Chapter 8
Railey Pov
Simpleng damit lang ang sinuot ko.
Pag labas ko nag iintay na sya habbang nakaupo sa may unahan ng kotse nya..Ang gwapo nya pero parang may iba sa buhok nya naging kulay blonde..Feeling ko pag ganyan ang buhok nya naiisip ko sa kanya si Jimin pero hindi..gangster sya.
Bat ang hilig nilang mag pakulay ng buhok na nahalata ko lang..Minsan nakita ko yung patrick kulay green yung buhok.
"Oh andyan ka napala"Napatingin sya sakin
"So let's go??" Tumango at ngumiti nalang ako
Pumasok na kami sa kotse.Kinakabahan ako.
"Bat parang kinakabahan ka??" Sabi nya habbang nag dridrive
"Ako?? Hindi ah" Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko..Inalis ko agad yon
Mukang nagulat sya sa ginawa ko
"Sorry" Sabi nya
"Kasi first time ko makipag date"
"Really??" Mukang gulat na gulat pa sya "Di kapa nakakaranas na makipag date??"
"Hindi pa"
"What do you mean?? Di kapa nag kaka boyfriend??" Hayss
"Oo na NBSB ako.Sa tingin mo ba may mang liligaw sakin?? Di ako kilala at di ako nag aayos" Gosh..
"Para naman sakin mas gusto kita kaysa sa ibang babae..Kahit di ka mag ayos maganda kana.Hindi ka pangit at kung itutulad ka sa ibang babae ang layo nyo.Wala kang arte sa katawan mo" Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa unahan
"Sa tingin mo ba mag kaka boyfriend ako ??"
"Oo baka nga ako yon eh"Bigla syang ngumiti
"Anong ikaw yon??"
"Joke lang.Mag kaka boyfriend ka kung hindi ako isa sa amin" Amin?? Anong ibig nyang sabihin??
"Sinong amin??"
"Sa grupo namin..Di mo ba alam na may gusto silang lahat sayo??"sakin? as in?
"Sa akin?? Pero baka mali kalang ng hinala"
"Di mo ba nahahalata mula ng makilala ka nila lagi na silang nasulpot sa tabi mo?? Di mo rin ba nahahalata kaya kasama kita ngayon kasi gusto kita??" Na speechless ako sa sinabi nya.
"P-pero?? B-bat ako??"
"Di ko alam Railey basta ang alam ko lang gusto kita at habbang tumatagal lalo kitang nagugustuhan" Bat ang bilis ng tibok ng puso ko?? Bat ganto ang nararamdaman ko?? "andito na tayo"
Bumaba sya at pinag buksan nya ko..Nandito kami sa isang restaurant.
Umupo kami parang kami lang ang tao dito,nag reserve ba talaga sya??
May pagkain nang binigay samin.Ang susyal dito.May wine pa
"Nagustuhan mo ba??"
"Oo.Ang ganda,Salamat"
"Tikman mo yang mga pagkain masarap yan"
Sumubo ako at ang sarap
"Ngayon lang ako nakatikim ng ganto..Ano to bat ang sarap??"
"Kumain kalang ng kumain." Sinunod ko lang sya.Pero hindi sya nakain pinapanood lang nya ko
"Di kaba kakain?? Sayang naman to"Ngumiti lang sya sakin
Sam Pov
Ang sarap nya tingnan na nakain.Lalo ko syang nagugustuhan.Mas lalo akong nag kakagusto sa kanya.Parang di ko kayang gawin ang sinasabi nila Austin na maging masama sa harap nya.Gusto ko ng ganto lang.Hindi sya natatakot at ayoko sya takutin baka mag bago sya ayoko ng kasama sya na puno ng takot sakin.Gusto ko kung sino sya.
"Ok kalang ba??"
"Oo naman"
"Ayaw mo ba talagang kumain??"
Nginitian ko nalang sya.
"Tapos ka na ba kumain??"
"Oo eh"
"San mo gusto pumunta??"
"Pumunta?? Wala akong maisip eh..Ikaw ba san mo gusto??"
"Alam ko na" Tumayo ako at tumayo rin sya
Railey Pov
San naman kaya kami pupunta?!
Huminto kami sa isang parang bangin pero ang ganda ng baba. Parang ang taas namin..Umupo kami sa unahan ng kotse nya.
Ang ganda tingnan ng baba parang na rerelax ako.
"Alam mo nung bata ako lagi akong nandito."Naka cross arm sya at nakatingin sa unahan "Sabi ko sa sarili ko pag sigurado nako sa nararamdaman ko at ang gusto kong babae ay dadalhin ko dito."Humarap sya sakin pero binalik din nya yung tingin sa unahan "Ikaw yon railey"
"Ako?? Wala kapa bang nadala ditong babae??"
"Wala pero noon may dadalhin sana ako dito kaso huli na"
"Anong ibig mong sabihin??"
"Wala..Alam mo feeling ko gustong gusto kita"
"Pero Sam...Bat mo ako dinala agad dito?? Paano kung hindi ako yung babaeng nakatadhana sayo??"
"Ok lang!!Kasi gusto talaga kita at gusto kitamg dalhin dito..Railey ikaw lang ang nagustuhan ko ng ganto ang nararamdaman ko.Yung gustong gusto kita parang sobrang saya ko sa tuwing nakikita at nakakausap kita"
"Pero Sam ayokong masak----"
"Ok lang naman kahit hindi mo ko gusto pero Railey tandaan mo gusto kita at di mo mababago yon.Ok lang kahit masaktan ako pag dumating ang araw na hindi talaga tayo pede, pero Railey habbang diba dumadating ang araw nayon..Gusto kitang makasama"
"Sam??" Wala nakong masabi..Tumingin sya sakin.
"Railey..Hayaan mo nalang ako na gustuhin ka."
"Sam ayokong masaktan ka sa bandang huli"
"Hindi ko kakayanin Railey pero ngayon gusto ko lang na makasama ka."Tumingin sya sakin..Natulala ako sa mata nya.
Nagulat ako ng unti unting lumapit yung muka nya sa muka ko..Pumikit nalang ako.Hanggang sa maramdaman ko nalang yung labi nya sa labi ko
Bat ganto ang bilis ng tibok ng puso ko..Naramdaman ko nalang na wala na ang labi nya sa labi ko
Gosh ano yon??
Napayuko ako sa hiya
"Sorry"Sabi ko.Di ako umiwas man lang
"Bat ka nag sosorry??"
"Sorry basta Sorry"
"Ako ang humalik sayo kaya ako ang dapat mag sorry"
Nahihiya ako.
Nagulat ako ng itunghay nya ko
"Kung sino ang dapat ang mag sorry ako yon Railey"
Tumingin nalang kami sa may bangin
"Ang bilis ng oras mag wa one na pala" One?? Bat ang bilis naman yata??Tumingin ako sa cellphone ko 12:53 na?? Ganon ba kami katagal sa restaurant at dito??
"Bat parang natataranta ka??"
"Pede mo naba akong iuwi??"
"Ha bakit??"
"Plss plss emergency lang" Tumango agad sya.
Nag drive na sya
"Sam sa park mo nalang ako ihatid plss" Nag tataka sya pero tumango nalang sya.
Nakadating na kami..Buti wala pa si austin..
"Salamat"Sabi ko kay sam at umalis na sya
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top