Kabanata 15
Kabanata 15
I'm In Love
Inaantok ako sa student congress. Ang aga ko kasing nagising kanina para mag handa. Gusto ko namang makinig kaso nahuhulog talaga ang mga mata ko.
"Miss, taga president ka rin ba ng School of Business Management ng school ninyo?" Tanong ng babaeng katabi ko.
Napatalon ako. Masyado ata akong guilty sa pagiging antok kaya heto at halos mahulog ang mga gamit ko sa pagkakataranta ko.
"Ah.. Oo- I mean, hindi. Nautusan lang ako ng president."
Tumango siya, "Ako nga pala si Lacey." Naglahad siya ng kamay at ngumiti.
Nginitian ko rin siya. "Coreen Aquino." Sagot ko.
Round table itong inuupuan namin kaya magkalapit lang kami. Lima kami sa round table namin. Tantya ko, may labing limang round table sa venue na ito. Lahat ay inuupuan ng iba't-ibang studyante sa iba't-ibang university na mayroong business courses sa iba't-ibang lugar.
"Ang daming gwapo, ano?" Sabay turo niya sa isang tsinitong kanina pa laging may tanong sa speaker. "Ayun pa." Itinuro niya rin ang isa pang gwapo sa gilid namin.
Tumunog bigla ang cellphone ko. Napatingin ako doon.
"May boyfriend ka na?" Tanong ni Lacey nang nakitang binasa ko ang message ni Rozen sa cellphone ko.
"Wala."
Bumaling ako sa cellphone ko at binasa ang message ni Rozen.
Rozen:
Nakikinig ka ba?
Napalingon-lingon ako sa buong venue. Pakiramdam ko tuloy ay nandito siya. Parang alam niyang nakikisabay lang ako kay Lacey sa paghahanap ng gwapo.
Ako:
Oo naman. Pero inaantok ako.
Mabilis siyang nagreply.
Rozen:
Anong gagawin ko para mawala ang antok mo?
Ako:
Wala. Kanina ko pa sinasampal ang sarili ko dito para magising pero wala paring nangyayari. What are you doing?
Rozen:
Nasa hotel. What do you want for lunch?
Ako:
Pwedeng sandwich na lang. Tsaka juice. Anong oras mo ihahatid?
Medyo matagal siyang nag reply. Ilang beses ko pang pabalik balik na sinulyapan ang phone ko kung may nag reply na ba pero wala. Hindi naman siya natagalan sa pagrereply kanina, ah.
Ako:
Rozen?
Ilang sandali pa bago siya nakareply. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa dumating na snacks at sa mga talakan ni Lacey at ng isa pang kasama namin.
"Ang dami-daming gwapo!" Nagkasundo sila ng dalawa pang babae sa table namin.
Mukha atang naiirita ang isang lalaking katable namin sa kanila. Umiling na lang ako. Naaalala ko ang bestfriend kong si Reina sa kanila. Mga gwapo ang kahinaan ng isang iyon.
Dumungaw ulit ako sa cellphone ko at napangiti nang nagreply na si Rozen.
Rozen:
Tapos na ang sandwich mo, babe. Anong oras ko ito ihahatid?
Kaya naman pala hindi siya nakareply ay dahil gumagawa siya ng sandwich ko. Napangiti ako habang nag ta-type ng reply.
Ako:
Mamaya na pag malapit na ang lunch.
May pagkain naman sa lunch pero gusto ko ng sandwich. Makakatulong din iyon mamaya pag magsimula na ulit ang isa pang speaker at dadalawin na naman ako ng antok. Mabuti na iyong may baon para iyon ang pagkaabalahan ko.
Dinadalaw na naman ako ng antok nang bigla akong mabingi sa sigaw ng mga babae sa table ko. Sumipol, humiyaw at pumalakpak sila.
Kinusot ko ang mga mata ko at lumingon-lingon. Ano na?
Pumalakpak ang speaker at tumango-tango. May nagsasalita sa harapan. Iyon ang chini-cheer ng halos lahat ng mga tao sa buong student congress. Mukha atang may itinanong na maganda at mahirap ang lalaking iyon.
Nahirapan pa ako sa pagtingin kung sino iyong nagtatanong kasi nakatayo ang iba para kuhanan ng picture ang lalaki.
Pumihit ang nakaitim na lalaki at naglakad pabalik. Saka ko napagtanto kung sino iyon. SI ROZEN!
Diretso ang tingin niya sakin saka kumindat.
Sumagot ang speaker. Mukha atang may itinanong si Rozen na may kinalaman sa business ng pamilya niya. Nakakarelate nga pala siya dito kasi may business sila at business ad student din siya. Pero hindi ako makapaniwalang ganun ka grabe ang reaksyon ng mga tao.
Niyugyog pa ako ni Lacey at nakipag high five pa siya sa mga babae.
"OMG! Sobrang gwapo! Artista ba yun?" Sabi ng isa.
"Elizalde iyon." Sabi naman nung isa. "Kilala ko yun."
"What school are you from, Mr. Elizalde?" Tanong ng speaker.
Nilingon ni Rozen ang speaker nang nakangiti bago umiling.
"Hindi po ako kasali dito, yung girlfriend ko lang." Sagot niya.
Tumawa ang mga tao. Pumalakpak naman ang iba.
"Shit! May girlfriend!?" Sabi ng isang babae.
Napaupo naman si Lacey sa sobrang pagkabigo. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Darn!
Halos mahimatay na ang isa sa kakahiyaw dahil kay Rozen. Nang dinilat ko ang mga mata ko ay nakita ko siyang nakangiti sa gilid ko.
Nilagay niya sa harap ko ang isang sandwich na naka balot sa isang tissue at ang juice na nasa loob ng isang lalagyan.
"Ngayon, hindi ka na aantukin." Humalakhak siya at hinalikan akong bigla sa pisngi.
Aangal na sana ako pero pumihit na siya at tinalikuran kaming lahat.
"SHIT? Kayo?" Malutong na sigaw ng mga babaeng nasa table ko.
Umiling ako sa kahihiyan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanilang lahat. Tuwing dinideny ko ay hindi sila naniniwala.
"Sabi niya girlfriend niya ang kasali dito! Eh sino pa bang iba? Ikaw nilapitan!"
Yung ibang mga babae ay nakiusyuso sa akin. Yung iba naman ay nagtaray. Natatawag na rin ako tuwing may tanong ang speaker. Kaya ang resulta ay hindi na ulit ako inantok.
Ako naman, kating-kati ng itext si Rozen. Nagti-text ako sa kalagitnaan ng pag sasalita ng speaker, pagdedebate, at pagbabatuhan ng mga tanong.
Ako:
Anong ginagawa mo?
Rozen:
Curious ka na, huh? Nasa hotel.
Ako:
I'm bored, Rozen. Tsaka ang daming nagtatanong sayo dito ng tungkol satin.
Rozen:
Bored, huh? At ano namang sinasagot mo sa mga tanong nila?
Ako:
Of course, dinedeny ko. Are you crazy?
Rozen:
That hurt. You don't really care about my feelings, huh? Wala naman si Noah dito, why hide?
Ako:
Ewan ko sa'yo, Elizalde.
Hindi na siya nagreply. Naiirita na ako sa sarili ko dahil sa loob ng isang oras ay panay na ang titig ko sa screen ng cellphone ko para maghintay ng reply niya.
"Uy, Coreen. Kanina ka pa, ah? Buti na lang malapit na tayong matapos. San ba kayo tumutuloy ng boyfriend mo?" Tanong ni Lacey.
"He's not my boyfriend. At... uhm... tumutuloy kami sa Crown." Sabi ko.
"Whoa! Ang mahal dun ah? Ang laki naman ng binigay na budget ng school mo. Tsaka... anong di mo boyfriend? Kaw talaga." Marahan niyang hinampas ang balikat ko.
"Kung ako sayo, proud akong aamin sa buong mundo na boyfriend ko siya!" Sabay tili ng isang kasama ni Lacey.
"Ako rin!" Sabi nung isa.
Naglalakad na kami palabas ng venue. Panay ang usapan nila tungkol sa mga gwapo doon sa student congress. Ako naman, panay ang titig ko sa cellphone ko.
Ako:
ROZEN! We're done! Asan ka na? Anong oras na? I said, 4:30!
Walang reply ang halimaw. Umiling-iling ako.
"No... No... No... Don't tell me may lakad siya... Ano? Naglibang habang wala ako." Sabi ko sa sarili ko.
Hindi narinig ng mga kasama ko dahil sa lakas ng mga boses nila.
"Ang gwapo, gwapo, shet talaga!" Sigaw nung isa.
Nagtype ulit ako nang nasa pintuan na talaga kami ng venue.
Ako:
Magtataxi na lang ako pauwi! Darn you!
Kahit na hindi naman kalayuan ang hotel na tinutuluyan namin, ayaw ko paring mag commute na mag isa lalo na't hindi ko kabisado ang mga lugar sa syudad na ito.
Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Mag reply ka na. Mag reply ka na. Mag reply ka na. Please don't let me down...
"COREEN, OH MY GOD! OH MY GOD!"
"OH MY GOD! ANG GWAPO! SHIT! SHIT!"
"OH MY GOODNESS!"
Nabigla ako nang pinalibutan nila ako at niyugyog pa ng iba ang braso ko dahil sa panggigigil.
"Aray!" Pumiglas ako sa pagkakahawak ng iba sa balikat ko. "Ano ba?" Galit kong utas sa kanila.
"Yung boyfriend mo! SHIT!"
Si Rozen? Asan?
"Ayun oh! Jusko! Mahihimatay na ako! Shit!"
"Oh shit!"
Hindi ko alam kung ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanila. Ang alam ko na lang ay nalaglag na ang panga ko at nabingi na ako sa lahat ng kantsyaw at pagkabigo nila. Si Rozen, nakapark sa tapat ng venue, nakasandal sa kanyang sasakyang naka open-air mode. Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok at diretso ang tingin sakin. Ang isang kamay niya ay may hawak ng bouquet.
Umihip ang malakas na hangin. Tumayo si Rozen ng maayos at umambang lalapit sakin. Nabingi na talaga ako sa sobrang ingay ng mga kasama ko. May tumutulak pa sakin. Para akong nawawala sa sarili ko habang tinititigan siyang nakatitig din sakin.
Nang tuluyan na siyang nakalapit sakin ay nilahad niya ang bulaklak sa harap ko at inilapit ang mukha sa tainga ko.
"KYAAA! JUSKO! OH MY GOD!"
"MAHIHIMATAY NA AKO!"
This is really too flashy! Darn Elizalde!
"Oh... Tumitibok na ba para sakin?" Bulong niya saka pinitik ng marahan ang dibdib ko.
Humalakhak siya bago dinugtungan iyon.
"I'm in love with you Coreen. Was. Still am. And will be."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top