Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 3)
"Ikaw ba 'yan Samuel?"
I smiled and bowed a little. Ang tagal na rin nung huli akong pumunta rito. Ang tagal ko ng gustong dumalaw pero lagi akong nagkakaroon ng dahilan kung bakit hindi ako matuluy-tuloy. Ewan ko. Pakiramdam ko nahihiya lang ako na bumalik. Para kasing wala na akong tamang nagawa sa buhay ko.
Bad decisions after bad decisions.
Wala akong pwedeng sisihing iba kung hindi ang sarili ko.
I failed the exam because I failed the exam—hindi kasalanan ni Deanne 'yon. I didn't study enough. Kasalanan ko 'yon. I just needed someone to blame because my pride couldn't handle it.
Failing is one thing...
But to be the only one who failed in the frat?
I was not able to handle it.
I said horrible words to her—I treated her even worse. Hiyang hiya ako sa sarili ko. I didn't get back together with her although everyone in my life told me to. Kasi alam nila na mas maayos ako kapag kasama ko siya. But I didn't deserve her after everything I put her through. Nahihiya akong humarap sa kanya. Mas madaling magtago.
I was certain na hindi na kami magkakabalikan. Hindi ko na talaga kayang humarap sa kanya. Ilang beses kong sinubukan, pero lagi akong natitigilan. She's fine already... bakit ko pa siya guguluhin? Nakita ko kung paano niya ako tignan nung gabing naghiwalay kami. I would not be able to forget that look on her face.
That I did that.
I caused that.
Kahit na sinabi ko dati na hinding-hindi ko siya sasaktan... I still did that... Just because my pride couldn't handle failing the exam.
So, I convinced myself to be okay with her not being in my life. Kasi ganon talaga. Hindi lahat ng gusto mo—kahit gaano mo pa ka-gusto—ay makukuha mo.
I focused on other things. I thought I would be good at my job. Kasi hindi naman porke bumagsak ako, hindi na ako magiging maayos na abogado...
God, I was wrong.
Every day the frat would tell me that I made the wrong decision tuwing hinaharang nila iyong trabaho ko. When I thought I was doing a good job and suddenly, everything would fall into pieces.
Akala ko nung una wala lang talaga akong kwentang abogado... until I realized that they were doing everything to sabotage my career.
Siguro iyon 'yung simula nung pagkaka-gulo ng buhay ko.
I should've just studied on my own.
I should've stayed far away from that fraternity.
Maybe I would've met Deanne in a different circumstances.
Maybe I would've been happy now.
"Ang tagal na nung huli tayong nagkita..." sabi niya sa akin habang naka-ngiti.
"Ang tagal na nga po," sagot ko. "Pasensya na po ngayon lang ako naka-dalaw, Father."
Dito ako pumasok ng seminaryo. Balak kong dalhin si Deanne dito dati dahil sobrang curious siya sa kung ano ang ginagawa sa seminaryo. Balak ko din sana siyang dalhin sa kung saan ako tumatambay dati kapag tumatakas ako. Balak ko rin siyang tugtugan ng piano dito kasi gusto niya rin 'yon.
Ang daming balak.
"Ayos lang," sagot ni Father. "Kamusta ka na?"
I gave him a small smile. He gently patted my head.
"Gusto mo bang mangumpisal? Para gumaan 'yang dinadala mo?"
Hindi ko alam kung saan ako nagsimulang umiyak. Nanatili lang kaming nakaupo don habang umiiyak ako. Hindi ko na alam 'yung gagawin ko. Parang wala na akong tamang nagagawa.
Minsan... minsan gusto ko na lang sumuko.
Pagod na pagod na rin ako pero parang ang hirap sumuko kapag lalaki ka. Parang dapat lahat kaya mo.
Pero 'di ko na kaya.
Pagod na rin ako.
* * *
Parang... nakaka-loko iyong tadhana.
"Forgive me, Father, for I have sinned..." sabi ko habang naka-luhod sa confessional. Dito rin kami nagsimula ni Deanne dati. Para akong bumalik sa umpisa. Sinabi ko lahat ng kasalanan ko. Gusto ko lang mailabas sila... Mabawasan kahit konti iyong dinadala ko. Kahit iyon lang sana.
Nilabas ko lahat ng bumabagabag at gumugulo sa akin.
"I absolve you from your sins in the name of the Father, the Son and the Holy spirit."
Pumunta ako sa mga upuan at doon nagdasal. I knew that God was with me because I felt the load lightening. I knew that this would not magically erase all that I did but... God, it felt so good to know that I was not alone.
Kahit ngayon lang.
I stayed there for quite a while. Pagkatapos kong magdasal, naupo lang ako. I enjoyed the comforting silence. For the longest time, it had been an alienating silence.
"Akala ko po umalis na kayo," sabi ko nang makita ko si Father na nakaupo sa may bandang dulo na pew.
"Gusto mo ba ng makakausap?" tanong niya sa akin.
The first thought in my head told me to politely decline because he was just being nice to me... but I badly wanted to talk to someone. I couldn't even talk to my friends because they all told me that it was a bad idea to marry Shanelle. Ayoko lang siguro marinig iyong I told you so kahit alam ko na tama naman sila.
But it's high time I hear it now.
"Lahat ng tao ay nagkakamali pero lahat tayo ay mahal ng Diyos."
"I know, Father," sagot ko. "I take comfort in knowing that."
Hindi ko alam kung ano ang meron sa hangin ngayon... pero ang bigat ng dibdib ko. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, parang halos hindi ako naiyak. O baka lagi ko lang sinusubukan na pigilan? Pero ngayon, parang patuloy lang iyong pagbuhos niya.
"Mahaba pa ang buhay, Samuel. Marami pang pwedeng mangyari. Pwede pang maitama iyong mga maling nagawa," sabi niya sa akin nang naka-ngiti.
"Alam ko naman, Father... Pero ang hirap gawin."
"Wala namang madali sa buhay, anak. Lalo na iyong tama, mas madalas ay mas mahirap gawin 'yon. Pero kung iyon ang ikagagaan ng loob mo, mas dapat mong gawin."
Tahimik akong tumango. "Hindi ko lang alam kung paano ko gagawin, Father... Alam ko bawal sa bibliya iyong annulment—"
"The Lord wants us all to be happy and at peace," sabi niya sa akin. "That's all you have to remember."
Pinahid ko iyong luha na patuloy lang sa pagtulo.
"Si Mama, hindi na ata ako kakausapin..." mahinang sabi ko. "Kakamatay lang nung Papa ni Shanelle... Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala rin si Mama na masama ang loob sa akin..."
She did nothing but to support me.
When I first introduced Shanelle, she was the one who told me not to proceed with the marriage dahil alam niya na si Deanne iyong gusto ko. I was the one who convinced her that I knew what I was doing. She tried her best to accept Shanelle.
Tapos... tapos ganito ang nangyari.
"Mahal ka ng Mama mo, Samuel. Maiintindihan niya rin ang mga nangyari. Sa ngayon, wala tayong magagawa kung hindi ang ipagdasal siya."
"Sana nga po, Father..."
I stayed there for a while. I attended a mass—even played the piano. Kabisado ko pa pala iyong mga piyesa.
For a while, everything felt normal na para bang nung nasa seminaryo pa ako.
"Alis na po ako. Salamat sa pagtanggap sa akin, Father."
Nginitian niya ako. "Bisita ka ulit."
"Opo."
"Isama mo si Deanne sa susunod."
Alangan akong ngumiti bago muling nagpaalam.
Tahimik lang ako habang nagda-drive pauwi. I wanted to keep the clear mind for as long as I possibly could... Saka na ulit ako mag-iisip pagbalik ko sa Maynila.
Saka ko na iisipin kung ano ang dapat kong gawin kay Mama... kay Shanelle... kay Deanne—
Bahagyang kumunot ang noo ko nang may numero na tumawag sa akin. Not a lot of people knew my personal number. Iniisip ko kung sasagutin ko ba iyon nang bigla kong maalala kung kaninong number iyon.
Bakit ako tinatawagan ng nanay ni Deanne?
May nangyari ba?
Agad akong huminto sa gilid ng kalsada.
"Hello po?" sagot ko sa tawag niya.
"Ano'ng balak mo sa anak ko?"
Sandali akong natigilan.
"Nung una kang nagpakilala sa amin ng tatay niya, sinabi mo na aalagaan mo iyong anak namin. Ano'ng nangyari sa pangako mo?" Hindi agad ako naka-sagot. "Mahal mo pa ba?"
Naghahanap ako ng tamang salita.
Kasi mahal ko pa.
Hindi naman nagbago.
Pero alam ko rin na 'di naman sapat na mahal mo lang.
"Mahal mo pa ba? Iyon lang ang tanong ko."
"Opo."
"Okay."
Hindi ko maintindihan kung ano ang punto ng pagtawag niya sa akin.
"Mahal ka pa rin ng anak ko, alam mo naman siguro 'yan," diretsong sabi niya. "Pero kung mahal mo rin ang anak ko, aayusin mo 'yung sarili mo. Hindi ako papayag na gawin mong kabit ang anak ko."
"Wala po akong balak—"
"Makipag-annul ka nang maayos. Ayusin mo ang buhay mo. Saka ka bumalik," sabi niya bago pa man ako matapos sa sasabihin ko. "Matigas ang ulo ng anak ko. Ikaw lang ang gusto. Tatanda atang dalaga kung hindi lang din ikaw. Pero kung may hiya ka sa aming mga magulang niya, hindi ka babalik hanggang hindi mo naiaayos ang sarili mo, Samuel."
Para akong bata na tahimik na nakikinig sa bawat salitang sinasabi niya.
"Makaka-asa ba ako sa 'yo?" tanong niya.
"Opo."
"Mabuti naman," sagot niya. "Matanda na ako, Samuel. Wala na rin ang tatay niya. Wala rin siyang kapatid. Kailangan kong marinig sa 'yo na aayusin mo ang buhay mo at aalagaan mo ang anak namin."
"Opo," mahinang sagot ko dahil nararamdaman ko na naman iyong pagsikip ng dibdib ko. "Pangako, aayusin ko lahat."
Ang tagal na sarili ko lang iniisip ko.
Iyong mga problema ko.
Nalimutan ko na tumatanda din pala sila.
Isa-isa ng nawawala iyong mga magulang namin.
Ang bigat.
* * *
Dumiretso ako sa Abra.
Hindi ko alam kung sasampalin ako o sisigawan, pero agad akong lumapit kay Mama at niyakap siya. Ang igsi ng buhay.
"I'm sorry for disappointing you," I just repeated over and over again until I felt her hugging me back, too.
Tama nga siguro si Father... na hindi ako kayang tiisin ni Mama... na kahit gaano kalaki iyong pagkakamali ko, at the end of the day, anak niya pa rin ako.
Para akong bumalik sa pagkabata. Pinaupo niya ako at pinilit na kumain. Sinabi ko sa kanya na gusto kong mag-usap kami. Sinabi niya na mag-uusap kami pero magpahinga muna ako. I felt like a child that was being forced to a naptime. Pumunta ako sa kwarto ko na wala pa ring pinagbago—ako lang talaga iyong nagbago.
"I'm sorry," una kong sabi nang makita ko siya sa may garden. I didn't know if it was the light hitting the side of her face, pero kitang-kita ko na tumatanda na rin siya. I was glad that I made the decision to come here. Isa siguro 'to sa pinaka-pagsisisihan ko kung hindi ko ginawa.
"I know you are," she replied. "How are you?" she asked.
Pangalawa na siyang nagtatanong sa akin niyan.
"I'll be fine," I replied.
"Have you talked to Shanelle?"
"Yes," I replied.
"I'm always praying for her."
I just smiled at her.
I love my mom. Minsan, hindi ko siya naiintindihan, pero mahal ko siya. She did her best to raise me—all my shortcomings were my own. Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin.
"Ma..." sabi ko.
"I know," she replied like she knew what I wanted to say bago ko pa sabihin. "I cannot agree with it, but I will try my best to understand you."
"This will be better for everyone," sabi ko sa kanya.
Instead of answering, she just held my hand.
We had dinner that night, just the two of us. I told her how I visited the seminary and kung paano siya kinamusta ni Father. Then we talked about the good old days nung bata pa ako at nandito pa talaga ako naka-tira sa Abra, kaming buong pamilya.
"Di mo ba ako tatanungin sa plano ko?" I asked her nang wala talaga siyang itanong sa akin.
Bahagya siyang umiling. "I have finally realized that you are your own person, Samuel. You will make your own decisions. Sometimes, you will make mistakes, but hopefully you learn from them."
Tahimik akong tumango.
"Ikaw, ano ang plano mo, Ma?" I asked her.
"Your tita Cely offered for me to stay with her."
"Sa Spain?"
Mama nodded. "I am thinking about it," she said. "I live in this huge house with no one but the help..." dugtong niya sa akin. "I think it's time I let go of the memories and make new ones some place else."
Hanggang sa makabalik ako sa Manila ay iniisip ko iyong sinabi ni Mama. I wanted to spend more time with her, pero ngayon ay siya naman ang aalis... Pero mabuti rin para sa kanya 'yon. Tama naman siya. Mag-isa na lang siya sa bahay. Saka lagi niya lang naalala iyong kapatid ko roon.
She deserves to move on, too.
I thought about what I should do and prayed on it.
Hindi talaga ako naniniwala sa mga signs... Pero ewan ko. Bigla kong nakita iyong ad sa Facebook sa advertisement sa Masteral sa Spain. I clicked on it. Tapos lahat na ng ads as Masteral sa Europe ay dumagsa. Alam ko naman na algorithm lang 'yon...
Pero baka nga.
Siguro.
"How are you?" tanong ko kay Shanelle nang magkita kami. I was there with her buong lamay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya okay sa pamilya niya. Pagkatapos non ay nagsabi siya na gusto niya munang mapag-isa. Alam ko na kahit si Clary ay hindi alam kung nasaan siya. I told Shanelle to just text me that she's safe.
A lot had happened between us, but I care a lot about her. We were good friends bago ang lahat ng 'to.
"Could be better," she replied in the familiar tone. Mukhang medyo okay na siya.
"Kamusta na ako?" sabi ko sa kanya. Bahagya siyang natawa. "I'm good, too, thanks for asking."
She shrugged. "I'm sorry for delaying the annulment."
I just gave her a small nod. 'Di ko rin naman alam kung ano ang dapat na sagot sa ganon. Sino ba ang may gustong mangyari 'yon?
"We're still getting annulled," I told her.
"I know," she replied. "Just... a lot of things going on at the moment."
We discussed things. Ganito naman kami dati bago magsimula iyong legal separation. We get along really well. Ewan ko. Naaalala ko kasi si Rhys sa kanya kaya siguro magkasundo kami. Para siyang babaeng Rhys.
Shanelle told me that there's an ongoing petition for the probate of the will of her father. Apparently, malaki iyong mana na napunta sa kanya. Ayaw pumayag ng mga kapatid niya dahil para sa kanila, naitakwil na dapat si Shanelle. For them, she caused his death. Dapat wala siyang makuhang kahit ano.
I felt so exhausted for her dahil matagal talaga kapag ganyang petition.
"I'm so sorry..." sabi niya dahil magiging busy siya roon.
"It's fine," I replied.
Baka ito na nga iyong sign. Kasi kanina, hindi ako makapagdesisyon sa kung ano ang gagawin ko. Everyone told me that I should go back to Deanne. Hindi naman ganon kadali. Kasi tama naman sila na kailangan kong ayusin iyong sarili ko bago bumalik.
She deserved the best version of me—I needed to find that first.
Shanelle and I agreed to continue with the petition for annulment of marriage pagbalik ko. I told her that I'd be applying for LLM. Hindi ko pa alam kung saan.
For the first time in such a long while, I felt excited na para bang may aabangan na ako sa buhay ko. Ewan. Bagong simula? Parang ang tanda ko na para don. Pero parang hindi pa rin naman.
I did my research and settle for an LLM in London. Malapit pa rin naman siya sa Spain. I could always visit Mama. Kasama niya naman si Tita kaya hindi ako kinakabahan.
Then I contacted Deanne's mom and told her my plan.
"Babalik ka dito?" she asked me.
"Opo," sagot ko. "Nandito iyong babalikan ko.
Sinabi niya sa akin na babalik si Deanne sa Manila para ayusin iyong mga gamit niya. I got her flowers pero sa sobrang pagmamadali ko dahil sa takot na baka 'di ko siya abutan ay nalimutan kong dalhin.
I knocked.
Iyon na ata ang pinakamahabang sampung segundo ng buhay ko.
"Hi," I said.
"Hi," she replied with her lips slightly parted.
We did the small talk.
It was nice... and saddening at the same time.
We were never the small talk kind of couple because Deanne always had a way of making people feel comfortable around her. Kahit nung nangumpisal siya sa akin, imbes na seryoso ay natawa lang ako sa paraan ng pagku-kwento niya.
She's always felt like home for me.
Kaya nung nawala siya, para akong naulila na hindi alam kung ano ang gagawin. I made myself so dependent on her and that blamed her at the same time.
"Lilipat ka?" I asked just to fill the silence.
"Uuwi muna ako sa amin." I gave a small nod. "Bakit ka nandito, Samuel?" she asked like she couldn't stand the silence. Ako rin naman. I'd suffer in the silence if it meant I could have her in front of me.
I drew a deep breath. "Just wanna say goodbye," I said.
"Sa Mindoro lang naman ako pupunta."
"I mean... goodbye because I'm leaving."
Her lips parted. I knew her. I saw panic on her face. "You're... leaving?"
"For a while," I said. "I'll be taking my LLM," I added to clarify things. Aalis lang ako sandali. Pero babalik ako. Aayusin ko lang iyong sarili ko. Pero babalik ako. "Two years lang naman," I continued. "I need this."
She just stared at me like I committed the biggest betrayal.
I didn't enjoy doing this pero kailangan ko munang ayusin lahat. These two years would be worth it.
"Oh... So, wala na talagang annulment?"
"Five years," I said.
"What?"
"Within five years from the discovery of fraud. I just need to get away from everything for the meantime. But I'll get the annulment," I said. "I still don't know what I want to do. I feel like I've tried doing everything, but I always feel like I have no direction. I feel like I need this. To go back to studying. To figure out what I really want to do."
She looked at me and gave me a small smile. "I hope you find what you're looking for, Samuel."
I wanted so badly to close the distance between us.
To reach for her.
To hug her like before.
To be just like before.
But we both knew that we're different from who we were before.
"I already know what I want," I replied. "I just... I just need to find a way to get back there."
Hindi naman 'yon nagbago.
I knew from the moment that I met her that she's gonna be someone special. It was never awkward with her. It always felt comfortable with her.
"You need help with packing?" I asked because I wanted to spend more time with her.
"No," she replied. "You have packing on your own."
"Naka-ayos na iyong mga gamit ko."
"Oh... Kailan ka ba aalis?"
"Bukas." Her lips parted. I saw the hurt cross her face. "I thought about this a lot. Nakausap ko na rin si Shanelle. We agreed to continue with the annulment when I get back. We all need this time."
She just gave me a small smile. "Enjoy London."
* * *
London was fine.
I met a lot of people from all over the world, but my favorite person was on the other side of the world.
I experienced and learned a lot of things. Ewan ko kung dahil ba bumalik ako sa school. Suddenly, I was reminded of law school days kung saan pag-uwi ko galing klase ay si Deanne iyong hinahanap ko para sabihin kung ano ang nangyari sa araw ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero ayoko siyang abalahin. I knew she needed space. The last I talked to her was when her mother died when I texted her that I'm here whenever she needed to talk to someone and she replied with salamat. I was supposed to present my first paper in class that week, but when I heard about what happened, I immediately booked a flight back home.
Dumiretso ako sa Galera, but I was told that Deanne's not there. I asked Iñigo kung alam niya ba kung nasaan si Deanne. Apparently, Tita's wish was to be cremated and her ash be scattered. Hindi rin alam ni Iñigo kung nasaan si Deanne.
I left after I made sure that she's fine.
Pagbalik ko sa London, mabuti na lang at understanding iyong mga tao roon. They take mental health seriously. Sana maging ganoon din sa Pilipinas. When I told them that someone in my family died, they gave me a break—wala ng tanung-tanong pa at interrogation na para bang kailangan ko pang dalhin iyong bangkay sa harapan nila para maniwala sila.
Ang dami kong gustong sabihin kay Deanne.
I focused on studying and getting better. Kapag may school break, pumupunta ako sa Spain tapos gumagala kami nila Mama—usually sa Italy kasi gustung-gusto ni Mama iyong wine doon sa Naples.
"Oh, God, thank you," sabi ko nang ma-receive ko iyong confirmation na kasama ako sa list of graduating students. I was given two tickets. Isa kay Mama.
Umuwi ako sa Pilipinas.
Kabisado ko pa rin iyong daan na para bang doon ako lumaki. Dumiretso ako sa bahay nila. Ang daming nagbago. Nakita ko iyong signage na Notary Public na si Deanne gaya ng sinabi sa akin ni Iñigo.
Iñigo was not my biggest fan—ayaw niya sa akin para kay Deanne. Alam ko naman 'yon dati pa. But out of the blue, nung nasa London ako, bigla siyang nagmessage asking kung kamusta na ba ako. We talked and since then, he'd give me updates tungkol kay Deanne. I actually wanted to ask him kung ano ang nagbago. Saka na lang kapag nagkita kami kasi gusto ko ring magpasalamat dahil naappreciate ko iyong updates niya.
Naupo ako tapos tatayo tapos uupo ulit. Kinakabahan ako. Mas kabado pa ata ako ngayon kaysa nung nagpresent ako ng paper sa Germany sa isang international conferrence.
I kept on practicing kung ano ang sasabihin ko kahit alam ko naman na kapag nakita ko na siya ay malilimutan ko rin lahat ng 'to.
And then I saw her.
And predictably so, I forgot all the words.
"Hi," I said, only remembering that one word.
"H-hi," she replied, not being able to hide the surprise.
Napatingin ako sa hawak niyang plastic. Bahagyang kumunot ang noo ko. "Tapsilog?" I asked.
She gave me a small nod.
Hindi ko mapigilang mapa-ngiti.
Sign ba 'to?
"Some things never change," I said.
Nakaawang iyong labi niya. "Bakit ka nandito? Naka-uwi ka na?" dire-diretso niyang tanong. Tumango ako. "Tapos na iyong masters mo?" I nodded again. "Ah... okay. Congrats!"
"Thank you," I said with a small smile.
"You're welcome."
I was a foot away from her.
Ang lapit ko na.
"Ah... Bakit ka nga pala napadpad dito?"
Tumingin ako sa kanya. "Why do you look so surprised? Sabi ko sa 'yo may babalikan ako dito, 'di ba?"
I saw the fear and uncertainty on her face. I deserved that, but I'm here now. I'm not going anywhere without her again.
"Deanne," I called her name.
"What?"
"Na-miss kita."
I saw how her eyes began to water.
"Shit. I'm sorry," sabi ko. Bakit ba lagi ko na lang siyang pinapaiyak?
Mabilis niyang pinahid iyong luha niya. "Bakit ka ba nandito, Samuel? Sabihin mo na agad kung ano ang gusto mo."
"Wag ka munang umiyak."
"Kaya ko bang kontrolin 'yung luha ko?" sabi niya habang diretso iyong pagbagsak ng luha niya.
Sinubukan kong kumuha ng tissue sa bulsa ko para iabot sa kanya pero ang nakuha ko ay iyong ticket para sa graduation ko. Agad na kumunot ang noo niya nang mapansin niya na hindi iyon tissue.
"Ano 'yan?" she asked.
"Ticket sa graduation ko," I replied at sinubukang tuwirin iyon dahil medyo nalukot sa pagmamadali ko na maka-hanap ng pampunas ng luha niya. Alam ko na kung nandito lang si Mama niya ay kanina pa masama ang tingin sa akin nun.
Huminga ako nang malalim.
We wasted too much time already—I couldn't waste even a second.
"Deanne, I love you. I have always loved you. I will never love someone else again," agad na sabi ko. "Naka-graduate na ako. I want you there with me—kayong dalawa ni Mama."
"Hindi ba galit siya sa akin?"
Umiling ako. "No," I replied. "She's always asking me about you."
"Ano'ng tinatanong niya? Kung buhay pa ba ako at nanggugulo?"
Natawa ako nang bahagya pero mabilis ding naputol iyon dahil sinamaan niya ako ng tingin.
"No, no," mabilis kong sagot. "Alam niya kasi iyong plano ko."
"Na ano?"
"Na uuwi ako rito pagkatapos sa London."
"So? Ano'ng kinalaman ko roon? E Filipino citizen ka pa rin naman? 'Di naman kita pwedeng pigilan umuwi."
Gusto kong matawa. Ilang taon na ang nagbago pero ganito pa rin siya. She'll always, always be home to me.
"Fine," I said. "To be very specific, she knew that the plan was to finish my masters in London and then go to the city of Calapan, municipality of Puerto Galera, in the province of Oriental Mindoro to find you, Atty. Adriadna Deanne Manjarrez."
She was staring at me.
I took a step forward.
I pursed my lips nang bigla niyang yakapin iyong plastic na may lamang tapsilog sa may dibdib niya.
"Hindi ako magiging kabit," sabi niya na umiiling.
"Wala akong balak gawin kang kabit," sagot ko.
"Paano iyong annulment niyo?"
"We are annulled," I replied.
Her lips parted.
"It's a long story," I said. "I need to get your answer first."
"Annulled ka na?"
Tumango ako. "Will you attend my graduation?"
"Paano—akala ko nasa London ka?"
"Yes."
"Paano ka—what? Paano?"
"Yago arranged everything. I go home when I needed to attend a proceeding."
"What? Are you being serious?"
"Yes."
"Umuuwi ka rito—paano iyong pag-aaral mo doon?"
"It's Masters, Deanne. As long as I do my presentation, I'll be fine," sagot ko sa kanya.
"Hindi ba nakakapagod 'yon?"
"It was," I replied as I looked into her eyes. "But it was all worth it."
"16 hours iyong byahe."
"Bakit mo alam?" I asked and I saw how her face reddened. I grinned. "Pinuntahan mo ba ako sa London?"
She scoffed. "Wala akong visa. Mahirap kumuha."
"Bakit mo alam? Sinearch mo kung paano mag-apply?"
Kinunutan niya ako ng noo. "Ano ba ang kailangan mo, Samuel?"
"Ikaw."
Her whole face reddened.
"Pupunta ka sa graduation ko? Kasi kailangan ko ng magconfirm saka mag-aapply pa ng visa mo."
She was still looking at me. Malamig na siguro iyong tapsilog niya.
"Hindi ako naniniwala sa 'yo. Bakit hindi ko alam na tuloy iyong annulment?"
I shrugged. "It was a problem I created," I told her. "I wanted to fix it myself. I didn't want to burden you mentally and emotionally. I wanted to deal with it myself."
Deanne had always told me before na inaalagaan ko siya... but whenever I look back and think about the times we spent together? She was the one taking care of me.
I was the one depending on her.
I was so lost without her.
"Fine..." she said after a few seconds that felt like eternity. "But in one condition."
I looked at her, eagerly awaiting what she was about to say.
"Cenomar muna bago ako sumama sa 'yo. Mahirap na—wala akong balak maging kabit in this lifetime," she said and my lips parted bago niya mabilis na inagaw mula sa kamay ko iyong ticket.
**
This story is already completed patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top