12. The Prodigy

|| Game General ||

Napaismid ako sa sarili ko habang hawak-hawak ang mga baraha at ang champagne glass sa isang kamay.

Akala ko ay mali lang ang pagkaririnig ko sa sinabi ng babaeng nakalaro ko no'ng nakaraan.

Pero mukhang hindi sila nagbibiro. . .

"Hays katamad. Ayoko na, ikaw na ang panalo," sambit ng bagong lalaking kalaro ko. Nakanguso siya at walang ganang napasandal ang batok sa mga kamay.

Isa siya sa tatlong pesteng players na humamon sa akin noong nakaraan. As far as I can remember, his name is Kid.

Pangatlong araw na ngayon, limang beses sa isang araw nila 'kong hamunin. Pero pare-pareho lang ang nagiging kalabasan ng laban naming apat.

Bago ako manalo, sumusuko na sila.

"Hey, brat. What are you planning?" mariin pero kalmadong tanong ko.

Tinapunan ako ni Kid na para bang walang kaalam-alam. Humigpit ang pagkahahawak ko sa baso.

"E-Eyo? Tinatawag mo 'ko?" pagmamaang-maangan niya.

Nag-igting ang bagang ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Wala niyang ganang binitawan ang mga baraha niya at lumabas sa VIP room.

"Those fucking brats. . ." bulong ko sa sarili.

Isa sa mga dahilan kung bakit pumayag ako sa trabaho na ito dahil magagawa kong makita ang mga itsura ng mga nakakalaban ko sa oras na matalo ko sila. I want to see them in despair, losing their shits!

Pero hindi ko na 'yon nararamdaman ngayon. . .

Dahil kusa ng sumusuko ang mga kalaban ko na para bang baliwala lang sa kanila ang pagkatalo!

Nilukot ko ang mga barahang hawak ko.

Those freaking kids. Sinusulit nila ang pakikipaglaro sa akin. Pwes, susulitin ko rin ang panggagago sa kanila.

Kinabukasan ay nabigla ako nang maabutan silang tatlo sa lobby ng casino. Together with their coach, they are all waiting for me.

Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. "Oh, are you all getting tired already? We're just getting started tho?" natatawang sambit ko.

Walang ekspresyon akong hinarap ni Sage.

"I challenge you, Game General," seryosong bungad niya.

Tumaas ang kanang kilay ko habang pinagmamasdan sila. Himala ata at wala siyang subo-subong lollipop ngayon.

"Very well, let the game begin."

-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

Kapwa kaming nakaupo at magkaharap ni Sage sa VIP room.

Kagaya nang una naming laro, Old Maid pa rin ang card game namin ngayon.

While holding a glass of champagne, I paired my cards without breaking a sweat.

Hindi mawala ang tingin ko sa batang kalaro ko. Mukha namang walang pinagbago sa paglalaro niya mula no'ng huli naming laro.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigilang kabahan. I feel so uneasy. . .

What is this feeling?

Tsk, imposibleng kinakabahan akong matalo niya 'ko. Hindi maaring mangyari 'yon.

No one can beat me when it comes to gambling.

No one.

Nagsimula na kaming magpalitan ng mga baraha. Tila kalmado lang siya sa pagkuha sa akin na para bang hindi siya nababahala sa mga kilos niya.

Pasimple akong napaismid.

This brat. Minamaliit niya na ba 'ko?!

"Hey brat, it seems like something is different? Do you have something up your sleeve?" natatawang sambit ko.

Pinilit kong ngumisi matapos kong sabihin 'yon. Hangga't maari ay hindi ko pinapahalata na nakakaramdam ako ng kaba.

Nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng mga baraha. Nakaukit pa rin ang ngisi sa labi ko habang pinapanood si Sage sa pagpares ng mga baraha niya.

"Aww, you're not going to answer? Well, I guess I'm right. I mean, they won't call you a Game prodigy if you're not special or something, right?" muling sambit ko.

Sa unang pagkakataon ay nagawa niya na 'kong tapunan ng tingin. Nakipagtitigan lang din ako sa kaniya habang nakangisi.

"If I were you, I would focus on the game instead of chatting. You won't know when will the enemy strike," walang kaemo-emosyong sagot niya.

Nawala ang ngisi ko sa labi at unti-unting nagbago ang ekspresyon ko.

Sinusubukan talaga ako nitong batang 'to.

Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya 'ko matatalo. Hindi-

Nawala ang mga nasa isip ko nang tapunan ko ng tingin ang baraha ko. As if my mind suddenly became blurry, the instant I laid my eyes at my card. I was too focused on my opponent, that I lost track of the game.

Nasanay akong nasa kanila ang atensyon dahil nitong mga nakaraang araw. Masyado akong nadala sa pagbantay sa kanila na nawala sa atensyon ko ang dapat kong tuonan ng pansin.

Isa na lang ang natitira sa baraha ko. Samantalang ang kay Sage ay dalawa pa.

I was dumbfounded, astonished. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kong ubos na ang champagne ko. Pero wala pa ring pumapasok sa silid upang bigyan ako ng panibagong bote.

"Oh? Your champagne is late. Do you want us to wait for it?" biglaang sambit ng kalaro ko.

Parang bumagal ang oras at naramdaman ko ang pagtulo ng mga pawis ko. Kahit malamig sa silid ay sunod-sunod silang nagbabagsakan.

Hindi ako makakibo at natauhan na lang ako nang kunin ni Sage ang nag-iisang barahang hawak ko.

"I guess that's a no," walang gana niyang sambit.

Hindi man lang ako maka-react o makapagsalita man lang nang pinares ni Sage ang huling pares ng baraha na meron siya.

Meron pa siyang natira.

Tinapunan niya 'ko ng tingin at dahan-dahang iniharap sa akin ang barahang natira.

The Old Maid.

"T-That's stupid-" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Do you think we wasted our time playing with you for the last three days for nothing?" biglaang sambit niya.

Inilapag niya ang baraha sa lamesa at kaswal na kumuha ng lollipop sa bulsa.

"Nah, mainipin si Eivel. Hindi niya gagawin 'yon," walang ganang dagdag niya.

Prente siyang sumandal sa upuan.

"You have three mistakes, Game General," pangunguna ng lalaking kaharap ko. Tinaas niya pa ang tatlong daliri niya.

"First, masyado kang kampante. Ni hindi mo man lang masyadong tinago ang alas mo."

"Second, mali ka ng gwardyang pinili. Dapat 'yong magdadala sa 'yo ng champagne ay 'yong malakas-lakas sana. Para hindi madaling mapatumba."

Lumapit sa akin si Sage at matalim akong tinignan. Doon ko napagtanto na pinagpapawisan na 'ko ng malamig. My hands are trembling, heart beating too fast. 

"And lastly, masyado mo kaming minaliit." 

Naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan narinig. I can't utter a word, I'm still aghast, my mind still can't process what's happeningit's too fast-

"Kaya ka kampante sa mga laro, kaya sigurado kang mananalo ka. . ."

"Dahil sa umpisa pa lang ay nasa sa'yo na ang Old Maid."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, may kung anong dumagan sa magkabilang balikat ko. Sa lahat ng nakalaban at nakalaro ko, hindi ko inaasahang mga bata lang ang makatutuklas sa trick na gamit ko. 

The chills down my spine, my mind spinning, and my world losing it's colors.

I knew at that moment. . . that I fucked up.

"Sa umpisa pa lang ay wala na sa deck ng baraha ang Old Maid. Para masigurado mong hindi talaga ito makukuha ng kalaban mo," muling ani ng lalaking kaharap ko.

"Pero kailangan nasa sa'yo 'yon para manalo ka. Pero paano mo 'yon mailalagay sa mga baraha mo ng hindi nahahalata?"

"Doon papasok ang bote ng champagne. Ang aakalain mong label ng bote ay baraha na pala."

"Dahil na rin isa kang professional gambler ay baliwala na sa'yo ang pagkuha ng baraha at ang pagpalit nito dahil sa mabilis mong kamay."

Tanging paglunok na lamang nang malalim ang nagawa ko.

Hindi ako makasagot.

Hindi ako makaimik.

Para bang binabasa niya ngayon ang mga nasa isip ko.

I knew that. . . I can't say anythingto counterattack- 

"Yes, you're right, miss. When it comes to gambling, no one can beat you." 

Unti-unting kumurba ang labi nito sa isang ngisi. I remained quiet and frozen in my place. My eyes slowly widened, seeing his expression changed.

Like he's a different person from the first time I met him. It's the first time I saw the liveness on his eyes, he's amused! This guy, is a different person when's he's playing games!

"But when it comes to games, no one can beat me."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top