Chapter 14
Niluwagan ni Trevor ang necktie dahil nakaramdam siya nang init, kahit malamig naman. Kahit lasing siya kagabi ay sariwa sa kanyang isipan ang nangyari.
"You're spacing out since you arrived, Sir." Pinagdiinan talaga ni Harold ang Sir para makuha ang atensyon niya.
"And you are sweating non-stop. Malamig, Trevor." Tinignan niya ito ng masama. He can't focus on what he is doing dahil sa mga iniisip niyang kalaswaan sa utak niya.
"Stop disturbing me, Harold." Sabi na lang niya. Pero ang loko ngumisi lang sa kanya.
"Anong nangyari kagabi? Did you take her innocence? Hmm?" Isang lokong ngisi ang kumawala sa mga labi ni Harold.
"You! Sana hindi mo na lang ako hinatid kagabi!" Tumawa ng malakas si Harold na ikinainis niya.
"Tell me, did you?" Tumayo siya. Gusto niyang hampasin si Harold ng Laptop. Ang gago tawa lang ng tawa.
"I didn't! She's still young, I can't do that to her, Harold." Biglang naging seryoso si Harold. Tumikhim muna ito at saka nagsalita.
"Asawa mo naman siya, diba?" Naningkit ang mga mata ni Trevor. Hindi niya maalala kung sinabi ba niya kay Harold na kasal na sila ni Floreign sa papel.
Pero kahit ganon ay ayaw niya munang galawin si Reign. She's innocent, still young.
"I don't wanna talk about it, Harold. Let's get back to work." Tumikhim siya at nagsimula ulit mag trabaho but his mind is occupied by Floreign. Hindi siya maka focus sa trabaho kahit anong gawin niya.
"You are seem so distracted," Napabuntong-hinga si Trevor. Hindi talaga siya mapakali. He badly wants to see Floreign. He miss her already.
Tumayo siya at kinuha ang susi ng sasakyan niya. Mas mabuting uuwi na lang siya kaysa naman mag trabaho siya pero lumipipad naman ang isip niya.
"I'm going home, Harold. Email mo na lang sa 'kin ang pinagawa ko sayo." Hindi na nagsalita pa si Harold. Alam naman nito kung saan siya pupunta.
Nang makarating siya sa condo ay hindi niya alam bakit bigla siyang kinabahan. Pagbukas niya ay agad bumungad sa kanya ang basag na vases at frames sa sala. May mga dugo pa sa sahig at sa hagdanan.
"Reign!" Agad siyang umakyat at hinanap si Floreign. Nakita niya agad ito sa kwarto na ginagamot ang sugat.
"What happened?" Bumaling si Reign sa kanya. Namumula ang pisngi nito at may mga sugat pa ang braso.
"Baby..tell me what happened? May pumasok ba sa bahay? B-bakit ang dami mong pasa at sugat?" Nilapitan niya agad ito, and there he saw her swollen face.
"D-dada.." Nanginginig ang boses ni Floreign. He sat on the floor with her.
"Who did this to you? Tell me, baby. God!" Kinabig niya si Floreign at niyakap. Bigla na lamang bumuhos ang mga luha ni Reign. Hinayaan na lang muna ni Trevor na umiyak si Floreign sa mga bisig niya. She needs it. Mamaya na lang siguro niya ito tatanungin kung sino ang pumasok sa bahay.
"It's okay, baby. I'm here. Dada is here." Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kung nagkataong may masamang nangyari kay Reign. Ilang araw pa lang siya sa puder niya at ito na ang nangyari. Hindi siya dapat nagpa-kampanti. It's his responsibility na maging safe si Floreign.
Ilang minuto ang lumipas nakatulog na si Floreign. Binuhat niya ito at saka nilapag sa kama. Kinuha niya ang medicine kit at ginamot ang ibang sugat nito at nilagyan ng ice pack ang pisnging namamaga. Pagkatapos ay agad siyang bumaba para ligpitin ang mga nabasag na vases. Pagkatapos niyang linisin ang living room ay agad niyang tinawagan ang naka assign sa security room.
Walang CCTV cameras sa luob pero sa hallway meron.
Pagkatapos niyang makigpag-usap ay bumalik ulit siya sa kwarto para tignan si Floreign. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Tiyak na napagod ito ng husto sa kakaiyak.
"I'm sorry, baby.." Hinaplos niya ang namamagang pisngi ni Floreign. Magbabayad talaga ang taong gumawa 'non kay Reign.
Sayang at hindi niya naabutan. Pero magbabayad pa rin ito kapag nalaman niyang sino ang gumawa 'non.
Tinabihan na lang niya si Floreign. He also need rest dahil sa hangover niya. Past 1 pm na nang magising siya at wala na si Floreign sa tabi niya kaya bumaba siya at nakitang niya itong naka upo sa sofa at mukhang malalim ang iniisip.
"Reign, baby." Napaigtad ito nang hawakan niya ito sa braso. Nakita niyang may mga natuyong luha sa pisngi nito. Agad siyang tumabi at niyakap si Floreign.
"Gutom ka na ba? Do you want me to cook? o baka gusto mo mag order na lang ako?" Hindi umimik si Floreign habang nasa mga bisig pa rin niya ito. Mayamaya'y marinig niya ang hikbi nito. Hindi niya mapigilang masaktan dahil sa pag-iyak nito. He can't stand seeing her crying.
Himigpit ang yakap niya kay Floreign. Marahan niyang hinaplos ang mahaba nitong buhok.
"D-dada..w-why.." Lumakas ang iyak ni Floreign. Hinayaan lang niya ito. Tiyak na na trauma ito sa nangyari.
"I told you before...lapitin ka sa lahat ng masamang tao."Nagbuga siya ng hangin. Palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang pumasok sa bahay. Hindi pa naman nag send ang nagbabantay sa mga CCTV cameras.
"The..the– woman just slap me.. she's so angry– sabi niya.. b-bakit daw ako nandito, why I am wearing you shirt, I–im a s-slut, ta-tapos pinagbabasag niya ang mga vases mo, at ang frames. . I– don't understand her, bigla na lang niya akong sinugod.." Natigilan siya nang marinig iyon kay Floreign. Wala siyang ibang maisip na babae ang pupunta sa bahay niya kundi si Ellen lang.
That woman!
"A-ang sabi niya, b-babalik daw siya. I'm scared, Dada. Masakit ang mga sampal niya.. tapos tinadyakan pa niya ako. I didn't fought back kasi.. kasi nagulat ako.."She sob while telling him what the woman did to her.
"Hush now, baby. I promise, magbabayad siya sa ginawa sa'yo." He planted kisses on her head para naman kumalma si Reign, mabuti na lang at unti-unti na itong tumahimik at yumakap na lang ito sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top