Chapter 16
"DADA.." Walang ibang narinig si Trevor sa bibig ni Floreign kundi iyon lang. Hindi na dapat pa niya itago. Maybe it is the right time. Kahit alam niyang maaga pa para 'don.
"Come here.." Kinuha niya ang kamay ni Floreign at maingat na hinila papunta sa office niya na masa dulo pa.
"Sit down." Naupo si Floreign sa harap ng table niya. Kinuha niya ang isang brown envelope na nakatago sa cabinet ng table.
"W-what is this?" Takang tanong ni Floreign sa kanya.
"You open it. Ask me questions and I'll answer it." Maingat na binuksan ni Floreign ang envelope at dahan-dahan nitong nilabas ang nag-iisang papel na nasa loob.
"Marriage Certificate.." basa niya. Biglang nangingig ang dalawang kamay ni Floreign nang mabasa iyon at ang pangalan nilang dalawa ni Trevor sa papel.
"W-we.. we're married?" Halos pabulong na lamang iyon na pagkakasabi ni Floreign. Parang mawawalan siya ng lakas.
"H-how?" Nakatitig pa rin siya sa papel na hawak. Kitang-kita niya ang pangalan niya, ang pangalan ni Trevor at ang pirma nilang dalawa.
"It's a long story, baby. Si Attorney lang din ang nagsabi sa'kin after Mom and Dad died.." Binaba ni Floreign ang hawak at sinalubong ang mga mata ni Trevor.
"B-bakit hindi mo sinabi agad? I have the right to know about this, Dada. You should've told me." Kung kaniha ay parang nanghihina siya, ngayon ay naguguluhan siya. She thought Trevor did that, pero ang dalawa palang tao na nag alaga sa kanya ang may gawa 'non.
"I don't have any idea about this, baby. Wala talaga. Attorney just said si Mom at Dad ang may pakana nang lahat. I was scared. I'm sorry, baby." Floreign heaved a deep sigh after she heard what he have said.
"W-why are you keeping this, Dada? You should have file annulment.." Wala sa sarili na nasabi iyon ni Floreign. Wala siya sa tamang pag-iisip, basta na lamang nyang nasabi iyon.
"No!" Kinuha ni Trevor ang kamay niya ang marahang pinisil iyon.
"Hindi mo ba nararamdaman ang pagmamahal ko?" Biglang binawi ni Floreign ang kamay niya dahil sa gulat. Ang lakas pa nang tibok ng puso niya dahil sa narinig.
"Dada..."
"Yes, inaamin ko. I was hesitant. I was confused, and scared pero ngayon alam ko na ang sagot. All those times, iyong feeling na miss na miss kita, iyong feeling na gustong gusto ko na talagang umuwi para makita ka. I was falling. Mahal na pala kita, Reign. I was so denial kasi sa isip ko mali eh. Mali itong nararamdaman ko. Hindi tayo pwede dahil naka lagay sa birth certificate mo na ako ang daddy mo, but after Mom and Dad died, pinakita ni Attorney na hindi na valid iyon. Mom found your biological parents pero patay na sila, ginawan lang nila ng paraan." Mahabang niyang sabi at saka kinuha ulit ang kamay ni Floreign.
Maraming tanong ang pumasok sa isip ni Floreign pero hindi niya magawang makapag-salita. Her heart felt so overwhelmed and she's speechless. Hindi niya malaman kung ano ang e-re-react.
"Speak up, baby. K-kung..kung hindi mo ako mahal ay okay lang. But we will make this things work out, Please.." Trevor want to hug her, pero ayaw naman niyang maging distant si Floreign sa kanya. He knows that it feels awkward for her. Ilang tao din silang hindi nagkita ni Rain, puro chats, video calls at audio calls lang sila, they never have physical interaction since she became a woman.
"G-give me time, Dada." Tumayo ulit si Floreign, binawi niya ang kamay niya na hawak ni Trevor at walang sabing iniwan si Trevor sa office.
Walang magawa si Trevor kundi ang sundan ng tingin si Floreign na palabas. Parang pinagtataga ang puso niya dahil doon. Masakit. Masakit para sa kanya.
"But at least she already know.."Napayuko na lamang si Trevor.
WALANG ibang malapitan si Floreign. She don't have friends, kasi loner naman siya sa klase kaya sa panahong ganito ang nararamdaman niya'y ang Mommy at Daddy ni Trevor ang kausap niya o di kaya si Trevor..pero ito mismo ang problema niya. Hindi niya alam kung sino ang kakausapin. She feel so alone.
Lumabas na lang siya sa bahay at naglakad-lakad sa labas at doon niya nakasalubong si Harold na mukhang pagod na pagod.
"Hey, bakit nasa labas ka? Malamig." Tanong ni Harold sa kanya. Hindi siya umimik. Hindi rin alintana sa kanya ang lamig. Ewan din sa sarili niya kung bakit.
"May coffee shop malipit. Gusto ko mag kape. Pwede ka sumama." Hindi siya nagsalita basta na lamang siyang sumunod kay Harold.
"Ano gusto mo? Gusto ko iyong cappuccino nila, iyong lang din ba sayo?" Tumango na lamang siya. Nag order na si Harold at after eight minutes ay dumating na rin ang order nila.
"May I know why you're outside? Something happened between you and Trevor?" Nag iwas siya ng tingin. Ayaw niyang masalita.
"You know what, napaka workaholic ni Trevor. Pero kahit ganon siya, ikaw palagi ang nasa isip 'non. He was working his ass off para sayo, hindi para sa mga bagay na ibibigay niya kundi para lang makalimutan niyang gusto ka niya." Parang mabibingi siya sa narinig. Bigla na lang kasi lumakas ulit ang pintig ng puso niya.
"He likes you, Reign. Mali..mahal ka niya. Kahit denial siya, nakikita ko 'yon. He's doing things that can make you happy, na kahit nandito siya ay ginagawa niya ang mga bagay na makakapag-pasaya sa 'yo and even he is so busy he is making time para sayo at ginagawan niya ng paraan ang lahat ng bagay para safe ka lang palagi." Ibinalik niya ang tingin kay Harold. She saw that he's sincere about what he said.
"Kung hindi mo man siya gusto.. eventually matututunan mo rin iyon. Hindi naman siguro mahirap mahalin ang isang Trevor Lawrence." Mahinang tumawa si Harold at saka sumimsim ng kape nito.
"Age doesn't matter naman hindi ba? At saka bagay naman kayo. Pariho rin naman kayong single at saka naiintindan ko kung bakit ginawa iyong ng mga magulang ni Trevor. Ibig sabihin lang ay nakikita nila ang future na dalawa na magkasama, parents knows best sabi nila. And they also saw that you were good for their son at kilala ka na rin naman nila since you're still in childhood phase." Napabuntong-hininga si Floreign. Naguguluhan siya. Hindi naman sa ayaw niya ka Trevor. Hindi lang niya alam kung ano ang e-re-react sa malaman niya. Hindi niya alam na gagawin iyon ng mga magulang ni Trevor.
"He is your husband now, Reign. Please take care of my boss, best friend ko rin iyon. Hindi naman sa kumakampi ako ah, pero nakaka-awa kasi." Tumawa bigla si Harold.
"Kahit huwag kana magsalita. Okay lang sa'kin." Tumawa ulit ito, nag iwas lang siya ng tingin. Naguguluhan siya.
"Hindi man lang niya ako sinundan.." Mahina niyang sabi. Hindi niya alam na narinig pala iyon ni Harold.
"Papunta na daw." Napaayos siya ng upo sa narinig. Nakangiti lamang si Harold habang umiinom ng kape nito.
At ilang minuto pa ay dumating na si Trevor.
_______
UNEDITED
UNREVIEWED
BAHALA NA KAYO 😂😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top