Chapter 08

Chapter 08

I seriously didn't know if the universe was helping me or playing a trick on me dahil paglabas na paglabas ko pa lang ng building ay agad kong naka-salubong si Samuel. Humihikab pa siya nung mapa-hinto siya dahil nakita niya ako. He was wearing his usual white polo shirt, navy blue pants, and white converse shoes. May naka-sabit din sa balikat niya na parang computer bag ata 'yon.

Ano ba 'yan? Umagang-umaga pa lang, ang cute niya na agad!

"Good morning!" I greeted with a huge smile kahit feeling ko ay hindi dapat dahil iniwan niya ako sa seenzone kagabi. Alas-cuatro na nga ako naka-tulog sa kaka-isip kung may crush ba siya sa akin! Ano ba namang utak 'to! Napaka-assumera!

"Good morning," he greeted back in a different energy.

"Maaga kang pumupunta sa school?" he asked.

Umiling siya. "May gagawin lang ako 'dun."

I nodded. "Saan ka nag-aaral madalas?"

Napa-tingin siya sa akin. "May kailangan ka ba?" he asked.

Napa-kunot ang noo ko. "Ha?"

"Ang dami mong tinatanong."

"Bawal ba?" I asked.

"No, but—" sabi niya tapos napa-hinto siya sa pagsasalita nung biglang nagvibrate iyong cellphone niya. Nakita ko iyong pangalan ni Rhys doon. Napa-tingin siya sa akin na naka-tingin sa phone niya. Tapos ay napa-tingin ako sa kanya na naka-tingin sa akin. "Do you... want to come?" he asked.

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

"Rhys," he said.

"Hi—" pero napa-tigil ako. Kaka-sabi ko pa nga lang pala sa kanya kagabi na magpapa-tulong ako kay Rhys. Ginagawa niya naman, in fairness, iyong sinabi ko sa kanya. Sketchy naman kung hindi ako sasama. "Saan?"

"Sa bahay nila," he replied.

"Malayo ba?" Umiling siya. "Ah... okay."

Naka-sunod lang ako kay Samuel habang naglalakad siya. May tumawag sa kanya at mayroon siyang kausap sa phone. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mukhang pupunta kami sa condo niya. Tama nga ako dahil bigla kaming sumakay sa elevator papunta sa parking. Naka-sunod lang ako sa kanya hanggang sa mapa-hinto kami sa harap ng isang blue na Ford Raptor. Mayroon pa rin siyang kausap, pero inunlock niya iyong pinto.

"Dito ba?" I asked in a low tone dahil may kausap siya. He nodded at me. Pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko sa loob ay nandoon pa rin si Samuel sa labas at mayroong kausap. I looked around his car. As expected, sobrang linis ng sasakyan niya... At syempre, mawawala ba iyong rosary na naka-sabit doon sa may rearview mirror niya?

Leche. Bakit kinilig ako sa rosaryo? Tsk.

"Gracey," bigla niyang sabi. Kumunot ang noo ko. "Kapatid ni Rhys."

"Ah... 'Yung kambal niya?"

Samuel nodded as he started his car. Bakit... kinikilig ako? Hindi ko naman first time maka-sakay sa sasakyan? Pero first time ko sumakay sa sasakyan ng crush ko! Kailangan kong tandaan lahat ng details ng mangyayari ngayon. For sure iisipin ko 'to for the days to come.

"I think she's friends with Iñigo. Sabihin mo kay Iñigo ipakilala ka."

"Bakit naman?"

Napa-tingin siya sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo. "Because Rhys won't date anyone na hindi kasundo ng kapatid niya."

"What? Seryoso?" I asked, hindi dahil interesado ako kay Rhys, kung hindi medyo na-weirduhan lang ako. Like kahit sobrang gusto niya iyong tao, kapag hindi kasundo ng kapatid niya, out na agad?

Samuel nodded. "But Gracey's really nice," he said. "Kung hindi mo siya makaka-sundo, ikaw na ang may problema."

Napa-kunot ang noo ko sa sinabi niya. "Crush mo?"

"What?" he asked.

"Crush mo 'yung kapatid ni Rhys?"

Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong kapal ng mukha ko na itanong 'to sa kanya, pero medyo nagpanic lang ako nung sinabi niya iyon tungkol 'dun sa Gracey. Bakit kasi parang masyadong puring-puri!

"Hindi nga."

"Bakit? Kasi kapatid ni Rhys? Sinabihan ka ba na off-limits kapatid niya?"

"Saan mo ba nakukuha 'yang sinasabi mo?"

"So, crush mo nga pero off-limits?"

"I already said na hindi, 'di ba?" he said habang naka-focus pa rin sa daan iyong atensyon niya. In fairness sa kanya hindi siya nadidistract sa dami ng sinasabi ko. Dati kasi sinabihan ako na 'wag ako masyadong maingay kapag nagda-drive siya kasi baka mabangga daw kami. E 'di shut up na lang ako.

Kinuha ko iyong cellphone ko para hanapin iyong sinasabi niyang Gracey. Nakita ko na 'to dati nung nagstalk ako sa profile ni Rhys, pero hindi ko na masyadong tanda. Grabe! Akala mo sobrang tagal na nung naging crush ko si Rhys, e!

"What?" he asked nung bigla akong napa-tsk. Bakit ba napapa-libutan ako ng mga babae na ganito ang itsura? Ganito rin vibes ni Cha, e!

"Maganda nga pala," sabi ko kasi mamaya sabihan kong pangit tapos ma-turn off si Samuel sa akin dahil masyado akong laitera. E maganda naman talaga. Bakit ba ako nagulat pa e gwapo si Rhys? Weird naman kung gwapo si Rhys tapos pangit kakambal niya. Isipin ko pa bigla na isa sa kanila napalit sa ospital.

"Were you just stalking Gracey?"

"Public profile naman," sabi ko. Mutual friends kasi namin si Iñigo kaya may mga nakita akong pictures. Hirap naman ihate nung babae kasi mukhang mabait. Buti sana kung mukhang maldita. "Gets ko na kung bakit mo crush—"

"For the third time, hindi ko nga crush."

"Bakit? Maganda naman."

"Kapag maganda ba dapat crush ko agad?"

I shrugged. "Kapag gwapo, nagiging crush ko agad," sabi ko sa kanya. Totoo naman! Nung unang linggo ko rito sa SCA, jusko na-stress talaga ako sa dami ng gwapo! Pero karamihan may girlfriend na, so automatic backoff sa mga ganoon.

"Really?" he said after he quickly glanced at my direction.

I nodded. "Bakit? Masama bang umappreciate ng gawa ni Lord?" sabi ko sa kanya. "Pero crush lang as in happy crush."

He gently nodded his head. "So... Rhys? Happy crush?"

I bit my lower lip. Lecheng sacristan 'to. Ano ba trip niya? Hindi ko ma-gets! Kung pwede lang diretsahin na siya na sabihin na kung crush niya ba ako, e crush ko na rin siya, kung pwede ba diretso MU na kami? Gusto ko na ng mutual landian! Kaka-pagod ng one sided landian, ah! Kaka-pagod mag-imagine gabi-gabi!

I shrugged. "Secret," I said. "Sabihin mo muna kung hindi mo talaga crush si Gracey?"

"For the fourth time, no."

"Bakit?"

"Not my type."

"So... ano ang type mo?"

"That was not the agreement," sabi niya bigla. "I already answered your question. So, Rhys? Happy crush?"

Tumingin muna ako sa kanya. Hmm... sabihin ko na lang siguro na happy crush ko si Rhys. Baka kapag sabihin ko na serious crush ko si Rhys ay talagang ilakad ako nito. Mukha pa namang si Samuel iyong tipo ng tao na masunurin. Try niya kaya maging pasaway minsan?

"Happy crush," I replied.

Nanlaki iyong mga mata ko nung nakita ko na medyo napa-ngiti siya. Sobrang bilis lang nun, pero sigurado ako na nakita ko! Naging seryoso ulit iyong mukha niya tapos ay sinuklay niya iyong buhok niya gamit iyong mga daliri niya.

Lord... ito na ba?

Ready na po ako gumawa ng girlfriend duties.

"So, ano ang type mo?" I asked bago pa mawala siya sa mood at biglang sungitan lang ako ulit.

"Nothing in particular."

"Impossible."

"Why?" he asked. "I just don't have any particular type. Kapag gusto ko, gusto ko," he continued.

"Like... ayaw mo sa maganda? Matalino? Kagaya ni Rhys?"

Akala ko ay mababadmood siya dahil sa pagbanggit ko kay Rhys, pero mukhang hindi naman. Umiling lang siya. "I just think having a 'type' is useless. Because when you like someone, you like someone. Like Rhys, for example. He likes smart girls. Lahat ng babae sa college of law, matalino. But that doesn't mean na type niya lahat ng nandoon."

"Kasi si Cha lang ang gusto niya?"

Napa-tingin siya sa akin. "Sorry," he said, but he didn't look sorry at all because there was a small grin on his face. Tsk. Sacristan pero masama ugali.

I made face. "Wala namang gusto si Cha sa kanya, so fair lang."

"True," sabi niya.

Mayamaya pa ay pumasok kami sa isang subdivision... In fairness naman dito kay Rhys—rich kid of Manila nga talaga. Huminto kami sa harap ng isang bahay. Samuel parked on the side and then unbuckled his seatbelt.

"Gusto mong sumama sa loob?" he asked.

I shook my head. "Dito na lang ako," sabi ko na medyo kumunot ang noo niya, pero hindi na siya nagtanong pa. I just watched as he disappeared from my vision at tahimik akong naghintay sa pagbalik niya.

It took Samuel 15 minutes bago siya naka-balik.

"Sorry, natagalan," he said.

"Okay lang," I replied and showed him the RPC codal that I was reading while waiting. Lagi akong may dala na codal—either RPC or NCC dahil sinabi sa akin ni Iñigo na when all else fails, kumapit sa codal.

"Balik na ko sa condo," he said. "Do you want me to drop you off sa school?"

"Sa condo ka mag-aaral?" I asked.

He nodded. "Can't study in school."

"Sa coffee shop mo na lang ako ibaba," sabi ko. "Di pa ako nagbbreakfast. Tinatamad akong magluto," dugtong ko. Kaya lang naman ako sa library magrereview sana ay para makita siya dahil hindi niya ako pinatulog kagabi. Pero ngayon na hindi naman pala siya pupunta sa library, e 'di sa coffee shop na ako mag-aaral.

"Saang coffee shop?" he asked.

"Yung walang masyadong tao sana."

"Medyo malayo sa school, okay lang?"

"Grabe. 'Yung walking distance naman sana. Ayoko magcommute."

Natawa siya. "Anong oras ba class mo?"

"6:30."

"7:30 ako. Balik tayo ng 6?"

Tumingin ako sa kanya. "Wait... sa coffee shop ka na rin mag-aaral?" I asked. He nodded. "Akala ko sa condo?" But instead of answering, Samuel just shrugged. Konti na lang talaga macoconvince ko na ang sarili ko na may crush sa akin 'to.

* * *

Humito kami sa isang coffee shop na medyo malayo sa school. Wala ngang masyadong tao roon.

"May rice ba dito?" I asked. "Rice ang breakfast ko."

"Meron," sabi niya. "Rice din ang breakfast ko."

Sabay kaming pumila sa counter. We both ordered tapsilog pero si Samuel ay may extra rice. I ordered water dahil mamaya na ako magkakape, pero si Samuel ay umorder ng black coffee.

"Pangit ba 'yung digest ko?" he suddenly asked.

"Ha? Hindi, ah. Bakit?"

He shrugged. "Di mo ginagamit."

"Ha? Ginagamit ko," sabi ko sa kanya pero tumango lang siya habang sumisimsim ng tubig. "Anong aaralin mo ngayon?"

"Sales," he said. "You?"

"Walang katapusan na Crim. Totoo ba na maraming ibabagsak si Atty. Mercado?"

"Not to scare you, but yes."

I frowned. "Ano ba 'yan. E nasa laylayan ako sa class."

"Can I ask kung ano ang midterm standing mo?"

"47," I said. I was embarrassed with my grades, but for some reason, hindi ako nahiya na sabihin sa kanya kung ano ang grade ko.

He nodded. "I know someone who got 35 sa midterm standing, pero pumasa pa rin," sabi niya. "You know Amurao notes?"

I nodded. "Oo."

"Binabasa mo?"

"Hindi. Naka-focus ako sa book ni Reyes."

"After mo magbasa ng Reyes, basahin mo 'yung Amurao notes. Doon naka-pattern iyong discussion ni Sir," sabi niya sa akin. "You have to study hard in law school, yes, but also, you have to study smart. Not all profs are created equally—minsan, kailangan mo maging creative."

"Oh, my god, totoo!" sabi ko sa kanya tapos nagreklamo ako sa kung gaano kapangit iyong lineup namin na feeling ko ay nung ginagawa 'to ng SCA, iniisip na nila kung paano ieeradicate iyong buong 1S! Lecheng lineup 'yan!

Bago pa man ako matapos sa rant ko ay dumating na iyong pagkain namin. Mukhang excited na bata si Samuel habang pinupunasan niya ng tissue iyong utensils niya. I was just watching his every movement kasi... wala lang. Ang cute niya lang talaga.

"What?" he asked while he was still wiping his utensils with tissue. Nalimutan ko na grabe nga pala nag peripheral vision ng isang 'to!

Umiling ako habang naka-ngiti. "Wala," sabi ko. "Enjoy eating dahil marami pa tayong aaralin mamaya," dugtong ko bago sabay kaming kumain ng breakfast. 

**
This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top