Chapter 15

Gustong ibato ni Trevor ang laptop dahil sa galit. Biglang umakyat ang lahat ng dugo nya papunta sa kanyang ulo.

Natanggap na niya ang CCTV footage at tama ang hinala niya. Si Ellen ang nagpunta sa condo niya. Pag pasok at pag labas lang ni Ellen ang nakita niya dahil walang CCTV camera sa condo niya.

Gustong-gusto niyang puntahan agad si Ellen at sakalin. What she did is unreasonable. Walang kalaban-laban si Reign sa mga ginawa nito.

Tinawagan niya si Harold at sinabihan kung ano ang gagawin. Marami itong tanong but he just told him to do what he wants. Pagkatapos ay bumaba siya at kumuha ng natitirang beer na nasa ref.

Nang maubos niya ito ay agad rin naman siyang umakyat at tinabihan si Floreign na natutulog na. May bahid pa ng mga luha ang pisngi nito dahil sa pag-iyak.

He felt so guilty after seeing those cuts and bruises. His blood boil thinking what Ellen did to Floreign. Wala namang ginawang masama si Floreign para saktan ito. Ellen is not his girlfriend, isang beses lang ang nangyari sa kanila dahil lasing siya tapos naghahabol na, umasta na, na parang girlfriend niya.

"Magbabayad siya sa ginawa niya sa 'yo, baby. I promise." Hinaplos niya ang makinis na pisngi nito at saka hinalikan ang mga naka-awang na mga labi. Tumabi na rin siya sa pagkakahiga.

"Sleep tight, baby.." He said and close his eyes.

KINABUKASAN nagising siya ng wala na sa tabi si Floreign. Tinignan niya ang wall clock it's already 9 o'clock in the morning. Bumangon agad siya para hanapin si Floreign pero nakita niya agad ito na lumabas sa washroom habang hawak-hawak ang braso nito at tumutulo na rin ang dugo nito. Mabuti na lang at isa lang talaga ang malaking sugat nito.

"Come here, baby. I'll clean that." Tahimik naman itong lumapit sa kanya at naupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang medicine kit, tumabi siya rito at sinimulan na niyang nilinis ang sugat. Kung hindi parin ito titigil sa pagdudugo mamaya ay dadalhin na niya ito sa hospital baka kailangan tahiin para hindi bumuka ang magdugo.

"Ma-masakit.." Rinig niyang sabi ni Reign habang tinatakpan na niya ang sugat nito gamit ang gauze pad.

"It's done." Sinalubong niya ang mga mata ni Reign. Namamaga pa ang mga mata nito dahil sa kakaiyak. Maragan niyang hinaplos ang pisngi nitong namamaga rin dahil sa sampal. Hindi niya mapigilang mag-init ang ulo niya sa nangyari kay Reign.

"I already called the security, and I also called Harold to let him bring that woman here. She will pay for everything she had done to you, baby." He slowly pulled her closer and hug her, marahan din niyang hinaplos ang mahaba nitong buhok.

"You know..the woman, dada?" Umurong bigla ang dila niya sa narinig na tanong. Hindi niya alam bakit bigla siyang na guilty ulit.Wala naman siyang ginawang masama. He felt like cheating on her kahit matagal na iyong nangyari sa kanila ni Ellen.

"Dada..why are you not answering me? You know her right? Is she your girlfriend? Hindi naman siguro siya mag a-act nang ganon kung hindi mo siya girlfriend. I think she was je–" hindi na natapos ni Reign ang sasabihin nito dahil mabilis niyang sinakop ang bibig nito. He slightly move his lips trying to distract her. Ayaw niyang sagutin iyon. He doesn't want to tell Floreign that there's something happened between that woman and him.

"Answer me, Dada." Nagawa siyang itulak ni Floreign. Kumawala ito sa bisig niya at hinuli nito ang mga nata niya.

Biglang siyang umiwas sa mga titig nito. Ang lakas ng kabog nang dibdib niya. Wala siyang ibang mahagilap na sagot. Ayaw niya talagang malaman ni Floreign ang nangyari tungkol sa kanila ni Ellen.

"So she is." Her voice was flat and cold. Tumayo ito pero may pag-iingat niyang hinawakan ang braso ni Floreign. Kita niyang may pumatak na luha mula sa mga mata nito.

"S-she's not my girlfriend, baby. I swear. She's just nothing. I can explain but not now.." Ellen was the reason bakit ayaw na ayaw na talaga niya na mag bar. He chose to get drunk at home para wala siyang ibang gawin kundi ang matulog na lang kapag nalasing na siya.

"Baby, please. Believe me." Hindi umimik si Floreign sa kanya kaya niyakap na lamang niya ito.

"She is just nothing, baby. Maniwala ka sa'kin." Naramdaman niyang tumango-tango si Floreign, ibig sabihin naniniwala ito sa kanya at yumakap pa ito pabalik sa kanya.

"Bakit ang lakas nang tibok ng puso mo, Dada?" Natamimi siya. Totoo, malakas ang tibok ng puso niya. Wala siya sakit pero kapag sobrang lapit niya kay Reign ay parang galing siya sa karera dahil sa lakas ng kabog ng puso niya.

"Did you here your name?" Biglang kumawala si Floreign sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya.

"My heart is beating for you, my heart wants you.. and I want you so badly." Kita niya ang biglang pamumula nang mukha ni Floreign. Kumindat pa siya pero bigla siyang tinalikuran ni Floreign at agad na kumabas sa kwarto at mukhang bababa na.

Napakamot na lamang siya sa ulo. Hindi naman iyon mabilis. Nag hinay hinay nga siya ayaw rin naman niyang biglain si Floreign.

Bumababa na lamang rin siya, at sakto naman mag nag doorbell. Tiyak si Harold na 'yon at dala si Ellen.

Nakita niyang natigilan si Floreign na papunta sana sa kitchen. Nilapitan niya ito.

"Don't do anything, come here and sit. We have visitors." Tahimik naman na sumunod si Floreign, naupo ito sa couch. Iniwan na muna niya ito at binuksan ang pinto. Tama ang hinala niya, nangdilim agad ang paningin niya sa naka ngiting mukha ni Ellen.

"Trev!" Akmang yayakap ito sa kanya pero agad siya umiwas kaya nasubsob ito sa sahig.

"What the hell!" Sigaw ni Ellen. Malamig ang mga titig na pinukol niya sa babae.

"Hold her, Harold. Dalhin mo siya sa sala." Malamig niyag sabi.

"Oh! You are still alive? I thought you died already after what I have done to you!" Sabi ni Ellen pagpakita agad nito kay Floreign. Napakuyom ng kamao si Trevor. Ang kapal din talaga ng mukha.

"Trevor! Why this girl is here?! She's a bitch, why is she wearing your shirt yesterday? You are mine!" Hindi siya nagsalita. Tumabi siya kay Floreign, magkaharap sila. Hawak ni Harold ang pulsuhan ni Ellen. Pinukol niya nang masamang tingin si Ellen kaya bigla ito tumahimik.

"Are you out of you mind? Why did you do that!" Napatayo siya sa galit. Hindi niya ugaling ang manakit ng babae, pinalaki siya nang maayos ng mga magulang niya pero sobra na rin ang ginawa ni Ellen kay Floreign.

"Remember this, Ellen. You are not my girlfriend! I am not your property, we just did sex because I am drunk. It was just an accident. I don't love you, okay!" Matigas niyang sabi. Natulala naman si Ellen sa harap niya. Bigla itong tumayo at akmang sasampalin siya pero malakas na tinulak ni Harold si Ellen pabalik sa pagkakaupo.

"Don't try to slap my best friend or else I will punch your face until it no one recognize that you are Ellen." Galit na sabi ni Harold.

"I won't ask you to say sorry to my wife. The damage has been done, you hurt her, she got a lot of bruises and cuts and sorry is not enough, see you in the court. Palabasin mo na 'yan, Harold at baka magbago ang isip ko ay mapatay ko 'yan dito." Sumunod naman si Harold, kinalakad nito si Ellen na natulala. Mabuti na lang at hindi ito nagtanga na sugurin pa si Floreign na natulala rin sa narinig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top