Chapter 37

Raile Pov

[1 week ago...]

Nasa labas na si arthur kaya lumabas nako..Gosh ang ganda talaga ng uniform ko ngayon..

"Excited ka na ba?" Tanong nya.

"Oo naman"

"Alam mo na ba san ang room mo?"

"Room? Hindi pa nga eh..Sana mag kaklase tayo"Sabi ko

"Sana nga..kaso hindi mangyayari 'yon dahil mag kaiba tayo ng course"Sabi nya

Hanggang sa makarating kami sa doxarry.Ang laki talaga nito..Ang sususyal ng tao..Nakatingin samin ang ibang mata

"Ang gwapo nung lalaki no? 1st year ata ang pogi no?"Sabi ng isang babae..Diko naman masisi kung pogi talaga tong si arthur.

"Malamang dimo ba kilala yan? Si arthur yan..Member ng Dark phantom" kilala na sya agad?

"Talaga? Edi tama ka nga ang pogi ng mga gangster"

"Oo talaga,Alam mo ba na dalwa ang papasok dito na grupo ng ganster? " Dalwa? "Hayss nako naman..Para namang wala ka sa school nato..Hello! Dark Phoenix at dark phantom" Oo nga pala..Sila kevin..

"Ahh arthur una nako" Baka mag ka issue pa kakapasok ko palang gusto ko munang maging masaya dito.

3rd person Pov

Biglang may humawak sa balikat ni arthur "Oh! Arthur? "Sabi ni Charlie

"Asan si Raile?" Sabi ni Sam..

Nasa gitna nila si Austin..Tahimik lang at nakapamulsa.Halos pinag titinginan sila ng lahat.

"Ang popogi naman nila..Bagay na bagay sila dito" Sabi ng mga babaeng nakatingin sa kanila

"Wait..Look there." Napatingin ang iba sa kabilang direksyon at palapit sa dark phantom.

"Musta kayo?"Sabi ni Drake.

"Sila ba yung Dark Phoenix? Ang gwapo din nila..Gosh..Ngayon I love gangster na" Sabi ng isang babae "Nakabalik ka na pala austin..Sayang ang saya ko na sana kung nasa korea kana forever" Sabi ni drake

"Bakit? Natatakot kaba na bumalik ako? At may makakatalo nanaman sayo?" Sabi ni Austin na seryoso..Na parang wala syang paki sa nangyayari.

"Tsk, Tara na nga sa loob" Sabi ni Jason

"Buti pa nga at baka mapasama pa kayo" Sabi ni charlie..Kaya palapit na sana si Jason na galit na galit kay charlie kaso hinawakan sya ni Harold

"Tara na"Seryosong sabi ni Harold at pumasok na sila sa loob

Raile pov

Room B? Hayss salamat nakita ko narin..Pumasok nako sa loob ng room.

ang ganda ng loob ang laki.Wala nakong masabi kung hindi perfect.

Wala akong katabi? Wow ha! Ang dami ng napasok sa room wala paring natabi sakin? Muka bakong tae para iwasan nila?

Ok puno na ang room na to..Tabi ko nalang talaga ang wala..May biglang pumasok sa room..Nakatingin ang lahat sa kanya..Bat sya pa? Sya pa ang huling papasok? Pero pasalamat nalang ako hindi si austin..Si harold eto yung tinulak ko..Sana nakalimutan na nya yung araw na yon.Nag takip ako ng notebook sa muka ko..Kasi tumabi sya sakin.May dalwang room kasi dito ng HUMS at sana si Charlie nalang yung naging kaklase ko

"Ok class good morning..I'm you're teacher my name is  Erwin"

"Good morning sir"Tumayo kami at ako nakatakip ang muka ko

Umupo na kaming lahat.Nakatakip parin ako ng muka

Harold Pov

Napangiti nalang ako,She's crazy.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko

"Ako? Wala naman nag babasa lang"

"Nag babasa wala pa tayong nasusulat sa notebook ah?" Binaba nya yung notebook nya

"Paki mo ba?Ganon talaga pag matalino wala pang klase nag babasa na" Napangiti ako sinabi nya "Anong nakakatawa?"

"Wala."Sabi ko nalang

Raile Pov

Alam naman pala nyang ako to! Sana sinabi nya agad hindi yung kanina pakong nag tatago.

"Tsaka pala akala mo diko maalala? yung ginawa mo sakin"

"Ha? Anong ginagawa? Wala akong ginagawa sayo"

"Alam mo bang walang gunagawa sakin non? " Patay nako nito..Bat nya pa naalala yon?

"Mrs.Raile and Mr. Harold go out" What? What? What?

"K fine" Ano sinagot ng lokong to? K fine?

Nakatingin samin ang lahat ng mata.Lumabas narin ako

Nakatayo kami dito sa may labas,Umupo ako kasi nakakangalay, nakasandal sa pader at nakapamulsa pa.

"Anong bang sagot yon?" Galit kong sabi sa kanya at humawak lang sya sa buhok nya at nilingon ako

Ano pa cute pa sya? "Ganon talaga pag gwapo" Gosh? Hays. Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Ano? Pa cute nga lang yon? Gosh?" Umupo nalang ulit ako sa tabi nya..Di talaga sya nag iisip.

"Di ako nag pa cute sadyang cute lang talaga ako"Napakamot nalang ako ng ulo

"Hays..First day of school ganto ang mararanasan ko?"

"Ayaw mo non? Ang saya kaya" Ano kayang masaya sa nangyari ngayon?

"Kung hindi sana ang sinagot mo ay k fine baka di pa tayo pinalabas"Sabi ko

"Ano naman ang gusto mong isagot ko?"

"Sorry"Sabi kong naiinis na..

"Edi sana sinabi mo" Nang iinis ba talaga sya? Kung nang iinis sya success sya.

"Hayss ano pa ba ang aasahan kong isasagot ng isang gangster?"

"Buti alam mo naman na hindi ako nag sosorry.Pero nung nabbanga naman kita nag sorry ako ah.Pero bakit tinulak mo pako?" Gosh..May punto sya..Wait..Ayoko ng mag salita.

"Oo na..wag mo ng ipaala sakin .Oo na ako na mali"Sabay irap ko at umupo rin sya sa tabi ko "Bat ka umupo?"

"Masama na ba umupo? Nakakangalay kaya" Hays.. "Paano mo naging bestfriend si kev?"

"bestfriend ko yon bata palang kami"

"Serious? Alam mo ba na gangster sya nung una?" Nung una?

"Hindi ! Ewan ko nga don sa lalaking yon ang daming sikreto sakin noon"Sabi ko

"Ikaw pala yung sinasabi nya na bestfriend nya.Alam mo ba wala nang ibang sinasabi yung bibig ni kev kung di Yung bestfriend ko ganto ganyan..Yung tipong gusto ko nang takpan ang bibig nya?" Weh?

"Talaga kinukwento nya ko sa inyo?  baka kung ano ano na sinasabi ng lalaking yon!"

"Don't worry puro magaganda naman ang sinasabi nya tungkol sayo" Nakahinga ako ng malalim "Pero ngayon,parang nag sisinungaling sya..Sabi nya mabait ka pero mataray ka naman."

"Hindi ako mataray" Inirapan ko sya

"Oo na halata naman na hindi ka mataray ka" Natawa ako sa reaksyon nya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top