Chapter 26
Railey Pov
Pauwi nako...Eto palabas na ng room.
Inayos ko na yung bag ko at diretsyo labas.
Nagulat ako ng nasa labas si austin at naka cross arm habbang nakasandal sa pader.Seryoso lang syang nakatingin sakin.
"Bat ang tagal mo?"Bat ba nyako iniintay?? Di naman ako nag papaintay sa kanya ah!!
"You don't Care?" Sabay irap ko at nag lakad na.
" Alam mo bang inintay kita!"
"Sino bang may sabing intayin moko? Wag ka na ngang sumunod" Mukang kami nalang ang tao dito..
"Akin na nga to" Kinuha nya yung bag ko
"Akin na nga yan" Tinataas nya para diko maabot..Porket mas matangkad lang sya sakin eh..
"Ako ang mag dadala nito" Bahala sya..Nag lakad nalang ako ulit.. "Pede ba huminto ka muna sa paglalakad" Hinawakan nya ko sa braso kaya napatigil ako "Ihahatid kita"
"Kaya kong mag isa"
"Hayys.." Mukang nababadtrip na sya.. "Ano ba raile!! Alam mo bang ako si Dominick Austin Salazar? Nag intay ng sobrang tagal?"
"Kaya nga mauna kana!"Sabi ko..Sabay lakad ulit..So? Naiirita na sya..
"Inintay kita ng ganong katagal! Alam ko bang diko ginagawa yon? At lalo ng hindi ako ginaganto ng iba!" Ba't ba sya nagagalit dahil lang don? Hindi ko naman sya pinag iintay.
"Edi itigil ang nanatin kabaliwan na to" Sabi ko
"Hindi pede!" Nag lalakad lang kami nauuna ako habbang sya sinusundan ako..Malapit na kami sa gate..Huminto ako
"Bakit hindi?!"
"Tsk! Wag ka na ngang mag tanong..Sa ayaw at gusto mo sasama ka sakin."Nagulat ako ng buhatin nya ko
"Ibaba mo nga ko" Parang wala syang naririnig. Pinasok na nyako sa kotse nya at sumakay narin sya nilagay nya yung bag ko sa likod.
Di nalang ako kumikibo...
"Yung rules" Anong rules? "May pitong rules ako."
"Ano nanaman yan!? Pinapahirapan mo ba ko?" Bumuntong hininga nalang ako
"The 7th Rule,Bawal sumama sa ibang lalaki"
"Anong bawal? Paano kay kevin?"
"Bawal kahit kanino kahit kayla charlie" Seryoso ba sya? Kaibigan nya di nya pag kakatiwalaan at kaibigan ko narin sila charlie..Lalo na si kevin
"Pede ba! Austin naman..Bestfriend ko si kevin.And mas kailangan nya ko kasi may sakit sya.."Sigaw ko
"Ok fine..Except kevin"
"Paano sila charlie? Kaibigan ko narin sila!..Dimo ba sila pinag kakatiwalaan? My god austin ayoko naman iwasan yung mga yon"
"Ano bang gusto mo? Ako ang boyfriend mo ngayon raile!" ayan nanaman sya,He's my boyfriend pero parang siniseryoso na nya
"..Kahit sila charlie lang..Di ko kayang iwasan sila"
"Ok fine..Pero bali lang kay arthur!"Ha?
"bakit? Bakit naman ayaw mong makipag usap ako kay arthur?"
"Basta..Ok 6th rule" Hayss..Ano ba kasi tong naiisip nya."Ako lang ang pedeng mag hatid sundo sayo"
"Paano kung wala ka? Sinong mag hahatid sakin!"
"Lagi akong nandyan..5th Rule,Susundin mo lahat ng gusto ko"Ang unfair naman nya lagi eh "4th Rule,Pede bang wag mo kong sungitan kasi boyfriend moko at hindi kaaway .Pedeng makahalata ang iba" Anong gusto nya maging sweet ako sa kanya? "3rd Rule,Sakin kana sasabay kakain"Pati baman pagkain ko? "2nd Rule,Pag may problema ka call me or txt me..Pag may kailangan ka or emergency" Ano naman ang magiging kailangan ko na kailangan kong sabihin sa kanya? "And 1st rule,Mula ngayon tatawagin mo nakong babe" What the hell? Babe?! Seryoso ba sya?
"Bat babe? Ang sagwa naman pede namang iba diba!"
"Sige mag isip ka!" Ha? Ayoko nga " Sige kung ayaw mo babe nalang.."
"No..."
"what??" Mag iisip ba talaga ako?
"Pede bang austin?"
"Are you serious?"
"Oo mas bagay naman diba!"
"No. Mag isip ka"
"Wala akong maisip"
"Sige babe nalang" MY GOSH!! Ahhmm ano bang maganda? Wala naman kasi akong alam sa ganto eh..honey?Mine? Love? Mahal? My ? Gosh!! Ayoko ang sasagwa naman kasi at di ako sanay na tawagin syang ganon naiilang ako
"Hal?" Sabi nya..Ano naman yon?
"Anong hal? Halimaw? Haliparot?"
"It's means mahal!" Mahal? What the? Mahal? Mahal ko ba sya?
"Ano kung ayaw mo babe nalang!!"
"Hindi ayoko rin.."
"Ano? May naiisip ka paba?"
"W-wala"
"So that is.."
"Austin----"
"Hal! Dont call me Austin" Bwiset naman..
"Kasi austin naman" Kunwari wala syang naririnig "Austin..Di ako nakikipag biruan sayo..San din ba tayo pupunta? Hindi tayo papunta sa bahay ko..So san tayo pupunta?" Di sya nasagot mukang nag bibingibingihan sya..Tsk! Diko alam na gagawin ko to "Hal! San tayo pupunta?" Bigla syang huminto at ngumiti sakin
"Dito" Nakakainis sya! Nakakabadtrip sya.
"Nakakainis ka alam mo yon?" Nginitian nya lang ako
"Tara na bumaba hal" Letsye! Nangiinis ba sya? Inirapan ko nalang sa..Bumaba nako kasabay nya.Nasa isang restaurant kami.
"Nasan tayo?" Tanong ko habbang papasok kami
"Nasa isang restaurant diba obvious?"Pumasok na kami.. At umupo
Lumapit agad yung waiter."Ano po yon yung gusto nyong kainin young master?" Young master?
"Kung ano ang pinakamasarap dito..Pag di nyo naibigay yon ng maayos..Sisiguruduhin kong masesesante kayong lahat" Napatingin ako sa waiter at napalunok sya.
"Sige po young master" Umalis na yung waiter.
"Young master?"
"amin tong restaurant na to"
"Bat mo naman tinakot yung waiter? Ok lang naman kasi sakin kahit simple lang yung kainin natin"
"Hindi pede yon..Anong gusto mong ipakai ko sayo? Yung mga kainakin nyo sa labas na iniihaw?"
"Hoy! Wag ka ang sarap kaya non..Katulad ng isaw,fishball ang sarp kaya non.Mura pa"
"Tsk,Sigurado kaba na malinis yung mga yon?" Bat ba ang arte nya!
"Pede Ba! Si kevin nga nakain non..Di sya maarte katulad mo.."Sabay irap ko sa kanya "Sana si kevin nalang yung kasama ko ngayon atleast di sya katulad-----" Bigla syang tumayo at hinila ako...
Sumakay kami sa kotse nya. "San ba yung tindahan ng mga sinasabi mong ihaw?" Ha? Bat naman nya tinatanong?
"Ayon"Sabay turo ko sa isang ihawan
Nagulat ako ng bumaba sya pero di nya ko pinababa..Ilang minuto pumasok na sya may dalang isaw?
"para san yan?" Tanong ko
"Pano ba to kainin?" Tanong nya!
"Bakit?"
"Tsk! Sabihin mo nalang" sabi nya..Seryoso sya kakainin nya yan? "Di ako maarte kung gusto mo nito gagawin ko" Nagulat ako ng pumikit sya at sinubo yung isaw..Binuksan nya yung pinto at bumaba sya..Niluwa nya!
Pumasok sya ulit..
Yung muka nya nakakatawa!!
"Ang sarap"Sabi nya kahit ang pangit na ng itsura nya
"Wag mo nga kong lokohin..Muka namang dika nasarapan eh! "Natatawa ako.
"Hindi ang sarap kaya" Gusto ko ng tumawa
"Kumain ka daw ulit!" Yung itsura nya natatawa ako..Mukang napipilitan lang sya..Bat nya ba ginagawa to?Bigla syang pumikit at ngumanga na sya..Isusubo na nya kaso hinawakan ko na yung kamay nya "Wag mo ng gawin alam kong napipilitan kalang"Sabi ko sa kanya
"Hindi kaya ko to" Sabi nya pero pinigilan ko parin sya
"Wag na! Austin pede ba kitang tanungin? Bat ginagawa mo to?" Seryoso kong tanong "Diba di naman totoong lahat ng to?"
Nag iba na yung itsura nya naging seryoso na sya nilagay nya sa plastic yung isaw...At hinawakan nyako sa kamay ko
"Because" Because? "I'm serious! I want you,I like you...Kaya kong gawin kahit anong gusto mo kasi gustong gusto kita Raile.."Speechless ako sa sinasabi nya "Gusto ko lang patunayan yon sayo Railey..Kahit mahirap ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para sa gusto mo para tanggapin mo ko" Ang lakas ng tibok ng puso ko
"A-Austin" My god..Di ko alam ang sasabihin ko
"Sometimes na sinasabi mo sakin na gusto mo si arthur na mas pinapakita mo na mas gusto mo si arthur sakin,minsan gusto ko ng maging si arthur..Di ko alam kung bat ganto ako..Kahit alam ko na may iba ka ng gusto.Ayoko parin na nakikita kang nahihirapan o nasasaktan..Gusto ko lang na makita kang masaya araw araw" Kaya nya bako nililigtas pag nasa masamang kalagayan ako? "Wag mo ng isipin yon..Iuuwi na kita" Paano pala yung inorder nya sa restaurant? "Sa susunod nalang yung date natin"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top