Chapter 02

Sabado ngayon kaya nandito kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Natutuwa akong makita na aliw na aliw ang mga customer ni mama sa kambal dahil sa pagiging bibo nila.


"Ganiyan na ganiyan ka rin noong kasing edad mo sila." Sambit ni mama sa gilid ko.


"Kanino pa ba sila magmamana, ma?" I chuckled.


"Syempre sa lola," sumimangot naman ako na ikinatawa ni mama.


Saglit pa kaming nagkulitan ni mama bago bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho.


"Ainsley, Aislinn, kain muna kayo." Tawag ko sa kambal.


"Mama, ang dami nating customer!" Natutuwang sambit ni Aislinn.


"Masisipag kasi ang dalawang anghel ko eh." Sabi ko sabay ginulo ang buhok nila.


"Mama, kami ako na po," inagaw sa akin ni Ainsley ang kutsara saka siya na ang sumubo sa sarili, ganoon din si Aislinn.


Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako. Hindi na talaga baby itong mga ito.


Pinanood ko lang silang dalawa habang sarap na sarap sa pagkain. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig nila at baka sila'y mabulunan.


Halos sabay silang natapos kaya nag paalam na sila sa akin na babalik na sa trabaho kuno nila. Mga batang 'yon talaga.


Maagang nag sarado si mama dahil ang bilis maubos noong benta niya. Paano naman kasi, dinagsa ba naman itong karinderya ni mama at ang dahilan noon ay ang mga munti kong anghel.


"Sa bahay muna kayo, magluluto ako ng turon para meryenda natin. Ipapahatid ko na lang kayo mamaya kay Arnold." Ani mama.


Matapos kaming magligpit ay nag tawag na ako ng tricycle na sasakyan namin. Tatlo kami ng kambal sa loob at sa labas pumwesto si mama.

"Ako na po ang magbabayad, ma." Sabi ko, tumango naman siya at sinimulan nang bitbitin 'yong ilang gamit.


Pagkakuha ko ng sukli ay tinulungan ko nang magpasok si mama no'ng ilang gamit.


"Sarap buhay ng kambal, oh," natatawang sambit ni mama habang nakatingin sa kambal na nanonood ng TV habang kumakain ng piatos na binili ko.


"Hay nako, ma, gan'yan iyang dalawang 'yan tuwing uuwi kami. Pero mauutusan mo naman sila kahit na busy sila sa ginagawa nila." Sabi ko.


"Magluluto muna ako, ha?" Tinanguan ko na lang si mama saka tinabihan ang kambal.


Nanood lang kaming tatlo habang hinihintay na matapos si mama sa niluluto niya.


Sabay kaming pumunta sa kusina nang tawagin kami ni mama.


"Wow, turon!" Sabay na usal ng kambal saka dumampot ng tig-isang turon.


Pareho naman kaming natawa ni mama nang sabay nilang bitawan ang turon.


"Ouch, mainit!" Daing ni Ainsley.


"Nasa ibabaw kasi ang kinuha niyo eh, heto hindi na ito gaanong mainit." Ika ni mama saka kumuha sa bandang ilalim at binigay na sa kambal.


"Anak, dahan-dahan naman at baka mabulunan kayo." Natatawang saway ko sa mga ito.


At nang matapos kaming kumain ay tinawag na ni mama si Arnold para maihatid kami.


"Salamat sa paghatid." Pasasalamat ko rito.


"Walang-anuman, ate," tugon niya at bumaling sa kambal. "Bye, kambal, huwag kayong pasaway sa mama niyo ah." Ani nito bago umalis.


Pinag-half bath ko muna ang kambal habang ako naman ay isinalin ko muna sa mangkok ang binili kong lutong ulam kanina.


"Mama, your turn na po," wika ni Aislinn habang nakayakap sa baywang ko.


Umupo naman ako upang magpantay kaming dalawa.


"Ang bango na ng baby ko!" Nanggigigil na sambit ko. "Where's your sister?" Tanong ko.


"Nasa kuwarto pa po," sagot niya.


Tumango naman ako at saka pinapunta na siya sa sala. Hinintay ko munang maluto 'yong kanina bago ako maligo.


Mabilisang ligo ang ginawa ko at saka nagbihis na. Paglabas ko ng kuwarto ay nadatnan kong naghahanda na ng mga plato ang kambal.


"Gutom na kayo?" Tanong ko at mahinang natawa.


"Opo, mama." Sabay nilang sagot.


Napa-iling na lang ako at saka nagsandok na ng kanin.


"Maaga pala kayong matulog ngayon, ha? Maaga tayo bukas." Bilin ko sa dalawa.


"Mama, pwede po bang manood kami saglit bago matulog?" Tanong ni Aislinn.


"Oh sige, habang naghuhugas ako manood muna kayo then after no'n sabay na tayong matutulog, hmm?" Sabay naman silang nag 'opo'


Matapos kumain ang kambal ay nagmamadali na silang tumakbo papasok sa cr upang mag toothbrush at ilang saglit pa ay nagpaunahan na silang maka-upo sa sofa. Muli akong napa-iling sa kakulitan nilang dalawa.


Pagkatapos kong mahugasan ang pinagkainan namin ay nilinis ko na ang lababo at tapos na. Tinabihan ko ang kambal at biniro sila.


"Let's sleep na," usal ko, natawa na lang ako nang pareho silang nagreklamo.


"Mama, isang episode na lang po 'yong pinapanood namin eh," ungot ni Ainsley.


Malakas naman akong tumawa. "Biro lang, tsaka ano ba 'yong pinapanood niyo?" Tanong ko.


"Adventure time po." Sagot naman ni Aislinn.


Natigilan naman ako sa sinagot niya. Iyan din ang gustong-gustong panoorin dati ni Xzavier. Pati ba naman hilig sa cartoons na 'yan eh mamanahin ng kambal.


Nanahimik na lang ako hanggang sa matapos na 'yong pinapanood nila.


"Good night, mama. I love you!" Halik sa akin ng kambal.


"Good night, my angels. Mama loves you too." Sabi ko saka hinalikan ang noo nila.


Kinaumagahan, nauna ako gumising para mag luto ng almusal namin. Inayos ko ang kumot ng kambal at saka hinalikan ang pisngi nilang dalawa. Mamaya ko na lang sila gigisingin after kong makapagluto.


Nagsangag ako ng kanin, nagprito ng itlog at hotdog saka nagtimpla ng gatas at kape namin. At matapos kong maihanda lahat ay tumungo na ako sa kuwarto para gisingin ang kambal.


"Wake up, my angels. Breakfast is ready." Gising ko sa kanila.


Pupungas-pungas naman silang humalik sa mag-kabilang pisngi ko at sabay akong grineet ng good morning.


Sabay kaming nagpunta sa kusina at ipinaghila silang dalawa ng upuan.


"Kain na tayo." Sabi ko at sinandukan sila ng pagkain nila.


"Mama, may napaginipan po ako kagabi," maya-mayang usal ni Ainsley.


"What is it?" Kunot noo kong tanong.


"Nakita ko raw po si papa," napakurap naman ako.


"A-Ah, ganoon ba? Finish your food na," ani ko.


Nang matapos kaming kumain, pinaligo ko na ang kambal habang naghuhugas naman ako. Nakahanda na 'yong susuotin nila para pagkatapos nilang maligo ay diretso bihis na sila. Naligo na rin ako nang matapos akong maghugas.


"Ang cute niyo naman, pa-kiss nga." Sabi ko nang matapos akong magbihis.


Lumuhod naman ako para mahalikan nila ako.


"You're so gorgeous, mama." Puri ni Aislinn.


"We are gorgeous, love." Nakangiting sabi ko at tinap ang ilong niya.


"Let's go?" Sabay naman silang tumango.


Tig-isa sila ng hawak sa kamay ko nang pumasok kami ng simbahan. Nakagawian na naming mag simba tuwing linggo.


Hindi naman sila magulo habang nagmimisa hindi tulad noong ibang bata. At nang matapos ang misa ay dumaan muna kami sa bilihan ng kandila para magtirik ng kandila.


"Are you done?" Tanong ko sa dalawa dahil nagtirik din sila ng kandila dahil may gusto raw silang ipag-pray.


"Ano naman 'yong pinag-pray niyo?" Tanong ko sa kanila.


"Pinag-pray ko po na sana makita ko na si papa." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi ni Ainsley.


"How about you, Aislinn?" Baling ko naman kay Aislinn.


"Bawal ko pong sabihin eh," sagot niya sabay tumawa nang mahina.


Ginulo ko naman ang buhok niya saka hinawakan na ang kamay nila. Nag-aya silang mag mall, hindi sana ako papayag kaso ginamitan ako ng charm nitong kambal kaya no choice ako kundi pumayag.


"Baka gusto niyo kumain muna tayo kaysa gumala nang gumala." Natatawang sambit ko sa dalawa.


"Okay po, kain muna tayo." Pag-payag ni Ainsley.


"Mama, doon po tayo!" Turo naman ni Ainsley sa nadaanan naming Jollibee kanina. Hindi naman gaano malayo 'yon kaya bumalik ulit kami.


Pagpasok namin sa loob ay agad na akong humanap mauupuan at saka iniwan muna roon ang kambal dahil mag-o-order ako ng pagkain namin.


Dalawang spaghetti, tatlong nestea, at tatlong Yum burger ang inorder ko para sa amin.


"Heto na, kain na tayo." Sabi ko kaya mabilis nilang nilantakan 'yong spaghetti nila.


Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa grocery para mamili ng ilang stocks sa bahay.


"Mama, bili tayo no'n." Turo ni Aislinn sa Cadbury.



"Tig-isa lang kayo ni Ainsley, okay?" Tumango naman siya kaya kumuha na ako ng tig-isang Cadbury.


Nang makuha namin lahat ng kailangan namin ay pumunta na kami sa counter para barayan ang kinuha namin.


"Wait for me here, okay? Magbabayad lang si mama nitong mga ito." Bilin ko, sabay silang tumango.


Matapos akong makapag-bayad ay binalikan ko na 'yong kambal kung saan ko sila iniwan kanina.


Biglang kumabog ang dibdib ko nang makitang hindi kasama ni Aislinn si Ainsley.


"Aislinn, where's Ainsley? Hindi ba ang sabi ko na rito lang kayo?" Ani ko.


"Nagpaalam po siya na iihi lang po siya pero ang tagal niya po bumalik." Sagot ni Aislinn.


"Come on, let's find your sister." Saad ko at nagmamadaling nang naglakad.


Halos malibot ko na ang buong mall ngunit hindi ko pa rin mahanap si Ainsley.


"Ainsley, anak where are you?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa sarili ko.


"Mama, there she is," turo ni Aislinn sa kinaroroonan ni Ainsley ngayon.


Biglang bumigat ang paghinga ko nang makita ko kung sino 'yong taong kaharap niya ngayon.


Lord, bakit naman ang bilis niyong tuparin 'yong hiling ng anak ko? Hindi pa ako handang harapin siya eh.


"Ainsley!" Tawag ni Aislinn sa kaniyang kapatid.


"Mama, 'di ba siya po 'yong nasa TV dati?" Natutuwang sabi ni Ainsley nang makalapit siya sa amin. Lumuhod naman ako upang magpantay kami.


"Anak, huwag mo nang uulitin ito, okay? Sobrang nag-alala ang mama sa 'yo eh." Sabi ko rito saka mahigpit siyang niyakap.


"Sorry po, mama." Paghingi nito ng tawad.


"Let's go, uuwi na tayo." Sabi ko ngunit pinigilan ako ni Ainsley.


"Wait po, papaalam po muna ako sa kaniya." Aniya saka hinila kami ni Aislinn palapit kay Xzavier.


"Ba-bye po, uuwi na po kami." Usal niya saka kinawayan ito.


Hinawakan ko na ang kamay ni Ainsley at saka hinila na paalis. Ngunit nahinto ako nang marinig ko siyang mag salita.


"Elara, wait..."


–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top