chapter 3

Railey Pov

"Pede bang wag mo nakong sundan??"Sigaw ko sa kanya

"Inuutusan mo ba ko??"

Humarap ako sa kanya.

"Charlie right?? Wala kabang maggawa sa buhay mo??"Sigaw ko

"Wala eh" Bumuntong hininga ako sa inis

Kumuha ako ng piso sa pitaka ko "Oh ayan piso bumili ka sa tindahan ng kausap mo"Sa pilitan kong nilagay yung piso sa palad nya.

Umalis nako don at dumiretsyo nako sa room .

Umub-ob nalang ako at nag earphone.

Mas maganda pa kung ganto nalang ako atleast walang mangugulo

Inalis ko na ang earphone ko kasi baka mag bell diko narinig kaya umub-ob nalang ako.

I hate this day.I hate gangster.

"Dito pala ang section mo??"Napatingala ako..Akala ko si charlie kaso hindi,Isa lang palang nakakainis na lalaki na gusto kong balian ng buto.

"Naligaw kaba?? Nabasa mo naman yata kung anong section to diba?? "

"Oo,Pinuntahan lang kita ano nga ba ulit ang pangalan mo??" Anong ulit?? Nag pakilala naba ako sa kanila??

"Bakit nyo ba tinatanong ang pangalan ko?? Special ba ang pangalan ko para sa inyo??" Nakakainis naman eh..Naiinis nako ayoko na suko nako..Di ko na kayang tiisin ang mga ito.

"Ahh lalabas kaba mamaya??"

"Oo lalabas ako mamaya"Sabi ko

"Oh?? Sino naman ang kasama mo??"

"Kailangan ko bang may kasama pag lalabas ako?? Bakit pag uuwi kaba at lalabas may kasama kapa??"

"No!!I mean you--"

*Kring....Kring....*

Nginitian ko sya..Kasi bell na.

Tumingin sya sa pinto.

"What the!!Baka dumating na sila.Tsk,Sige sa susunod nalang" Kinindatan nya pako bago umalis sa harap ko.

Dali dali syang tumakbo sa labas.

At sabay pasok ng iba kong kaklase.

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Nawala ako sa mood para makinig.

Ok labasan na?? Lumabas nako buti wala akong nakitang mga bwiset.

Kinuha ko na yung cellphone ko sa bag..What the?? Saktong nag shutdown.

Umupo ako sa bench malapit sa may gate.

Wala din akong dalang powerbank gosh ano ng gagawin ko?? Paano ko itetext si manong??Paano ako uuwi? Mag lalakad ako?

Siguro susunduin naman nya ata ako dito.Kaya iintayin ko nalang sya.

******

"Miss?? Miss??"

-_0

Nakatulog pala ako?? What the hell ??

"Miss nakatulog ka ata" Sa dami daming gigising sakin bakit ganto  nanaman??

"Ahh ok gising nako" Sabi ko at tumingin sa kanan at kaliwa

"May hinahanap kaba??"Sabi nya at nag form ng 4 yung paa nya

"Oo yung sundo ko"Natataranta nako

"Gusto mo bang sumabay sakin??" Tiningnan ko sya ng masama

"Ako sasabay sayo?? Sino ka ba?? Baka mamaya patayin mo pako"

"Ako sino ako??Seryoso dimo pako kilala?? Ako si Benjamin Todaro!! Transfer ka ba dito kaya dimo ko kilala??"

"Hindi ako transfer at kahit kailan di ko kinikilala ang mga katulad nyo"Sabay irap sa kanya.Tumayo nako at nag simula ng maglakad

"San ka pupunta??"

"Uuwi bakit??"Mataray kong sabi

"Mag lalakad ka seryoso?? Ayaw mo bang ihatid kita?!"

"No thanks" Ako sasabay? Ano ako baliw para sumabay sa kanya?

Nag lakad nako papunta sa bahay kailangan kong tiisin to kahit masakit sa paa.

*Bouggh*

Napahinto ako at natulala sa pwesto ko..Anong?? Muntik nako?? May dumaan sa harap kong kotse at ang bilis.Hangginit nako masagasaan.

Huminto yung driver at bumaba.What the hell?? Ganto nanaman gantong damit nanaman ang nakita kong suot..May blazer? The hell isa nanamang Gangster

Lumapit sya sakin

"Sorry miss ayos kalang ba??"

"Lokohan ?? Hagginit nako mamatay tapos itatanong mo pa kung ok lang ako??"

" sige..Una nako"What the hell this guy??

"Hoy!!Una nako? Seriously? Pa popular at Pangit paano kung masagasaan moko?"Bigla syang huminto sa pag pasok sa kotse nya at sinara ng malakas at bumalik sya sa harap ko

"Ano ulit?? Pa popular ako?? Pangit ako??Seryoso kaba?? Dimo ba ko kilala ?? Pwes mag papakilala ako ako si Patrick Mollero ang isang gangster na sikat ang gang..Kaya kitang patayin"

"Edi gawin mo!!Muntik mo na ko mapatay diba?"Sigaw ko sa kanya

"Matapang ka ha??Alam mo bang ikaw lang ang ganyan makipag usap sakin??" Kamuka sya ni Suga!! Ano railey!? Kamuka sya ni suga ?? Patawa ka ba?? Si suga hindi ganyan ang ugali,Si Suga pogi,Si Suga mabait at cute,May galang sa babae.

"Oh ano naman ngayon??Alis nga dyan dadaan ako"Tinulak ko sya kaya napatabi sya nag simula nakong maglakad ulit.

Ang sakit na ng paa ko.

Bakit kasi kailangan pa malobat ng cellphone ko ang gandang timing naman oh!!

Huminto muna ako para hilutin ang paa ko sobrang sakit na talaga.

"Ouch"Nagulat ako ng may bumungo sakin. "Tsk" What the?? Naiinis ako sa araw na to.. Totoo bato?? Nanadya ba sila?? Pede namang isa lang bakit ngayon dalwa pa ang dumagdag!Sya pa ang may ganang mag reklamo ako na yung napaupo sa maduming sahig dito.

yung isa namang kasama nya nakatitig lang

"Di ka ba hihingi ng sorry??"Sorry??Ako nanaman ang mag sosorry sa pagkakamali?

"Sino ba ang bumangga diba ikaw?? Nakahinto na ngalang ako dito tapos babanggain moko"Galit kong sabi

"Tsk,Nakikilala mo ba kami??"

"Kayo?? gangster??" Tsk,Nakakainis naman lagi nalang ganto.Kilala mo ba ko? Kami?,Yung isa nyang kasama naka tingin lang sakin..anong problema nya??

"Ako si Nash Julian Gallo at eto si Carl Arthur Castellano"

"Blah blah blah...Oo kayo si Charlie,Sam,Benjamin at blah blah blah..Di na ba kayo naiirita sa pag papakikilala nyo sakin?? Kayo si ano.Isa kayong ganto ganyan,Kaya nyong pumatay kaya nyo kong patayin.Sikat ang myembro nyo,Tapos pag kayo ang may kasalanan yung iba pa ang hihingi ng patawad..Dina ba kayo nauuta sa pag papakilala nyo?? Sa susunod sstalk ko kayo sa FB,twitter at sa instagram para malaman ko"Sabay irap sa kanila..Mag lalakad nalang ako ,Ayoko sa ugali nila,Naiinis nako..Gusto kong pumatay.

After 123456789 years ago.

Finally,Nandito nako sa bahay..Sabay higa nako sa kama ko grabe ang sarap mag relax lang at walang inaalala.

nakakayamot naman ang araw na to..Grabe ang dami kong nakilala ewan ko kung matutuwa ako kasi madami akong nakilala pero siguro hindi talaga kung puro ganon ang makikilala ko.Jusme gusto kong mahimatay

Matutulog nalang ako..Mas mabuti pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top