Flight 02 - Schedule
Schedule
Schedule is a list of times of departures and arrivals, or a printed or written list of items in the form of a table. Flights that are listed in the airline timetable, as opposed to charter flights, were known to be "scheduled flights".
☆ ☆ ☆ ☆ ☆
"Congratulations! Your destiny awaits you!" Iyon ang bumungad na notification sa akin pagkatapos mag-loading no'ng app. Sinundan pa ito ng pang-scammer na mga katagang: "Your compatibility is ninety-nine percent! It is a match!"
I frown. What the heck is this? Seryoso ba ito?
Mika draws closer to me, looking then to my phone. "Whoa! Ninety-nine percent na compatibility?! First time ko maka-encounter ng ganyan, ha!"
"Hay naku." Inubos ko ang natitira ko pang kape at tumingin sa orasan. "'Lika na nga. Simulan na natin maglakad papunta sa office."
"Teka lang! May thirty minutes pa, oh! Kaya ng twenty minutes lahat-lahat, kasama na 'yong lakad and freshening up," giit ni Mika. "Ano ba, Yvie? Seryoso nga ito. Hindi lang basta-basta itong app na ito. I mean, very heavily endorsed nga na matching app ito compared sa iba dahil may eighty-eight percent marriage success rate ito! I mean, trust me, okay? Look at me and Kurt! 'Di ba?"
"Hindi ko lang talaga sure, ha..."
Kaya nga ako hindi gumagamit ng dating apps, eh. Hindi ko pa nakikita 'yong lalaki. Paano ako maniniwala sa ninety-nine percent compatibility na ito? Kalokohan!
Pinindot naman ni Mika 'yong screen ng phone ko at nawala 'yong notification ng app. "Tignan mo na kasi muna kung sino. Baka magkaroon ka ng idea kung bakit kayo 'yong naging match. To add, bakit ganoon din kataas 'yong compatibility niyo."
After throwing a glare at her, na siyang ginantihan niya ng expectant na ngiti, I finally give up and look on sa profile no'ng naging ka-match ko. Of course, may kasamang basic info and maging picture rin; same old things na tinanong din sa akin earlier.
You are 99% compatible with: Sage Martinez
Age: 30 years old
Birthday: 19 April 1994
Height: 5'10"
Occupation: First Officer at Royal Orient Airways
Hobby: Cars. Food.
Motto: "Life is like riding a bicycle, to keep your balance you must keep moving." —Albert Einstein
About me: I fly airplanes on a routine basis; just as how much I overhaul or maintain cars. Would you like to meet and have a drink with me in the airport lounge? If so, please match with me.
I blink and rub my eyes with my fist for a second. Medyo nakakabigla ito. Hindi ko ineexpect. I mean, pwera sa chance na magiging ka-match ko rin ay isang piloto kagaya ni Mika; but the person itself... Tinignan ko namang maigi 'yong accompanying picture, and mas lalo lang akong naguluhan.
I mean, is it really that Martinez? Napaka-common kasi ng name, but it can't just be someone with the same name rin, ano?
Bigla naman ako nakatanggap ng notification na naman.
"Hmm? Got a message?" tanong ni Mika.
"Yeah, he matched with me," sagot ko.
"No way!" she exclaims and draws closer to me another time to peer on the screen, seeing the message herself bago pa mawala and nanatili 'yong profile data.
Kung ito 'yong Martinez na kilala ko, of all people, imposible na he'll be matching with me. Tama si Mika na sabihing "No way". He was a bit of an ass noong high school. Anong binabalak niya ngayon? Wait... does he actually realize who I am?
"Hey, Yvie, ano pang hinihintay mo?" tanong sa akin ni Mika. "He's a pilot at Royal Orient Airways. The fastest growing airline in the Philippines that could rival international air carriers when it comes to giving a five-star experience na..." She clears her throat before lowering her voice. "Maging ng PAL is trying to achieve all these years. But this Royal Orient Airways had done so in just a year of their founding and—"
"Alam ko 'yon, Mika." Huminga ako ng malalim. "'Di ba ako nga rin 'yong nagsabi no'n sa iyo? Dahil akala ko, back then, a new airline at the time na matapos din ako sa training will be in need of new pilots. But it seems like na mataas ang standards, kaya ganoon."
"That's why I am telling you that you can't get much better than that. Sayang naman kung hahayaan mo lang siya, ano? To add, siya pa nga itong unang nakipag-matched sa iyo." Ngumiti naman siya at that. "And what's not to like here? Bakit ka pa nagdadalawang-isip, Yvie?"
Well, totoo naman. What's stopping me? Natatakot ba ako na madidisappoint siya? Na ngayon lang ito as some sort of a reunion, and nothing more?
"Baka message na ito ng heaven, Yvie. Baka kapag pinalagpas mo pa ito, maging forever alone ka na. And 'di ba, 'no boyfriend since birth' ka?" tanong niya.
Kung alam lang din ni Mika na dahil sa lalaking ito rin (if ever siya nga talaga) kaya ako NBSB, hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya.
"Tinatakot mo ba ako?" giit ko.
Her smile just widens at that.
But, seriosuly... There's no harm trying. To add, baka pagsisihan kong pinalagpas ko 'yong pagkakataon. And I've changed since then.
I sigh heavily. "Okay."
"Okay! So, go na, Yvie!" udyok ni Mika.
"Wait. Agad-agad?"
"Oo! Speed is important, beh."
"Really? Ano..." Ipinaling ko ang atensyon ko sa phone ko. May symbol ng mail sa profile. "Ano namang sasabihin ko..."
Maybe... "Long time no see"? Eh, paano naman kung hindi niya ako maalala—
At that, the app once again notifies me that I've received a message. Kaagad ko naman tinignan at binasa noong nalaman ko na galing sa kanya iyon.
Sage: Thanks for the approval. Uhm...
Sage: Assume lang ito. But, are you that Astilla?
That Astilla. Muntikan akong matawa na may pagka-conyo pa rin siya pagdating sa mga sinusulat niya kahit medyo hirap siya mag-straight English kapag nagsasalita noon. But, wait... Assume ko na rin ba na naalala niya ako?
Me: Ako nga? Which means, you're that Martinez, ano?
Sage: Oo, ako nga. Long time no see.
Oh. My. God.
Siya nga. At naalala niya pa nga ako.
Bigla naman akong nahiya na 'di ko alam kung paano tatakbo 'yong pag-uusap namin na ito.
Me: Huling kita natin is last graduation pa. So, how are you?
Sage: Kahit sa text, masyado ka namang formal. We can talk to each other like we used to, 'di ba?
Me: Okay. So, how have you been, Sage?
Sage: It's been pretty good on my end. Ikaw? Kumusta?
Me: Same here. Though medyo busy lang talaga.
"Tignan mo naman!" Mika chides and giggles next to me. "Palitan na kaagad ng convo, oh!"
Sa totoo lang, kung ibang tao ito, hindi ako magiging ganito ka-eager makipag-text or makipag-usap. But si Sage Martinez ito. Gusto ko malaman kung anong klaseng tao na siya ngayon. If naging mas cool ba siya ngayon compared noon. Fourteen years na rin 'yong huli naming pagkikita, kaya medyo na-eexcite rin akong makausap ulit siya.
And also... curious ako tungkol sa compatibility namin.
Me: Nakakaloka 'yong "99% compatibility", ano?
Sage: Hahahaha
Tangina. Bakit naririnig ko 'yong tawa niyang ganyan sa text lang? Ganoon pa rin kaya 'yong tawa niya? 'Yong rinig 'yong bawat "ha" sa "hahaha" niya?
Sage: Hindi naman kita mapipigilan na mag-dalawang-isip with that so high of a compatibility.
Sage: But I feel destiny in all of this.
Destiny? Itong lalaking ito? Naniniwala sa "destiny"? Kakaiba ha!
Me: Let's see if kung mayroon mas hihigit pa compared sa 99% compatibility na iyan.
Sage: Okay.
Me: Really?
Sage: I hope na 'di ka ma-didisappoint.
Me: Ako? Ma-didisappoint?
Sage: Naalala kita bigla as soon na nakita ko 'yong name mo.
Sage: Medyo natatakot ako na hindi mo ako maaalala.
Sage: But I wanted to see you again.
Sage: Kaya ako na kaagad ang naunang nag-send ng message sa iyo.
Sage: Sorry for blowing up your notifications this way.
Sa totoo lang... kairita 'yong sunod-sunod na flood ng notification. Kung hindi ako nakatutok sa messages ngayon, maiirita ako kapag nakita ko 'yong badge icon. It is either magpapanic ako about it, or magagalit na makita na ito lamang ang dahilan. But...
Me: No, okay lang. Masaya lang din ako.
Sage: Me, too. I am happy. First time ko lang gumamit ng app na ganito.
Me: Ako rin. Nagpapasma 'yong mga palad ko noong nag-sign up ako! Hahaha
Sage: Mine, too. But I am glad that I did it.
Sage: I never would've found you otherwise, Yvonne.
Well, we could, actually. Hindi naman nawawala 'yong mga yayaan na gala ng mga high school classmates namin kahit na 'yong iba ay may mga sari-sarili na ring buhay at pamilya. Laging may panahon para magkita-kita pa rin. Kagaya nga ng sabi nila, sa high school mo makikita ang mga tunay mong kaibigan.
Hindi rin sila nagkukulang na magpatawag ng reunion almost every six months. Hindi lang din ako talaga nakakapunta dahil sa mga times na nagpapatawag sila ng meeting ay may schedule ako; buhay ATC ika nga. Tapos sa mga pictures na sinesend din nila sa group, nakikita ko na hindi rin pumupunta si Sage. Well, based sa natatandaan ko na mukha niya, if ever na nagmature siya. Well, there seems to be a reason din na may schedule rin siya siguro; buhay piloto naman.
Sage: Let's meet.
Wait, what? Agad-agad?
But... Sage Martinez isn't a stranger. He never is, at least for me. Pero, hindi ko lang alam kung katanggap-tanggap ba ito kahit na magkakilala na talaga kami. Well, hindi naman 'ata ganoon ka-normal na ma-match ka ng isang dating app sa isang tao na kilala mo rin. So, are dating apps supposed to lead to meeting right away?
Pero, shet. Marupok ako! Kahit anong inis ko sa Venus Match na ito!
Me: Sure.
Better continue on ngayong game na game na ako. No other way but to go deeper.
Pagkatapos namin i-check ang schedule namin with one another, napagdesisyunan namin na magkita on Tuesday. Tamang-tama since day-off ko. Himala na nga lang na nagkatagpo ang vacancies namin, dahil pareho kaming sobrang gulo and busy with our schedules sa totoo lang. Ngayon, unti-unti ko na nararamdaman 'yong dating pagka-stress ni Mika para lang sila mag-date ni Kurt.
"Good girl." Tapik naman ni Mika sa balikat ko na may ngiti. "Pumunta ka sa salon at sa spa as preparation for your date."
"Kailangan ba talaga iyon?" Ipinaling ko ang tingin ko sa kanya pagkatapos ko ibalik ang phone ko sa bag. Kailangan na rin namin magsimula maglakad papunta sa office para hindi na kami magmadali pa mamaya. "'Lika na nga."
Sumunod naman siya sa akin pagkatapos ko pasalamatan ang mga kakilala kong barista. Habol na pasabi niya habang naglalakad kami sa mainit na sikat ng araw. "Oo naman, Yvie!" sagot niya sa akin. "Absolutely and unequivocally necessary. Hindi ba nakaka-excite and masarap sa pakiramdam na nagpapaganda ka para sa isang tao?"
Ayan na naman siya sa kanyang matatalinghagang mga salita. Oo na lang ako madalas, pero 'yong tanong niya ang sadyang nag-udyok sa akin na sumangayon sa kanya. "Well, oo."
"Then, do it!" She loops her arm around mine. Mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin, to be honest. "Bigay ko sa iyo 'yong name ng spa na madalas ko pinupuntahan. May 'Bring a friend' campaign sila ngayon and pareho tayong makakakuha ng 75% off!"
"Ikaw talaga..." Napailing na lang ako habang nagpipigil ng tawa. "Talagang gustong-gusto mo 'yong mga ganyan."
But... totoo naman. Matagal-tagal na rin 'yong last time na nag-try akong magpaganda para sa isang tao. I'll probably take her offer. And maybe, buy some new clothes for myself, too. To think na ang nag-iisang Sage Martinez ang makakapag-udyok sa akin ng ganoon... Pero, better be honest with myself. Maging 'yong huling beses ay dahil din sa kanya.
Siguro, destiny nga. Well, according to him. Gusto ko rin paniwalaan na iyon talaga ang dahilan.
☆ ☆ ☆
According sa napagkasunduan namin ni Sage, magkikita kami for dinner at about seven in the evening the following Tuesday. And the place of our meeting, bilang ayon sa short introduction niya sa profile niya sa Venus Match, our reunion will be at the VIP lounge of Royal Orient Airways' Operation Office close to the Terminal 3. To be honest, talagang klinaro ko pa sa kanya bago pumunta if hindi ba sa Main Headquarters nila sa Makati; and he insisted na talagang dito sa may malapit sa airport kami magkikita.
Apparently, since malapit sa pinaka-airport and operation base nga ng Royal Orient Airways, medyo strikto ang pagpasok for sure. Wala naman akong lakas ng loob na pumunta kaagad sa pinaka-reception para sabihin ang pakay ko kaya naghintay na lang muna ako sa labas. At alam ko na napagkakamalan na akong may binabalak para magtigil dito; at konti na lang ay paniguradong lalapitan na ako ng security guard.
Wala pa ako sa pinaka-VIP lounge na sinabi sa akin ni Sage. Ang natatanaw ko pa lamang mula sa paghihintay ko dito sa labas ay 'yong main lobby. And, my god, I am floored, to be honest. Feeling ko high-class hotel itong pinuntahan ko than the operation building of an airline na almost two years pa lang sa industry.
That's Royal Orient Airways. Founded just last 2022, about the same time nga na nakapagtapos ako sa flight school. Even in the starting days, it had strived for the first six months as a domestic airline for places that aren't much traveled on; but, surprisingly, had ended up boosting in tourism that they've offered international flights after just three months. Later on, they added more regional flights and even those to Europe, Oceania and the US that other airlines couldn't do so easily; but precisely to international locations kung saan may hotel din ang kanilang sister company. Haka-haka within sa aming mga ATC na it is because of the company's close ties with the international airport agencies through their private planes kaya nagawa nilang makapag-secure ng slots for their airlines. Talagang kakaiba for a new and starting airline. But the airline was too trusted already, especially na common knowledge na it was a subsidiary group of the well-known Verano Group of Companies. Maging 'yong nagtatag ng airlines was the family's heir. Iba talaga kapag mayaman.
Anyway, tumingin ulit ako sa orasan ko. Mga thirty minutes pa bago ang seven at hindi naman ako masyadong excited, ano? Natatakot lang ako na baka ma-late ako, knowing all the traffic and everything. Pero himala na wala lahat iyon kaya ito ako. Masyadong maaga talaga.
"Excuse me, miss," tawag sa akin ng isang security guard pagkalipas pa ng mga limang minuto. "May hinihintay po ba kayo? Kung ganoon po, baka mas maigi na maghintay na lang po muna kayo sa lobby."
"Ah, well," nauutal naman akong sumagot. "Employee niyo 'yong hinihintay ko."
"Ganoon po ba, miss?" Mas lalo niya akong inudyok na pumasok sa loob ng lobby. "Sa lobby niyo na lang po siya hintayin. Pwede rin po natin ilapit iyan sa reception po para matanong sa kanila kung nasa office po siya."
"S-Salamat po," nahihiya kong sagot ulit. Dahil nakakahiya talaga. Iniisip ko na baka pagkamalan akong may binabalak na masama sa kanila, pero sila pa 'yong mismong nag-approach sa akin. Binati ako ng kasamahan ni kuya guard bago ako samahan na ilapit sa reception ang kaso ko. Pagkatapos naman ay nagpaalam na si kuya na maiwan ako sa pamamahala ng receptionist upang tanungin ako sa mga kailangan na detalye. Noong tinanong naman ako kung member ba ako ng Royal Orient Airways, or whatever, kaagad kong hirit, "H-Hindi. Hindi ako member or what. Hindi rin ako nandito para magreklamo. To be honest, may meeting ako with Captain Martinez. Sa VIP lounge raw kami magkita."
Napatigil naman 'yong receptionist na kausap ko. Mabuti na lang at busy din ang iba niyang kasamahan sa kani-kanilang mga gawain. Tsaka, mukha talagang may vibes na five-star hotel itong lobby nila na mas lalo lang nagpapakaba sa akin. Kaagad niya ulit akong tinanong na parang nag-aaksaya lang siya ng panahon sa akin, "Captain Martinez? Si Captain Kael Martinez po ba, or si Captain Sage Martinez, or iba pa po na Captain Martinez?"
Alam kong common ang Martinez. Hindi ko inaasahan na sa kumpanya na ito, magiging dalawa ang pilotong parehong Martinez, or baka may iba pa. I say with confidence, "Captain Sage Martinez."
Her eyes widen at that noong clinarify ko kung sino talaga ang pakay ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ibalik ang tingin sa mga mata ko. Konti na lang ay tatanungin niya ako kung anong namamagitan sa amin.
Hindi ko naman mapigilan ang bumuntong-hininga. Ganoon ba talaga kadami ang humahanga sa nag-iisang Sage Martinez? Para namang hindi dapat. Parang hindi tama. Sa lahat ba ng mga piloto na mayroon ang Royal Orient Airways, siya lang ba ang pinagkakaguluhan. Maniwala naman doon, at napaka-imposible!
Noong mga nakaraang araw, nagsagawa pa ako ng mas mabusisi na pag-iimbestiga sa Royal Orient Airways. Nalaman ko na hindi lang owner and founder si Mr. Nikolai Verano, piloto din siya at ang tinaguriang "face of the airline" dahil hindi maipagkakaila na gwapo.
Pasensya na, Sage. Pero totoo lang din 'yong mga nakita ko na comments online. Kung 'di lang taken, papasuyo ko sana na pakilala mo ako sa kanya. Kapalan ko na mukha ko, kung ganoon!
"But, miss," diin ng receptionist pagkatapos may tignan sa kanyang monitor at maitanong rin saglit sa mga kasamahan niya, "according po sa schedule namin, may recent flight po siya that had just landed roughly an hour ago. Baka wala pa po siya, kaya—"
"VIP ko siya," tinig ng isang lalaki ang pumigil sa receptionist. Sinundan pa ng pagpatong ng braso sa reception desk.
Noong pumaling ako sa kanya, napansin ko na si Martinez nga. The one and only troublemaker Sage Nathaniel Martinez of St. Joseph's College of Quezon City's Batch 2010. Dati, hirap na hirap mag-ayos ng school uniform; ngayon, maayos na maayos ang suot-suot na pilot's uniform na akala mo'y ilang beses pinadaan sa plantsa. Tatlong bars ang mayroon sa manggas ng coat na nagsasaad na first officer ang ranggo niya; at noong tinanggal niya ang cap niya ay halatang hindi nagbago. Nag-mature, pero walang duda na si Sage Martinez nga talaga itong nasa tabi ko ngayon.
Nginitian niya ang mga receptionist, lalo na ang kumausap sa akin. He tells them, "She's with me. And now that I'm here, bibigyan niyo na ba siya ng access to the VIP lounge?"
"O-Of course!" nauutal na sagot ng receptionist. Halatang crush nito si Martinez, or rather, nilang lahat, para sila maging insecure sa kanilang mga sarili and mamula.
Hanggang isip na lamang ako kung paano pa kung si Mr. Verano pa talaga ang nakaharap nila? Sayang lang talaga, at malapit-lapit na hindi maging bachelor at mawala sa marriage market.
"Forgive me, Captain Martinez," dagdag pa ng receptionist na may kasamang pag-bow pa. Kaagad naman na may hinanap ang babae sa table niya habang sinabi sa amin na, "May mga paperworks lang na kailangan sagutan..."
As she searches for the papers, disappearing behind the counter, napaling naman ang tingin ko kay Martinez and siya sa akin. As in nag-lock ang tingin namin sa isa't isa and totoo nga na hindi siya nagbago. Naging mas cool lang lalo siya. Ang lalaking minahal ko noon na hindi ko makalimutan kahit pilitin ko man... Nagiging marupok kaagad ako.
"Astilla," simula niya ng may bahagyang tawa. "Ikaw nga talaga."
Same to you, too, Martinez. Ikaw nga talaga.
Naguguluhan lalo ako ngayon. It's like time has flowed backwards, and also stop altogether.
Siya 'yong lalaki na classmate ko simula gradeschool, and siyang minahal ko unrequitedly for years. Siyang hindi ko maabot-abot...
Pero, ngayon, nandito siya. Nakangiting nakatitig sa akin. Nasa tabi ko ngayon.
That, according sa Venus Match, ay ang "soulmate" ko.
———————————————
A/N: Hello! Hope all of you are doing well! Kung nakikita niyo 'yong mga posts ko sa Twitter, you may know that I've returned to flying since last week sa La Union. And you may also know already that I am on my way home by now, dahil may nag-positive na student and we were all a close contact. Our school's operation will be suspended for a week at most, and hopefully, magkaroon ng leeway si CAAP to extend our licenses due to the absence of check rides, exams and everything.
Okay naman ako! Wala akong nararamdaman but as protocol, I'll be following an isolation period of five days at home. Always keep your masks on, physical distances, wash your hands, and sanitize your things. Drink meds and have a balance and healthy diet. Maigi na maging maingat!
Vote, comment and share! 👀 Also, follow me on twitter @23meraki for more updates, trivia about the story, aesthetic boards, and etc. Love, love, love! <3
UPDATED: 16 March 2024 | 1020H
Who would have thought that four years later after the start of the COVID-19 lockdown, I would finally complete my flight training as an Airbus A320 type-rated and certified First Officer?!
Yes, last 12 March 2024, I had my CAAP Skill Test as an A320 F/O (because may iba pang Skill Test for Captain!). After the gruesome four months of preparation and two months of simulator training, losing six kilograms in the process, have mental breakdowns, be stressed, read the 3K pages of FCOM and 1K pages of FCTM, practice and imagine procedures of countless navigation charts and the QRH, skipped meals due to the schedules, deal with being shouted by instructors, be surprised with emergencies, and found my sunshine in the process... well, it was all worth it! To the point that I am missing the A320 now once more. 🥹
Finally, I can say, "This is your First Officer speaking." (For the record, we also practiced all communications, as well as the PA during emergencies and diversions. 👀)
#FLIGHTseries02 || #FSFlightDeck
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top