Kabanata 5

PITCH

"Uhm, happy birthday Clayton. I am sorry because I wasn't able to prepare a gift for you. Late kasi na sinabi ni Raden." Medyo awkward na bungad ko pag dating namin sa SeaRaven.

SeaRaven is an fancy slash expensive seafood restausant located beside the seashore. So it's about forty minute away drive from our university.

"Nah, it's fine. Suit yourself." Mukhang napansin niya ang pagiging awkward ko.

Iginaya ako ni Raden sa isang vacant chair. Syempre umupo na ako duon, naka serve na ang food sa harap namin pero wala pa ring nag sisimulang kumain dahil bakante pa ang isang upuan.

"Bro, eighteen years old ka no?" Nakita kong hinampas ni Miller si Raden dahil sa sinabi niya.

Alam kong iba ang ugali ni Raden kapag kaibigan ng kaharap. Pag iba, formal siya at mukhang hindi makakausap pero sobra siyang makulit lalo na kapag kasama si Miller.

"Nag tanong ka pa." Sinamaan ng tingin ni Raden si Miller.

"Twenty years old na kaya yan." Ngayon ay si Millet naman ang humampas kay Miller.

"I'm nineteen idiots." Tumawa ang lahat dahil sa sinabi ni Clayton. Nag kaniya kaniyang kwentuhan muna sila habang ako nahimik lang.

Hinihintay namin yung isa pang kulang na hindi ko kilala kung sino. Pero nang hindi na ako maka-tiis ay tinanong ko na si Airee na katabi ko. Magka-usap kasi si Raden at Miller.

"Airee sino pa ang hinihintay natin?" Bulong ko sa kaniya.

"Kate, first love ni--" Napa-tigil niya nang huminto ang lahat sa pag-uusap kaya napatingin kami sa tinitignan ng lahat.

Sa may entrance ng restaurant, may babaeng nakatayo. Nililipad ng hangin ang natural na wavy niyang buhok pati na rin ang dress na bagay na bagay sa kaniya.

Isa lang ang masasabi ko, sobrang ganda ng babaeng bagong dating.

Nakita kong tumayo si Raden at sinalubong ang babae. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makita kung paano ka gentle si Raden sa babae.

"Siya ang hinihintay." napatingin ako kay Airee na nag salita.

Ibinalik ko ang tingin kay Raden na ipinaghila ng upuan ang babae bago bumalik sa tabi ko.

"Long time no see, Kate." Lumapit sa babae si Millet at nakipag beso beso.

"Yeah, it has been awhile sincet the last time I went home." Inilibot niya ang tingin sa paligid at huminto ang tingin niya sa akin.

She smiled widely sa akin na para bang matagal na kaming magkakilala.

"Hi! I'm Kate, you are?" Ngumiti rin ako sa kaniya.

"Pitch," pag papakilala ko sa kaniya.

"Your name is cool, I bet you are a good singer." Naramdaman kong pumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"It is just the name, Kate," Raden joked kaya tumawa ang lahat ng nasa table.

I know na biro lang yun pero hindi ko maiwasang mapahiya at manliit sa sarili. Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Still the old, Raden." Naiiling na sabi ni Kate.

Nag simula na kaming kumain, nag uusap lang sila habang ako tahimik lang na kumakain sa pwesto ko. Ngayon ko lang naramdaman na hindi ako belong.

Kaninang wala si Kate medyo nakakasabay ako pero ngayon hindi na. Like, literal na feeling ko naisantabi ako.

"Yeah, I'm taking fine arts." Nakikinig lang ako sa usapan nila. Si Kate yung nag salita.

"Uy, parehas kayo ni Raden." Ramdam ko ang pang-aasar sa boses ni Miller. Nag kantyawan sila sa table.

Uminom ako ng tubig at pinag-patuloy lang ang pagkain kahit ang totoo ay wala akong gana.

"Meant to be eh," dagdag pa ni Ander kaya mas nag kantyawan pa sila.

Ramdam kong malapit ng tumulo ang luha ko kaya kinagat ko ang lower lip ko. Humigpit ang hawak ko sa utensils ako at mas yumuko pa lalo.

"I'll be continuing my study here sa Pinas. My parents wants me to at isa pa, gusto kong balikan at ipagpatuloy ang mga naiwan ko dito." Mas lalo na naman silang nag asaran dahil duon.

Alam kong alam nila na may gusto ako kay Raden kaya hindi ko makita ang point kung bakit hinayaan pa nila akong pumunta dito kung ganito rin lang pala ang maririnig ko.

They are being insentive.

"Anyway, wala bang girlfriend si Raden?" napa-tingin silang lahat sa akin at hindi sumagot.

Sa wakas kinonsider na nila ang existence ko.

"We don't know eh, ask him," si Millet ang sumagot sa taong ni Kate.

Tiningnan naman ni Kate si Raden na parang bang nag tatanong. Saglit na natahimik ang paligid habang hinahantay ang sagot ni Raden.

"Wala." finally he answered.

Alam kong nilinaw niya sa akin na magkaibigan lang kami pero wala eh. Masakit talaga.

"Oh, I thought girlfriend mo si Pitch." Tumingin sa akin si Kate kaya umiling lang ako at ngumiti.

"We're just friends. Nothing more, nothing less." Hindi ko napigilan ang sarili ko at may tumulong luha sa mata ko pero inahid ko agad yun.

"Hey are you okay?" Naramdaman ko ang pag patong ni Airee ng kamay niya sa likod ko.

Sakto namang nag ring ang phone ko at saktong nakita ko na si Nich ang tumatawag.

"I-I'll just take this call." Yumuko ako at tumayo para sagutin ang tawag.

Lumayo ako sa table at pumunta sa malapit sa dagat bago sinagot ang tawag.

"How are you doing there, Ally? Ayos ka naman ba?" Naiyak ako lalo nang marinig ko ang sinabi ni Nich.

Tinakpan ko gamit ang kamay ko ang bibig ko para hindi marinig ang hikbi ko.

"I-I'm fine." Natahimik ang kabilang linya.

"You're stammering. Do you want me to fetch you?" Umiling agad ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita.

"No need. Ihahatid naman ako ni Raden." I heard him sighed sa kabilang linya.

"Okay then. Ingat diyan."

"Yeah, thanks." After that ay inend ko na ang call.

I made sure na maayos ang histura ko bago ako bumalik sa table namin. Pag balik ko ang tapos na silang kumain, tapos naman na rin ako kaya okay lang.

"Isasabay daw ni Raden pauwi si Kate. Ikaw Pitch?" Pag tanong sa akin ni Miller. Napatingin ako kay Raden na naka tayo habang kausap si Kate.

"Uhm. Baka pwedeng idaan nalang ako?" Pag babakasakali ko.

"Magkaiba ng way eh, diretsyo sa bahay yung mga yun. Sa amin makikituloy si Kate." para akong binagsakan ng langit at lupa.

"G-ganon ba?" Nag iwas ako ng tingin.

Nag sitayuan na silang lahat.

"Sabay ka na sa amin," aya ni Airee pero umiling agad ko.

"Thanks for the offer pero hindi na," I smiled. Tumingin ako kay Clayton at nginitian din.

"Salamat sa libre, happy birthday ulit." Tinanguan niya lang ako.

"Una na ako." paalam ko.

Ni hindi man lang napansin ni Raden ang pag papaalam ko dahil busy siya kausap si Kate kaya dali dali akong lumabas.

"Sabi na eh."

Gulat na napatingin ako kay Nich na nasa harap ko habang naka sandal sa sasakyan niya.

"Nich." yinakap ko siya agad at naramdaman kong yinakap niya rin ako pabalik.

"Come on, I'll take you home."

•••

CONTINUE READING...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top