20
Now Playing: The Shade by Rex Orange County
-----
Mess
"What do you think you're doing?" Sir Geon asked after he saw me feather dusting the living room the next day.
Feeling ko ito na lang ang ambag ko sa kaniya habang nandito sa bahay niya bukod sa bahay niya.
Napahabol ako kay Sir Geon nang hablutin niya sa kamay ko ang feather duster at itinaas. Tumingkayad ako upang maabot iyon pero lalo niya in-extend ang braso!
Bully!
"I'm cleaning, sir," I reasoned out.
"I did not tell you so, Laire. Look at yourself ..." pagalit na aniya bago pinasadahan ng tingin ang damit kong basa ng pawis.
I grinned. "Hindi pa naman ako mabaho, sir, right?"
Muntik na ako mabuwal nang pumulupot ang braso niya sa bewang ko. He then pulled the small of my back closer to him. My foot tiptoed when he bent his face near my neck. He smelled me.
"No... you smell like candy." he smirked.
Lumayo ako sa kaniya bago sapilitan tinalon ang feather duster. He chuckled unbelievably on the side before turning his back at me. Sakto na may nag-doorbell.
Inisip ko ang tao sa likod ng pinto kaysa ang tapusin ang ginagawa kanina.
Dumiretso si Sir Geon sa doorway. Lumingon siya sa akin bago buksan ang pinto.
So, he's expecting visitor this early, huh? At kailan pa siya naging malapit sa babae—oh. Why would I even care?
"What are you doing here, Martina?"
Nagpanggap akong naglilinis. Pero ang tainga ko kasing laki ng elepante.
"I baked some cookies for you! Tsaka my mother told me to give you this—"
Sinilip ko ang ibinigay ni Martina kay Sir Geon. Supot iyon mula sa fancy restaurant. Tinanggap naman iyon ni Sir.
"My mother made that for you! Hope you like it."
Iipis-ipis ako na umalis, parang pusang takot mahuling may tangay na ulam, upang hindi sila ma-interrupt sa pag-uusap.
Ganoon na lamang ang pagpigil ko sumigaw nang tumama ang tagiliran ko sa kanto ng table!
Putang—
"Oh, you have a maid?"
–ina!
Anong maid sinasabi niya? Kung maldita ang tono niya ng pagtatanong, pinalunok ko na itong feather duster sa kaniya.
Nagkatinginan kaming tatlo. Bumaba ang tingin ni Sir sa kamay kong nakahawak sa tagiliran. Mukha akong grinipuhan dito pero maganda pa rin naman ako, 'no!
Nagtaas ako ng kilay kay Sir.
Kumunot ang kaniyang noo. "She's my student ..."
Martina chuckles, walking towards my direction. I can't feel sarcasm in her. She looks so kind and a very fine, mature lady.
Noon ko napuna ang taas niya nang magkatapat kami. Halos hindi kami nagkakalayo. Kung hubog ng katawan, lamang lang siya ng isang paligo.
"Woah ... a student? Have we met?" She was intrigued.
Nakita ko ang matamang paninitig sa akin ni Sir habang hinihimas ang baba. Umirap ako sa kaniya.
"This is the first time we meet, to the best of my knowledge..." ngiti ko.
Ayoko sabihin na nakita ko na siya sa resort at narinig ko lang ang pangalan niya.
"You sure?"
Gusto ko na bumalik sa kwarto ko! But this woman keeps on talking to me as if I am really interested in her. Si Sir Geon lang ang interesado sa'yo!
"Pretty sure." sagot ko.
She nodded unconvincingly. Then, faced Sir Geon again.
"Is she homeless, Geon? Isn't it appropriate to live with your so-called ... student?" Martina simply quoted the last word. "O tama ako na siya ang bago mong ... maid?"
I secretly smirked. Pailalim pala umatake ang mga katulad mo, Martina. If you don't like me, raise your standard.
"Excuse me?" ngiti ko kay Martina, binitawan ang feather duster at humalukipkip.
"Oh, dear, don't misinterpret me here—I was just asking." Though chuckling but sounded harsh to me.
Asking, huh? You sounded insulting.
Tiningnan ko si Sir, umaasa na makukuha ang nais ko mangyari. Pero hindi siya nagsalita, waring may pinag-aaralan sa mukha ko.
Binalik ko ang tingin kay Martina na mukhang kumukulo na ang dugo sa loob dahil sa akin.
The feeling is mutual, dear. In all aspects, to be precise.
Halata naman na may gusto siya kay Sir. I won't deny that I like him, too. Irita siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Patas!
"Martina—" naputol si Sir.
"Might as well, I leave," agap ni Martina at sinipat muli ako habang nakataas ang kilay. "Inform me when you're on your way this afternoon... I'll be there, too."
Hindi ko alam kung sinasadya niya akong pikunin. Bago siya umalis, mabilis niyang hinalikan sa pisngi si Sir Geon.
"Bye, Geon!"
The latter seemed shocked but it's too late. Martina just flew off the scene with a smile on her face.
Humugot ako ng hininga. Dinampot ko ang feather duster sa lapag at iniwan na si Sir. Tinatawag niya ako pero hindi ako lumingon.
Para akong kinakapos ng hininga. Mabigat ang paa ko pabalik sa kwarto. Ewan ko ba, pero para akong sinisilaban ng buhay.
"Witch," I murmured when I slumped my back on the soft mattress.
May plano pa talaga sila mag-meet mamayang hapon? Kung aalis si Sir, paano ako? Anong gagawin ko dito?
Kinatok ako ni Sir pagsapit ng tanghali para sabayan siya sa tanghalian. Gusto ko isipin niya na nakatulog ako kaya hindi ako sumagot.
Bandang alas kwatro ng hapon, bumalik siya at muli akong kinatok. Nagpaalam siya na aalis sandali pero hindi sinabi kung saan pupunta.
Nang mga oras na iyon, buo na ang plano ko na susundan siya. Hinintay ko muna siya makaalis bago nagbihis ng simpleng itim na t-shirt, pantalon, at sneakers. Nag-mask at cap din ako para hindi mamukhaan.
"Manong, follow that car." Sabi ko sa taxi driver.
"E, Ma'am, off duty na po ako—"
"I'll pay you twice, Manong, just follow that car." halos magsalubong na ang kilay ko.
Napakamot sa ulo si Manong. "Boyfriend mo ba iyon, Ma'am? Niloloko ka siguro..."
Ngumiwi ako. Pero sinakyan ko na lang ang haka-haka niya.
Inabot ng isang oras ang pagsunod namin sa kotse ni Sir. Huminto na iyon sa isang resto bar. Hinintay ko muna makapasok si Sir bago ako bumaba ng taxi.
I can't believe this. Bakit sa dami ng tagpuan—sa ganito pang lugar?! Mas marami ang lasing kaysa matinong customers ang nakikita ko.
In the midst of the crowd, I was like a missing child. I roamed my eyes on every dark corner, but I failed to see him nor Martina. Binabangga na ako ng iba at hindi man lang nagpaumanhin pero binalewala ko na lang.
Sa VIP kaya? What if they're doing something there ...
My chest tightened with that thought. Pinalis ko iyon. Muli kong iginala ang aking mata.
Only to find out that random and drunk guys are now ogling at me.
Hindi naman kabastos-bastos ang suot ko kaya bakit gano'n pa rin sila kung tumingin? Hindi rin nila nakikita ang mukha ko. Paano nangyaring malaswa pa rin sila tumingin sa akin?
Oh, geez! What's wrong with these people!
Na-out of balance ako nang hindi sinasadyang mabangga sa dalawang lalaking bagong dating. Nilapitan agad ako ng lalaki upang tulungan tumayo.
"Hey, are you okay? I did not see you there a while ago." His voice is as deep and cold as Sir Geon kaya muntik ko na mapagkamalan.
"Hi, Israel!"
"Hi, Zion!"
May ilang babae na humiyaw mula sa dancefloor dahil sa kanila. Lumingon sila saglit sa corner na iyon nang banggitin ang pangalan nila. Binalik agad sa akin, muling humingi ng paumanhin.
I smiled. "I'm sorry, sir. Hindi ako tumitingin sa daan..."
They both chuckled at me.
Bumulong iyong Zion kay Israel sabay turo sa second floor. Tumango si Israel. Bago sila umakyat doon ay ginawaran ako ng ngiti.
Sino kaya ang mga iyon?
Bumalik ako sa paghahanap kina Sir Geon at Martina sa kabila ng malalanding paninitig ng kalalakihan.
Doon ako pumwesto sa madilim na sulok upang maayos na makita ang mga tao—nag babaka sakali na matiyempuhan sina Sir.
May napadaan na waiter sa gilid ko. Kinuha ko ang huling alak na nasa tray niya. Pinangalahatian ko iyon.
Nagmistulang bolang kristal ang mata ko nang maaninag sina Sir Geon at Martina mula sa second floor.
Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Sir habang pinipilit siya ni Martina na makipag sayaw sa kaniya.
His jaw tightened when he whispered something to her. But Martina just chuckled.
"Let's enjoy muna, Geon! Mamaya ka na umuwi!" pilit ni Martina.
Sir Geon roamed his eyes on the place. His forehead is already knitted. It was as if he's not really enjoying.
"Martina—"
"Come on, Geon," she prompted, then snaked her arms around his neck. "Huwag mo naman ako tanggihan ngayon... I'm with my friends. Your cousins are here, too."
Mabagal kong nilagok ang natirang alak. Hindi nawala ang paningin ko sa kanila. Pero ang pakiramdam ko, hindi ko na madama ngayon.
Martina is desperately doing tricks to make him fall for her. At para malamangan ang mga taong nagkakagusto rin dito. Isa na ako doon.
Tinanggal ni Sir Geon ang braso ni Martina sa leeg niya. Agad din ibinalik ni Martina. Sa pagkakataon na ito, sa mukha ni Sir Geon siya humawak. Bago tumingkayad upang halikan ito sa ... labi.
Nanghihina kong inilapag sa kung saan ang hawak na baso. Good thing it did not break. I tried to breath in normal.
Tangina. Hindi kaya ng inhale-exhale ang galit at selos na nararamdaman ko ngayon.
"What the fuck—what are you doing, Martina?" Sir Geon growled at her after pushing her a bit away from him.
Napatingin sa kanila ang iba pa. Ang iba ay nagbulungan na, natatawa. Ang iba nagtataka. At base sa reaksyon nila, mukhang kilala nila sina Sir at Martina.
Martina chuckles flirtatiously. "Relax, Geon. It's just a kiss. We're both single here. It's normal—"
"Get your fucking hands off me." he said aggravatingly.
Hindi ko na nasundan ang iba pa nilang usapan. Umalis na ako sa lugar. Sumakay ulit ng taxi pabalik sa North Peninsula Mansions.
Nakaligo na ako at lahat, mabigat pa rin ang loob ko. Alam kong wala akong pag-asa, tapos makikita ko pa iyon? Sana ay hindi ko na lang sila sinundan. Kasalanan ko rin kung bakit ko nararamdaman ito ngayon.
"Laire ..." isang katok ang bumasag sa pag-iisip ko.
"H-Hmm?"
Pinunasan ko ang namamasang mata at ilong. Ikinalma ko ang sarili.
"It's dinner... let's eat." May kakaiba sa boses niya pero hindi ko pinansin.
"I'm full, sir. T-Thanks." I tried to sound normal but at the end, it breaks.
In the first place, bakit ba ako pumayag na manatili rito sa kaniya. Sana nakipag matigasan ako. Anong malay ko kung naantala mga lakad niya dahil na rito ako sa puder niya.
Dagli akong bumangon nang bumukas na ang pinto. Hindi ko naitago ang pamamasa ng mata ngayong malapit na siya sa akin.
Nagkatitigan kami ng matagal.
At habang tinitingnan ko siya, bumabalik ang imahe nila ni Martina habang magkalapat ang labi.
Liking him is an alcoholic. I don't want to keep it for the taste. But for the feeling.
Tama lang ang desisyon na hindi ako umamin. It's getting strong... I am afraid to fall alone.
"You look mad, Laire, what's going on?" he asked as he sat beside my bed.
Mabilis akong nakakalap ng dahilan. Dahil trinaydor na ako ng sarili kong luha sa harap niya.
"I just ... miss my mom." mapait akong napangiti.
It's true. Hindi ko na kailangan pekein ang emosyon ko. Hanggang ngayon, wala pa rin balita sa kaniya.
"S-She wants me to find her ..." I added.
He nodded. But did not utter a word.
Nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya. Pakiramdam ko, gusto ko sampalin e. But I won't got to do it ... ever.
"Where have you been?" I immediately changed our topic.
I want to hear you lying, Dungeon Elixor Variejo.
"Bar ... with Martina and my cousins ..." he slowly answered. "We drank..."
I hid my bitter smirk. But it slowly disappeared by the seconds. I have not expect him to tell me about the kiss.
"But Martina had kissed ... me ... uh, yeah. She's just drank." he confessed.
Nagpanggap akong nagulat sa sinabi niya. Pero tila hindi siya kumbinsido. Para bang saulo niya na ako kahit sa pinaka maliit na detalye.
"Laire?" parang naghihintay siya na magagalit o magseselos ako.
"The devil gasped when I was born, Sir. He thought it's gonna be a competition." I retorted. "Kaya wala akong pakialam."
Remind me to cut my fucking tongue later.
Tumayo na si Sir. Nakapamulsa siyang naglakad sa doorway. I watched his back.
"I did not come with dice. Don't play with me."
Then, he left me dumbfounded.
I should've known I won't only need to hide myself harder. But my feelings, too.
Nakatanggap ako ng maliit na parcel nang sumunod dalawang araw. I asked the rider to where it was come but he doesn't know the answer to it.
Ang pag-alis ng rider ay siya namang pagparada ng sasakyan ni Martina sa tapat ng bahay. As usual, may dala na naman suhol para kay Sir Geon sa kagustuhan na magka-ayos muli silang dalawa.
"Dadaan ako." Nakangiti man, alam kong sinasabunutan na niya ako sa isipan niya dahil nakaharang ako sa pinto.
"He's busy studying, Martina. I doubt he will pay attention—"
Tumaas ang kaniyang kilay sa akin. "Oh? Kailan ka pa naging spokesperson ni Geon?"
Patience, Solaire. Fighting her is classless.
I smiled. I looked down on my shoes as if I just stepped on something.
She looked there out of curiosity.
"Ops ... I stepped on something." Umakto ako na may dinampot sa ilalim ng slipper ko.
"Huh?"
"I stepped on your attitude, Martina. My ... my." I smiled sweetly.
Pinagsaraduhan ko siya ng pinto. Bitbit ang parcel na kinuha, pumanhik ako sa kwarto at doon inaalam ang nilalaman noon.
It is a compass. But its hand is stuck on the North.
Also, there's a one-eight size of rolled paper with it.
The note says: 'True North is a lie.'
What is the meaning of this? Who sent me this?
May kutob ako na may kinalaman ito sa kinaroroonan ng aking ina. Kung sinuman ang inutusan na dalhin ito sa akin ... maaaring kilala niya akong lubos.
It's impossible for Arman to do this. He's hunting me, right? I don't believe he really knows where my mother is. It's his engine to manipulate me. There's a possibility he's after my mother, too.
Kung gano'n ... sino ang nagpadala nito?
"True North is a lie..." basa ko muli.
What is it trying to say?
Hindi ko alam ano ang susunod kong gagawin. Natagpuan ko ang sarili sa tapat ng kwarto ni Sir Geon. Nakaamba na ang kamay ko sa pagkatok. Nang biglang bumukas ang pinto. Dibdib nita tuloy ang kinatok ko.
I hold my breath while staring at his open broad chest. White towel is hanging on his bare shoulder. An ample amount of water is evident on his tanned skin.
"What do you need?" he sounded cold.
Tumuwid ako sa harap niya.
Pinakita ko sa kaniya ang compass at note na dala ko.
Kumunot ang kaniyang noo.
Walang akong ideya kung paano niya nalaman na nawawala ang mommy ko. I haven't told him about that directly. At noong pumunta kami sa mansyon nila, sinabi niya na sila na ang bahala maghanap sa mommy ko.
Gusto ko isipin nais niya akong protektahan at itago mula kay Tito Arman kaya niya ginagawa ito. Para tulungan kami...
I heaved a deep sigh. "Maybe ... this has something to do with my mother's disappearance, sir."
I recognized nothing in his face. He wasn't moved nor surprised! I closed my eyes to calm myself.
"Come in," he finally talked.
Dumiretso ako sa kaniyang kama. Nilagay ko roon ang compass at note. Dumiretso naman siya sa closet upang magbihis.
Sayang...
"What do we have here?" tanong niya nang makalapit sa akin.
I looked at him curiously.
Ngayon ay binabasa niya ang note at pinag-aralan ang compass. I can see in his eyes the determination to figure this out. But one thing is bugging me...
"Sir, paano niyo nalaman na nawawala si mommy? Your father knows, right?"
It took him minutes to reply. "Our mothers are friends, Laire,"
Right.
Bumalik siya sa compass. Pinaglaruan niya iyon sa kaniyang palad, matamang sinisipat ang detalye.
"What if the North word there is a ... person's name, sir?" I guessed.
We locked each other's eyes. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya mabasa. Para siyang malayang alpabeto.
"Did you ask the rider of its origin?"
I nodded. "He doesn't know, too. Wala din pangalan ng nagpadala."
Kung si mommy ang may pakana mismo, bakit hindi na lang siya magpakita sa akin ng palihim? O hindi kaya diretsahin ako kung na saan siya? Bakit kailangan pa ng mga ganito?
Nahulog kami sa malalim na pag-iisip. Maya-maya, nagsalita si Sir Geon.
"Do you know the story of Adonis? And why did he die?"
Who would not love to remember every story in Greek Mythology? Definitely, not me. I was in younger years when I knew their story.
"My mother loved to read me stories, too. So, yeah ..." sagot ko.
"Yeah ... and?"
"God Ares disguised himself in the form of a boar and attacked Adonis. Which made Aphrodite wept due to his death..." I recounted.
A grim smile etched on his lips. He then showed me the compass and the note. I have no idea what is running in his mind.
"While someone has your mother ... someone is disguising as her." he paused. "Waiting for the right time ... to attack you."
My body shivered thinking someone wants me to die and using my mother to accomplish it.
Sino ang maaaring gumawa noon? If Tito Arman wants me to die, he will not benefit from everything I own, right? Aside from him... who else?
"What about the North, sir? A-Anong ibig sabihin noon?" gulong-gulo na ako.
Tumayo siya. Lumapit siya sa veranda at tumingin sa malayo habang nakapamulsa.
"Someone knows your location, who are you with..." he paused.
Posible ba na nadamay ka na sa problemang kinakaharap ko ngayon? Nais ko itanong subalit kinain ako ng konsensya.
Look at the mess you've done, Solaire. You never learn.
He faced me.
I smiled weakly. "I'm sorry I put you into trouble, sir. I wasn't thinking. I ... I am selfish. You were living your own life, but I messed with it."
I'm in danger. So are you.
Tinapon niya sa kung saan ang compass at note. Bago naglakad pabalik sa akin. Mariin siyang tumitig sa mga mata ko.
"I hate it when you're in trouble. But damn it. I like it when I'm involved." Namamaos niyang sinabi bago ako niyakap ng mahigpit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top