Chapter 31
Raile Pov
Ginawa ko na ang daily routine ko..Wala na si arthur..Umuwi na sya kagabi pagkatapos ko sabihin ang totoo..
May bumusina sa labas ng bahay..At kilala ko yung businang yon..Pumasok ako sa kotse nya.
"Hal! Bat ang tagal mo?" Hal? Raile..Wag kang kiligin..Fake relationship to ..
"Wala lang..Late ako nagising eh..So tara na?"Sabi ko
Pinaandar na nya,Ang bilis nya..Kaya andito na agad kami.
Pag baba namin..Kinuha nya na yung bag ko.Sya mag dadala.
"Ehemm.."Napatingin ako sa harap namin..Sila Charlie pala
"Aga..Aga"Sabi ni Sam
"Aga mo ngayon Sam"Sabi ni austin kay sam "pano ka na lalaki?"
"Hoy..Mag kalapit lang ang height namin ni patrick"Natatawa ako..
"Atleast mas matangkad parin ako sayo"Sabi ni patrick
"Asan pala si arthur?" Sabi ni benjamin..
"Ayan na" Napatingin ako sa may gate..
Papasok si arthur nang nakapamulsa..
Lumapit sya sakin.. "Raile..Musta?" Bigla akong nilayo ni Austin.. "Ano ba austin? Wag kang mag alala di ko sya aagawin sayo.."
lumapit na sya kayla charlie..
"Bat ngayon kalang?"Sabi ni Sam
"Wala late lang ng gising" Sabi nya at tumingin sakin at kumindat.Anong nangyayari sa kanya?
"So tara na"Sabi ni Patrick..Pumasok na kami sa loob..Nasa likod kami ni austin..Nasa harap sila charlie.
"Ayoko ng lumalapit ka kay arthur" Bulong sakin ni austin. "Diba nasa rule yan?"
"A-Austin"
"Tara na.."Sabi nya..
Pumasok sa canteen sila charlie.
"Hahatid ko lang to"Sabi ni austin.. "Hal..Wag kang lalapit kay arthur ok?" Sabi nya..Bigla akong bumagsak sa sahig..May pumatid sakin.
Isang babaeng nerd?
"Anong problema mo?" Nagulat ako ng kuhelyuhan sya ni austin
"Austin..Ano ba? Babae yan!" Sabi ko at nadapa narin yung babae..Tinayo ko sya " Ok lang ?"
"O-opo s-sorry po" Sabi nung nerd
"Sorry ha"Sabi ko "Ano hal? Dika mag sosorry?"
"Bat ako mag sosorry?" Gosh..Ang taas ng pride nya
"HAL!!"
"ok..Sorry" Umalis na yung nerd na babae..
Pumasok nako sa room,Kinuha ko na yung bag ko..Umalis na si austin.
Umupo nalang ako..Ang weird, Parang..Napatingin ako kay jessica pero? Umiwas sya ng tingin? Si jessica iiwas ng tingin? Di nya bako iirapan o so what?
"Ok class,Good morning" Tumayo ako
"Good morning sir"Sabi ko..Kaso sino yung nasa tabi ni sir? "Class..Ahmm eto pala si Yanna Guevarra." Bagong kaklase? Malapit na diba ang graduation? "Ahm..Isasama sya sa section nyo para sa contest.."Anong contest? "Ahmm sorry late kong sabihin sa inyo .May gaganaping contest...Contest sa dance and Music.Buong school..So kung gusto nyong sumali.Mag palista lang kayo kay yanna at sya rin ang mag tratrain for music"
Contest? Wait. Eto ba yung sinabi sakin ni austin? Contest!
Kung sumali kaya ako? pero sa music..
"Sige class mag palista na kayo..Simula ngayon wala tayong klase dahil dyan sa gaganaping contest."PAPALISTA BAKO?
Wait..Yanna? Parang..Sya ba yung nabunggo ko kaninang nerd?
Nagulat ako ng umupo sya sa tabi ko.Wala kasi akong katabi kasi wala si Austin nasa Cr.
"Sasali ako" Sabi ni jessica na seryoso kay yanna..Bumalik na sa upuan si jessica pag kasabi
"Ahm pede mag tanong?"Sabi ko
"ano yon?"
"Pag sumali bako pasok nako?"
"Hindi..Isa lang ang kakanta per school at pipili kami"
"Sige..Sasali ako" Sabi ko
"Wait..Parang pamilyar ka"
"Ah oo..Ako yung nadapa kanina..Sorry nga pala dahil sa ginawa ni austin"
"Ahh oo..Di ok lang yon..Sanay nako" Sanay?
"Anong sanay"
"I'm nerd,Of course na bubully ako..Kilala mo yang si jessica? Yan lalo nayan"
"Oh? Pero parang di kita masyadong nakikita dito?"
"Of course,I'm not a fame like you..Like others"
"Ako? Uy...Di ako fame "
"Kilalang kilala ka nga sa buong school..Diba girlfriend ka ni Austin?"
"Ahh oo" Fake girlfriend
"Di mo ba alam na sikat sila austin?Sobrang sikat..And now..Girlfriend ka ng isa sa kanila..Sa tingin mo ba dika sisikat?"
"Sabagay.."
"Akala ko nung una maarte ka,Akala ko ang nagiging girlfriend ni austin ahmm mga kagaya ni jessica..Mga maarte yung mga sikat"Sabi nya..Ewan ko nga kung bat ba ako pa ang gusto maging girlfriend ni austin..Andyan nga naman si jessica
"Ewan ko nga don..May sakit yata sa ulo.."
"Pero bagay kayo"Omy tama ba narinig ko bagay kami? Kailan namang naging bagay ang isang katulad ko sa isang gangster na kagaya ni austin?
"Hindi nga eh.."Sabi ko nalang
"Sige..Lista kana..Ahmm Sige pede kang pumunta bukas sa music room?" Tumango at ngumiti nalang ako..
Nakaupo lang kami hanggang sa mag lunch na..Thank lord.
Tumayo si yanna "Sige..Una nako" Sabi nya kaya tumango nalang at ngumiti si akoh.
Ok..Wala ng tao sa room..Ako nalang..Napatingin ako sa may pinto ng room si austin..Nakakagulat sya.
"Hi"Sabi nya
"Anong hi ka dyan?"
Umupo sya sa may harap ko..Umupo sya ng nakaharap sakin
"Musta?"
"Anong musta?"
"Musta pag aaral?" Wait..
"AUS---Hal" Ang sama naman ng tingin sya sakin "Hal..Nag audition ba kayo nung may gaganapin kayong contest sa sayaw?"
"Hindi kinuha lang kami..Malapit nayon..Bakit?"
"Wala.."Ayoko ngang sabihin sa kanya na mag aauditon ako sa music "Ano ano ang mag lalaban? Sayaw lang?"
"Nope..Music,Drawing at iba pa bakit?"
"Wala...Kain tayo? Nagugutom na ko eh"Gusto ko ng kumain..
Nag lakad na kami papunta sa canteen kaso.. "Hal! Iihi lang ako..Pede?"
"Tsk..Hurry"Tumakbo nako papunta sa cr...
Pag pasok ko sa cr.Umihi na agad ako.. Then.Successful..Nag hugas muna ako ng kamay..Biglang nahulog yung panyo ko sa baba..Kaya kinuha ko na agad Nagulat ako ng pag tayo ko..Si arthur..Nasa likod ko kita ko sa salamin.
Nagulat ako ng hawakan nya ko sa balikat at iikot paharap sa kanya..And...He....Kiss me? Di nako makahinga..
Gosh..Di ko alam ang gagawin ko..Sisigaw?Tatakbo?Sasampalin sya? tinulak ko sya at nagulat sya sa gunawa ko. "Raile I like you" di na ko 'to,Ba't diko kayang sagutin sya ng I like you too. Ngumiti sya at umalis.
Pag kalipas ng ilang minuto Bumalik nalang ako canteen..Umupo nako
"Ba't ang tagal mo?"Sabi ni austin!
"Huh?" Si..Arthur andito rin..gosh..
"I said, Bat ang tagal mo?"
"Wala sumakit lang tyan ko" Nakayuko ako ayokong makita si arthur.
At tumunog na ang bell..
Tumayo nako."Hahatid na kita" Sabi ni Austin..Tumayo narin.
"Bye..Raile"Sabi ni sam kaya ngumiti nalang ako sa kanila..Napatingin ako kay arthur.Pero umiwas din ako.
Nag lakad na kami ni austin.Di sya nag sasakila..May problema ba sya? "Austin..May problema kaba?"
"Wala"Ang tipid ng sagot nya sakin.
Huminto ako..At hinawakan sya sa braso "Austin..Ano nga?"
"Ano? Ikaw! Ikaw!" Ako? Bat ako?
"Ha? May ginawa ba ko?"
"Hindi ako tanga Raile.."Nag lakad ulit sya..Kaso hindi papunta sa room ko..Papunta sa rooftop?
Ang bilis nya mag lakad tumakbo nako."Austin"
Hanggang sa makarating na kami sa rooftop."Austin"Huminto rin sya sa wakas..Humarap sya sakin
"Railey..Gangster ako hindi ako bobo"Nakakatakot sya
"Oo gangster ka..May sinabi bakong tanga at bobo ka!"
"Iyon ang pinapakita mo sakin"
"ano? Ano nanaman ba austin?"
"Wag ka ngang mag maang maangan..Kanina sa cr" Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.."Sinundan kita ..Akala mo di ko nakita?Di ko kayo nakita ni arthur?"
Bigla nanaman syang nag lakad pababa.Bago sya makababa at mabuksan ang pinto..Hi nawakan ko ang kamay nya"Austin..Mag papaliwanag ako" Sabi ko..Huminto nanaman sya..
"Ano?"Nakakatakot sya..Pero siguro this time..Ayoko na..Ayoko na...Wala naman talagang kami diba? Si arthur naman talaga ang gusto ko..Ayoko nang maging tanga..Gusto ko naman maging masaya..Gusto ko namam masunod yung gusto ko.At feeling ko nag babago nako..Nagiging totoo na
"Itigil nanatin to"Yumuko ako..Diko alam kung bakit.
"Ha? Anong itigil?"
"Itigil nanatin ang lahat ng to.."
Nagulat ako ng nag bukas yung pinto.Niluwa non sila charlie. Silang anim "Anong nangyayari? Narinig namin ang bose--"
"Bakit gusto kong pumunta kay arthur ganon ba?"Ang lakas ng boses nya..Pumikit ako at nag mulat ulit.
"Kasi nagiging totoo na..Nagiging totoo na austin.."
"Anong totoo?"
"Nagugustuhan na kita" Di ko na mapigilan pumatak yung luha ko
"Anong totoo? Ano peke ba to?"Sabi ni Patrick
"Bakit? Ba't ako Raile? Kahit peke tong relasyon natin..Pinapakita ko ang totoo ang totoong nararamdaman ko sayo..?" Lalo lang akong naiyak dahil nasasaktan ako
"Austin..Ayoko na..Ayoko ma fall sayo" Sabi ko at ngayon lumapit na sya sakin
"Wag ka namang umayaw..Diko kaya.." Di ko alam kung bakit sya biglang lumuhod sa harap ko "Gawin nalang natin totoo pede naman diba?" ngayon ko lang syang nakitang ganto at nasasaktan ako pag nakikita syang nag mamakaawa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top