Kabanata 6
PITCH
"Raden," pag tawag ko kay Raden ng masaktuhan kong mag isa siyang naka sandal sa sasakyan niya habang may hawak na cellphone dito sa parking lot ng university.
Mula nung dumating yung kate, hindi na kami nag uusap pa. Kung dati ramdam ko ang pagkakaibigan namin, ngayon hindi na. At sobrang masakit yun sa akin.
"Why?" sagot niya sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa phone niya.
"Mag tratraining ako sa bowling mamaya." lagi kasi siyang sumasama sa akin tuwing nag tratraining ako.
Inilagay niya sa bulsa ang phone na hawak bago sumagot sa akin.
"I'm busy." Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Malungkot kong tiningnan si Raden.
"Isang buwan ka na atang busy, Raden." nakita ko ang iritasyon sa mukha niya dahil sa panunumbat ko.
"Don't act like a nagging girlfriend, Pitch. In the first place, I don't have any responsibilities to you. Sasamahan kita kung may free time ako." Nasupalpal ako dahil sa sinabi niya at yumuko nalang.
"S-sige." Tumalikod na ako sa kaniya at nag simulang mag lakad papalayo.
Hindi pa ako nakaka-layo sa kaniya nang hilain niya ang at sapilitang isakay sa sasakyan niya.
"Damn it! Sumama ka nalang sa akin." Inistart na niya ang sasakyan at hindi ako hinayaang mag decide.
Tumahimik nalang ako sa passenger's seat habang naka tingin sa bintana.
"Saan ba tayo pupunta, Raden?" tanong ko matapos ang ilang minuto. Wala namang problema dahil wala na akong klase. Gusto lang malaman.
"May exhibit si Kate ngayon," sagot niya ng hindi inaalis ang tingin sa daan.
Tumahimik ako dahil sa sinabi niya, sumama rin ang mood ko at parang gusto kong huwag nalang tumuloy.
........
Pumasok na kami sa loob at maraming tao at lahat ay naka suot ng formal na damit. Napatingin tuloy ako sa suot kong uniform.
Alam kong maganda pa rin ako kahit naka suot lang ako ng uniform pero nakaka insecure lang talaga lalo na at kaharap namin si Kate na naka bun ang buhok habang naka suot ng floral dress na sobrang simple pero ang elegante tingnan sa kaniya.
"Oh, andito ka pala!" Lumapit siya sa akin at nakipag beso beso. Ngumiti lang ako sa kaniya.
Ngayon ko lang napansin na medyo pareho pala ang feature naming dalawa. Pati ang katawan, magkahawig ang built namin.
"You did a great job on this one," pag pupuri ni Raden kaya tiningnan ko ang painting ni Kate.
Realism ang theme ng exhibit at parang picture na talaga ang gawa ni Kate, hindi mo aakalain na oil paint lang pala yun.
"Thank you, syempre magaling ang nag turo sa akin." napa-baling ako kay Raden. Alam kong si Raden ang tinutukoy niya.
"Imagine, one month mo akong tinuruan ng iba't ibang techniques so thank you talaga sayo." nanliit ang mata ko dahil sa sinabi ni Kate.
"Anything for you," kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang inis.
Ni hindi man lang inisip ni Raden ang mararamdaman ko.
"What do to you think, Pitch?" kumapit sa braso ko si Kate habang naka tingin sa painting niya.
"Maganda, sobrang realistic," totoo naman ang sinabi ko. Sobrang ganda ng gawa niya.
Lumapit si Kate kay Raden na naka tingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at inilibot nalang ang tingin sa ibang painting na andito.
Magaganda lang lahat pero litaw parin talaga nag gawa ni Kate. Sa kaniya ang pinaka realistic.
"Anyway, na late kayo. Tapos na ang exhibit eh, nagugutom na rin ako. Tara sa mall for a snack?" bumaling sakin si Kate as if tinatanong kung okay lang sa akin kaya tumango ako.
"Sige," I faked a smile.
"Diba may training ka pa?" Pag tatanong sa akin ni Raden kaya umiling ako.
"Hindi na ako tutuloy," sagot ko. Hindi na siya nag salita at nag simulang mag lakad papunta sa parking lot kasama si Kate.
Sumunod nalang ako sa kaniya. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko naisasantabi nanaman ako.
"Dito na ako ah?" sumakay si Kate na front seat kaya wala akong choice kundi sumakay nalang sa sa likod.
Habang nag dradrive ay panay ang kwento ni Kate sa buhay niya sa Los Angeles.
Napansin ko rin na panay ang silip ni Raden sa rear mirror kaya nagkakatinginan kami pero umiiwas ako ng tingin.
Aaamin ko na.
Nagseselos ako.
.....
"Gusto ko ng pancake or any sweets." Pag pasok namin sa mall ay yuon agad ang sinabi ni Kate. Kaya nag hanap na kami ng nun.
Pinag titinginan kami ng mga tao dito. Siguro dahil parehas na gwapo at maganda si Raden at Kate, isa pa ay parehas silang sikat. Syempre kasama na ako duon.
Pero nanliliit ang tingin ko sa sarili ko dahil naka suot lang ako ng uniform habang maayos ang porma nung dalawa.
"I love vanilla talaga! Ikaw, Pitch?" kumapit sa braso ko si Kate at hinila ako sa isang vacant table dito sa I think café.
Tumingin ako kay Raden na nag oorder.
"I don't like sweets that much. Mas gusto ko ang spicy foods, hindi ako mahilig sa desserts," paliwanag ko.
Napatango tango naman siya tapos ay inilabas ang phone niya at inopen ang camera.
"Picture tayo for instagram."
Tinapat niya sa harap namin ang cellphone niya ngumiti ako sa camera. After ng medyo formal na picture at wacky naman.
"You look so cute dito oh." Pinakita niya sa akin ang isang picture namin na wacky.
"Wala akong panlibre, Kate." medyo awkward na sabi ko tapos ay tumawa. Inirapan niya ako tapos ay ibinalik ang tingin sa phone.
"Totoo kaya," she defended herself.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na si Raden. Naupo siya sa high chair sa tabi ni Kate. Kinuha ko nalang din ang cellphone ko para mag mukha akong busy at hindi makita kung gaano ka sweet si Raden kay Kate.
"Vanilla Latte, Vanilla short cake, Matcha tea, and Coffee espresso." Dumating na ang inorder ni Raden sa amin. Ibinigay niya sa akin ang Matcha tea.
Napatingin ako kay Raden. Alam niya pa pala na Matcha ang pinakagusto kong flavor. May tamang pait kasi ang matcha na gusto ko, parang lovelife ko lang. Mas mapait nga lang
"You're the best, Raden!" Nag iwas ako ng tingin nang makita kong hinalikan ni Kate si Raden sa pisngi bago mag simulang kumain.
"I know," naka ngising tugon naman ni Raden kay Kate pero naka tingin sa akin.
Hindi niya siya tiningnan at itinuon nalang ang pansin sa matcha tea na nasa harap ko. Nag uusap silang dalawa tungkol sa mga bagay sa sila lang ang nakakalam.
Ramdam ko nanaman tuloy na out of place ako.
"You love matcha pala, I personally hate matcha flavors. Parehas kami ni Raden." Nag angat ako ng tingin mula sa cellphone ko nang kausapin ako ni Kate.
Pilit akong ngumiti.
"Talaga?" kunwaring interested na sagot ko.
"Yeah. You should try vanilla some other time. Raden and I both love vanilla and chocolate flavors." Nginitian ko lang siya at hindi na sumagot pa.
Tahimik lang si Raden at nakikinig sa amin ni Kate. Kapag si Kate lang ang kausap ang dami daming sinasabi tapos pag ako, ni hindi man lang mag salita.
"Yo!" May biglang umupo sa tabi ko ay umakbay sa akin.
Tiningnan ko kung sino yun at napa irap ako nang makita ko kung sino. Si Ferris lang pala habang may hawak frappe. Napa-irap ako dahil sa biglang pag sulpot niya.
"Hi!" Bati ni Kate sa kaniya kahit na hindi naman sila magkakilala.
"Kunin ko na tong ksa prinsesa namin ah? Kanina pa ako nag pipigil manapak ng gago eh." tapos ay hinila niya ako patayo habang masama ang tingin kay Raden.
"She's fine here. Ako na mag hahatid sa kaniya." naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Ferris dahil sa sinabi ni Raden.
Binalingan ako ng tingin ni Raden habang naka kunot ang noo.
"Nah! I'll take her home." Hinila ako ni Ferris palabas sa café pero pinigilan ko siya.
"Sandali! Yung matcha tea ko!"
Tinaasan niya ako ng kilay at hinila ulit papalabas ng café. Hindi na ako nakapag paalam dahil kay Ferris.
"I'll buy you hundreds of those basta hindi mo hahayaang masaktan ang sarili mo."
•••
CONTINUE READING...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top