Chapter 31

Chapter 31
Mean It

"Uy, Mae! Kinakaya mo pa ba?" tanong ni Jesca sa akin. Tapos na ang huli naming klase ngayong araw. Papauwi na sila habang ako ay diretso sa rehearsal.

"Yup! This is the second to the last competition. I'll be fine."

"O sige. Pwede na ba kaming manood?"

"Iyong sa Tagaytay na ang panoorin nyo!" tumawa ako. Binuyog ko siya palabas ng school gate.

Pagkadating ko sa room ay wala sila. May ibang estudyanteng nagaaral kaya't lumabas ako. Nakita ko kaagad si Darrah na lumabas mula sa katabing classroom. Nakita niya ako at dali dali akong tinawag.

Bumati silang lahat nang makarating ako. Ako na lang pala ang hinihintay. Naghanda na sila sa gitna para mag-stretch. Si June naman ay natutulog pa sa lamesa ng prof.

"June... rehearse na tayo para makauwi na." Si Yanis ang gumising sa kanya.

"Paki-remind ulit ako kung bakit magandang idea ang MedTech?"

"O mamaya na pag-usapan kung may pag-shift na magaganap," untag ko sa dalawa. Tumawa ako nang umismid si June.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya inaantok. Actually, ako rin. I just want to lay on my bed right now. Kaya lang ay malapit na ang Final Battle.

After rehearsal, we stayed for a couple of minutes to do some simple freestyles. Nagyayang mag-dinner si Darrah sa labas, and we all thought it's a good idea since we all looked like we've been deprived of food for a long time.

"Sino kaya ang mananalo sa Final Battle?" tanong ni Yanis.

"Kung hindi tayo, Fiery Heroes malamang." Ngumuso si Cess.

"I wonder why we're not winning over them. Dahil ba sa group size? Mag-hakot na ba tayo ng bagong members?"

Ilang beses pang nagtaka ang groupmates ko. They were full of ideas and speculations, and I'm just hungry. Winning is a really huge thing. But for me, being able to perform in a crowd is more than enough.

I remember the days when I was just beginning to dance. Magaling magturo si Ate Kayla kaya ako ko natunton ang lugar ko ngayon. Naalala ko rin ang isa pa niyang sinabi na wala ang galing ng isang guro kung wala sa puso ng magaaral ang ginagawa.

I guess it's true. I was more than willing to learn the first time I got into the studio. I saw people who were passionate about the craft; how their body exuded bright aura, and how their sweat told me that it's a sweat of hard work and love.

Then something inside me snapped.

"Guys, maybe for the competition in Tagaygay I could help with the choreography?"

"Duh! It's about time we incorporate Cazandra Mae to our dance moves."

Tumawa ako, "Okay! Okay! First time ko, ah! Walang tatawa."

Siniko ako ni Cess at madamdaming nag-react.

"Girl! Alam mo bang halos lahat ay parang mauubusan na ng laway pag sexy kang sumasayaw!" Nanlaki ang mata niya nang biglang may naisip. "That's what you're going to teach us! Iyon ang idagdag natin."

"Please... Alam ko namang kaya niyong lahat sumayaw ng ganon."

"Yeah. But you're better! Marunong lang akong gumiling, at hindi pa kasinlambot ng ginagawa mo ah," sabi ni Darrah.

Napahinga ako nang malalim. Pagkatapos pagusapan ang dance-related stuff ay nagkwentuhan naman kami. We talked about the upcoming Finals and a little about our lives before going home.

We decided to go home early the next day to study. Si Yanis at Cess ay may quizzes kaya't minabuti namin na mag-skip ng rehearsal.

Pagkagising ko mula sa idlip ay hindi ko maiwasang pansinin ang ingay mula sa kabilang kwarto. Ji is playing loud music again!

Binuksan ko ang pinto niya nang wala akong narinig na sagot. Boys, who seemed like his classmates or friends, stopped their jobs to look at me.

May mga cardboard sa lapag at may mga naggugupit ng mga pulang cartolina. May isa pa akong nakitang tumutugtog ng gitara sa harap ng computer desk ni Ji.

My brother jumped to push me out of his room. Saglit niyang pinagsabihan ang mga kaibigan sa loob bago ako hinarap.

"Ate, bakit?" May kaba sa kanyang boses. Patingin tingin pa siya sa kanyang likuran.

"Anong ginagawa nyo? Can you tone down the music? Doon na lang kaya kayo sa baba?" medyo iritable kong sabi.

"May bisita sina Mama sa baba. Nagkakantahan din, kaya dito kami sa kwarto."

Nagbihis ako sa mas maayos na damit bago sinilip ang baba. Hindi ganoong malakas ang karaoke ngunit nagkakantahan naman ang mga matatandang bisita nina Mama.

"Mae, nasa baba ang mga katrabaho ko. Gusto kang makilala ni Dr. Robert. May sarili siyang hospital. He told me earlier he's open to accomodating your internship."

"Okay, Pa. Pero matagal pa po 'yon."

Dahil sa dami ng dapat pagtuunan ngayong semester ay hindi ko pa naiisip ang future. It's strategic to think of it already but for me it will be best to focus on what's happening right now.

"Magpakilala ka muna."

Nag ayos ako ng gamit. I packed the books and reviewers that I need. Pagkababa ko ay nagulat si Mama sa ayos ko.

"Mama, I'm going out to study," I told her.

"O sige. 'Wag kang magpapagabi. Teka, mag dinner ka muna."

The smell of the roast beef sitting on the table is drool-some. May iilang putahe pang nakahanda sa lamesa na binabalik-balikan ng mga bisita. Kumuha ako ng isang mansanas at humalik sa pisnge ni Mama.

"Sa labas na lang din. Uuwi ako ng mga..." Sumulyap ako sa orasan. Alas-siete na. "Midnight?"

"Okay. Magpasundo ka pag uuwi ka na," sabi ni Mama. Iniwan ko siya sa kitchen kasama ang kanyang mga amiga.

Sinalubong ako ni Papa nang makita. Mabilisan akong ipinakilala kay Dr. Robert at tsaka ako pinaalis. Kung hindi niya napagdaanan ang pinagdadaanan ko ngayon ay malamang naroon pa rin ako at ipinakikilala sa ibang bisita ni Papa.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Mabilis ang byahe dahil gabi. Pagkadating ko sa studio ay tsaka ko naalala na hindi ako nakabili ng pagkain.

"Miss, a studio please. Until 12 midnight," sabi ko sa babae sa front desk.

Nag tap siya sa monitor sandali. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya nang makita ang hitsura ko. May bitbit kasi akong Medical books.

"Studio 5, second floor."

Tumawa ako nang nagtataka pa rin siya noong ibinigay niya sa akin ang key card. Imbes na mag-explain ay tumaas na ako. Marami rami pa rin ang narito sa studio ngunit hindi naman puno.

Bago ako makapasok ay nahagip ng mata ko si Hanna. Kumaway siya mula sa pinto ng kalapit na studio. Ngumiti ako bago pumasok.

Hindi kalakihan ang studio na kinuha ko dahil ako lang naman mag-isa. Umupo ako at nilatag ang mga books. Nagsimula akong mag-aral nang may kumakalam na tiyan.

I suddenly remembered the roasted beef... okay! Focus! Kumain naman ako kanina bago matulog.

"Knock knock!"

Tumingin ako sa nagsalita. It's Sien. He looked like he just came from an exhausting performance. May hawak siyang gatorade.

"Sien, I'll study... 'wag ka rito," tumawa ako. Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit? Hindi naman kita guguluhin. At bakit dito ka nagaaral? Para ba malapit sa'kin?" Ngumiti siya nang malapad.

"Hindi ko nga alam na nandito ka. I only saw Hanna."

"Yep! Sabi niya nga sa akin."

Tumango ako. Tinitigan kong muli ang reviewer ko. Sa gilid ng mata ko ay ang nagtatakang mukha ni Sien. Pinipigilan kong hindi tumawa.

Kinuha ko ang highlighter para gamitin, ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi ko pa rin mahanap kung ano ang kukulayan ko.

"Sien!" Hindi ko na napigilang tumawa. "Seryoso. Magaaral ako. See these humongous books?"

"Nakikita ko ang libro mo, Mae. What I can't understand is why here?" umiling siya, "Nevermind! Magfi-feeling na lang ako na ako ang tinungo mo rito."

Tumayo siya. He connected his phone to the sound system and played soothing music. Na-relax ang isip ko sa pinili niyang kanta. But my stomach was not bribed by the calming sounds.

Lumipad ang tingin ko kay Sien nang parehas naming narinig ang pag-alburuto ng tiyan ko. Nakakunot kaagad ang noo niya.

"Hindi ka pa kumain? Ang kulit mo talaga."

"Kumain ako... kanina." Tumawa ako ngunit hindi pa rin siya masaya.

Nagbukas ang pinto ng studio at pumasok si JV. May kaunting pawis sa kanyang buhok, tulad ng kay Sien kanina. They're really working hard. Ano bang course ng mga ito? Ang daming time, eh!

"Man! Naamoy mo lang si Mae sinabotahe mo na kaagad kami!" Umiling si JV.

"Oo. Babalik na ako. Sandali na lang. Bumalik ka na ro'n!"

"I can't believe this guy!" Itinuro niya si Sien at umiling iling. Tumatawa lang ako.

"Dude! Minsan ko na lang makasama 'to. I'll be there in two," pagod na sabi ni Sien.

Minatahan siya ni JV habang umatras palabas. Ilang segundo pa ay dumungaw muli siya para magpaalam sa akin. Ngumiti ako. Pagkabalik ko ng tingin kay Sien ay nawala ito dahil seryoso siya.

"Anong gusto mo?"

"Makapasa."

"Mae," he warned.

"Totoo naman! Ikaw ba, you're in engineering... it must be hard to pass, too."

Kinuha niya ang kamay ko at hinigit ako patayo. Nilipat niya ang music sa isang romantic track ni Bruno Mars. Nilagay niya ang kamay ko sa kanyang magkabilang balikat.

"Hindi naman 'yon, Mae. I'm talking about food. Tinatanong na kita. You should answer, or else ako na ang pipili ng kakainin mo."

"Edi ikaw na lang."

"Sure ka?"

Nilayo niya ako para makita ako nang maayos.

"Oo nga!"

"Alright. Fine. I'll get you a cheeseburger," ngumisi siya.

Uminit ang mukha ko. Marahan siyang kumalas. Umalis nga siya para bumili ng burger. Nagrereview na ako habang wala siya. Pabalik balik naman si JV para silipin kung nakabalik na si Sien.

"Wala pa rin?" Umiling ako. "Damn, that guy! So smitten!"

"Not really, JV. Kung ganon nga, edi sana tuluyan na kayong iniwan nang makita niya ako rito," biro ko.

"That is what's gonna happen! Kung hindi ko pa kinukulit baka di na 'yon mag rehearse."

"Ang OA," tumawa ako.

"Love is all kinds of OA, Cazandra Mae. And Sien? He's always extreme when it comes to you." Tumawa siya.

Tinotoo ni Sien ang pag bili ng cheeseburger. Malakas akong tumawa nang mamula siya habang kinakain ko ito. Tila nawala ang stress ko sa pagaaral habang pinapanood siyang hindi mapakali. Hindi na rin niya natiis, bumalik na siya sa studio nila. Balik naman ako sa pagre-review.

Si Sien na ang nag hatid sa akin sa bahay. Hanggang sa pagmamaneho niya ay tahimik siya. Hindi ko na siya ginulo dahil pagod na rin ako.

Sinalubong ako ni Grace pagkatapos ng isa naming klase.

"Mae, nagkaroon ng changes sa date ng final battle. I think it's going to be the day after Finals Week. Paki-relay na lang, ah?"

"Okay."

Saktong kakalabas lang sa room ni June kasama sina Khean. Noong nakita niya si Grace na kakaalis pa lamang ay tumigil siya sa harap ko.

"Anong meron?"

"Na-move daw ang final battle," sabi ko. "Buti naman, right? Hindi ko na alam ang uunahin sa rereviewhin ko gabi gabi."

"Ako rin! Kung hindi ko lang mahal ang pagsasayaw at program natin! Nga pala, have you seen our photos noong pictorial? It was posted on Facebook last night."

Lumiko kami patungo sa cafeteria. Nauuna na sa paglalakad sina Jesca. Lumingon siya sa amin at tumango lang ako para mauna na sila.

"Hindi ko pa nakikita. Lahat ng photos ng dance group ay posted?"

"Oo! Dami niyo ngang likers ni Sien, eh!" tumawa si June. "Check mo. Dali!"

"Mamaya, after kumain."

"Bakit? Baka ba mabusog ka kaagad?" Nagtaas-baba pa ang kanyang kilay habang malapad na nakangiti. Tumawa ako at binuyog siya.

Hindi ako tinigilan sa pangungulit ni June tungkol sa photos. Nang marinig nina Jesca ay nadagdagan ang mga boses na tila nag pro-protesta.

"Ikaw na lang kasi ang tumingin, Jesca," sabi ni Anj.

"Ayoko! Kay Mae na lang. Hindi ko alam kung anong Page."

Hindi ko pa tapos ang pagkain ko ay napilitan akong ilabas ang phone ko. Maingay silang nagtilian dahilan ng pagtingin sa amin ng ilang estudyante.

"Holy cow! Si Sien ba 'to?!! Bakit parang model!" Jecka gushed.

"Swerte ni Mae, oh! Package deal na ang nakuha!"

Hindi ko pa talaga nakikita ang photo dahil hinablot nila iyon kaagad mula sa akin. Nagbukas ng Facebook si June at gamit iyong kanya ay tsaka ko pa nakita.

His hair was styled the way I saw him that day. It's clean cut and classy. Puti ang kanyang panloob habang itim naman ang jacket niya. There are two versions of his photo. Isang half-body at isang full.

I noticed how he posed for the photo. Totoo ang sinabi ni Jecka, he looked like a model! Patagilid siyang nakaupo. Pabahagya siyang nakatungo habang nakaharap sa camera.

The closer version of photo emphasized the emotion he wore on his face. It's magnificent. Maraming isinigaw ang kanyang mata. He looked as if he's tired and hurting, and as if somebody has laid down all of his inadequacy as a person.

His lips did not become inferior. It was in its natural shade. The gap between his lips appeared like an invitation for a kiss. The memories of our little moments flashed by. I couldn't help but notice how my cheeks burned.

"Ang daming likes at comments!" Tumawa si Anj.

"Tingnan niyo yung comments ng mga lalaki sa photo ni Mae. Lahat yata nireplayan ni Sien!"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hinanap ko ang sa akin. Nakita ko na ito mula pa sa camera ng photographer. But this one was processed and an improved quality. I tapped the comments.

Randy Santos Ganda mo po, ate! Ikaw ang fave ko sa Sweet Intensity!

Sien Pelarez replied: Maganda nga siya! Fave ko rin yang Mae ko.

Chris Herrera akin ka na lang, Cazandra Rabarra!

Sien Pelarez replied: that's cute, kid!

Jem Legarda May boyfriend ka na ba?

Sien Pelarez replied: Magkakaron na po.

Sinilip ni June ang ginagawa ko kaya't napatigil ako. Tinawanan niya ako. Binalik ko ang kanyang phone nang makuha ko ang akin.

"Panalo ang mga comments ni Sien! Halatang baliw na baliw!"

"Oi, Mae, mag-comment ka rin sa mga babaeng nagcomment sa photo ni Sien. Para goals!"

Sabay sabay silang tumawa. Hindi ko na tinangka na tingnan ang mga comments na sinasabi nila.

"Hindi ka bagay maging model," sabi sa akin ni Sien nang magkita kami.

"Di ko naman pangarap."

"That's good. Mahihirapan ako."

Patuloy lang siya sa pag-scroll sa phone niya. Naglalakad kami palabas ng university. May iilang babaeng lumapit sa kanya para mangamusta.

"Blockbuster ang photo mo sa Facebook, ah? Ang dami ring nag-share!" sabi ng isang babae.

"Talaga? Hindi ko napansin," pabibong sagot ni Sien.

Tumabi muna ako para makapagusap sila. Iyong isang babae ay kinakausap lamang si Sien habang iyong dalawa naman ay halos yumakap na sa sobrang dikit.

Ito namang isa ay hindi lumalayo! Gusto pa!

"Bye, Sien! Aabangan namin ang performance niyo! Lalo na iyong sa Tagaytay."

"Thank you! I'll see you there." Ngumiti siya roon sa tatlo bago bumalik sa akin. "Tara?"

Pumayag ako na sabay kaming uuwi ngayon kaya't sa parking lot ang diretso namin. Hindi ko alam kung kailan siya unang nagmaneho, basta simula ng magkausap muli kami nitong kolehiyo ay may sarili na siyang sasakyan. So I trusted his driving skills ever since.

"Kung magseselos ka lang din ay bakit mo pa ako hinayaan na kausapin iyong kanina?"

"Ha?"

Pinapanood niya ako habang inaayos ko ang aking seatbelt.

"Iyong kanina. Lumayo ka pa. Sana niyakap mo ako para alam nila kung hanggang saan lang sila. Ganon dapat!" Humalakhak pa siya.

"Okay lang naman 'yon. Gusto mo pa nga diba," binulong ko ang huling sinabi.

"Iniinis lang kita," tumawa siya, "Magpicture tayo!"

Hinugot niya ang kanyang phone. Tinulak ko siya nang sinubukang makalapit.

"Sien! Magdrive ka na."

"Picture muna."

Lumapit siya para maabot ang mukha ko. My heart started to race when his lips touched my cheek. Umirap ako nang itapat niya ang phone niya sa amin para kumuha ng photo. Ilang shots din iyon bago siya nakuntento.

"Start driving, Sien," utos ko.

Kunwari ay pinupunasan ko ang pisnge kong hinalikan niya. When in fact I was only touching it. Darating kaya ang oras kung kailan mapapagod siya sa pagiging ganito? Simula noon pa ay nasanay ako na ganito siya. Masiyahin, tila walang pinoproblema.

"Ipopost ko lang! Ano bang magandang caption? 'With the one who's jealous' kaya?" seryoso niyang tanong.

Nagta-type na siya sa kanyang phone.

"Don't! I'm not jealous."

"Ah, alam ko na!"

Itinaas niya ang kanyang phone nang subukan kong agawin. Gamit ang isang kamay ay kinulong niya ang dalawa kong pulso. His hand was too strong.

"Only hers," bulong niya.

Natigilan ako. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Umiwas ako ng tingin. I cleared my throat and adjusted my seatbelt. Narinig ko ang mahinhin niyang halakhak bago umandar ang sasakyan.

Tumigil ang sasakyan dahil sa red light. Naramdaman ko ang pag patong ng kanyang palad sa kamay ko. Nahulog ang tingin ko rito. Pinisil niya ang kamay ko ng isang beses.

"It wasn't just a caption, Mae. I really mean it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top