Chapter 10
Apat na araw mula ng mamatay ang mag-asawang Von at Therese..
Tahimik ang mansyon ng magising si Floreign. Naghanda agad siya, naligo, nagbihis at saka bumaba. Naabutan niyang kumakain ang ilang katulong sa dining table kaya sumalo na rin siya.
"Kumain kapa, hija." Inabot pa nito ang plato na may lamang kanin. Umiling siya.
"Okay na po, Nana.." Tumayo siya pagkatapos uminom ng tubig. Naiiyak na naman siya. Araw-araw, pagka-gising niya hinahanap niya talaga ang mag-asawang Von at Therese. Naninibago siya.
"Sila Ate Teissa po?" Tanong niya ng hindi makita ang tatlong magkakapatid.
"Ahh, sila ma'am at sir ba? Bumisita silang tatlo sa Lending Company, mukhang may aayusin lang. Hindi ka ba papasok?" Mabilis siyang umiling. Parang hindi pa niya kayang pumasok. Nanghihina pa siya. Lalo na't ilang gabi rin siyang umiiyak.
"Sa taas lang po ako, Nana." Hindi na niya hinintay na sumagot ang katulong, umakyat na siya at nagkulong sa kwarto. Doon bumuhos na naman ang mga luha niya.
Hindi parin niya kasi tanggap. Nangungulila agad siya.
Humigi siya sa kama at kinuha ang cellphone niya. She needs a distraction. She turn on the wifi at sunod-sunod na tumunog ang messenger niya.
Dada❤️
'Good morning, baby. Sorry hindi na kita ginising. Pupuntahan lang namin ang company ha. May aayusin lang.'
'Don't forget to eat your breakfast. Please stop crying na ha?'
'Baby, nandito na kami. Gising ka na.'
'Baby, may meeting lang sandali ha. I will call you later after this, sana gising ka na after sa meeting namin. I love you, baby😚'
She bit her lower lip. She can feel butterfly inside her stomach. Hindi niya alam kung tama ba ang nararamdaman niya. Naninibago rin siya.
KANINA pa nakatitig si Trevor sa cellphone niya. Isang oras na mula ng nag chat siya pero wala pa rin reply si Floreign.
Hindi pa siguro 'yon nagigising. He said silently.
"Brother, ibaba mo muna 'yang cellphone mo. Kanina kapa titig ng titig diyan. Mag suggest ka nga. Ang sarap mong batokan." Napakamot siya sa kanya ulo sa sinabi ng Kuya Terron niya.
"Chill nga, okay lang naman itong company ni Dad, ah? Anong gusto mong bagohin?" Umayos siya ng upo at seryoso na tumingin sa Kuya niya.
"Well, ang sabi ng mga collectors luma na ang mga motor nila..and also, minsan lang daw nila mapaayos dahil sa kawalan ng mga pyesa. I think I need thousands of motorcycle for them. Hindi naman kawalan ng company ang mga 'yon di ba?" Napaisip si Trevor sa sinabi ni Terron.
Ang Lending Company ng Dad niya ay may mga maraming collector sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas, at sa Cebu ang may pinaka-marami dahil doon ang may pinaka-maraming nag complain na luma na daw ang mga motor nila. Mukhang 10 years na rin mula ng namigay ang Dad nila ng libring motor para sa mga collectors nila nationwide.
"Hindi naman siguro bumaba ang percentage nang kita, diba? Infact mas tumaas ito ngayon dahil maraming big company ang nag loan, kaya nga mas naging silat itong Lending company ni Dad dahil mababa lang ang interest. Kahit mga tao na walang permanent job ay pumapatol sa loan natin dahil may rebate at maliit na interest." Tumango-tango si Terron. Tinignan niya ang isang report na galing pa sa sekretarya ng Daddy nila. Hindi niya talaga alam paano lumago ang company ng Dad nila. Base pa lamang sa mga taong nag lo-loan ay tiyak lugi na sila.
"Mas tumaas ng 50 percent kumpara sa mga nakaraang taon. This is a good start for me. Kailangan talaga nating makabili ng mga bagong motor. Ikaw ate? Suggestion naman." Umiling si Teissa. Wala naman siyang alam sa ganoon. Pinaubaya na lang niya ang Lending Company sa kapatid hindi siya magaling sa math kaya siguro napunta rin sa kanya ang Lawrence Hotel dahil Hotel Management ang kursong natapos niya pero may math parin naman 'yon.
"Maghahanap ako ng bagong labas na motor ngayon. Ako na bahala 'don Kuya, ihanda mo na lang ang pera. Call a meeting by today or tomorrow. I will contact Harold para makatulong." Trevor is referring to his secretary at may mga kaibigan naman siya na pweding matulong.
"Business is business, Kuya ha. Huwag kang mandurogas." Natatawa niyang sabi. Biro lang naman 'yon. Tutulong rin naman siya.
"Luko! Natural!" Nailing na lang si Teissa habang nakikinig sa dalawang kapatid.
Hindi niya alam na ganoon pala ka stress ang business. Kaya siguro ang bilis magkasakit ng Daddy nila 'non dahil palagi itong overtime. Nag-asawa pa sila ni Terron ng maaga but she knew na mahal na mahal sila ng ama nila.
"Uwi na tayo," Mahinang sabi ni Trevor. Na mi-miss nya agad si Floreign. Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan kung may reply ba at meron nga!
My baby Reign❤️😽
Take you time, Dada. Good morning ❤️
Pinigilan niya ang ngiti niya.
"Mukha kang bading, kinikilig. Sino ka chat mo? Si Floreign?" Tukso ni Teissa at saka pilit na kinuha ang cellphone niya.
"Akin na! Ito naman ayaw magpakita." Sumimangot lang siya at tinago na lang niya sa bulsa ang cellphone, pauwi na rin naman sila.
"Damot. Parang hindi tayo magkapatid. Share mo naman 'yang kinakikiligan mo." Napailing na lamang siya. Makulit talaga ang ate niya noon pa, hindi nga niya alam paano natagalan ng asawa nito ang ugali ng ate niya.
"Isusumbong kita sa Honeybunch ko." Pumasok na lang siya sa kotse. Na-iingayan talaga siya sa kapatid niya. Matanda na pero isip bata pa rin. May mga anak na pero ganon parin makulit.
"Parang hindi ka sanay kay, ate." Sabi ni Terron sa kanya. Tumaas na lang ang kilay niya, ibig sabihin ayaw niyang makipag argumento pa.
"Hindi ka pa rin nagbabago." Sabi ni Teissa. "Sungit mo, parang may dalaw." Umupo ito sa tabi niya. Isang sasakyan lang kasi ang dala nila para naman magamit rin ang family car nilang matagal nang hindi ginagamit.
"Tara na Terron, parang atat na atat nang umuwi ang bunso natin, namimiss ata si Floreign." Naningkit ang mata niya. Minsan talaga ang sarap sapakin ng ate niya.
"Ate talaga, hayaan mo na si Trevor. Parang hindi ka naman dumaan sa kilig-kilig. Nakita pa nga kitang kinikilig na parang bulati e!" Napahalakhak ang asawa ni Teissa sa narinig.
"Tawa ka ng tawa, ikaw kaya ang sabihan ng I love ng crush mo, dika kikiligin? Di ba Anizza?" Tumango-tango na lamang si Anizza sa sister-in-law niyang isip bata.
"Kinikilig na parang bulati." Tukso ulit ni Terron. Napatawa na lang rin si Trevor. Hindi niya ma imagine kung paano ang kiligin na parang bulati.
"Sira-ulo! Tara na nga! Pinag-tri-tripan nyo na ako, hmp!" Tawa ng tawa si Terron habang pinapa-andar ang sasakyan.
"Ayan! Tara na, nakaka-inis kayo ha!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top