Kabanata 9

PITCH

"Are you sure you'll be fine here?" Muling tanong sa akin ni Carter. Sa kaniya na ako nag pahatid dahil ayokong gumamit ng sasakyan para ihatid ako ni Raden pauwi.

Tumango ako sa kaniya tapos at bumaba na sasakyan.

"Just call me if you're not okay here, understand?" Inirapan ko si Carter dahil sa pagiging feeling tatay. Daig niya pa ang daddy ko.

"Oo na. Ingat sa pag dradrive," I reminded him tapos ay nag door bell na sa bahay nila Raden.

Mga ilang minuto akong naka-tayo lang duon hanggang sa may mag bukas ng gate. Ngiting-ngiti ako pero nawala ang ngiti ko nang bumungad sa akin si Kate na naka suot ng sando at cotton shorts.

Dito nga pala siya nakikituloy.

"Hi." awkward ang pagkakasabi niya nun. Halatang nakokonsensya sa paninira sa akin.

Tipid ko siyang ngitian tapos ay pumasok na. Hindi ko kailangan ng invitation niya, hindi siya ang may ari dito.

"Pitch, sorry for what I have said to Raden. I was just so hurt that time, hindi ko sinasadya." napa hinto ako sa pag-lalakad dahil sa sinabi niya.

Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Naka tingin siya sa paa niya habang pinag laruan ang daliri niya.

"The damage has been done, Kate." Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Sorry na, Pitch," ulit niya.

"Just like what I said, nangyari na so we can't do anything but to forgive and forget," I smiled at her. Nakita kong nag liwanag ang mukha niya at yinakap ako.

"Thank you so much, Pitch! I thought I'll loose another friend." sinabi yun ni Kate habang naka yakap sa akin.

Yinakap ko siya pabalik.

"Andito ka na pala." Napa-lingon ako sa nag salita at nakita ko si Millet na naka-ngiting naka tingin sa amin.

Humiwalay ng yakap sa akin si Kate at hinarao si Millet.

"Hi," I greeted her. Nginitian lang ako at iginaya papasok sa loob.

Nasa loob sila Clayton, Radon, Miller at Ander, nag lalaro ng chess si Radon at Miller, nasa kitchen si Ander at naka harap naman sa laptop si Clayton.

"Hoy! Touch move!" Biglang sigaw ni Miller kaya napa-lingon kaming lahat sa kaniya.

"Ayoko na! Hindi nga ako marunong sabi eh!" Tapos ay ginula niya yung chess board. Nakita kong sumama ang tingin ni Radon kay Miller pero tumayo nalang at umakyat.

Hinawakan ako ni Millet sa braso at iginaya papunta sa isang one sitter na sofa.

"I'll call Raden, saglit lang," pag papa-alam niya.

Lumapit sa akin si Miller habang may nakakalokong ngiti. Hindi ko na dapat siya papansinin pero umupo siga sa harap ko.

"Hi, Raden's girl." inirapan ko si Miller dahil sa sinabi niya. Medyo close naman na kami ni Miller dahil siya ang pinaka-friendly sa barkada nila.

"Ano na naman ba?" Tumawa siya sa sinabi ko.

"How's you heart?" Napa-taas ako ng kilay dahil sa tinanong niya.

Naka hawak siya ng isang marble stone at binabato sa ere at sinasalo ng paulit-ulit.

"Kate is Raden's first love. Hindi niya pa nga ata kami kilala mahal na niya si Kate eh." I felt a sting on my chest after hearing what he said. Napaka insensitive rin ng isang to eh.

"Do I look like I care?" Nakita kong napangisi siya sa sinabi ko.

"You always care, Pitch. You know that." Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil alam kong sa sarili ko na tama siya.

"So?"

"Save your heart Raden's girl. There is someone better out there." Tumayo na siya pagkatapos niyang sabihin yun at iniwan niya ako dito sa sala.

Naiwan tuloy akong nag iisip dito. Napatigil lang ako nang dumating si Raden na may dala dalang dalawang laptop at mga libre.

Wala siyang suot na panitaas at naka shorts lang kaya hindi ko maiwasan na mag isip ng kung ano ano.

"Where do you want to it?" Namula ang mukha ko dahil sa sa pagiging green minded ko.

Nakita kong kumunot ang noo niya dahil sa naging reaction ko.

"Do you want to do it in my room?" muling tanong niya kaya mas pumula amg mukha ko.

Mukhang nainis siya nang hindi ako sumagot.

"Where do you want to do it, Pitch?" mas madiin na ngayon ang pag bigkas niya sa mga salita.

"Sa garden nalang," medyo nauutal ko na sabi bago nag iwas ng tingin.

Tumango naman sa akin si Raden at nag simula ng mag lakad papunta sa may garden nila. Sinundan ko nalang siya at umupo na kami sa isang table sa may dalawang upuan na medyo malapit sa may pool nila.

"Kamusta naman na kayo ni Kate?" Napatingin siya sa akin dahil sa tinanong ko.

Napa-tigil siya sa pag aayos ng laptop at mga libro.

"We're okay." napatango tango nalang ako dahil sa sobrang tipid niyang mag salita.

"About what I said, I have ten steps to make Kate fall for you." Ako ang nasasaktan sa mga sinasabi ko pero wala eh, pinasok ko to.

"Let's talk about it some other time, simulan muna natin to."

.......

"Hay nakalahati din!" Tumayo ako at nag stretch. Madalim na dito sa sa garden kaya tiningnan ko ang cellphone ko. 9:45pm na.

Nakita ko ring ang daming miscalls mula sa mga kaibigan ko.

"Let's just continue this tomorrow." napa tingin ako kay Raden na inaayos ang mga ginamit namin.

Tumango ako kahit na hindi siya naka tingin sa akin. Maya maya ay lumapit sa amin si Kate na may dala dalang dalawang glass ng water.

"Uminom muna kayo, I know how tiring it is so you need to stay hydrated." Napangiti nalang ako ng mapait sa isipan ko.

Sobrang caring ni Kate. Kaya siguro siya nagustuhan ni Raden. Maganda na nga siya, caring pa, maganda pa ang body built, tapos parehas pa sila ng hilig.

"Thank you, Kate." Napansin kong Kate lang ang tawag ni Raden kay Kate.

Ini-abot sa akin ni Kate yung isang baso ng tubig kaya ngumiti ako, tinaggap yun at nagpasalamat.

"It's already late. Are you going to drive her home, Raden?" Tumango si Raden kay Kate bilang sagot.

"Good."

Pumasok na kami sa sala nun tapos at itinaas lang saglit ni Raden yung mga ginamit namin bago umalik ulit dito.

"Let's go." Tumayo na ako nang makababa na si Raden.

"Una na ako," I smiled at them.

"Ingat ah!" Sigaw ni Millet na nasa kitchen.

Lumabas na si Raden at pumunta sa parking lot ng bahay nila na ang daming naka park na sasakyan.

"We'll use my baby, tonight." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Raden pero nalinawan ako nang ilabas niya ang isang motorbike.

Inilabas niya yun sa gate tapos ay huminto.

"Hop in."

Sinubukan kong sumampa sa likod ng motorbike niya pero masyadong mataas yun.

"Minion problems." Sinamaan ko ng tingin si Raden dahil sa sinabi niya.

"Excuse me lang huh? pero mataas lang masyado yang motorbike mo!" Sabat ko sa kaniya.

Nakita kong napangisi siya sa pag sigaw ko sa kaniya. Bumaba siya sa at pumunta sa likod ako.

"H-hoy!" Nagulat ako nang hawakan niya ako sa bewang. Aapila sana ako pero binuhat niya lang pala ako para maka sakay ako sa likod ng motorbike niya.

"You're welcome," sabi ni Raden kaya napataas ako ng kilay ko.

"Edi thank you!" narinig kong tumawa siya ng mahina kaya bumilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa simpleng pag tawa niya.

"Hold tight, baby." Hindi ko na magawang makapag-react sa sinabi niya nang paharurutin niya ang motorbike na sinasakyan namin.

"Radeeen!"

Napa-yakap ako sa kaniya nang medyo umangat pa yung motorbike niya bago umandar ng napakabilis. Yung tipong pakiramdam ko hinihiwa namin ang hangin.

"Ang sama mo!" sigaw ko sa kaniya at napapikit nalang ako habang mas hinigpitan ang yakap sa bewang ni Raden.

Narinig ko siyang tumawa dahil sa sinabi ko.

"You get used to it, baby." Bumilis ang tibok ng puso nang tawagin na naman niya akong baby.

Hindi ako naka-imik dahil dun. Dahil sa sobra kong dinamdam ang pag tawag niya sa akin ng baby ay hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng condominium.

Parang masusuka ako nang bumaba ako mula sa motorbike.

"Sorry, nasobrahan ata." tumatawang sabi ni Raden habang hinahagod ang likod ako dahil nasusuka talaga ako.

"Sinobrahan hindi nasobrahan." narinig ko ulit siyang tumawa dahil duon.

Umayos na ako ng tayo nang pakiramdam ko kaya ko ng tumayo ng maayos.

"Pumasok ka na," Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Salamat sa pag hatid, Raden." Tinanguan niya rin ako tapos ay pumunta na sa motorbike.

"Ingat! I love you." Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.

Naramdaman kong pumula ang mukha ko nang marealize ko ang sinabi ko. Tinanguan lang ulit ako si Raden bago tuluyan ng umalis.

Pumasok na ako sa loob.

•••

CONTINUE READING...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top