Chapter 28

Railey Pov

Lumabas ako ng room at andon na si austin..

"Ano? Tapos na test nyo?" Isn't it obvious Austin?kaklase kaya kita

Nag lakad na kami

"Bat ang tahimik mo?" Naalala ko si Arthur.. "Hal?"

"Bakit ba? Wag mokong tawaging Hal"

"Kain tayo?" Hay...Wag mo munang isipin Raile si Arthur.Bumuntong hininga nalang ako

"Sige aust---Hal"Bat ganon sya makatingin?

"San mo gusto hal? You want to restaurant?" Ayoko nga sa restaurant ang mahal mahal pa

"Gusto ko mag mcdo" Kumunot yung noo nya "Eh gusto ko nga sa mcdo.."

"Oo sige..Mas gusto mo ba talaga ang mcdo?"Tumango nalang ako..

Nagulat ako ng tumunog yung phone ko..

Si kevin..

"Hello?"

[Hello Raile?! Musta kana?]

"Andyan ka na ba sa korea?"

[Oo] Gosh..Sa korea

"Dapat kasi sinama moko..Baka makakita ako ng pogi dyan.."

[Ayan ka nanaman sa kaka kpop mo eh]

"Wait! Ano? Magaling ka na ba?" Biglang tumahimik sya sa kabilang linya "Nevermind that..Uy..Ikaw ha! Di mo man lang ako sinama dyan.Pangarap ko kayang pumunta dyan"

[Sige isasa---]

"Ano ba austin..Akin nayang cellphone ko"

"Tsk! Kakain tayo diba?"

"Austin naman" Lalo pa nyang tinataas porket mas matangkad sya "Austin naman kasi akin na yan"

"Tsk!!"Nagulat ako ng inend call nya.

Inabot na nya sakin..Nakakainis naman sya eh minsan na ngalang tumawag si kevin papatayin nya pa..Bwiset.

"Akin na nga to"kinuha ko yung bag ko sa kanya..Nag lakad ako ng mabilis

"Damn"Rinig ko pa sa kanya

"Pede ba wag mokong sundan"

"Ano bang problema mo?"May sakit ba sya itatanong pa nya!

Nag lakad na ko hanggang makalampas nako sa gate..Mag lalakad nalang ako pauwi..

Sumusunod parin sya ngayon naka kotse na sya..Sinasabayan nya lang yung lakad ko.

"Raile! Hayss..Sumakay ka na"Diko lang sya pinapansin "Iiwanan kita dito.."

"Edi iwanan mo"

"Talaga? Sabi mo yan ha!" Gosh..Ang bilis ng takbo ng andar ng kotse nya wow..Sya pa galit nyan?

Gosh..Ang dilim..So? Dilim lang naman to eh..Nagulat ako ng may biglang dumaan na pusa..Napahawak ako sa dibdib ko.

Kaya mo to raile..Gosh..May mga lalaki sa kalye nakaupo!! Adik yata..Nakakatakot.Tutuloy pa ba ko? Pasundo na kaya ako kay austin?? Ha? Kay austin? Tsk..Wag na.Kay arthur? Di galit sya sakin..Kay Charlie,Oo tama

Charlie.....

.Isa pa,Tsk ano ba sya bat ba di nya sinasagot?

"Pre,Babae"Napatingin ako sa mga lalaking nakaupo syet nakatayo na sila...Gosh..Nag lakad nako ng mabilis pabalik..Hanggang sa tumakbo nako "Miss..Hinto..."Ano ako tanga para huminto? "Miss..Wag kang matakot mabait kami" Gago ba sila? Bakit naman ako maniniwala sa kanila?hahabulin ba nila ako kung mabait sila?

Tinawagan ko si austin..Sinagot na nya

[Ano ba? Akala ko ba kaya mo?] Gosh..Nangangatal nako

"A-Austin"

[Bat na ngangatal yang boses mo?]

"A-Austin..Balikan----"

"Gotcha..Nahuli ka din namin.." Nahagis ko yung cellphone ko

Austin Pov

[Gotcha..Nahuli ka din namin..]the hell? Si Raile.

Tsk...Niliko na agad yung kotse ko..Putsya asan sya?

Tsk...Bat ko ba sya iniwan? Shh..

Sobrang bilis ko na..Wala nakong paki kung bumangga ako..Kailangan ko puntahan agad si raile.

Raile Pov

Asan ka na? Austin!

Hinawakan ako nung dalwang lalaki sa dalwa kong kamay..Yung isa nasa unahan ko at tiningnan ako paa hanggang ulo

"Type ko to mga pre"

"Bitawan nyoko" Kahit anong pilit ko ang lakas nila " Di nyoko bibitawan o Papatayin ko kayo?"

"Kaya mo? Tsk..Tingnan natin" Lumapit sakin yung lalaki at pumikit ako "Sino nga ulit yung papatay samin?"

"Ako!" Yung boses nayon..

Gosh..

Sinuntok nya agad yung lalaking nasa harap ko...

Tumba na lahat?

"Tsk..Ang arte mo kasi sana sumabay kana sakin" Hinawakan nya ko sa kamay at hinila na...Nagulat ako ng natumba sya.Nasuntok sya..Gosh..

"Ang tapang mo ah!" Sabi nung isang lalaki "Wala ka naman pala eh."Tumayo si Austin.

"Yun lang?" Bat ba kasi ang yabang nya?

"Hindi pa eto pa!" Gosh..Nasalo nya yung kamao nung lalaki..Inikot nya yon..At mukang masakit..

"Tsk! Mahina ka!" tinulak nya lang yung lalaki..Mukang namimilipit pa sa sakit ng kamay nya..Hinila nako ni austin..Sumakay kami sa kotse nya

"Tsk! Ayan na nga yung sinasabi ko dapat sumabay ka sakin" Gosh...Nakakatakot sya.Nangangatal pako dahil don lalo nya pakong pinapakaba "Paano kung may mangyari sayo? " Feeling ko di na kaya ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok. "Tsk! Minsan kasi mag isip ka naman raile!"

Napahawak ako sa dibdib ko."A-Austin" Tumingin sya sakin at bigla nyang hininto yung kotse

"Anong nangyayari sayo?"

"A-austin..Ew-----"Nandilim na ang paningin ko.

-----------

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.Ospital?

Tumayo ako..Bat andito ako?Nasan si austin? Iniwanan nya ko?

Bubuksan ko yung pinto..At saktong bumukas na at pumasok si austin.

"Akala ko umalis kana"

"Sana"

Balak nya talaga akong iwanan?

"Tara na umuwi.."Sabi ko at tumango nalang sya.

Sumakay kami sa kotse nya.

Kaso tumigil kami sa mcdo?

"Bat andito tayo?"

"Kakain"

Pumasok na kami sa loob.

"Ako na oorder mag hanap ka ng mauupuan" Sinunod ko nalang sya..Nakahanap kagad ako ng upuan,Umupo nalang ako

Ilang minuto dumating na sya.Ang dala lang nya ay malaking fries at dalwang sundae..

"Nagugutom kaba?"Tanong ko "Bat eto lang ang binili mo?"

"Tikman mo masarap" Ano ko sano? Alam ko ang lasa ng fries at sundae..

Kumakain nalang ako ng fries,Napatingin ako sa kanya! Anong ginagawa nya?Sinasawsaw nya yung fries sa sundae? May saltik ba sya? Mukang masarap...

"Try this" Nagulat ako ng susubuan nya ko..Ewan ko ngumanga nalang ako..And now..I'm sure na masarap nga

"Ang sarap" Sabi ko "bat ang dami mong alam na ganyan?"

"Ha? Madaming may alam nyan diko nga alam kung bat dimo alam yan"Sabi nya..Tumingin ako sa paligid..At oo nga sinasawsaw nila! Sano nga talaga ako? Kasi diko alam

Paubos na yung fries madami pakong sundae..Ang lakas kasi nyang kumain eh.

Kumuha na kagad ako ng marami..I mean kinuha ko na pala lahat.

Kukuha sana sya. .Kaso wala na."Bat mo inubos?" Nakalagay na sa sundae ko yung fries

"Ikaw kaya ang umubos ang bilis mo kaya kumain" Nagulat ako ng kinuha nya agad yung sundae ko na may fries. "Akin na nga yan" Kinukuha ko kaso diko maabot Nilalayo nya talaga..Tumayo ako..Para kunin kaso binalik nya na kaya umupo nako..Tiningnan ko yung sundae ko wala nang fries at sundae na laman..Ang takaw nya..

"Na busog ako" Diko na sya pinansin.

"Tara na umuwi" Sabi ko..Nauna nako sa kotse..Sumakay nako.

Nakakabadtrip eh..Ang takaw nya

Bat ang tagal pa nya? Gusto ko ng umuwi..Pumasok sya sa kotse na may dalang paper bag..Ano naman ang laman non..

Pinaandar na nya yung kotse.

"Ano nanamang problema mo?" Nag tanong pa sya! "Bat di ka nanaman namamansin?"

"Wag mo ngakong kausapin"Inirapan ko sya..Di naman sya makakatingin sakin kasi nag dridrive sya.

Huminto na sya sa tapat ng bahay ko..Baba na sana ako

"Oh!" Nag abot nya sakin yung paper bag. "Bilisan mo kunin mo na..Nag mamadali ako" Inirapan ko nalang sya at bumaba na..Syempre kinuha ko yung paper bag..Umalis na sya.

Pumasok nalang ako..

Pumasok kagad ako sa kwarto at nag bihis..Nilagay ko yung paper bag sa kama ko..

Binuksan ko na agad.And I shock!

Sundae and fries?My god binuksan ko agad yung sundae..Ang sarap..So? Binili nya ko dahil kinain nya yung akin? Omy! What the? Bat ang bilis ng tibok ng puso ko?! Hindi...Wala to..Normal lang to..Kakain nalang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top