chapter 30
Railey Pov
"Sige bukas nalang natin ituloy ang pratice" Sabi ni austin
Napatingin ako kay arthur..Ang seryoso lang nya.Tumayo sya at nag pamulsa at diretsyo sa labas.
"Problema non?"Sabi ni Sam
"Tara na Railey"Sabi ni austin kaya tumango nalang ako..Lumabas na kaming lahat.Sumakay na ko sa kotse nya..Kumaway sakin yung lima kaya ngumiti nalang ako.
Pinaandar na ni austin yung Kotse..
"San tayo?"Sabi kong seryoso kasi di kami papunta sa bahay.
"Sa mcdo" Mcdo?
Andito na kami sa mcdo..Nag drive true kami.
"Two sundae and two fries" Sabi nya.
Hanggang sa makuha nanamin yung order nya.
"Here..Para naman mawala yang problema mo" Napangiti nalang ako...Bumagsak nalang ang luha ko
Himinto kami sa isang tabi
"Stop crying" Pinunasan nya yung luha ko gamit ang panyo nya..Bat ang bait nya sakin? Bat nya lagi akong pinapasaya? "Tingnan mo..Pumapangit kana.."Nag drive na sya ulit.. "Kainin mo nalang yang fries at sundae mo"
Kinain ko nalang din.
"ikaw?"
"Sayo yan lahat alam kong kulang payan sayo" Sabi nya.Tama sya..Kasi malapit ko ng maubos yung isa.
Huminto kami sa isang..San to?
Bumaba sya..At umupo sa may bandang pag tinulak ko sya mahuhulog sya sa baba.
Habbang nasa sasakyan ako..Nakatingin lang ako sa kanya..Nakatulala lang sya sa baba na parang ang lalim ng iniisip nya.Ang gwapo nya..Sinuklay nya yung buhok nya pataas gamit ang kamay nya.Bat ang pogi nya?
Bumaba ako..At tumabi sa kanya..Parang pamilyar sakin tong lugar nato? Oo tama..Dinala nako ni Sam dito.
"Alam mo...Nung mga bata pa kami nila Charlie.Lahat kami andito lagi.Kami lang ang napunta dito" Sabi nya nanakatingin sa unahan "Sabi namin..Ang babaeng mahal namin dito namin dadalhin" Dito dadalhin? "Kaya dinala kita dito" Ngumiti sya sakin..
Ang tahimik na ng paligid..Kumain nalang ako ng fries "Gusto mo?" Sabi ko sa kanya.Kumuha naman sya.
"Yung dating sinabi mo pala sakin sa ilalim ng puno..Na korean anong ibig sabihin non?" Tanong ko kasi diko parin alam
"Secret...Alamin mo" Diba nya talaga sasabihin sakin? Ang tagal na non ah..nasa phone ko yon eh..I tratranslate ko nalang...Sa bahay..
"Austin..Pede mag tanong?"
"Bat wala kang kasama sa bahay nyo?" Tanong ko..Na cucurious lang talaga ako..gusto ko yung sagot na galing sa kanya
"Sa bahay? Ahmm...Si dad at my lil brother nasa korea"
"Eh bat ikaw andito?"
"Dito nakalibing si mam at ayoko syang iwan"
"Babalik ba ang dad mo?"
"Of course"Sabi nya at tumingin sakin "Bat mo ba tinatanong yan?"
"Wala.."Ang lamig na dito..Tapos ko na ang sarili ko..
"Tsk" Hinubad nya yung blazzer nyang at sinuot sakin "Tara na?" Tumango nalang ako
Sumakay kami sa kotse nya.
"Nakakain ka na ba?"
"Wag na..Sa bahay nalang ako kakain"Sabi ko
Wait..Hanggang kailan batong kontrata ko sa kanya? Ang tagal nanaman ata ah..
"Austin may tanong pako"
"Ano?" Nakatingin lang sya sa unahan.
"Hanggang kailan bako mag papanggap? Para san batong ginagawa natin?"
"Secret nayon..Ahmm diko alam kung hanggang kailan eh.."
"Malapit na graduation natin"
"Oo nga eh.."
"Anong oo nga eh? Wag mong sabihing aabot tong pag papanggap ko hanggang graduation?"
"Depende.." Goshh..Ang ibig sabihin ng lalaking to? "Andito kana"
"Austin..Pano naman yung---"
"Ok..Baba na nag mamadali ako" Bumaba nako..May sasabihin pa sana ako kaso pinuputol nya yung sasabihin ko.Ang sama talaga ng ugali ng lalaking yon.
Binuksan ko nalang yung pinto ng bahay..Dumiretsyo nako sa kwarto at nag bihis..
Napahawak ako sa dibdib ko..Nagulat ako ng may kumatok..Lumabas nalang ako ng kwarto ko..Diretsyo sa may pinto..Sino naman kaya to? Si austin kaya?
Dahan dahan ko ng binuksan yung pinto..At nagulat ako ng biglang umubob sa balikat ko si Arthur..
"Arthur?" Goshh..Sinara ko nalang yung pinto at hiniga sya sa sofa..Wala syang malay..Puro pasa yung muka nya. Ano naman kaya ang nangyari sa kanya? Kumuha nalang ako ng first aid kit at ginamot ko nalang sya. "Arthur!!" Ok wala parin syang malay..Natataranta nako.
Pumasok ako sa kwarto,Kumuha ako ng kumot at unan..Nilagay ko na kay arthur.Nakipag away ba sya? Gantong oras?
Umupo ako para mapantayan sya..Pogi ka sana.Basagulero kalang.Meron pa syang panyo sa noo nya..Muka na talaga syang gangster.Inalis ko muna yon..At tumayo ako kinumutan ko na sya.Tumalikod ako..Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko "Wag mokong iwan" Napaharap ako sa kanya..Mulat na sya..Ang lakas ng tibok ng puso ko..
Bigla syang umupo..
"Raile"Sabi nya..Umupo nalang din ako...Ang lakas parin ng tibok ng puso ko.
"Arthur...Ano bang nangyari sayo?"
"Wala."Yung boses nya ang lamig.
"Anong wala? Tingnan mo nga yang sarili mo"
Nagulat ako ng tumayo sya at tumayo sa harap ko..
"So may paki ka sakin?"Napatayo ako..Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"A-Arthur...Of course,Kasi kaibigan kita" Lumayo ako sa kanya..Dahil sa tuwing lumalapit ako sa kanya..Di ako makahinga dahil lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.
"Kaibigan? Raile! Kaibigan lang ba talaga?" Napatingin ako sa kanya..Ewan ko..Kung bakit ganto..Di ko masagot..Di ko alam ang sagot.
"A-Arthur..Matutulog nako..Kung dito ka matutulog a-andyan yung kumot at unan" Sabi ko...Papasok na sana ako sa kwarto kaso tumakbo sya sa harap ko.
"Di mo pa sinasagot ang tanong ko" Bat ba sya lumapit? Nahihirapan nanaman ako huminga "Gusto mo ba ko?" Gosh..Someone help me? "Raile!!"
"OO!OO Gusto kita arthur.." Feeling ko lumuwag na yung pakiramdam ko..At ngayon na realize ko na parang mali..May mali.
"Ano? Gusto moko?"
"A-arthur..Gusto ko ng matulog.."Tinulak ko sya at pumasok sa kwarto ko..Ano yung sinabi ko?..Tama namam..Gusto ko sya, Una palang..
Di ko alam ang gagawin ko ngayon..Niyakap ko nalang yung unan na bts yung tatak..
Bigla kong naalala si austin..Mali to! Maling mali..Ano ba kasi tong pinasok ko? May kontrata kami ni austin.Ngayon,Sinabi ko kay arthur na gusto ko sya..Pero di naman alam ni arthur yung nag prepretend ako na girlfriend ni austin diba? Omy..
Lumabas ako ng kwarto..Nakahiga si arthur sa sofa..Biglang may bumisina sa labas..Sinilip ko..Gosh..Kotse ni austin..
"Arthur.."Gising na arthur.Gumising ka.
Bumangon sya "Bakit?"
Hinila ko sya papasok sa kwarto ko..
"Arthur..Dyan kalang andyan si austin sa labas..Plss wag kang lalabas.." Sabi ko.Sabay labas ko ng kwarto..
"Sinong kausap mo?"Napahawak ako sa dibdib ko..
"A-austin"
"May kasama kaba?"
"W-wala..B-bat andito ka pala?"Bigla nya kong tinabi..Gosh..Papasok sya sa kwarto..
Binuksan nya yung kwarto..Napapikit ako..
"Bat ka nakapikit?"
"Ha?"
Sumilip ako sa may kwarto ko..Asan si arthur? Napatingin ako sa gilid ng drawer kita ko ang sapatos nya..Nakaupo sya don..
Sinara ko nalang yung pinto ng kwarto ko.. "Ahmm Ano pala yang dala mo?" Pinakita pa nya lalo sakin yung paper bag..
"Tara.."hinila nya ko s asofa. "Bat may kumot at unan dito?"
"aah..Yan wala gusto ko kasi humiga dyan kanina.So ano yang dala mo." Ewan ko kung pano mag papalusot sa kanya..Basta..
"This" Nagulat ako sa dala nya..Kinuha ko agad sundae at fries....
"Bumili ka talaga nito?" ngumiti sya sakin.. "Thank you ha!"
"Nag pa gas kasi ako kanina..Nadaanan ko yung mcdo naisip kita. Kaya dumaan narin ako." Ahh..Sweet naman this boy..
"Ang sarap talaga nito..Gusto mo?" Sinubuan ko nalang sya.."Ang sarap diba?"
"Syempre..Ako nag turo sayo nyan " Sabi nya..
"Gabi na ah..Bat dumaan ka pa dito?"
"Na miss agad kita eh.." kinikilig ako
"Nako..Umuwi ka na nga..May pasok bukas tandaan mo"Sabi ko sa kanya
"Opo..Wait..Wag mong kalimutan na tawagin akong hal..Kanina kapa dyan austin ng austin"Naalala pa nya yon?
"Opo hal..Ahmm Hal..Uuwi ka na diba..Hatid na kita" Sabi ko..Lumabas kami ng bahay..Sumakay na sya sa kotse nya..Pumasok nako ulit..Dala dala ang sundae at fries .
Pag pasok ko nakaupo si arthur sa sofa.
"Andyan ka na pala" Sabi ko
Humawak sya sa kanyang buhok.. "Siguro, I'm late...Siguro di talaga tayo ang para sa isa't isa" Sabi nya.Bat natatamaan ako? Bat nasasaktan ako? "Siguro..Kung gusto moko mas gusto mo si austin" Si austin? Di ko alam kung paano ko aaminin sa kanya..Si arthur..He's my first crush,First Love..Pero paano kung sasabihin ko sa kanya? Sabihin ang totoo? Siguro, Sabihin ko na sa kanya
Umupo ako sa tabi nya
"Arthur..May gusto akong aminin sayo" Sabi ko..Tumingin lang sya sakin.. "Paano ba? San ba ko mag sisimula? Yung relasyon namin ni Austin..Peke lang.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top