Chapter 2

  KAHIT saang channel ay nakikita niya ang mukha ni Friegel, it's okay with him but watching Friegel on TV with that Dion guy makes his blood boiled. Sino bang hindi. Nakakainis lang tignan. Hindi sila bagay.

"Baka masira ang remote control, Sir." Sinamaan niya ng tingin ang secretary niya.

"'Yong pinagagawa ko sayo, kamusta?" Ngumiti ang secretary niya.

"Nasa email mo, basahin mo na lang." Tumango siya at pinatay ang TV. It's working hour but he's pre-occupied that's why he watch TV. Ang akala niya'y ma re-relax siya 'yong pala ay hindi.

"Alam mo,Sir. Dapat sana noon pa'y niligawan mo na! Sayang naman eh, abot kamay mo na, binitawan mo pa." He glared at him, kahit na totoo naman ang sinabi nito ay masakit pa rin sa ego niya na maunhan.

"Chance mo na sana 'yon, Sir. Sayang talaga." He's secretary really making fun of him. At naiinis siya.

"Gago, kasalanan ko bang pinagtapos ko muna siya? Is it wrong? Bata pa siya noon at hindi ko naman alam na mag-aasawa siya ng ganito ka aga."

"Sir, iba na ang panahon ngayon, 'yong iba nga ay buntis habang nag-aaral, ligaw lang naman 'yon!" Ayaw talaga patalo ng secretary niya.

"Shut up! I don't want to talk about it again." He's now annoyed. Isa lang naman 'yon sa dahilan niya ang totoo talaga ay na to-torpe siya kay Friegel.

"Sir, dumaan din ako sa ganyan." He knows what he's talking about. That torpe thing again.

"Zip your mouth,man!" Nagtaas nang dalawang kamay ang secretary niya, signed that he surrender and he'll shut up now.

"Good, get your filty ass out. I'll just read what you sent to me." Ngumiti ang secretary niya at lumabas na sa opisina niya. He went to his table and open his laptop binasa niya agad ang report tungkol kay Dion.

Walang kahit na anong mali, Dion's record was all cleared at puro mga papuri at mga mabubuting gawain ang nasa report. Napailing siya. Alam niyang may baho ang lalaking iyon. Lahat naman merong tinatago. And he'll find out soon.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Bullet.

"Bullet, investigate Dion Vios for me.." Sabi niya.

"Mahal ang talent fee ko, nasa vacation ako ngayon." He cussed after hearing it to Bullet.

"Magbabayad ako kahit isang milyon, at wala akong paki alam kung nasa vacation kapa." Tumawa si Bullet sa kabilang linya.

"Oo na! Ang init ng ulo mo,send mo sa 'kin 'yong full name and also the address."

"Hindi ko alam ang Address but I know where he from. I'll send it to you after I hang up." He's really desperate to know the background of Dion.

"Okay, just send it to me and remember, isang buwan mo natatanggap ang result. Bye." At siya pa talaga ang binabaan ng kaibigan. He sighed. Isang buwan? Ang tagal,he can't wait to read the background of Dion. Gusto niya bukas na pero hindi naman kasi ganoon kadali ang gagawin ni Bullet.

Bullet may be a good hacker and a great investigator but Dion Vios is one of the great businessman in States. Hindi pa nga sigurado kung isang buwan lang ba ang aabutin sa pag-iimbistiga.

"I'll do everything just to have you Friegel. Bahala na kung ikakasal kayo. You're mine, just mine, Friegel." May pinalidad niyang sabi.

It's already seven in the evening nasa office pa rin siya, nag ta-trabaho. Trabaho muna ngayon and after working si Friegel naman.

Nasa kalahati na siya ng mga pinipirmahan niya nang tumunog ang cellphone niya. Its was Harvy,calling.

"Yeah? What is it, Harvy?" Sagot niya habang ang kamay niya'y kumikilos pa rin.

"May dadalhin akong babae sa bahay, pwede ba?" Nagulat siya. Sino naman kaya ang dadalhing babae ni Harvy sa bahay, sa ilang taon nilang nakatirang dalawa sa iisang bahay ay ngayon lang ito magdadala. Si Janiena nga'y hindi niya dinadala roon sa condo lang nito dinadala.

"Please, Bud. Swear papasalamatan mo pa ako dahil dito." Kumunot ang nuo niya. What is he talking about? Anong papasalamatan?

"C'mon,Bud. Who's that chic? Bakit hindi mo dalhin 'yan sa condo mo?" Hindi naman sa ayaw niya na may ipatitira sa bahay si Harvy na babae, hindi niya lang kasi alam kung paano niya ito pakikisamahan. Lalaki siya, only child at lahat ng pinsan niya ay lalaki rin. Hindi niya alam paano pakikisamahan ang isang babae.

"She's not allowed to, Bud. Andon si Janiena eh." Napakamot siya sa kanyang ulo. Nagkabalikan na siguro ang dalawa. Sino ba kasi ang babae?

"Siguradohin mong hindi ako gagapangin niyan, ha? Virgin ako, reserved na to." Tumawa ang kaibigan niya sa kabilang linya.

"Alam ko 'yon pero kung gusto mo, ikaw na ang gumapang 'don." Napailing siya.

"Gagong to. Hindi 'yan mangyayari. I'm faithful to Friegel." Seryoso niyang saad.

"Go, Bud. I'll support you. Laban lang." Tumawa ulit ito. Napailing siya.

"Hindi ko alam kung may laban ba ako si Dion na iyon. I felt like--" Hindi natapos ang sasabihin niya when Harvy interrupted him.

"You have, maniwala ka, Bud. Tiwala lang." Parang may kakaiba sa kaibigan niya ngayon, Harvy is motivating him. He feel it.

"Sige, Bud. Nasa bahay na siya, sa condo muna ako. Take her for me, Bud. She's so precious to me. Bye." Nagtatakang binaba niya ang cellphone niya. Sino kaya iyon?

Hindi na lang niya tinapos ang kanyang trabaho, may bukas pa naman kaya tumayo siya at niligpit ang mga gamit niya saka pumunta sa parking lot.

He can't understand himself why he feel that eagerness that he need to go straight to his house. Gusto pa naman sana niyang mag bar muna at uminom pero sa susunod na lang.

He hurriedly drove his car straight to his house, ang thirty minutes ay naging twenty since mabilis ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan.

Matapos i-park ang sasakyan ay lumabas agad siya ay mabilis na pumasok sa bahay.

Pagtungtong niya pa lang sa salas ay tahimik. Naka-on ang mga ilaw. Pero wala namang tao.

Napakamot siya sa ulo. Ang gago talaga ni Harvy. Tiyak pinagtatawanan na siya nito ngayon.

Naupo siya sa couch, hinilot niya ang sentido niya. He's so tired. Gutom siya at pagod pa. Basta ganito ang nararamdaman niya ay tinutulog na lang niya. Pinagsabihan pa siya noon ng kanyang Mommy na dapat kumuha siya ng maid,but he didn't. Ayaw niyang may ibang tao sa bahay.

Pinikit niya ang kanyang mga mata. Pagod na pagod siya. Gusto niyang magpahinga. Minulat niya ulit ang dalawang mata, ayaw niyang matulog sa couch dahil masakit sa likod. Tumayo na siya at akmang aakyat pero hindi pa lamang siya naka tapak sa hangdanan ay may naaamoy siyang masarap.

"May tao?" Tinungo niya agad ang kusina. His heart was beating unstable. Who could it be? Dahan-dahan siyang pumasok sa kusina.

Isang babae na naka talikod ang bumungad sa kanya. And probably making dinner.

He cursed into his mind. Her sweet strawberry scent was so familiar.

Humarap ang babae sa kanya at hindi nga siya nagkamali.

That familiar smell is from Friegel..

"Kuya Drake.." Mas lalong kumabog ang puso niya dahil sa malambing nitong boses.

Sht! Am I dreaming?!

Ngumiti sa kanya si Friegel.

"God, tell me I'm not dreaming.." Bulong niya.

"You're not dreaming. I'm true Kuya Drake.." Sa isang iglap ay nasa mga bisig na niya si Friegel.









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top