di kaya'y Jollibee dahil mahilig ito sa fast food. Minsan naman kapag may malaki siyang oras ay ginagawan niya ito nang cookies o brownies dahil gustong-gusto ng Lola at Lolo niya ang gawa niya

Wala ng mangungulit sa kanya na gumawa 'non.

Wala na siyang padadalhan nang gawang cookies at brownies.

Wala na siyang kasabay kumain.

Wala ng pupunta sa kwarto niya para tignan kong busy ba siya o hindi.

Wala na ang Lola at Lolo niya na ipinagluluto niya sa umaga.

Life is really short. Kahit pa na e-cherish mo sila, bigyan mo sila ng pagpapahalaga at kahit gaano mo sila ka mahal. If God wants them. Kukunin talaga sila.

Kahit na ikakalungkot pa ng iba.

Sobrang nakakalungkot lang. Hindi pa siya nakakabawi sa mga nagawa nila sa kanya, kinuha na ito. Gusto niya sana maging doctor dahil gusto niyang siya ang mag-aalaga sa kanilang dalawa kapag hindi na nito kaya pang tumayo dahil sa katandaan. Pero wala na. Kinuha na sila agad.

"Better eat a lot, Floreign. Dapat maging matatag ka. They are in good hands now.." She cheer herself up. Hindi pwedeng iiyak na lang siya. Her Lola and Lolo won't be happy.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top