Kabanata 14
PITCH
Maganda ang araw ko ngayon dahil cancelled ang defense namin. Like literal na cancelled dahil magiging busy daw yung prof namin and sa Finals nalang daw yung magiging defense namin pero another topic. Medyo lugi pa rin pero okay na.
"Fix your things, Pitch Allison." Inirapan ko si Lake.
Tinalikuran ko siya sa may pintuan ng kwarto ko dito sa bahay at bumalik sa kama ko at dumapa, facing my macbook.
"Wag mo akong tinatalikuran, Pitch Allison." I rolled my eyes kahit pa hindi niya ako nakikita.
"I already told you, I'm not coming," I calmly said. Naramdaman kong nag lakad siya papalapit sa akin. And I'm right, dahil kinuha niya ang macbook na nasa harap ko at inilapag sa side table.
Inis na bumangon ako at hinarap si Lake na masama ang tingin sa akin.
"Hindi ako pupunta, Lake. And that's final." I said in authority. Nakita kong mas lalong dumilim ang aura ni Lake.
"Call me 'kuya', Pitch Allison. I'm four years older than you." Inirapan ko siya ng harap harapan at padabog na tumayo.
"Whatever you say, Lake." I gave emphasis to his name kaya naramdaman kong mas dumilim lalo ang aura niya.
Tumawa lang ako at pumunta sa closet ko at kumuha ng mga dami duon, mostly mga bago pa ang mga damit na nandito dahil hindi naman ako pumupunta dito.
"Hindi ka pa lalabas?" I asked at tinaasan ng kilay si Lake dahil pinapanood niya pa akong mag ayos ng gamit.
"You're unbelievable, Pitch Allison," Naiiling na sabi niya at lumabas ng kwarto ko. Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha lang ng mga damit na idadala.
I am used to our relationship, sanay na ako na nag babangayan kami ni Lake at nag aaway. We are destined to be siblings just to annoy each other. And I'm good with it.
Tumingin ako sa wall clock. It's already four in the morning. I think mag boboat kami papunta sa island.
After a couple of minutes, natapos na din ako sa pag aayos ng gamit but I chose to stay here muna sana but may kumatok at pumasok sa kwarto ko.
"Are you done?" susungitan ko sana ulit yung pumasok dahil akala ko si Lake yun but I saw Nicholas entering my room.
"Yeah," simpleng sagot ko.
Medyo na-a-awkward ako kay Nich dahil sa mga napagusapan namin. Syempre, I know na may mag babago sa relationship namin... and I'm still not ready for that change.
"Let's go, ikaw nalang ang hinihintay." Pumunta siya sa maleta ko at binuhat yun.
"Sinong nasa labas?" tanong ko.
Kinuha ko yung hoodie ko at isinuot, malamig kasi sa labas dahil madaling araw palang.
"Everyone," he answered.
Hindi na ako sumagot pa at sumunod nalang kay Nicholas. Pag baba ko ay nagulat ako nang makita sila Kinney kasama sila Raden at ang iba pa-- kasama rin pala si Kate.
Lumapit ako kay Nich at bumulong.
"Hindi mo sinabing literal na everyone." Narinig ko siyang tumawa pero hindi ko magawang tumawa dahil sa kahihiyan.
Isang oras silang nag hintay dahil sa akin! Hindi sinabi ni Lake na sila pala yung sinabi niyang nag hihintay, akala ko sila Carter lang.
Nagkatiningan kami ni Raden. Naka suot siya ng earphone habang katabi ni Kate na naka upo sa sofa. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na naka kapit sa braso ni Nich.
Hindi ko alam pero kusa ko yung binitawan.
"Buti at natapos ka rin." bungad sa akin ni Lexi. Inirapan ko lang siya.
"Nicholas finally got the guts to ask you out, huh," tumatawang sabi ni Ferris at ginulo ang buhok ko as usual.
Tinapik ko ang kamay ni Ferris at hinarap ang iba pang andito.
"Hi! Sorry for making you guys wait," I apologized at ngumiti sa kaniya.
"Okay lang," sagot ni Millet sa akin.
Bumalik ako sa pwesto ng mga kaibigan ko. Tumingin ako sa pwesto ni Raden at naabutan ko siyang naka tingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Tara na." It was my brother.
Lumapit siya kay Kinney at kinuha ang mga baggage niya. I mentally rolled my eyes dahil sa gestures ng kapatid ko.
Lumabas na kaming lahat, mayroong dalawang van na naka park sa labas. Pumasok kaming lima sa isang van na anduon. Isang ten seater yung van but nine lang ang kasya sa isa since may driver.
Naupo sa front seat sa Ferris. Nasa pinaka-likod naman naka pwesto si Carter, Lexi at Molly habang nasa middle part kami ng van. Kasya pa ang tatlo.
Inilabas ko ang mukha ko sa may pintuan at sumigaw, "Hey Lake! Tatlo pa dito!"
Sinuway ako ni Nich pero inirapan ko lang siya.
"Dito na raw kami." Lumapit sa amin si Kate na kasama si Raden at Airee.
Mukhang wala naman akong choice kaya umayos na ako ng upo. Tumabi ni Airee kila Lexi sa likod habang sa middle part din umupo si Kate at Raden.
"It is okay to sit here?" Raden asked. Tumango nalang ako sa kaniya at umusod pa papalapit kay Nich.
I am trying to avoid conversation with him.
After we all settled down our seats, umalis na kami. We need to travel five hours para maka rating sa pier ng boat. But we're going to use a private boat.
Kinuha ko nalang yung airpods ko para makinig ng music.
.........
Isang oras na din ang naka lipas pero hindi pa rin ako inaantok, gusto kong matulog pero ayaw ng katawan ko. Tumingin ako sa labas, it's still dark and foggy outside.
Umayos ako ng upo at tumingin kay Nich kahit pa madilim.
Naka sandal siya sa window ng sasakyan kaya natatakpan ng shadow ang kalahati ng mukha niya, his hair is tied into a low bun. I never thought I'd say this pero ang gwapo pala talaga ni Nich.
Napansin kong he's not using any pillow or whatsoever so I guided his head to my shoulder.
Naalimpungatan si Nich dahil duon.
"It's fine, I know na hindi ka comfortable sa position mo," I explained as I guide his head once again.
Nich obliged and whispered, "Thanks."
I checked the time using my phone at 4:57 palang pala, wala pa pala kaming isang oras na nasa byahe.
Umupo ako ng mas maayos dahil masyadong mababa na ang balikat ko para sandalan ni Nich so I positioned my arms na parang naka akbay sa kaniya to support his head.
"I'm sleepy."
Lumingon ako kay Raden nang mag salita siya sa tabi ko. Sinilip ko si Kate kung gising ba siya pero nakita ko siyang naka tulog.
So sino ang kausap niya? Hindi ko nalang sinagot si Raden dahil malay ko ba kung ako ang kausap niya.
"I said, I'm sleepy." Lumingon ulit ako kay Raden nang bumulong ulit siya.
"May extra pillow diyan sa--" napahinto ako sa pag sasalita nang sumdandal nalang bigla si Raden sa balikat ko.
I don't how to react. There are two heads leaning on my shoulder and I don't know what to feel. Medyo awkward.
"Raden, my extra pillow diyan sa floor." I am determined na umiwas kay Raden kahit sa maliit na bahay.
Aamin ko, I was hurt sa lahat ng sinabi ni Radon. He doesn't want me for his brother, hindi rin naman ako gusto ni Raden so I think keeping my distance to Raden is best option as of the moment.
"I don't care." Napapikit ako dahil sa naging sagot ni Raden.
My brain says that I need to take his head off my shoulder but my heart wishes the complete opposite. Aaminin ko na ulit, gustong gusto ko nangyayari ngayon.
Ang landi ko, ghad!
In the end, hinayaan ko nalang si Raden. I will fulfill my heart's wish this time.
........
We rode a boat papunta sa Island. I just found out na welcome party pala ng kaibigan ni Kinney, her name is Leigh if I'm not mistaken.
Nang maka rating na kami, we unpacked our things sa cabin. The cabin is large enough for five people so we will stay there.
"This place is exquisite," Lexi commented.
Buhat buhat ni Carter ang mga baggage ni Lexi. I can sense na may something sa dalawang to. Lately kasi lagi ko silang nakikitang magkasama, siguro iisipin niyo na normal lang dahil magkakaibigan naman kami pero hindi eh. May something talaga.
"Wala palang rooms," sabi ni Molly habang nag aayos ng gamit.
Mayroon lang limang cabinets sa corner. Open space lang ang room, may mini kitchen and living room pero yung bed is ilalatag lang sa sahig.
"Obviously," pambabara ni Ferris kay Molly kaya isang sapak ang natanggap ni Ferris.
Natawa nalang ako sa dalawa.
"Tapos ka na?" Tanong sa akin ni Nich. Tumango ako at tumayo mula sa pagkakaluhod sa sahig.
"Labas lang ako huh?"
Hindi ko na sila hinintay na sumagot at lumabas na ako ng Cabin. Pag labas ay white sand ang tatapakan namin dahil of course, nasa isang island kami.
The place is vibrant. Tirik na rin ang araw kaya medyo mainit. Maraming unfamiliar faces sa paligid at may mga naka sabit na banderitas, mga lanterns and some party stuffs.
Meron din kaming katabing cabin. And unluckily, nasaktuhang lumabas din si Raden sa cabin nila which is katabi din ng samin.
Iiwas na nga ako diba?
Nagka tiningan kami ni Raden. Ako na ang naunang nag iwas ng tingin at papasok na sana sa loob nang tawagin niya ako.
"Pitch."
Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap.
"Bakit?" I innocently asked.
He took a step forward papalapit sa akin. Nanatili lang ako naka tayo sa kinatatayuan ko.
"I thought we're good?" Kunot noong taong niya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko sa kaniya.
"I can feel it, Pitch. Iniiwasan mo ako," he added. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil wala akong mahanap na isasagot sa kaniya.
"I'm just giving you time to be with Kate, you should be happy." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sinagot ko.
Wala talaga akong utak!
"You said you'll help me with her." Ngayon ay kinakagat ko na ang labi ko dahil sa inis.
How can someone be this insensitive?
"I'm backing out, Raden. I just realized how stupid I am for keeping myself this low. Your brother is right, you should choose those who choose you." I don't know where I got the confidence to say it without stammering.
Hindi sumagot si Raden at tinitigan lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya, he's unreadable!
"We can still be friends, wait, we are only friends. Tanggap ko na, Raden. Tanggap ko na hanggang kaibigan lang ako." Ako ang nasasaktan sa mga binibitawan kong mga salita pero sinimulan ko na eh.
"Pitch."
Yun lang ang nasabi niya. I felt a tear na tumulo mula sa mata ko, masakit eh. Pinunasan ko yun agad.
"Nicholas is courting me, and I think that is the best start for a change. I am giving you my biggest good luck for you and kate" I smiled at him, a fake one.
I saw his fist turned into a ball habang naka tingin sa likuran ko kaya lumingon ako at naabutan ko si Nicholas na naka tayo duon habang naka awang ang labi.
Ano na naman ba ang sinabi ko?!
Nang narealize niya na naka tingin ako sa kaniya, a playful grin starts to plaster into his face.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako at iniharap kay Raden. Para akong naka pako sa kinakatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.
"I hope everything's clear now, Torres. She's mine now, so back off."
•••
CONTINUE READING...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top