27. None
|| Eivel ||
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. For a moment, the tension in the room disappeared and the atmosphere changed.
Natulala ako sa salitang nakasulat sa whiteboard ng pharaoh.
"H-Huh. . ."
Tumaas ang dalawang kilay niya nang mapansin niya ang reaksyon ko. He acted surprised when he saw my answer as if he didn't expected it.
"Oh, looks like we have different answers," kaswal niyang sambit.
Walang boses na lumabas sa bibig ko. Bagkus ay humigpit lamang ang pagkahahawak ko sa whiteboard ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi.
"Strange. . . but oh well, you'll have your point, Miss Eivel." Kumurba ang labi niya sa isang ngiti bago burahin ang nakasulat sa whiteboard niya.
Napaismid ako bago ibaba ang akin at burahin ang nakasulat. What's with his answer?
Napailing ako at pilit kong isinawalang bahala ang sagot niya. Maybe he's just bluffing when he said he really know me.
Sumulyap ako sa blackboard para basahin ang susunod na tanong at naningkit ang mga mata ko sa nakita.
'Someone who makes me laugh.'
I gritted my teeth out of frustration. Anong klaseng tanong 'yan? Ginagago ba nila 'ko?
Kung kilala nila 'ko, alam nilang walang saysay sa 'kin ang mga tanong na 'yan.
Iritado kong sinulat ang sagot ko sa whiteboard at walang pag-aalinlangan itong tinaas.
'None'
As soon as I raise my whiteboard, I was taken aback by the pharaoh's answer.
Kusang nawala ang bakas ng pagkairita ko sa mukha nang makita ko ang pangalan na nakasulat.
'Kid'
I paused for a moment. Para bang bigla kong narinig ang boses niya sa isipan ko.
'Eyo! Eivel!'
"Looks like I got the answer wrong again."
Natauhan ako nang magsalita ang lalaking kaharap ko. Agad akong napailing at tinago ko ang ekspresyon ko.
"Tsk, do you really even know me?" giit ko habang binubura ang nakasulat kong sagot.
"Oh, forgive me." He chuckled.
Napaismid ako at napaiwas ng tingin. Sa totoo lang ay dapat maging masaya ako na nagkakamali siya dahil ang ibig sabihin n'on ay nagkakaroon ako ng puntos.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang mainis. . .
Muling nabura ang nakasulat sa pisara at napalitan ito ng bagong tanong.
'Someone I want to play against with.'
Kumunot ang noo ko sa nabasa. Anong klaseng tanong 'yan?
Bakit ako mag-aaksaya ng oras sa ibang bagay o magkakaroon man lang ng interes maliban sa pag-aaral?
'None'
'Kenji'
Sabay kaming nagtaas ng pharaoh. Sa pangatlong pagkakataon, magkaiba ang sagot naming dalawa. I gasped when I saw his answer.
Kenji? That guy? I didn't even remember him-
-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
"Chess competition? Isasali niyo 'ko ro'n?"
Tumango ang teacher ko na mukhang mas gusto pang sumali kaysa sa 'kin. Napabuntong-hininga na lang ako at pumayag.
I don't really like playing chess. But because I'm good at it, ako lagi ang sinasali sa mga competitions sa school.
Of course. . . para mapaganda ang pangalan ng eskwelahan, tsk.
Iyong araw ng competition ay wala akong nakitang mga bago. Mga estudyante lang na halatang binasa lang ang basic information tungkol sa laro. Kahit nga ang mga rules hindi nila alam.
I thought it was just going to be a normal, boring competition as always. Not until someone caught my attention.
Sa lahat ng mga players na pilit na pinagmumukha ang mga sarili nilang seryoso at matalino, nangibabaw ang isa na nakakurba ang labi habang naglalaro.
Rather than thinking, he looks like he's really enjoying himself.
I was stunned for a moment. And for the first time, I suddenly felt intimidated.
Para bang sa unang beses ay gusto kong magseryoso sa laro. . . dahil alam kong hindi siya basta-basta at may chansa akong matalo.
I want to play against him. . .
But unfortunately, it didn't happened.
Sa huli, kagaya ng laging nangyayari, ako ang nanalo. Hindi ko siya nakalaro.
-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
Napaismid ako mariing napakagat sa ibabang labi nang may matandaan ako. Damn, I'm starting to hate this game.
"Looks like I'm getting the answers wrong, I need to concentrate more," natatawang sambit ng kaharap ko.
Sa aming dalawa ay siya lang ang mukhang nag-eenjoy. Tsk, but it doesn't matter.
Ako lang ang tama sa larong 'to. As long as nakaka-score ako, wala na 'kong dapat pang problemahin.
Nagbago ang tanong sa blackboard at naramdaman ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko sa nakasulat.
'Someone I look up to.'
Humigpit ang pagkahahawak ko sa marker at agad akong napayuko habang nagsusulat.
'None'
Sinulat ko ang gusto kong isulat. Sigurado akong magkaiba ulit kami ng sagot ng pharaoh. Pero para sa 'kin ay ito ang tamang sagot.
Dahil wala akong taong tinitingala-
'Dad'
I bit my lower lip as I kept my mouth shut. Para bang nanlambot ang katawan ko lumuwag ang pagkakahawak ko sa marker.
Gusto kong mainis sa nakasulat. Gusto kong magalit sa kaharap ko.
Are you kidding me? Bakit sa dinami rami ng pwede mong isulat, 'yon pa?
Ang taong hindi man lang ako nilingon kahit nasa tabi niya lang ako. Ang taong hindi man lang ako kayang bigyan ng oras kahit magkasama na kami.
How can I look up to a person who didn't even glance at me when I'm at the bottom?
"Eh? I didn't get the answer right?" pagmamaang-maangan ng lalaking kaharap ko.
"Strange. But congrats!" Pagsasawalang bahala niya.
Kaswal niyang binura ang nakasulat sa whiteboard habang nanatili akong nakayuko. I'm fucking starting to get fed up with this game.
Muling nabura ang nakasulat sa pisara at nagsimulang magsulat ang chalk ng panibagong tanong.
'Someone I want to apologize to.'
I didn't even bothered erasing my previous answer. Nanatili akong nakayuko at hinintay kong matapos sa pagsagot ang kasama ko.
Alam ko na ang isasagot niya. After all, siya ang unang pumasok sa isip ko-
'Mira'
Tinaas ng pharaoh ang sagot niya at sumalubong sa 'kin ang isang pamilyar na pangalan. Nanatili akong walang ekspresyon at hindi ko magawang makapagsalita.
"Miss Eivel? Is that your answer?"
Mariin akong napakagat sa ibabang labi dahil sa narinig ko. They really did their research about me.
Walang kaemo-emosyon ko siyang hinarap at nagtama ang mga mata namin.
"I don't know what you're planning but I have enough of this shit," malamig kong sambit.
"It's either you're doing this on purpose or it's just a coincidence. . ."
"But I'm telling you, there's a 0% chance that I'll get the wrong answer. I know myself better than anyone."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Unti-unting nandidilim ang paningin ko sa paligid at para bang nilalamon ng dilim ang silid.
Wala akong makita. . . wala akong maramdaman. . .
If people have respective roles in their lives, what is my role? If we live in a matrix, then what is my aspect? What am I supposed to do? For what I'm doing this for and for who?
Is my position in this fixed life is a student who only studies? Is my contribution to this world is to be a perfect individual with enough skills to be at the top of the society?
"It's not about knowing yourself... but being honest to yourself..."
I snapped back to reality, the questions I'm thinking stopped. Seryosong nakatingin sa akin ang pharaoh. He heaved a sigh before erasing his answer.
"Well then. Last question."
"If I get the answer wrong, then you win, Miss Eivel."
Napaismid ako bago burahin ang nakasulat sa whiteboard ko at hawakan ang marker. Hinintay ko ang magiging tanong sa blackboard.
Parang bumabagal ang takbo ng oras habang nagsusulat ang chalk at unti-unti kong nababasa ang nakasulat sa harapan.
'Someone I can trust.'
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa marker.
I grew up relying to no one.
I grew up getting help from no one.
I grew up trusting. . . no one. . .
An individual who's role in life given by the creator is to be the perfect child. Who excels. Who was born to be at the top.
Iyon ang kinalakihan ko. . . gano'n ang naging paniniwala ko.
That was from the past. . .
But. . . how about now in the present?
Hindi ko namalayan na wala pala akong nasulat at naunang matapos ang lalaking kaharap ko. Nakasulat sa whiteboard niya ang pangalan na unang pumasok sa isip ko at binabalak kong isulat.
'Sage'
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top