Kabanata 3

PITCH

"Raden!"

Tuloy tuloy lang ang lakad ni Raden kasama ang mga kaibigan niya. Simula last week nung galing siya sa unit ko hindi na niya ako pinapansin.

Nasa school ako ngayon, humahanap ako ng timing para makausap siya at nasaktuhan ko naman silang nag lalakad sa soccer field.

"Wala ata sa mood," si Miller ang pumansin sa akin. Huminto sila sa paglalakad maliban kay Raden.

"Last week pang wala sa mood?" Naka tingin lang ako sa likod ni Raden na papalayo.

"Tol!" tawag ni Miller kay Raden pero hindi siya pinansin ni Raden.

Tumingin ako kay Millet na mukhang nainis sa inasta ni Raden.

"Pumunta ka nalang mamaya sa bahay, walang takas si Raden dun." Biglang nag liwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni Millet.

Nasa iisang bahay lang kasi sila nakatira na magkakaibigan. Dalawang beses palang akong nakapunta sa kanila dahil hindi rin naman sila nag iinvite duon. Pag may ganap tulad ng birthday, sa hotel ginaganap.

"Sige," ngiti ko.

.......

"Saan ang punta mo?"

Tuluyan kong isinara ang pintuan bago ko hinarap si Carter na paalis ata pero huminto lang nang dumaan siya sa unit ko.

"Pupunta ako kila Raden," sagot ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya at tinignan ang relo tapos ay tinaasan ako ng kilay.

"It's already 5:30, lalabas ka pa? Gagabihin ka for sure," he said tapos mas kinunutan pa ako ng noo.

"So?" sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko kaya tinawanan ko siya.

"Look, Pitch. Ihahatid nalang kita kila Raden, just send me a message kung uuwi ka na and I will fetch you." Napa-isip ako sa sinabi ni Carter.

Sabagay, mukha ngang gagabihin ako duon.

"Sige," pag sang-ayon ko sa kaniya.

Nauna na siyang nag lakad sa akin papunta sa parking lot. Sinigurado ko munang naisara ko ng maayos ang pintuan bago ako sumunod sa kaniya.

Mga ilang minuto lang ang biniyahe namin papunta sa bahay nila Millet.

"Call me kung susunduin na kita," Carter reminded me bago ako bumaba.

"I will." I smiled tapos ay bumaba na ako at lumakad na papalapit sa gate nila.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako, siguro dahil sa rejection at sa magiging reaction ni Raden.

Pinindot ko na ang door bell. At wala pang isang minuto ay may nag bukas na ng gate. Si Millet.

"Hi, pasok ka." Niluwangan niya ang pagkakabukas ng gate kaya pumasok na ako.

"Salamat." Nakangiting sabi ko sa kaniya pag pasok ko.

Sinalubong ako ng malakas na music at mga asong tumatakbo papalit sa akin. Dalawang malalaking labrador at isang husky na alaga ni Miller.

"Oy, may bisita tayo. Umayos nga kayo!" Sigaw ni Millet nang maka-pasok na kami sa loob.

Naka-suot lang ng boxers short sila Miller, Radon, Clayton at Ander. Lantad na lantad ang mga katawan nila. Bigla ay naisip ko ang mga kaibigan ko, ganito rin kami ka komportable sa isa't-isa.

"Bisita ni Raden kamo." Natatawang sabi ni Miller tapos ay tumingin sa akin.

"Nasa pool yun ngayon, nag eemote." Si Ander ang nag sabi nun tapos ay umakyat sa hagdan at pumunta sa kung saan.

"Pasensya na sa naabutan mo. Baboy talaga yang mga yan." Hinila ako ni Millet paupo sa sofa, katapat ni Clayton na ang lalaro ng 6x6 na cube.

"Coffee or tea?" Pag ooffer sa akin ni Millet.

"Water nalang," I insisted.

Lumapit si Millet kay Miller at tinapik ang balikat niya.

"Kumuha ka ng tubig," Utos niya kay Miller na agad namang umangal pero piningot siya ni Millet kaya napilitan siyang kumuha ng tubig.

They treat Millet as their queen. I can feel it.

"Clayton, tawagin mo nga si Raden," Utos nanaman niya kay Clayton na pinag-taasan ng kilay ni Clayton.

"Nag lalaro ako diba?" Padabog na lumapit si Millet kay Clayton at inagaw ang cube nito at ibinato sa sahig kaya nagka hiwahiwalay ang piraso.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginagawa niya at tumingin sa sahig na maraming mga pira piraso ng cubes. Iba't-ibang sizes. Kaya pala makalat dito.

"Damn it! 5,000 yun!" sabi ni Clayton at itinuro pa yung mga cubes sa sahig.

"So? Tawagin mo si Raden." Pagkatapos sabihin yun ni Millet at umupo siya sa sofa na katapat ko.

I awkwardly smiled at her dahil sa nasaksihan ko.

"Masanay ka na, malay mo sooner or later ibahay ka na si Raden, dito ka titira sigurado." Tumawa siya sa sinabi niya pero ako ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.

Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Biro lang." pag dagdag niya.

"Pinapatawag mo nanaman ako? Eh kung ikaw kaya ang lumapit." Napa-tayo ako nang marinig ko ang boses sa yun.

Napunta ang tingin siya sa akin at yung kaninang kunot niyang noo ay mas kumunot. Pinunasan niya ang basang buhok niya ng towel.

Parang naging slow motion sa paningin ko ang galaw niya.

"What are you doing here?" Pinag taasan niya ako ng kilay.

"Ilang araw mo na akong hindi pinapansin." Alam kong sobrang straight to the point ko pero iyon naman ang ipinunta ko dito diba?

"Uh-oh." Narinig kong pang-aasar ni Miller na ngayon lang dumating habang may hawak hawak na isang pitsel ng tubig.

"Si Nicholas ang kausapin mo, huwag ako." Tumalikod siya sa akin at tinungo ang hagdan pero lumapit agad ako sa kaniya at pinigilan siya.

"Sorry na."

Mahinang sabi ko kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit ba ako nag sorry.

"Just... just... umuwi ka nalang Pitch." Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan ang luha ko dahil lang sa simpleng sinabi niya.

Binitawan ko ang braso niya at umatras. Tumingin ako kay Millet na mukhang nag aalala sa akin.

"I'm okay. Mauuna na ako." I smiled at them tapos ay tinungo na ang pintuan.

"Salamat pala ulit sa invitation."

Nang makalabas na ako sa bahay ay tuluyan na akong umiyak. Ni hindi ko man lang napansin na may tao sa labas pagka labas ko ng gate kaya nabunggo ako.

"Tss." I know that tone. Nag angat ako ng tingin at bumungad sa harap ko si Nich.

"What are you doing here?" Paputol putol sa sabi ko dahil sa pag hikbi ko.

"I know this will happen kaya hinantay na kita." he opened his arms kaya mas lalo akong umiyak.

Yinakap ko agad siya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. I am so thankful for having Nich in my life.

Mga ilang minuto kaming nasa ganong posisyon bago ako umayos ng tayo. Nag labas ng panyo si Nich mula sa bulsa niya at pinunasan ang mga luha ko na naiwan pa.

"Tara na, it's getting darker." Tumango ako sa kaniya bago sumakay sa passenger seat.

I still can't believe na ginawa sa akin yun ni Raden. He is a friend at syempre mahal ko siya at masakit lang sa akin na pinagtulakan ako ng lalaking mahal ko.

•••

CONTINUE READING...





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top