10. Plan

|| Kid ||

Nasa balikat ko si Potchi at kasama namin si Eivel na naglalakad. 

Dadalhin daw kami sa  isang sut. . . soot? soat? so-

Sa isang kwarto rito sa pinasukan namin. Papunta na kami roon ngayon habang hinihintay si Sage.

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila kanina. Ang alam ko lang ay makikipaglaro si Sage roon sa magandang babae.

"Ya! Matigas talaga ang ulo ng lalaking iyon-ya!" iritadong sambit ni Potchi.

"What do you expect? He's a jerk," dagdag ni Eivel.

Pilit na lang akong tumawa sa mga sinabi nila. Ang hirap talaga kapag may kasamang babae, tapos 'yong isa gini pig pa. 

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa kwarto namin. Napasinghap ako nang makita ang loob.

Ang angas ng nasa loob ng kwarto, parang 'yong mga nakikita ko sa mga palabas dati sa TV. Meron pang malalaking bintana kung saan nakikita namin ang kabuoan ng bayan. Dahil maggagabi na ay kitang-kita ang iba't ibang kulay ng mga pailaw sa labas. Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako!

Patalon akong umupo sa sofa dahilan ng pagkahulog ni Potchi.

"Ya! Stupid Kid-ya!" inis niyang sambit sa akin. Natawa na lang ako bago siya kunin sa lapag.

"Eyo, sa tingin niyo mananalo si Sage?" pag-iiba ko.

Pareho kong nakuha ang mga atensyon nina Eivel at Potchi sa sinabi ko.

"Dapat lang, para naman hindi niya kainin ang mga sinabi niya sa atin," walang ganang sagot ni Eivel.

Napanguso ako sa sinabi niya at tinapunan ko ng tingin si Potchi. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa amin 'yong mga lalaruin? Para mapadali na lang 'yong pagkuha ng mga ano, ano. . . 'yon," ani ko.

Kumunot ang noo ni Eivel sa sinabi ko habang hindi maipinta ang mukha ni Potchi, pero, mukhang pa rin siyang gini pig.

"Moron-ya! Naka-program lang kami para gabayan kayo rito sa loob ng game! Tanging mga lugar at mga pangalan lamang ang alam namin dito-ya!" sagot niya sa akin.

Tawa ang sinagot ko sa kaniya na mas lalong pinagtakahan ni Potchi at ang pagkunot lalo ng noo ni Eivel.

"Naway bigyan pa ako ng mahabang pasensya ng Diyos." Rinig kong kumento ng babaeng kasama namin.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Panigurado lang akong naiinggit lang siya akin dahil marami akong nickname kay Potchi. Stupid, Moron, at siguradong marami pa. Gano'n ako kamahal ni Potchi.

Habang nag-uusap kami ay hindi namin napansin ang pagpasok ng isa pa naming kasama sa loob. Agad akong nakaramdam ng saya nang makita si Sage na kaswal na pumasok sa loob, sa likod niya ay nasulyapan ko ang mga gwardyang nagdala sa kaniya rito.

"Eyo! Sage!" pagbati ko. "Nanalo ka?" 

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang may dinukot si Sage sa bulsa niya.

Yown! Iyong!-

Nawala ang ngiti ko nang makitang isang lolipap ang kinuha niya. Binuksan niya ito at sinubo bago ako tapunan ng tingin.

"Nah. I lost," kaswal niyang sambit.

Pare-parehong napaawang ang mga bibig namin sa narinig. Lalo na si Eivel na bakas sa mukha ang inis.

"Y-You what?!" iritadong sambit niya. Lumapit pa siya kay Sage.

Walang gana siyang tinignan nito bago sumagot. "I lost," pag-uulit ni Sage.

Mas lalong napaawang ang bibig ni Eivel sa sinabi niya. Ni hindi man lang pinansin ni Sage ang reaksyon namin at dere-deretso itong pumasok sa loob.

"Wow, nice suite," kumento niya. Parang walang matatalim at masamang tingin na binabato sa kaniya ang mga kasama ko.

Kumunot ang noo ko nang lapitan niya ang pader para pagmasdan ito mabuti. Hinampas niya 'to, kinatok, hinampas, at kinatok ulit. 

"Oh, it's wood." 

Muling naglakad sa ibang pwesto ni Sage. Sinimulan na siyang sundan ng kasama kong babae.

"Hey, Sir Prodigy. Anong pinagsasabi mong natalo ka ha?!" Hindi maipinta ni Eivel habang magkakrus ang dalawang braso.

Naabuntong-hininga si Sage habang tinitignan ang paligid. "Just like what I've said. I lost. That's it." 

Muli siyang lumapit sa isang pader. Kagaya ng ginawa niya sa naunang pader ay inulit niya ulit 'yon. 

Naniningkit ang mga mata ko habang pinapanood siyang kumatok-katok. Anong pinaggagawa niya? Tinitignan niya ba kung kahoy ang lahat ng pader dito?

Pero ang mas pinagkataka ko ay ang biglaang pagtigil ni Eivel sa pagsasalita. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon niya ngunit mabilis din itong bumalik sa dati.

"The Game General is too good. Magaling nga siya pagdating sa pagsugal," walang ganang sambit ni Sage.

Nilapitan nito ang isang lamesa at isang beses na hinampas ito. "Oh, a glass," aniya.

Kaunting nakaawang ang bibig ko habang pinapanood sila. Sinusundan ko lang sila ng tingin habang nag-iisip. . . kung may naiisip nga ba talaga ako.

"So? Anong plano mo?" biglaang sambit ni Eivel.

Tila nag-iba ang ihip ng hangin at nagbago ang tono ng pananalita niya.

"I don't know, I guess we should look for another Game General," walang ekspresyong sagot ni Sage. 

Huli nitong nilapitan ang pinto. Dalawang beses siyang kumatok dito at isang beses niyang hinampas.

Hinanda ko na ang sarili ko sa pag-init ng ulo ni Eivel sa sinabi niya at ang pagbubunganga na naman nito. Pero hindi ko inaasahan ang inakto ng babaeng kasama namin.

Napabuntong-hininga si Eivel at tumalikod. Nagsimula itong pumunta sa pinto palabas. "Fine, sabi mo eh," tipid niyang sagot.

Naiwang nakaawang ang bibig ko sa nangyari. Kapwa ko ay wala ring naintindihan si Potchi sa biglaang naganap.

"E-Eyo. Susuko na agad tayo?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Y-Ya! Anong pinagsasabi niyo Sage-ya!" dagdag ni Potchi.

Walang ka emo-emosyon kaming tinignan ni Sage. "Kagaya ng sinabi ko, hindi natin siya kayang matalo. Pwera na lang kung may plano ka." 

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

Hindi ko alam kung anong meron at anong nangyari pero imposibleng sumuko na lang basta-basta ang mga kasama ko.

Napaismid ako bago lumabas sa kwarto. Nagmamadali akong lumabas ng sugalan upang sundan si Eivel. Tatakbo na sana ako papunta sa sakayan ng tren nang agad na maagaw ang tingin ko ng isang babae.

Isang pamilyar na pigura ang naaninagan ko dahil sa parang xmas lights na nakadikit sa pader ng pasugalan. Natigilan ako at napaawang ang bibig ko nang makitang kaswal na nakasandal si Eivel sa pader sa gilid nito.

"E-Eyo, Eivel!" pagtawag ko sa kaniya.

Tinapunan niya ako ng tingin habang lumalapit ako sa kaniya.

"E-Eyo, siguro ay may kung ano lang nangyari kay Sage-"

"Bakit ang tagal niyo?" pagsingit ni Eivel sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Balak ko sanang magtanong nang kapwa kaming nakarinig ng nagsalita sa likod ko.

"Yo," sambit ng isang pamilyar na lalaki.

Napaawang ang bibig ko nang makita si Sage na naglalakad papunta sa amin habang may subo-subo na lollipop. Namilog ang mga mata ko habang tinitignan sila ng walang kaide-ideya sa mga nangyayari.

"E-Eh?" 

Kaswal na lumapit sa amin si Sage. " So, simulan na natin ang plano," walang gana niyang sambit.

Kumunot ang noo ko. " T-Teka lang. Anong nangyari? Akala ko ba balak niyong sumuko?" naguguluhang sambit ko. 

Parehong tumingin sa akin sina Sage at Eivel na para bang may mali akong sinabi.

"Tsk. There's 0% chance that we'll give up just like that," sagot sa akin ni Eivel. Tinuro niya ang sintido ni Sage. "Lalo na kung kasama natin 'tong lalaki na 'to," dagdag niya.

"P-Pero ano 'yong kanina?! Iyong mga sinabi ninyo?" Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila.

Napabuntong-hininga si Sage. "Morse code. Pasimple ko yung ginawa. Puno ng CCTV ang kwarto kanina. Binabantayan nila tayo," sagot niya.

Napaawang ang bibig ko. Pareho ko silang pinagmasdan ni Eivel. Wala akong kaalam-alam kanina na pasimple na pala silang nagkakaintindihan.

Hindi ako makapaniwala na mga kasama ko sila rito sa laro.

"Well then, let's start planning." Seryosong umangat ang tingin ni Eivel.

"To beat the Game General."

✘✘✘

MORSE CODE

C= -•-•
Hit, knock, hit, knock
T= -
Hit
V= •••-
Knock, knock, knock, hit

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top