Chapter 15
Sa dalawang araw na pamamalagi namin sa Batangas ay puro ligo ang inatupag ng kambal pero kahit na ganoon ay hindi sila nangingitim.
"Xzav, tawagin mo na 'yong kambal at bibihisan ko na." Utos ko sa kaniya.
"Hayaan mo muna silang maligo and besides last day na natin ngayon kaya hayaan mo silang magsawa." Sagot niya.
"Anong hayaan? Look, pulang-pula na sila oh," turo ko sa dalawang tuwang-tuwang naliligo. "Kung ayaw mo edi ako na lang mismo ang tatawag sa kanila." Akmang lalakad na ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Okay, fine. Tatawagin ko na sila," sambit niya at mabilis akong hinalikan sa noo.
Inirapan ko na lang ito at sinundan na lang ng tingin papalapit sa kambal. Akala ko tatawagin na niya ang kambal pero lumusong na rin siya sa tubig at nakipag-kulitan sa mga ito. Natampal ko na lang ang noo ko.
Umiling na lang ako at napagpasyahang umakyat na muna at hayaan silang magpakasaya roon. Pagka-akyat ko ay agad na akong umupo sa hanging swing chair at doon pinagmasdan ang tatlong enjoy na enjoy sa pag-langoy.
Muli akong umiling at inabala na lang ang sarili sa panonood ng kung ano. Habang abala ako sa panonood ay nagulat ako nang may malamig na humawak sa akin.
"Hindi ka po ba maliligo?" Tanong ni Ainsley.
"Maya-maya." Sagot ko.
Tinabi ko muna ang cellphone ko para banlawan ang kambal.
"Mama, kami na po," ani Ainsley.
"Sure kayo?" Tumango naman sila kaya lumabas na ako ng banyo at nahiga na lang sa kama at nanood na lang ulit.
Napabalikwas ako nang makitang tumatawag si Xzavier. "Oh, hello?" Sagot ko.
["Padala ako ng towel at damit ko rito,"] kita mo itong taong ito, cellphone niya hindi niya nalimutang dalhin tapos 'yong towel at damit niya kinalimutan niya.
"Teka lang, kukuha lang ako." Sagot ko.
["Thanks, Hon."] Aniya at pinutol na ang linya.
Kumuha na ako ng damit niya at ng towel saka lumakad na papunta sa banyo na malapit lang sa treehouse.
Akmang kakatok ako nang bumukas ang pinto at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila sa loob. Mabilis kong tinakpan ng isang kamay ko ang mata ko nang makitang hubo't-hubad siya, habang ang isang kamay ko naman ay paulit-ulit siyang hinahampas.
Isa lang ang gamit kong kamay sa paghampas sa kaniya kaya naman madali lang niyang nahawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa akin nang dumikit ang katawan ko sa basang katawan niya. Ramdam ko rin ang alaga niyang tumatama sa puson ko.
"Do you feel it? Kanina pa sabik na sabik sa 'yo 'yan," usal niya at saka mapaglarong ngumiti.
"A-Ano ba, Xzavier!" Pumiglas ko.
"What? Dalawang beses na kaya tayong nabibitin and besides tayong dalawa lang ang narito ngayon kaya malaya tayo sa gagawin natin." Sabi pa niya habang suot pa rin ang nakakalokong ngiti.
"N-Nababaliw ka na ba? Tsaka b-bitawan mo na nga ako, kailangan ko nang umalis at baka hinahanap na ako ng kambal." Pilit akong kumakawala sa kaniya pero ayaw talaga niya akong bitawan.
"Bilisan na lang natin para maka-alis ka na agad."
"Tigilan mo ako, Xzavier." Banta ko.
Ngumuso naman siya saka binitawan na ang kamay ko. "Mabilis lang sabi eh," he murmured.
"May sinasabi ka?" Tanong ko.
"Wala. Bumalik ka na sa treehouse at baka hinahanap ka na nila." Sabi niya sabay kuha ng towel at damit niya sa kamay ko. Lihim akong napangiti at lumabas na ng CR.
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi ako pinansin ni Xzavier hanggang sa makaalis kami. So, ganoon? Hindi lang siya napagbigyan, hindi niya na ako papansinin?
Tahimik lang ako buong biyahe habang ang tingin ay sa labas. Wala palang pansinin ha, tignan lang natin kung matitiis mo ako.
Nagkunwari akong tulog nang dumaan kami sa drive thru para mag-order ng pagkain. Kanina pa kasi nag-aalboroto ang kambal na gutom na raw sila.
"Here," naramdaman kong inabutan ni Xzavier ang kambal ng pagkain.
Nanatili akong nakapikit hanggang sa maramdaman kong umandar na ulit ang sasakyan namin. Ganoon? Hindi man lang niya ako ginising para bigyan din ng pagkain? Bwisit siya ah.
"Uminom din kayo ng tubig huwag puro softdrinks," bilin niya sa dalawa.
Nagkunwari akong nagising ngunit nasa labas pa rin ang tingin. Naghintay ako kung aalukin niya ako ng pagkain pero nakalipas na ang ilang minuto hindi pa rin niya ako binibigyan ng pagkain, nasa daan pa rin ang tingin niya. Umirap na lang ako at itinuon na lang ang tingin sa labas. Nakakasama na siya ng loob ah.
Nakatulala lang ako sa labas at hindi ko napapansin na may luha na palang tumulo galing sa mata ko. Mabilis at palihim ko naman itong pinunasan.
"Oh..." napatingin ako sa pagkain na hawak niya.
Mahina ko itong tinabig. "Ayaw ko, busog pa ako." Kasabay no'n ay ang pagtunog ng tiyan ko. Anak ng teteng naman oh! Ayaw makisama ng tiyan ko.
"Just take it and eat it." Aniya habang nasa daan ang tingin.
Bumuntong-hininga na lang ako at no choice kundi kunin at kainin 'yon. Muntik na akong mapangiti mabuti na lang at napigilan ko.
Matapos akong kumain ay inabutan niya rin ako ng nestea. Sabi na eh, hindi mo ako matitiis.
Nang maubos ko 'yong nestea ko ay nakaramdam ako ng antok kaya naman isinandal kong muli ang ulo ko sa bintana at hinayaan na lang ang sarili kong tangayin ng antok.
Nagising ako nang maramdaman kong nakahinto ang sasakyan namin at nanlaki ang mata ko nang makitang nasa EK kami.
"Papa, gising na po si mama p'wede na po ba tayong bumaba?" Rinig kong tanong ni Ainsley.
"Of course," sagot niya sa anak at bumaling sa akin. "Let's go?" Binuksan ko ang pintuan para makababa na. Ayaw ko siyang kausapin, galit pa rin ako sa kaniya.
"Mama, 'di ba ito po 'yong nakikita natin sa TV?" Tanong sa akin ni Aislinn habang malaki ang ngiti.
Nag-squat ako para pantayan siya. "Yes, 'nak."
"Lika na po!" Nagpatianod na lang ako sa paghila niya sa akin.
"Wow, ang ganda!" Manghang wika ng kambal.
"Mama, sakay po tayo roon!" Turo ni Aislinn sa Carousel habang tumatalon-talon.
"Doon naman tayo, papa!" Turo naman ni Ainsley sa mini viking. Jusko po, ito talagang batang ito.
Tinignan ko nang masama si Xzavier at mukhang alam niya ang ibig kong sabihin kaya naman lumuhod siya at kinausap si Ainsley.
"Sa Carousel na lang muna tayo, hmm? Later na lang sa viking." Sabi niya rito pero 'yong huli ay hindi ko na narinig.
Tuwang-tuwa naman ang dalawa habang naka sakay kami sa Carousel. At nang makababa kami ay hinanap ko sina Ainsley at Xzavier dahil bigla na lang silang nawala sa tabi namin ni Aislinn.
"Hayun po sila mama oh," bigla na lang kumulo ang dugo ko nang makita silang nakapila sa tapat ng viking.
"Let's go, Aislinn, lagot sa akin 'yang papa mo once na makababa sila." Sabi ko saka naglakad na papunta roon.
Nang makasakay ang mag-ama ay nagtama ang paningin namin ni Xzavier at saka nginitian ako na parang nang-aasar pa. Tignan lang natin kung makangiti ka pa ng ganiyan mamaya.
Tawang-tawa ang dalawa nang makababa sila sa viking. Mabilis kaming lumapit ni Aislinn sa kanila at palihim na kinurot ang tagiliran ni Xzavier. Napatingin naman lahat ng tao sa amin dahil sa malakas na daing niya.
"Who told you na samahan mong sumakay diyan si Ainsley?" Tanong ko sa kaniya at piningot naman ang tainga niya.
"G-Gusto niyang sumakay eh kaya s-sinamahan ko na," nahihirapang sagot niya.
"Pumayag ba ako, 'di ba hindi?" At mas lalo kong piningot ang tainga niya.
"S-Sorry na, please..." aniya at nagpa-cute pa.
"Hindi mo ako madadaan diyan, mukha kang dagang inipit." Muntik akong natawa sa sinabi ko. Saan nanggaling 'yon? Haha!
"Sorry na nga kasi eh,"
"Hindi ko tatanggapin iyang sorry mo unless ito ang sabihin mo, 'sorry na, master, uwu'." Napangiwi naman siya.
"Seriously? Sa harap ng maraming tao?"
"Uh-huh, ayaw mo? Edi 'wag bahala ka sa buhay mo." Akmang tatalikod ako nang pigilan niya ako.
"Sorry na, master... uwu." Napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang tawa. Mukha siyang ewan sa itsura niya.
"'Yan! Very good!" Sabi ko at tinalikuran na siya.
Matapos 'yon ay humanap kami ng mauupuan at iniwan muna kami roon ni Xzavier para bumili ng pagkain namin.
"Mama, okay lang po ba sa 'yo kung sasakay po tayo doon?" Turo ni Ainsley sa ferris wheel. "Payag na po si Aislinn eh," dugtong niya. Napalunok naman ako. Takot ako sa heights!
Sasagot na sana ako nang dumating na si Xzav dala ang mga binili niyang pagkain.
"Papa, sakay po tayo doon mamaya ha?" Ramdam ko naman ang pagtingin sa akin ni Xzavier.
"U-Uh, payag ba ang mama niyo?" Aniya.
"Mama?" Sabay na tawag ng kambal.
Bumuntong-hininga ako. "Oo na, sige na." Sagot ko.
Mabilis na inubos ng kambal ang pagkain nila kaya naman atat na silang sumakay sa ferris wheel.
Nakapikit lang ako habang mabagal na umaandar ang ferris wheel. "Huwag kayong magulo para hindi umuga," sabi ko sa kambal.
"Mama, tignan mo 'yong mga tao sa baba oh," marahas naman akong umiling.
"A-Ayoko." Ani ko.
"Elara, open your eyes," dinig kong sabi ni Xzavier.
"Ayoko nga sabi eh," sagot ko. Natawa naman siya kaya naman iminulat ko ang mata ko at tinignan siya nang masama.
"Huwag muna ako ang tignan mo, iyong magandang view muna ang tignan mo dahil dito mo lang makikita ito samantalang ako ay araw-araw mo nang makikita." Ang hangin niya masyado, inirapan ko nga.
Nang makababa kami ay naglibot muna kami bago umuwi.
Alas diyes na kami ng gabi nakarating sa bahay niya. Gustuhin ko mang libutin ang bahay niya kaso pagod na pagod na ako at gusto ko nang matulog.
Si Xzavier na ang nagbuhat sa kambal papunta sa kuwarto nila. Samantalang ako ay inihiga na ang sarili sa mahaba at malawak niyang sofa at doon na natulog. Maya-maya pa ay naramdaman kong umangat ako at ilang saglit pa ay naramdaman kong binaba na ako sa malambot na kama.
"Good night, Hon, I love you." Bago ako tuluyang tangayin ng antok ay naramdaman ko ang malambot na labi ni Xzavier sa noo ko.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top