chapter 33
Raile Pov
Napamulat ako ng mata..Si arthur agad ang nakita ko..Umupo ako.Bigla nya kong niyakap. "Salamat,Ligtas ka"
Ang sakit parin ng pisngi ko. "Arthur..Asan ako?"
"Nasa clinic..Kanina kapa..Totally uwian na ngayon" Uwian? Ganon nako katagal dito?
Tumayo nako.."Tara na" Sabi ko
Tumango nalang sya..Lakad lang ako ng lakad.."Dito tayo Raile"Sabi ni arthur.Sumakay kami sa kotse nya.
Nag drive sya "Gusto mo bang kumain muna?" Sabi nya pero umiling lang ako. "Bukas,Napala yung contest may sinalihan kaba?"Bukas? Ha? Gosh..Nakalimutan ko..Di ako nakapag audition..Siguro nung nahimatay ako,Malas naman oh!!
"Ahh..Wala eh..Papanoorin ko nalang kayo"Sabi ko
"Kung makakanood ka,May klase daw.Ang makakanood lang yung mga kasali lang din." Ha?
"Ang duga naman"
"Mag papa video nalang kami"sabi nya
"Sige..Papanoorin ko bukas ha!"Sabi ko
"Sige...Andito ka na pala"Sabi nya..Bumaba nako
"Thank you"Sabi ko
Pumasok nako sa bahay ko..Hayss..Di man lang ako nakapag audition..
Dumeretsyo ako sa kwarto ko..Nag bihis nako ng pang bahay..Humiga agad ako sa kama ko..Ahh ang sarap mag relax..Nag inat ako at bigla akong may nahawakan sa taas.
Unan..Unan na maliit.Kinuha ko yon..At may picture ng bts..
Napangiti nalang ako,Ito yung remembrance ko nung una akong nakapunta sa concert ng bts.Nawala na ulit yung ngiti ko,Dahil kay austin kaya ako nakapunta sa comcert na pangarap ko.
Nakakainis,Kasi sa totoo lang namimiss ko yung mokong nayon.
Diko alam na tumutulo na pala ang luha ko.Bakit? Na guguilt bako?
Nakakainis kasi si austin,Bakit ba lagi ko nalang syang naiisip? Bakit ba ayaw nyang mawala sa isip ko?
Matutulog nalang ako..Para makalimutan ko nanaman sya..
---------------------
[Kinabukasan]
Lumabas nako ng bahay,Nakita ko si arthur na nakaupo sa unahan ng kotse nya..Bat kailangan ganon pa? Naalala ko lang si austin..
"Hi"Sabi nya
Sumakay kami sa kotse nya
"Diba ngayon ang contest nyo?"
"Oo,Manood ka ha!"
"Diba bawal manood ang di kasali?"
"Ay..Oo nga pala"Sabi nya..
Bumaba na kami ng kotse,Di na nya ko hinatid sa room kasi mag aayos nadaw sila para sa contest. Nag lalakad lang ako,Hanggang sa hindi kong inasahan na mag kakasalubong kami..Nakapamulsa sya..Bat parang di man lang sya handa para sa contest..Nilagpasan nya ko at pumasok sya sa room nya.Di nya ko pinansin,Parang yung dati lang yung di nya pako kilala na parang hangin lang ako.
Pinahid ko nalang yung luha na malapit ng tumulo.Nag diretsyo nalang ako mag lakad,Di ko naman sya masisisi kung ganyan ang patungo nya sakin..I hurt him.Ano bang aasahan kong reaksyon nya? matutuwa ba sya? Hindi naman diba? Pero bakit ganto parang ako ang affected ..Mas nasasaktan ako? Di naman ako ang na reject.
Lumapit sakin si yanna. "Uy..Bat di ka kahapon ng audition?..Wait..Naiyak ka ba?"
"Ha? Hindi ah" Sabay punas ng luha ko
"Tara"Nagulat ako ng hilahin nya ko papuntang canteen.. "Dyan kalang"Nakaupo lang ako at umalis sya..Nakatulala lang ako sa isang direksyon
Bigla nalang may nilagay sya sa lamesa..Lalong umagos yung luha ko..Di nya kita kasi nakain na sya "May isang taong nag sabi sakin na pag kumain ka daw nito makakalimutan mo ang problema mo" Tumingin na sya sakin "Omy? Naiyak ka parin? May ginawa bako? May mali ba ayaw mo ba nitong binili ko? Tikman mo masarap naman tong sundae at fries"
"This" Nagulat ako sa dala nya..Kinuha ko agad sundae at fries....
"Bumili ka talaga nito?" ngumiti sya sakin.. "Thank you ha!"
"Nag pa gas kasi ako kanina..Nadaanan ko yung mcdo naisip kita. Kaya dumaan narin ako." Ahh..Sweet naman this boy..
"Ang sarap talaga nito..Gusto mo?" Sinubuan ko nalang sya.."Ang sarap diba?"
"Syempre..Ako mag turo sayo nyan eh" Sabi nya..
"Gabi na ah..Bat dumaan ka pa dito?"
"Na miss agad kita eh.." Wow...Namiss..
"Ahmm..Gusto mo paltan nalang natin?" Napatango nalang ako,Ayoko ng sundae at fries,Ayoko makita ang kahit ano nag papaalala sa kanya.
Bumalik na sya at may dalang hotdog sandwich.
"Salamat"Sabi ko.
Bigla ng nag bell,"Sige una nako"Sabi ko
"Sige."Sabi nya iniwan ko na sya at pumunta na sa may room ko.
Umupo nako.
"Alam nyo na bang aalis na si papa austin?" Napatingin ako sa unahan ko na nag tsitsismisan
"oo nga,Di daw sya makakasali sa contest sayang naman..Gusto ko pa naman sya mapanood."
"Babalik kaya sya?"
"Siguro baka matagalan kasi ibang bansa pa eh .."Ha? Ano! San pupunta si austin? Tumaas ako ng kamay
"Sir..May I go out?" Tumakbo na agad ako di ko na inintay ang sagot ni sir
Tumakbo ako kung saan ginaganap ang contest.Ang daming tao sumiksik nako..Nag peperform na sila charlie sa stage,wala si austin .Tumingin sakin si arthur di ko muna pinansin..
Austin asan ka na ba?Bat di ka nag paalam sakin? Ang unfair mo naman..Tinawagan ko nalang yung phone nya pero patay..Nasa eroplano na ba sya? Hindi pede!
Natapos na mag perform sila.Pumunta ako sa backstage baka andon si austin..Napaiyak nalang ako,Lumapit silang anim sakin..Yumakap agad ako kay arthur at umiyak
Hinawakan nya lang ako sa likod ko "Alam mo na na?" Sabi nya
"B-Bat d-di n-nyo sinabi s-sakin?" Nasisinok nako naiyak ako sa balikat nya
"Sorry"Sabi ni charlie kaya umiyak nalang ako sa balikat ni arthur.
"D-di s-sya nag p-paalam s-sakin"Sinisinok ako.Umalis nako sa yakap ni arthur.."T-tara sa airport b-baka andon p-pasya" Sabi ko hinihila ko sya pero di sya umaalis sa pwesto..
Lumapit nalang ako kay charlie "C-charlie,Samahan moko"Sabi ko pero nakayuko lang sya..Kay sam "Plss s-sam,P-patrick,N-nash,b-benjamin..P-puntahan natin si austin"Nakayuko na silang lahat..
"Sorry raile pero kanina pa sya nakaalis..Nasa eroplano na sya" Sabi ni sam na nakayuko
Tumakbo nalang ako palabas."Raile"Sigaw nila.
Tumakbo nalang ako,Diko alam kung gano kalayo ang airport.Sumakay ako ng bus..Binaba ako sa airport kaya tumakbo ako..
Austin..Naman..Sorry,Late ako..Late ko na narealized na gusto talaga kita..
Hinanap ko sya ng hinanap,Makikita ko naman sya diba? Para lang naman tong kwento na kapag aalis na ang isang tao di sya natutuloy at mag kikita sila ng mahal nya? Kaya austin lumabas kana..Mag pakita kana sakin
Bat ang tagal mo? Diba dapat nag papakita kana? Yayakapin ako at aaminin sayo ang totoo?
Napaluhod nalang ako dito..Akala ko totoo yung storyang mag kikita ang dalwang tao at sasabihin na mahal nila ang isa't isa asan na?
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ...Unti unti akong humarap..Lalo lang akong naiyak niyakap ko sya
"Sorry,Raile! Wala na sya"Sabi ni arthur.."Raile..Babalik naman sya"
Kasama nya ang lima..
"Kailan pa? Pano ko sasabihin yung totoo sa kanya? Bat ganto? " Sinok nako ng sinok dito..Di ko na alam ang gagawin ko,Ang tanga tanga ko kasi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top