Chapter 12
"TAPOS na ang trabaho, Trevor. Bakit napadpad ka rito? Hindi bar ang condo ko. Okay?" Birong sabi ni Harold sa kaibigan niya. Himala kasing napunta sa condo niya. Kahit magkalapit lang ang condo unit nila'y minsan lang talaga magawi si Trevor.
"I'm fucked up, Harold. Give me rum. I need it right now." Tumaas naman ang isang kilay ni Harold dahil ron. May problema ata ang boss niya.
"Wala akong rum. Tubig meron." Napatawa na lang si Harold nang makitang dumilim ang mukha ni Trevor.
"May problema ba? Para ka namang nabagsakan ng langit at lupa." Umayos siya ng upo at sinuri ang kaharap na madilim pa rin ang mukha.
"I touched Floreign's boobs, Harold." Inis na sabi ni Trevor. Nagulat naman si Harold sa sinabi ni Trevor.
"Damn! Hindi ko alam bakit ko ginawa 'yon. Nakakainis!" Sinabunotan ni Trevor ang sarili niyang buhok. Hindi niya alam kong anong gagawin. Tiyak na hindi siya papansinin ni Floreign dahil sa ginawa niya.
"Sabi na eh, may gusto ka sa kanya. Denial ka pa. Bakit mo naman hinawakan? Pwede mo namang tawagin si Ellen kung na ho-horny ka." Biro ni Harold. Pero mukhang seryoso ang prolema nang kaibigan slash boss niya.
"Ang daming nangyari mula nang maka-uwi ako, Harold and urgh! I don't know what to do! Nakakalito!" Tumayo si Trevor pero naupo lang ito ulit.
"Chill. Tell me everything, baka naman may maitulong ako."
"Gusto kong maglasing, Harold. 'Yan ang gusto ko." Napailing na lang si Harold. Wala siyang ibang magawa. Kapag nagsalita na si Trevor ng ganon ay alam na niyang hindi niya ito mapigilan sa gusto nito.
"Hindi alak ang sagot sa lahat, Trevor." Napailing si Trevor sa sinabi ni Harold. Tumayo ito pero tumakbo si Harold sa pinto at hinarang niya 'yon.
Iba kasi malasing si Trevor. Nawawala sa sarili.
"Get out of my way, Harold." Pagalit na saad ni Trevor.
"Sit down. Walang lalabas baka makita mo pa si Ellen 'don at may mangyari pa sa inyo. Ayoko ng ina-anak na pangit Trevor. Behave. Bumalik ka sa couch." Mariin na sabi ni Harold. Pero nagpumilit pa rin si Trevor.
"You don't have any rum here, kaya aalis ako. I want to forget, Harold!" Harold made a face. Parang ang OA naman ata ng kaibigan niya.
"Hindi naman kayo naghiwalay nang alaga mo para magsalita ka ng ganyan. Umupo ka nga." Pero pilit pa ring inaabot ni Trevor ang doorknob kaya walang ibang maisip si Harold kung hindi ang ilabas na lang talaga ang alak na meron siya.
"Sit down, I'll get one for you. Ayokong pumunta ka ng bar. Ang laswa ng mga tao 'don. Iwan ko sayo bakit ka ba pumupunta sa ganong klasing lugar." Naiinis na sabi niya at hinila si Trevor paupo sa couch.
"May alak ka naman pala." Trevor throw himself to the couch. Mariin nitong pinikit ang kanyang mga mata. Masisiraan na ata siya ng bait dahil hindi talaga mawala sa isip niya ang ginawa niya kanina.
"Hinay-hinay lang ha." Inabot ni Harold ang isang bote ng mamahaling alak na natitira sa mini bar niya. Wala sana siyang balak na ibigay 'yon kaso ayaw niya rin namang pumunta si Trevor sa bar na mag-isa.
"Hayaan mo na ako."Sabi nito sabay lagok ng alak. Napangiwi si Harold sa ginawa nang kaibigan niya. Umiinom rin naman siya pero hindi niya pa nasubokan na uminom nang deretso galing sa bote.
His friend is really in trouble. Hindi naman ganon umasta si Trevor.
NAIIYAK naman si Floreign habang nakatitig sa labas ng bintana. Ilang oras na ang nakalipas. Sariwa pa rin sa kanyang isipan ang ginawa ni Trevor sa kanya. Hindi naman siya galit. Nabigla lang talaga siya. Sa tanang buhay niya hindi pa niya naranasang mahawakan o mahagkan. Si Trevor lang talaga ang nangahas, at ang nag ampon pa talaga sa kanya.
"Nakakainis naman!" Pabulong na sigaw niya. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya magawang magalit kay Trevor. Sexual harassment 'yon!
"Nagustohan mo naman." Naiinis na bulong niya ulit. "Ang landi!" Parang boang na sigaw niya. Binagsak na lang niya ang katawan sa malambot na kama. Para siya masisiraan ng bait dahil sa mga nangyayari sa kanila ng Dada niya.
Mabuti na lang at mahiyain siya. Kung hindi baka nasunggaban na niya ng halik si Trevor taga kita niya rito.
"Ang landi mo, Floreign!" Tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha dahil bigla na lang uminit ang mukha niya. Nahihiya siya sa mga pinag-iisip niya.
"Sorry po, Lolo at Lola. Ang gwapo naman kasi ng anak niyo." Impit pa siyang napatili sa ilalim ng unan dahil sa pinag-sasabi niya. Hindi niya alam bakit ganon ang mga pinag-iisip niya. Hindi naman siya ganon dati.
Epekto siguro ng halik ni Trevor sa kanya. Namula na naman ang mukha niya dahil 'don.
"I badly need to stop this feeling. Nakakasama sa 'kin." Huminga siya ng malalim at bumangon.
Saktong tumunog ang doorbell nang makalabas siya sa kwarto. She was hesitant to open the door. Hindi naman siguro mag do-doorbell si Trevor dahil may dala naman siguro 'yong suhi. But her other side told her to open it. Kaya naman binuksan niya 'yon at tumambad sa kanya ang isang lalaki na akay-akay ang Dada Trevor niya.
"Uhm. Hello Reign. He's drunk, can you help me? Ang bigat kasi e." Napaisip si Floreign sa gagawin. Mabuti na lang at sumenyas ang lalaki kung ano ang gagawin niya.
"Salamat po. Pasensya na po kayo kay, Dada." Iyon na lang ang sinabi niya dahil hindi niya rin naman alam bakit nalasing ang Dada Trevor niya.
"No worries, I'm his secretary and a friend, just call me Harold. Malapit lang naman ang condo ko. Don't worry duon lang siya naglasing. Inuwi ko na baka kasi mag-alala ka." Ibinaling na lang ni Floreign ang atensyon kay Trevor na nakahiga sa kama.
"Pagpasensyahan mo na, mukhang ikaw ata mag-aalaga niyang ngayon. May lakad kasi ako eh." Nahihiyang ngumiti si Floreign. Wala nga siyang alam kung anong gagawin.
"Hayaan mo na lang na magising 'yan. Gawan mo na lang ng chicken soup. Iyan ang lagi niyang kinakain kapag may hangover. Sige ha, got to go." Nagtaka tuloy si Floreign bakit nagmamadali ata. Sabagay, may lakad kasi.
"F–Floreign, baby? Ikaw ba 'yan?" Nahawakan ni Trevor ang kamay niya. Inamoy ito at saka hinila siya.
"Dada!" Napasigaw siya nang maglanding siya sa matipuno nitong dibdib.
"S-stay." Hindi na siya nagpumiglas pa. Hinayaan na lang niyang yakapin siya nang mahigpit ni Trevor habang nasa ibabaw siya nito.
_____________________________
Sorry kung matagal ang update. Umaasa lang kasi ako sa libreng voucher na ibibigay para magka internet sa wifi vendo. Wala kasing panghulog. Hahaha ha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top