Chapter 38

Raile Pov

Pumunta nako sa canteen. Kumuha ako ng pagkain ko libre naman eh.Umupo nalang ako.Mas masaya pala pag mag isa "Raile" Napatingin ako sa harap ko..Si dannica

"Oh! Dito ka pala papasok?"Sabi ko

"Of course"Sabi nya. "Sige una nako puntahan ko pa si austin"Bigla syang umalis..Napatingin ako kung saan sya pupunta..Kayla austin..Andon silang lahat.So what naman? Tumingin sakin si austin..Napaiwas ako ng tingin..Baka akalain pa nya na mag isa ako..Totoo naman eh..Tumayo ako..Gosh. Nakita ko si Harold nag iisa naman sya umupo ako sa tabi nya

"Anong ginagawa mo---"Sinubuan ko sya ng hotdog

"Sorry ha! Pedeng dito muna ako wala kasi akong kasama" Uminom agad sya

"Papatayin mo ba ko?" Paubo ubo sya

"Please dito muna ko"Sabi ko

"Tsk,Ayoko nga" Hayss.

"Please na Please please"Sabi ko

" oo na" Yes...

Napatingin ako kay Austin..Susubuan sya ni dannica pero umiwas sya.What the hell his problem? Pinapahiya nya si dannica.

Biglang nahulog yung cellphone ko sa lamesa..

Yumuko ako para kunin yung cellphone ko sa baba.."Hoy Harold bat nag iisa----"Pag tunghay ko..Nakita ko agad si kevin..At iba pa nyang kasama "Raile?"

"Tingnan nyo" Napatingin ako sa direksyon nila Arthur..Narinig ko yung sinabi ni Sam di naman ganon kalayo yung lamesa namin.

Umupo na yung ibang myembro."Bat andito sya?" Sabi ni Drake.

"Tingnan nyo palapit si Charlie"sabi ni Jason

"Raile----" Naputol yung sasabihin ni Charlie

"Oo nga pala she's my girlfriend" Sabay akbay sakin ni Harold.

"Girlfriend?" Nag tataka na yata ngayon si Charlie

"Anong problema mo? Ano naman ngayon kung girlfriend ko sya?" Nakita ko yung kamao ni Charlie..Nakakatakot.

"Charlie..Tara na" Sabi ni Sam at hinawakan si Charlie sa balikat.

Uminom na lang ako ng softdrink.Ewan ko kung ano nang nangyayari ngayon.Napatingin ako kay austin.Bigla syang tumayo hinabol sya ni Dannica. "Ano ba austin?"Sigaw ni Dannica kaya nakatingin na sa kanila ang buong tao..Huminto si Austin

"Tumigil kana nga"Sabi ni austin na galit

"Bat ba ganyan ka? Ano bang nangyayari sayo?"

"Tumigil ka na dyan sa pag iilusyon mo.Hindi kita gusto alam mo yan"

Napaluhod si dannica at humawak sa kamay ni Austin "Hal.." Nagulat ako ng alisin ni austin yung kamay nya at napahiga si dannica..Tumayo ako pero pinigilan ako ni Harold "Bakit si Raile ba?" Tumayo si dannica alam na nya?Kinabahan ako

"Anong sin-----"

"Hindi ako tanga austin..Dahil kay raile? Ano bang meron sanyo?" Nakatingin sakin si kevin

"Oh! Ano naman sayo ngayon kung tama ka?" Lumuhod si dannica pero ganon lang ulit ang ginawa ni austin..Tumayo nako para tulungan sya tumayo

"Raile?"Ngumiti ako sa kanya

"Sorry" Sabi ko

"Wag mo ngakong tulungan sinungaling ka..Sinungaling kayong lahat ."Sigaw ni Dannica at tinulak ako at sabay labas ng canteen

"Ok kalang?" Napatingin ako sa kamay ni austin..Pero hinampas ko lang yon..Tumayo ako

"Sinong may sabing tulungan moko? Bat kaba ganyan austin? Buti na pag tyatyagaan ka pa ni dannica tapos gagantuhin mo pa sya alam mo bang masakit yon para sa kanya?" Sabi ko at nakita ko yung kamao nya nakasara na..

"Tara na.Raile"Napatingin ako sa humawak sa braso ko si harold

Nag lalakad na kami papunta sa lamesa namin ng napahinto kami

Napatingin ako sa balikat ni harold at hawak ni austin..Gosh.

Bigla nyang sinuntok si harold..Napahiga naman si harold..Tumayo si harold at gumanti. "Kev,Charlie awatin nyo sila"Sigaw ko Inawat ni kev si Harold..Si charlie kay austin

"Bro,Umayos ka may girlfriend ka na diba? "Sabi ni Harold

"Wag kang nangingialam"Sigaw ni austin

"Girlfriend ko na si raile bat hindi ako mangingialam?"

"Girlfriend ?" Nag tatakang sabi ni austin. "Ano to Raile? Akala ko ba inintay moko?" Nakayuko lang ako at nakasara ang kamao

"Oo inintay kita.Inintay kita pero nung bumalik ka anong sinabi mo sakin? Just move on? Sabi mo wala na tayo..Sabi mo matagal na yon..Tapos iyan ang sasabihin mo sakin ngayon?" Yumuko sya

"Sorry"

"Sorry? Gosh ngayon kapa nag sorry? Balikan mo si dannica ayoko ng dahil sakin iiwan mo sya..Ano austin? Tumigil kana suklian mo yung binibigay sayo ni dannica.Wag ka ng manakit pa ng iba..Tama na yung ako ang nasaktan tama na hanggang sakin nalang austin"Sabi ko at lumabas ng canteen.

"Raile wait!"Si kev..Kaya huminto ako

"Kev..Plss iwan mo muna ako" Tumakbo nako palabas at umupo sa may bench sa garden.

Kaya ko bang kalimutan sya ? Ba't ko pa ba sya nakilala?

"Ok kalang?" Tumabi sya sakin

"Sana harold dimo na ko sinundan"Sabi ko

Napatingin ako sa labi nya..Nag dudugo.."Wala kabang panyo?"Tanong ko

"Wala..." Ha? Ano bang klase sya wala syang panyo?

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunasan yung labi nya "Aray.."

"Ang arte mo naman kasi..Sana kasi di kana nangialam kanina"

Hinawakan nya yung kamay ko."Ok ka na ba talaga?"

"Oo naman"

"Ok na ba talaga sayo na wala na sya? Kaya mo ba?" Napaiyak ako at niyakap nya ko.

"Iyan nga yung di ko masagot sa sarili ko" Iyak nalang ako ng iyak.Nag mumuka nakong tanga

"Umiyak ka lang..Ilabas mo lang" Umiyak nalang ako..Ayoko ng tumigil sa pag iyak.

"Raile Time na" Sabi nya kaya umalis nako sa yakap nya

"Sige una nako" Sabi ko kaya tumango nalang sya at ngumiti.Tumakbo nako kaso.."Hmmm"

Inalis nya yung kamay nya sa bibig ko "A-austin?" Diko makita yung isang mata nya dahil sa mahabang huhok nya bat kasi may bangs sya?

"Railey? Huli na ba ko?" Ang lakas ng tibok ng puso ko.Parang di ako makagalaw "Anong kailangan ko gawin para patawarin moko?" Sabi nya at nagulat ako ng may luha sya sa pisngi.

"Austin" Gosh napipipe ako!

Bigla syang lumuhod "Gusto mo paba ako?" Nagulat ako sa tanong nya at tumayo na sya

Yumuko ako "austin diko alam" Oo austin..Ikaw parin..

"Ha? Hindi namang pedeng di mo alam Raile" Nakayuko lang ako

"Anong gusto mo oo austin ikaw parin! Kaso austin inuna mo yang kabaliwan mo..Alam mo ba kung gaano kita katagal inintay? Tapos nung bumalik ka sasabihin mo lang just move on? Di mo ba alam kung gaano kasakit yon? Inintay kita para sabihin sayo ang totoo tapos wala ka namang magandang sasabihin sakin austin kahit thank you lang kasi nag intay ako..Kaso wala.Tapos ngayon sasabihin mo sakin yan? Pinapahirapan moko" Sabi ko at tatakbo na sana.

Kaso hinawakan nyako sa braso..Nagulat ako ng halikan nya ko..Nagulat ako kaya nasampal ko sya. Tumakbo nako palayo sa kanya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top