Kabanata 2


Kabanata 2

Best Friend


"Nakakainis talaga! Kung hindi lang captain ball noon and gagong 'yon!" iritadong-iritado si Soren.

Halos ihampas niya sa court ang bola pagkatapos maka shoot. Nag-eensayo siya ngayon dahil gusto niyang makapasok sa basketball team ng school.

Ang totoo niyan, matagal niya nang pinapangarap ito. Kaya lang, lagi na lang siyang hanggang intra school lang at hindi kailanman natanggap sa varsity.

"Soren, kaya nga susubukan mo ulit ngayon, hindi ba?"

"Kung nandoon pa rin si Leandro, paano pa ako matatanggap?" alburoto niya sa akin.

Nanonood kami ni Margaux ngayon sa barkada ni Soren sa plaza, nagpapractice. Siya itong pinaka interesado sa kanilang pumasok sa varsity at ang iba'y kuntento na sa paglalaro sa intramurals. Simula pa lang Junior High School, sinusubukan na ni Soren na makapasok. Kaya lang lagi siyang binabarahan ng coach o 'di kaya'y captain ball. Hindi pa raw sapat ang skills niya para makapasok sa varsity.

Katatapos lang last week ang first schedule ng varsity try out at bumagsak siya. Malungkot ko siyang tinitingnan habang badtrip na naglalaro ng basketball. Hilig na hilig niya iyon. It must be very sad for him to be rejected on something he thought he's good at.

Hindi ko nga lang din alam kung bakit siya na-reject? Magaling naman siya at maayos din ang grades, na isa sa basehan kung kukuning varsity.

"Bakit ba kasi naroon si Leandro, Soren?" si Margaux sa tabi ko.

Napatingin ako. Nakapagtataka nga naman pero naisip kong siya na ba ang mag co-coach sa Senior High na team ngayon?

"Ewan ko roon! E hindi hamak na mas magaling si Alonzo sa kanya kaya ba't siya nakekealam sa basketball team?" si Soren.

"Ang alam ko pamalit lang kasi may duty si Alonzo noong weekend, e. Kaya si Leandro muna ang nag handle sa try outs," si Julius.

Bahagya akong nabuhayan ng loob. Ibig sabihin may pag-asa pa si Soren sa susunod na try out! Bakit nga ba lagi siyang inaayawan nitong si Leandro? Bahagya kong naisip na last year naman si Alonzo ang tumanggi sa kanya pero hindi naman siya ganito ka miserable! Siguro dahil ito ang mga huling pagkakataon niya sa Senior High. Kung hindi pa siya makapasok sa varsity ngayon o sa susunod na taon, tuluyan na siyang hindi naging varsity buong highschool niya?


Hindi nga lang nabuhayan si Soren. Padabog niyang hinagis ang bola sa ring at malakas itong tumunog bago lumapit sa amin at naupo. Pinagmasdan ko siyang mabuti. He's all sweaty and angry at the same time.

"Ayos lang 'yan," I tried to console him.

Umiling siya bago uminom ng sports drink. Umirap siya habang tinitingnan ang pagkaka shot ng isang kaibigang tanggap sa varsity.

"Hindi mo na naman talaga kailangang pumasok sa varsity, Soren," si Margaux.

"Gusto kong pumasok doon. Para saan pa itong pagpapractice ko lagi kung hanggang intrams lang ako maglalaro!"

"Subukan mo na ulit next time. Subukan mo at baka wala na si Leandro at si Alonzo na ulit ang hahawak sa Senior High."

"Tss. Si Alonzo naman ang tumanggi sa akin noon, e."

Napabaling si Soren sa akin. Malungkot ko siyang tiningnan. Isang sulyap pang muli sa mga kaibigang naglalaro bago ulit sa akin.

"Hindi ba trabahante n'yo sa azucarera si Alonzo?" he asked with curious eyes.

"Uh, oo?"

Bahagyang lumapit si Soren sa akin. Tumikhim ako at bahagyang namangha na mabango pa rin siya kahit pawisan. Hindi ko mapigilan ang pagkakamangha at saya.

"Tanungin mo kaya kung paano ako makakapasok sa varsity?"

Napakurap-kurap ako. He noticed my uneasiness. He finds the rumors about Alonzo's stupid crush on me silly.

"Practice, siguro?" si Margaux sabay halakhak sa tabi ko.

Madilim na tiningnan ni Soren ang kaibigan ko sa tabi bago nanlambot ulit sa akin. "Fine, if it's practice, ba't hindi niya ako turuan?"

"T-Turuan?" medyo nag-alinlangan na ako.

"Yes. I'll hire him to teach and train me for varsity. I have months for the next try out. Su-Suwelduhan ko siya. Hindi ba mahirap 'yon? Nangangailangan ng pera? Now, it's his chance to have money."

"Seryoso ka ba rito, Soren?" medyo gulat pa ako sa pinatunguhan ng usapan.

"Seryoso ako, Sancha. Gusto ko talagang pumasok sa varsity."

"Kay Leandro ka kaya magpatulong?" sinasagip ang sarili sa isa na namang interaksiyon kay Alonzo.

Isang taon na rin simula noong pinakiusapan ko si Kuya Manolo para sa Mommy ni Ella. Simula noon, bukod sa miminsang pag-susubstitute niya sa teachers, hanggang doon na lang talaga ang interaksiyon. Hindi ko na hinahayaang lumalim pa.

"Ayaw ng taong 'yon sa akin! Isa pa, sabi ko nga mas magaling maglaro si Alonzo."

"Kay Levi, Soren?" si Margaux.

Soren is suddenly so annoyed at the mention of Luis Javier del Real's name. Hindi na ito sumagot at masamang tinitigan lang si Margaux.

"What? Or don't tell me you just really want to join the varsity team to please someone?"

Alarmed at what Margaux meant, napatingin ako kay Margaux.

"Anong pinagsasabi mo riyan, Margaux? S'yempre alam n'yong dalawa na gusto kong sumali, hindi ba? Dati pa naman, ah?"

"Who do you want to impress, Soren?"

"Naniwala ka naman dito kay Margaux, Sancha? You know me better than that. Matagal ko nang gustong maging varsity, hindi ba?"

Umiling si Soren at halatang dismayado sa amin ni Margaux.

"Diyan na nga kayo. Akala ko makakatulong kayo sa akin, e."

Bumalik si Soren sa court. Pinagmasdan ko ang paglayo niya kasabay ang kuryosong pagtatanong kay Margaux.

"Sino naman ang papasikatan niya, Margaux?"

"Joke lang 'yon. Akala ko lang naman kasi nakita ko siya isang beses na lumapit doon kay Chantal."

"Chantal? Chantal Castanier?" I asked to clarify.

Chantal Castanier is a classmate of Soren. Hindi ko nga lang alam kung classmate niya pa ba ito ngayon. She's pretty and graceful. Hindi mayaman pero hindi ko nakikitang hadlang iyon para hindi siya magustuhan ng gaya ni Soren. Chantal is Leandro Castanier's sister.

"Sancha!"

Napatalon ako sa pamilyar na boses sa likod ko. Napalingon ako at nakita si Ate Peppa. Natanaw ko ang puting SUV niya hindi kalayuan sa plaza. Napatayo ako at agad na lumapit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalo na nang sinuyod ng mga mata niya ang tinatanaw naming laro.

"Magandang hapon, Ate Peppa," bati ni Margaux na tulad ko'y biglaang ninerbyos din.

"Umuwi na tayo!"

Gusto kong magtanong kung nasaan si Manong at bakit siya ang sumundo sa akin. But I know this is just one of her surveys for me every once in a while, gaya ng madalas ding gawin ni Kuya.

"Okay."

Isang sulyap kina Soren at nakita kong natatanaw niya ang pag-alis ko. Dumiretso na rin si Margaux sa sasakyang naghihintay sa kanya hindi kalayuan. Hindi pa kami nakakalapit ni Ate sa sasakyan ay nagsimula na siya.

"You still hang out with that guy, Sancha? Ilang beses na ba kitang sinabihan, ha?"

I knew it. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakekealam si Ate at si Kuya sa mga kaibigan ko.

"Sinusunod ko naman kayo, ah? I can be friends only with people who have the same status as us!"

Natigil si Ate at nilingon ako. kitang-kita ang iritasyon niya sa sinabi ko.

"That's not it!" singhal niya.

I gritted my teeth.

"I'm telling you to stop being friendly to those who are bad influences! Illegal ang logging na negosyo ng mga Osorio at hindi maganda ang sinasabi ng iba sa Soren na 'yan!"

Most of the time, I fight for my own reason. Soren had never been rude to me. In fact, he's been very kind and friendly ever since. Unti-unti ko nang naiisip na masyado lang talagang judgemental ang pamilya ko sa lahat ng tao.

"Soren is good to me, Ate."

"That doesn't change the fact that his family is running an illegal business, Sancha."

"He isn't his parents! Isa pa, may ibang business sila kaya hindi naman natin masasabi na-"

"Oh my! Don't tell me you're saying this because you like that boy?!"

Tuluyan na akong nanahimik. Umiling si Ate at nagpatuloy na sa sasakyan, halatang dismayadong dismayado sa akin.

Hanggang sa bahay na ang naging sermon niya sa akin. Laking pasasalamat ko na sa hapag, naroon si Mommy at Daddy. They both agreed to my reason and eventually let it all slip away. Kahit na sa mata ng mga kapatid ko, alam kong ayaw nila na nakikipagkaibigan ako kay Soren, masaya pa rin ako na kahit paano hindi ako pinagbawalan ng mga magulang ko.

"Matagal nang kaibigan ang mga Osorio, Manolo. Huwag kang masyadong mahigpit sa kapatid mo."

"Pero Dad, hindi pa rin maganda sa isang Alcazar na nakikihalubilo sa mga ganyang klaseng tao."

"I know what you mean. We are known to be credible and being around shady families isn't our thing but cut your sister some slack. She's just a teen."

I told Margaux about it that night. And that night, too, before I went to sleep, a miserable Soren called me.

"Try it next time, Soren," alo ko sa kanya.

"Yeah. Maybe I will, Sancha," sa malungkot na boses.

Hindi ako nagsalita. I know I can probably do something about it but I am just to selfish to offer. Hindi ko rin naman talaga alam kung bakit ganoon ko na lang ka ayaw ito. It seems easy actually. It's not like I can't try to do it. It's just that... thinking about Alonzo and facing him... isn't my strongest feat.

"Hindi lang ako makapaniwala na ga-graduate na lang ako, hindi pa rin ako nakakapasok sa varsity team. Si Julius na kasabayan ko, ang tagal nang nakapasok. Ako, gagraduate na lang."

I want to say... maybe he can do that when he's in college but I know I'll just make it worse.

"Tanggap ko naman na may kakulangan naman ako. Kaya nga gusto ko sanang mag training. Siguro dapat sa Bacolod ako humanap ng coach."

"Uh..."

Frustrated at his desperation, pumikit na lang ako bago pinakawalan ang offer.

"Why don't you... ask Alonzo to train you?"

Humalakhak siya ng kaunti. "Natatakot akong tanggihan niya ako. Kung tatanggihan niya ako sa training, malabo nang tatanggapin niya pa ako sa varsity."

I swallowed hard before another offer. "S-Susubukan kong kausapin siya."

Hindi siya nakasagot kaya sinundan ko pa.

"Kahit sa free time niya lang."

"Papayag kaya 'yon? Nahihiya ako. Ang galing noon at masyadong propesyunal."

"Hindi ko alam kung papayag ba pero susubukan ko. Bukas, pupuntahan ko sa azucarera."

"Puwede. Kung practice kaya... puwede bang samahan mo ako? Kung... free ka lang."

My heart swelled at that. I can't believe he's asking me this.

"At si Margaux?" dagdag ko.

"Tayong dalawa lang, please?"

I smiled and felt my heart warming. I can't believe he asked me this. It felt like an exclusive date!

"Alright, then."

Kaya naman, kinaumagahan mismo ng sumunod na araw ay nasa azucarera ako. Hindi matanggal ang ngisi ni Ate Soling nang sinagot ko siya sa tanong niya.

"Si Alonzo, Ate."

"Si Alonzo ang hinahanap mo rito, Sancha?" she looked as if some angel has come down from heaven.

Sobrang nakakamangha ba iyon.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon parang sariwa pa rin ang tsismis na iyon. Ilang taon na ang lumipas simula nang kumalat iyon at hanggang ngayon nasa utak pa rin ng mga tao.

"May sadya lang ako, Ate," sabi ko sabay pasada ng mga mata sa nakikitang trabahador.

"Talaga, Sancha?" Ate Soling said with malice.

Suminghap ako at tuluyan nang sinabi ang totoo dahil ayaw kong may maisip pa siyang iba. "Magpapatulong ako para kay Soren. Gusto niyang pumasok sa varsity at coach si Alonzo roon. Tatanungin ko kung papayag ba siyang mag train kay Soren."

"S'yempre basta ikaw, papayag 'yon!" maligayang sinabi ni Ate Soling.

"Papayag talaga 'yon dahil may suweldo naman at siya pa ang mag se-set ng time."

Ngumisi si Ate Soling at lumaki bigla ang mga mata nang may nakitang diretso sa akin. Napatingin tuloy ako sa likod at halos kasing nerbyos ko yata si Ate nang nakitang palapit si Alonzo sa amin.

Tumikhim ako at bahagyang naghanda. Inayos naman ni Ate Soling ang payong bago nagdesisyon.

"Sancha, bibigyan ko kayo ng privacy. Doon na ako sa-"

"Ate, hindi na kailangan. Hindi kailangan ng privacy ang pag-uusapan kaya dito ka lang."

"Pero tama naman na bibigyan ko kayo ng privacy, ano pa man 'yan-"

"Ate!" I said, utterly annoyed that she thinks this has malice. Mas gusto kong ipakitang wala. "Dito ka lang, please."

Tumigil na ako nang tuluyan nang nakalapit si Alonzo. He slightly smiled before he cleared his throat. I don't know if I noticed our height difference before or it's just more noticeable now. It seems like every year, he grows taller and taller. Medyo maganda rin ang katawan kaya naman hindi kataka-takang isa nga siya sa mga hinahangaang basketball player ng school.

"Good morning!" he greeted. "Si Sir Manolo ba?"

Umiling ako. "Ikaw sana ang sadya ko."

The evident slight shock that touched his face almost made me smile. Hindi ko tuloy maisip kung ganito ba siya sa lahat o talagang sa akin lang? O kung ganito man siya sa akin lang, hindi kaya ito ang dahilan kung bakit kumakalat talaga ang pagkakagusto niya?

He couldn't answer back so I continued.

"I just want to ask if you'd... agree to be..."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko tuluyang naituloy ang sasabihin. Something about my premise is awkward. He swallowed and waited. Hindi ko pa nadagdagan.

"Agree to be?" he asked.

Napasulyap ako kay Ate Soling. Ang ngiting-aso ni Ate Soling ang tuluyang nakatrigger sa akin na magdagdag.

"To train someone. Basketball?"

Alonzo's lips twisted and he nodded slowly. "Soren Osorio?"

I nodded slowly. He nodded, too. He licked his lower lips as the awkward silence stretched.

"I know this is a far fetched favor. For sure you're busy with school and your work here. Ayos lang naman na tumanggi ka. Hindi kita masisisi. I just want to... tell you what his offer is... to be fair."

Tumango ulit siya. Bahagya akong nasiyahan na hindi naman siya agad na tumanggi. Gusto niya pa ring marinig ang offer.

"Mag a-adjust siya sa free time mo. You will also be compensated every session. Humahanga siya sa'yo kaya umasa ka sa respeto niya."

Tinitigan niya ako. My heart pounded. In his eyes, it's obvious that he doesn't want this. Hindi ko nga lang maimagine kung paano niya ako tatanggihan dito.

"I'm not sure if you know him or you're close to him. Nahihiya siya sa'yo... kaya... sasama ako tuwing practice."

He blinked twice and looked away. Kumunot ang noo niya at bahagyang ngumuso. My eyes was fixed on him and I noticed a different feeling somewhere.

He sighed slightly. Nag-angat siya ng tingin sa akin, ngayon matapang na ang mga mata.

"Boyfriend mo?"

What a question!

"Best friend lang."

Tumitig siya bago unti-unting tumango. Ang mahahabang pilikmata ay mas lalong nadepina sa bawat galaw ng mga mata niya katititig sa akin.

Umiling siya. My heart almost sank when I thought he's rejecting me.

"Hindi ako tatanggi sa'yo, Sancha."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #jonaxx