Kabanata 21

Kabanata 21

Nervous


Isinapuso ko ang itinuro ni Steffi sa akin.

Sa totoo lang, naduduwag pa rin ako. Kahit kailan hindi ko naisipan na magtapat sa nararamdaman ko pero hindi matanggal sa isipan ko ang punto ni Steffi.

"Aalis na siya. Babalik man pero maniniwala ka ba na lagi 'yon? Mahal ang ticket ng eroplano pabalik dito sa Pinas. Malaki man ang sahod nila, mataas din ang cost of living sa ibang bansa. First month and it's impossible he'd come home. He's still adjusting and for sure it will cost his parents money just to send him there."

Isa iyong bagay na hindi ko masyadong naiisip. Siguro dahil hindi naman kami kailanman namroblema sa pera. Hindi ko inasahan na mahirap pala ang ganoon.

"It's now or never! At kailan pa ang pinaka perpektong araw para riyan kundi ang araw ng mga puso? Nalalapit na!"

"Heart's day?!" halos bayolente kong reaksiyon dahil malapit na ito.

Mas lalo lang akong kinabahan pero hindi ko maipagkakaila ang mga punto niya. Paano nga kung abutin pa siya ng isang taon bago siya makauwi ulit dito? O paano kung may makilala siyang ibang babae roon? Foreigners are pretty. He's tall and a bit handsome, it is not a farfetch idea.

Iniwan ako ni Steffi na maraming tanong sa utak.

"Gawin mo na, Sancha. Ganyan talaga dapat kapag nagkakagusto ka sa mas matanda sa'yo. You don't understand everything about it yet but when you'll reach our age, you'll realize this is the mature way of having a relationship."

This is just too fast. I can't believe I am even considering on doing it. Hindi ko lang talaga maipagkakaila na may punto si Steffi kahit paano.

"Sancha," I heard a familiar voice from behind me.

Sa dami ng iniisip ko, napatalon ako sa gulat at nilingon si Ella. Kumunot ang noo niya at tumingin sa paligid bago naupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang aking dibdib.

"Ikaw lang p-pala."

"Bakit? May inaasahan ka bang iba?"

Umiling ako at tipid na ngumiti kay Ella nang nakabawi na sa gulat. Kunot pa rin ang noo niya sabay sulyap sa kung saan nawala si Steffi kanina.

"Kasama mo si Steffi kanina?"

"Ah. Oo. Nagkuwentuhan lang."

"Hinanap kita kasi sa wakas nakausap ko na ng matino si Margaux at Soren."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

"Nagtanong lang ako kung isasama ka ba sa party sa bahay nina Soren. Nagbakasakali lang ako pero, sa totoo lang, inasahan ko nang hindi sila papayag..."

Tumango ako. I'm eager to know more about it. Kahit pa alam ko namang hindi rin naman siguro ako papayagan ni Kuya at Ate. Lalo na kina Soren. Lalo na dahil party. Still, I want to know more about it.

"Pero pumayag naman sila na pumunta ka. Marami silang inimbitahan. Kasama sina Leandro, George, Levi, at iba pa. Halo ang crowd, kaya nariyan din ako, hindi eksklusibo. Kaya... sana makapunta ka. Baka makipag-usap na sila."

Ngumiti ako. "Hindi ako sigurado, e. Magpapaalam ako pero alam mo naman ang Kuya Manolo."

She sighed sadly. "Naisip ko rin 'yan pero sinabi ko pa rin sa'yo. Baka lang... makapunta ka."

"Anong party ba 'yan? At kailan?"

"Uh, ang alam ko aalis kasi parents niya ng isang linggo. Sa February fourteen. Sabado kasi kaya raw naisipan niyang may party."

My jaw dropped and I wondered if Alonzo would join that party. Kung naroon sina Levi at Leandro, baka naroon din ang mga kaibigan ni Alonzo at iba pang taga basketball team.

Sa araw na iyon gusto ni Steffi na magkita kami ni Alonzo para makapagtapat ako. Hindi naman kina Soren at sa isang lugar lang iyon dito sa Altagracia.

"Bakit? May lakad ka?"

"U-Uh... Wala naman," agap ko medyo kinakabahan na at 'di mapakali.

"Sancha, dalawang beses na kitang nakitang kausap si Steffi rito sa campus. Curious lang ako, anong pinag-uusapan n'yo?"

"Uh... W-Wala naman!" ulit ko, lalong kinakabahan.

Now that I have plans on confessing, I feel like there's a sign above my head about my feelings. Pakiramdam ko tuloy alam ni Ella ang iniisip ko kahit na alam kong imposible.

Ella shifted on her chair.

"Sa totoo lang, humahanga rin naman ako kay Steffi dahil maganda at magaling manamit. Halos crush ng marami sa batch niya pero tingin ko hindi ka dapat nagtitiwala masyado sa kanya."

"H-Huh? Bakit naman?"

Umiling siya. "May masama akong pakiramdam sa kanya."

"Okay naman si Steffi. Mabait siya sa akin at naiintindihan niya ang mga... tungkol sa problema ko kay Margaux at Soren."

Kitang-kita ko ang dumaang iritasyon sa mukha ni Ella. Nagulat ako dahil lagi siyang tahimik at mabait sa akin. Tumayo siyang bigla.

"Nandito naman ako at hindi man umuusad halos, totoong tinutulungan kita, Sancha. Kaya huwag mo nang pagkatiwalaan si Steffi!"

Kumunot ang noo ko. "Huwag pagkatiwalaan? May rason ka ba para riyan? Isa pa, hindi pa naman malalim ang pagkakaibigan namin. Simpleng usapan lang, Ella. Please, don't be unreasonable."

"Magtiwala ka na lang sa akin, Sancha."

"Magtiwalang ano? Bakit nga? It's already very lonely to come to school and not have friends like I used to. Kaya hindi ko matanggihan ang kabaitan ni Steffi-"

"Ipagpapalit mo kami ni Margaux kay Steffi, Sancha?"

My lips parted and somehow it made me remember how I got so frustrated on Margaux reasons when she started getting mad at me. Ganito rin iyon. Hindi ko maintindihan ang punto. Naisip ko tuloy kung nasa akin ba ang problema. Dahil bakit ganito, kay Soren, kay Margaux, at ngayon kay Ella.

"H-Hindi, Ella. I would never do that."

Then she walked away coldly.

I don't understand. This is one thing I can only share to Alonzo vaguely. Hindi ko kasi gustong malaman niya na kausap ko si Steffi. Ayaw ko ring tanungin niya kung ano nga ang pinag-usapan namin dahil kakabahan lang ako.

I am building up the courage to finally sort my feelings out and tell him. Not on the phone and certainly not today.

"I'm sorry to hear that, Sancha. May maitutulong ba ako?" he asked.

"Ayos lang. I think it's all on me now. Kung tatlo sa kaibigan ko ang ganito ang ginawa, naiisip kong nasa akin ang problema."

"Walang problema sa'yo. Siguro dahil lang 'yan hindi na kayo gaanong nagkakausap kaya hindi na nagkakaintindihan."

"Yeah, I know. I just wish they would not ignore me at school. Kahit na malamig na lang sana sila sa akin hindi iyong aalis kapag nariyan ako."

He sighed.

"I'm sorry. I know you're pressured with school right now. Binibigyan pa kita ng problema," I chuckled.

"Hindi mo ako binibigyan ng problema, Sancha. Gusto ko ring marinig ang nangyayari sa'yo sa school dahil medyo busy nga kami at hindi na tayo nagkikita masyado roon."

I smiled and hugged my pillow tightly.

"Oo nga, e," tanging nasabi ko.

He chuckled. "May exam kami sa Lunes. Maaga akong pupunta para mag-aral."

Kumunot ang noo ko, pero hindi ko maitago ang nagbabadya ulit na ngiti.

"Hmm," patuloy niya.

"Hmm? Good luck!"

"Baka lang gagawa ka rin ng assignment at mapapaaga ka? Pero kung hindi, ayos lang din."

Hindi ko na napigilan ang halakhak ko. "Ayaw kong istorbohin ka. Kung mag-aaral ka, baka istorbo lang ako kung magkita tayo."

"Hindi naman. Mag-aaral naman ako sa weekend. Kaya review na lang din ang gagawin ko sa umaga ng Lunes."

Smiling like an idiot, I remembered something. Kailan pa ba ang magandang pagkakataon para yayain siya sa plano namin ni Steffi?

"Uh... nga pala. May gagawin ka ba sa susunod na Sabado?"

He paused for a while. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko tatanggihan niya ako.

"Wala, Sancha."

Kinagat ko ang labi ko.

"Hindi... ka ba imbitado sa party nina... Soren?"

"Inimbita ako pero hindi ako pupunta."

"Oh? B-Bakit? May lakad kang iba?"

"Wala rin. Bakit mo natanong?"

"Uh... Kung wala ka lang lakad, ah? Uhm... Puwede ba tayong magkita?"

Pinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko pinakawalan ko ang mga salitang hindi ko na yata mababawi pa.

Ni hindi ko pa alam kung handa nga ba ako sa gagawin ko. Naiisip ko lang na pakiramdam ko, hindi ako kailanman magiging handa na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. I would forever stay nervous just thinking about it. Kaya bakit ko patatagalin 'to kung pareho lang din pala.

Tama si Steffi.

"Oo, Sancha. Saan mo gustong magkita?"

"Uh, sasabihin ko na lang. Uh, huwag kang mag-alala. Makakapag-aral ka pa naman. Saglit lang ang pagkikita natin."

"Papayagan ka ba ni Sir Manolo?"

"Oo. Magpapaalam ako."

"Sa party ba ni Soren?"

"H-Hindi. Imbitado rin ako roon pero hindi naman ako papayagan. Sigurado ako. Ayaw kong magalit si Kuya Manolo kay Soren kaya hindi ko na rin pipilitin."

"Okay, Sancha."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkatapos ng tawagan namin, t-in-ext ko na si Steffi tungkol doon.

Ako:

Nayaya ko na si Alonzo sa 14! Pumayag siya pero saglit lang kami. Ayos lang ba 'yon?

Steffi:

Oo naman. Ayos na 'yon. Bakit? Kailangan mo ba ng mahabang panahon para sabihin sa kanya ang nararamdaman mo? Haha. Ikaw talaga, Sancha.

Ako:

Saang coffee shop ba kami magkikita? May suggestion ka?

Steffi:

Anong coffee shop. Hindi 'yan puwede sa dapat mong gawin. Unless gusto mong marami ang makakita?

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makapaniwalang kailangan talaga 'yon.

Ako:

Maghahanda ba ako ng gift? Hearts day no'n.

Steffi:

Huwag na. Gift mo na sa kanya ang gagawin mo. Oh 'di ba? Trust me, Sancha. Just chill and leave this to me.

Ella has been a bit cold to me the next days. Hindi ko rin siya gaanong nakakausap dahil habang tumatagal, hindi na nagiging approachable ang titig niya sa akin. I would strike a conversation for her and Margaux. Marguax still ignores me while Ella would just answer the question.

I spent the next days trying to convince myself that I can do it. Hindi pa nakatulong na biglang naging abala si Steffi sa linggong iyon kaya hindi kami nakakapagkita sa school.

Sa linggong 'yon, nariyan din ang mga graduating students. Siguro nga naghahanda na sila. Habang nag-aaral si Alonzo at nag-uusap kami paminsan-minsan, I took the opportunity to watch him closely as I narrate my lines on my head.

Alonzo, sa totoo lang, pinag-isipan ko talaga 'tong mabuti bago sabihin sa'yo. Tingin ko lang kasi mawawalan ako ng pagkakataon na sabihin sa'yo 'to dahil aalis ka. Oo. Nasisiguro kong makukuha ka sa trabaho at ayaw kong hintayin pa iyon bago tuluyang aminin sa'yo ang nararamdaman ko.

Napaangat ng tingin si Alonzo sa akin.

"May problema ba, Sancha?"

Uminit ang pisngi ko. "Wala naman."

Sumulyap siya sa sinusulatan kong papel.

"Tapos ka na ba sa assignment na sinabi mo?"

"Uh, oo!" sabi ko sabay bitiw sa ballpen na nakatutok pa sa papel.

"Patingin nga?" hamon niya.

Mas lalo lang uminin ang pisngi ko at agad na sinarado ang mga libro. "H-Huwag na! Ayos na 'to!"

His eyes narrowed and then a small smile played on his lips.

Ang hindi niya alam, tapos na naman talaga ako sa assignment. Nagkunwari na lang ako na may ginagawa pa para malaya ko siyang matitigan at makapag ensayo ako sa sasabihin ko ngayong Sabado.

Pero bakit may pakiramdam ako na hindi gano'n ka smooth sa isipan ko ang mangyayari? I would stutter so bad and I would shut my eyes to hide my embarrassment.

Gusto ko nang umatras pero kailan pa ba ako magiging matapang? At ayaw kong magkaroon ng pagsisisi sa kahit ano.

If he plans on calling me when he's abroad for work, in time I would want a label for us. Hindi ba mas maganda kung sa personal ko siya makausap tungkol dito at hindi lang sa tawag o kahit videocall.

Kailan pa ba ako tatapang?

Isn't this the first step on being a girl who knows what she wants and will try to act on it? Ayaw ko nang maging tahimik at duwag. Hindi kayang tumayo sa sariling paa at hindi kayang sabihin ang ano mang nararamdaman.

"Sa party ka nina Soren pupunta?" Kuya Manolo asked while we're eating our breakfast.

Madalas nauuna siyang kumain pero sa araw na ito, sumabay siya sa amin. The way he looked at me as I started eating, I can sense why he's here and he's asking me this.

"Hindi, Kuya."

"Saan ka pupunta?"

"Malapit lang sa school. Saglit lang ako."

"Isang oras?" he asked.

"Mga dalawa. Pero hindi ako gagabihin," sagot ko.

Mamayang hapon pa kami magkikita ni Alonzo. Iyon kasi ang sabi ni Steffi. Siya na rin ang pipili kung saan magandang magkita. Aniya'y doon din sila nagkikita ng dating boyfriend niya noong highschool pa lang sila.

She volunteered to come early with me to coach me on how to do it. Ayaw ko sana dahil sa kaba ko pero hindi na rin naman masama. Aalis din naman siya agad.

There is a small shed near one of the entrance to Mount Canlaon known to everyone. Sa harap na gilid nito ay isang bagong ayos na highway at malawak na palayan. The sunrise and sunset is good here, according to Steffi. Nalungkot siya nang sinabi kong hindi ako puwede ng alas singko pero sabi niya ayos na raw ang alas kuwatro.

Sa kaba ko at usapan namin ni Steffi, alas tres pa lang naroon na kami. Nang nakita ni Ate Soling si Steffi, napanatag siyang iwan kami. Iti-text ko na lang siya kung tapos na kami.

"Sakay ka na lang sa motor ni Alonzo kapag tapos na kayo? Ano?"

Uminit ang pisngi ko. "Huwag na. Nakakahiya at... baka mag-alala lang si Kuya."

I'm wearing a short white floral dress with ruffled spaghetti straps. I let my hair down because it helps to make me look more mature. kailangan ko iyon dahil hindi ako matangkad at sa isang tingin mukhang mas bata pa sa tunay na edad. But this way, I cheat on my age and that's what I want. I want Alonzo to look at me as a lady ready for a mature relationship.

"Handa ka na? Gawin mo, ah? Hihintayin kita? Manonood ako."

"Huh? Huwag na! Uh... Kaya ko na!"

"Sancha, para naman may kasama ka. Para hindi ka gaanong kabahan."

"A-Ayaw ko."

She sighed, looking a bit annoyed. "Okay fine. Maiwan na kita rito kung ganoon? Aalis na ako."

"H-Hindi mo ba aantayin muna na dumating si Alonzo?"

"Hindi na, Sancha. Aalis na ako kasi kaya mo na 'yan!"

"S-Sige!"

She waived at me good bye. Hindi ko man lang siya hinatid sa naghihintay nilang sasakyan hindi kalayuan dahil sa kaba ko. I have it all planned out inside my head and I need to say it flawlessly to Alonzo.

Habang tumatagal, lalo akong kinakabahan. Ilang beses na muntik na akong magtext kay Ate Soling pero sa huli, nagpakatatag ako.

Muntik na akong mahimatay ng tuluyan nang nakita kong papalapit ang motor niya sa shed. Walang text at walang tawag na papunta na siya. Hindi pa tamang oras. He's here thirty minutes before the time I said.

Kitang-kita ko ang seryoso niyang itsura nang nakita akong nakatayo roon. Mas lalo akong nahiya nang narealize na iniisip niya sigurong masyado akong maaga! I wonder if he knows now why I want to see him today! Hearts day!

"H-Hi!" I said when he's near.

He bowed curtly and removed himself from his motorcycle. Tumikhim ako at halos mamanhid na sa bilis ng tambol ng aking puso.

"Kanina ka pa?" he asked as he locked his old and big motorcycle.

"M-Medyo."

"Pasensiya na kung natagalan ako."

Umiling agad ako. "H-Hindi. Hindi mo kasalanan. Nagmaaga lang talaga ako rito. Uh... Maaga ka nga, e. Sa usapan natin."

Iginala niya ang tingin sa paligid bago unti-unting pumasok sa shed.

"Sancha, gusto mo ba talaga rito? O kung gusto mo, may alam akong magandang coffee shop na kabubukas lang sa bayan. Lumipat na lang tayo-"

"Huwag n-na!" medyo bayolente kong pagkakasabi.

He sighed. Mas lalo lang siyang nagseryoso.

"Gusto mo rito?"

Tumango ako. Muli niyang iginala ang tingin sa paligid. Sinubukan niya ring kumbinsihin ako noong t-in-ext ko sa kanya ang napili kong lugar at gaya ngayon, tumanggi rin akong baguhin ito.

"S-Saglit lang naman tayo rito. Huwag kang mag-alala."

He calmed down and nodded. "Okay."

The way he said it feels like he still has many things to say but he stopped himself. Huminga siya ng malalim at lumapit sa medyo sira nang kawayang upuan ng shed.

I realized then how awkward this is. Iniisip niya siguro kung ano naman ang gagawin namin dito? Walang pagkain na puwedeng iorder, inumin, o kahit ano. Tanging shed lang na sira-sira pa at gawa sa kawayan.

If I don't start now, I'd prolong this and... it will be more awkward.

"Upo ka, Sancha," aniya nang napansing nakatayo pa rin ako sa gitna ng shed.

Umiling ako at humakbang palapit sa kanya. The shock on his face made me more nervous! But then I can't turn back now! Hindi ako duwag!

"Alonzo, may sasabihin ako sa'yo," nanginginig ang boses ko.

His eyes widened and his lips parted for a moment. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumango siya.

"Ano 'yon, Sancha?"

"I-I want you to listen very carefully. This is... This is about my feelings for you!" I almost screamed that part out as if screaming would make me braver.

The shock in his eyes made me almost cry. Laglag ang panga niya, he didn't even bother to cover his surprise. Or maybe... he couldn't hide it.

He swallowed hard and stood up. Now nearing me, I feel like I'm going to turn into liquid and evaporate in front of him. He looked nervous as well. But I don't think anyone is as nervous as me right now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx