Chapter 20

Kevin Pov

FlashBack

Dinala ko sya sa ospital..

Hanggang sa nag intay nako sa labas..Nakita ko si austin na inaalalayan ni Arthur at Sam..Dinala din sa emergency room

Tumingin sakin si Charlie..

Lumapit sya sakin...Bigla nya kong kinuhelyuhan

"Akala ko ba bestfriend ka nya?"Sigaw nya,Pero di ako umimik "Ano? Niloko mo lang sya? "

"Hindi ko sya niloloko"

"Hindi? Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Ano masaya kana...Napahamak sya? Kasalanan mo to! Takot kaba na maalis sa grupo nyo? Sarili mong kaibigan naloloko mo na?"

"Hindi ko sya niloko"

Bigla naring lumapit si Patrick,Nash at Benjamin at inawat si charlie.Binitawan narin ako ni charlie

"Umalis ka na dito"Sigaw ni Charlie

"Kaibigan ko parin si Raile..Gusto kong malaman ang kalagayan nya"Diretsyo kong sabi sa kanya

"Tsk! Di mo sya kaibigan..Nahayaan mo nga syang saktan diba?"

"Sige..Aalis ako pero may hihilingin ako sayo charlie"Biglang nag iba ang reaksyon nya at naging kalma sya..Pati sila Patrick iniitay ang sasabihin ko "Wag nyo syang hayaan mapahamak..Kaibigan nya kayo diba? Protektahan nyo sya..Umuwi lang ako sa plipinas para makita sya.Alam ko sa sarili ko na di narin ako mag tatagal sa mundong ito" Biglang kumunot ang noo ni charlie

"Anong ibig mong sabihin?"Tanong nya kaya ngumiti nalang ako.

"Mula bata ako gusto ko na si Railey..Pls protektahan nyo sya..May sakit ako sa puso..Ngayong taon na to pede nakong mawala" Kahit gusto ko pigilan kahit ayaw kong mawala ng maaga walang gamot dito.."Sana wag nyo ng sabihin kay Raile...ayokong mag alala sya..Mula bata ako meron nako nito..Kaya hindi ako pedeng mahulog kay Raile pero nangyari na yon..Inggatan nyo sya" Umalis na ko.Sumisikip nanaman ang dibdib ko pero wala nakong paki ngayon

Nag drive nako pabalik sa grupo ko..

Mukang iniitay nila ako

"Anong ginawa mo?"Sigaw ni Drake "Sinayang mo ang pagkakataon Kevin"

"Aalis nako sa grupo"Seryoso kong sabi

"Anong ibig mong sabihin kev?"Seryosong sabi ni Harold

"Hindi ka pedeng umalis"Sabi ni Lloyd

"Kung dahil sa babaeng yon..Hihingi ako ng tawad"Sabi ni Ken

"Nag desisyon na ko..At sigurado nako"Sabi ko

"Pero---"Dina natuloy ni Dave ang sasabihin nya

"Hayaan nyo sya"Sabi ni Drake

"Drake hindi pedeng---"Di narin natuloy ni Jason ang sasabihin nya

"Umalis ka narin"Sabi ni Drake

"Drake..Hindi pedeng umalis si Kevin"Galit na seryosong sabi ni Harold "Kung aalis sya aalis narin ako"Sabi ni Harold..Sa tingin ko hindi hahayaan alisin ni Drake si Harold..Sya ang pinaka ka close nya dito at nasa pasok sa top5 si Harold sa pinaka malakas sa mga members ng group..

"Aalis nako harold walang sasama dahil matagal ko na talaga tong napag desisyonan"Sabi ko "Ayokong masira ang group na to ng dahil sakin..Plss hayaan nyo nakong umalis."Umalis nalang ako..Diko na inintindi ang sinabi nila..

Di ko na alam kung saan ako pupunta ngayon..Gusto kong kausapin si Railey pero mas makakabuti yata kung ganto nalang.

End of FlashBack

Mula ngayon..Dahil wala ng kwenta ang buhay ko..Kung ano ano na ang ginagawa ko kahit walang kwenta

Bumalik din ako sa grupo ko..Ng bumalik ako hindi nako ang kev nanakilala nila..

Nag transfer kami sa school ng Gerbian University..

Kung nasan ang Dark Phantom.

Railey Pov

Nagising ako ,ginawa ko na ang daily routine ko.

Wait..Nasan na ba kasi si Kev? Nakauwi na kaya sya?

To: Bestfriend ^﹏^

         Kev! Plss naman nasan kana ba? Mag usap tayo..Hindi ikaw yan.Sana naman kausapin moko.Tawagan moko.Ayusin natin to.

Nakakainis naman kasi eh.

Lumabas nako ng bahay..Nagulat ako ng nasa labas si austin at nakasandal sa unahan ng kotse nya.


"Bat andito ka?"Tanong ko

"Tsk! ikaw na ang sinusundo ayaw mo pa" Pag rereklamo nya "Sasabay kaba o hindi?" Kung sasabay ako..Makakatipid ako ng pamasahe

"Sasabay"Sabi ko..Pinag buksan nya ko ng pinto..Sumakay nako at sumakay narin sya.


"Nakita mo na ba si Kevin?"

"Hindi ko nga alam kung nasan sya eh"Nasan na kasi yon?

"Baka mamaya..Malaman mo na mag kita na kayo"Anong ibig nyang sabihin

"Kung ano ano nanaman yang pinag sasabi mo no? Pero mas ayos nayan kaysa mag korean ka"Sabay tawa ko


"Sige kung gusto mo mag kokorean nalang ako"Sabay tawa nya..Ang lakas din ng trip nya eh no?

Hanggang sa makarating na kami sa school..Pag baba namin..Nag kakagulo agad sa loob ng school.

"Anong meron?"Tanong ko kay austin

"Gusto mong malaman?"Hinila nya ko papalapit sa pinag kakaguluhan ng mga babae..Nagulat ako ng dalhin nyako para makita ko.Hinayaan ko nalang kasi parang...Si kevin bayon? Ang grupo nila andito?


"Ibaba mo na ko"Sabi ko kay austin at binaba naman nya ko "Excuse me!!"Sumingit singit ako hanggang makarating nako sa unahan..Parang ang seryoso na ni kev? Nasan na yung laging nakangiting kev? Gangster din ang suot nila. Sila ang kumidnap sakin natatandaan ko..Biglang napatingin sakin si Kev..Pero Wala syang reaksyon at umiwas nalang sya..

Hanggang sa umalis na sila kasama ang mga fangirl nila.Naiwan nalang akong tulala.

"Railey..malalate na tayo"Nagulat ako sa sinabi ni austin..Hinila ko na sya..Hanggang sa malampasan na namin yung grupo nila kevin

Wait..Parang nag eenjoy yata tong austin na to..Binitiwan ko na sya

"Bakit ka bumitiw?" Talaga!

"Tse..Gustong gusto mo naman, ano ka sinuswerte?"Sabay irap ko at nag lakad na

"Tsk! Sino ba satin ang humila? At kung sino naman sa tingin mo ang sinuswerte sating dalwa ikaw yon..Isang Dominick Austin Salazar nahawakan mo ng kamay" Ay..Oo nga ako pala ang humawak..Hehehe

Wala parin akong paki nag lakad nako

Mas gusto ko parin ang Dark Phantom

Ako rin naman..Rank #1 parin sila.

Ang swerte naman natin..Ang Rank #1 at Rank #2 ng sikat na gangster dito napasok..

Dadami na ang tansfer dito.

Bet ko yung Harold at Si drake

Ako si Ahmm sino ba sa Dark Phoenix ahah...Si Kevin ang pogi nya tapos ang cool nya kumilos

For me si Lloyd,Jason

Sakin nalang dave at ken

Sige basta akin na ang buong dark phantom

Hindi pede

Dark Phantom ang mas maggaling kaya

Ano nanaman ba tong news na to? Nakakaumay na ha! Ano naman ang swerte na nag transfer pa ang isang grupo ng gangster? Lalo kayang lalaki ang gulo at mayayabang.

Nakarating nako sa room..

Umupo nako..Wala parin si Austin nasan na yon?

Ilang minuto dumating narin si Austin kasabay si Sir..

"Class we have a transfer student please inside" Feeling ko si kev yung papasok pero nag kamali ako..Sino nga ba ulit to


"I'm Harold Felix "Harold naalala ko na..Tumingin sya sakin at tumingin sya kay Austin na tulog..Tulog?

Niyugyog ko sya "Letsye ka gumising ko...Pag ikaw nahuli"

"Ok find your seat"Sabi ni Sir


"Austin..Bahala ka kung ayaw mo"Sabi ko kay austin

Pero bumangon naman sya..

"Nakakainis naman"Sabay gulo nya ng buhok nya "Inaantok pako" Natawa nalang ako para syang bata.

"Narinig mo ba yung introduce kanina?"

"Anong introduce?"Ok..Di talaga sya marunong makinig


"Ayun"Sabay turo ko sa harold nayon

"Harold? Bat andito yan?"Ok hindi talaga nakikinig tong lalaking to

"Ang kulit mo..Transfer nga sya"

"Raile"Naging seryoso nanaman sya "Wag kang lalayo sakin..Diko kalang lagi sa tabi ko..Lalo na andyan ang Dark Phoenix baka kung ano ang gawin nila sayo"

"Opo captain.Wala na po ba kayong ipag uutos?"sinamaan nya ko ng tingin

"Tumigil ka nga..Seryoso ako."

"Edi seryoso"Sabi ko at nakinig nalang

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top