CHAPTER ELEVEN
CHAPTER ELEVEN
FEELING the warm atmosphere of books, I let my guard loose and just succumbed to the topic of the reference book that I was reading. Iniwan muna ako ni Jackie rito sa library para daw hanapin si Nexus, habang si Clint naman ay busy sa loob ng classroom nila dahil sa group work daw nila.
Avoiding people... Easier said than done, lalo na kung nasa iisang school — classroom — lang naman kayo.
I couldn't deny the fact that it was so damn difficult to act like I cannot feel Nexus' presence. His glow was too bright to go unnoticed. Ba't kasi nakalimutan kong magsuot ng sunglasses?
Napabuga na lang ako ng hangin saka akmang babalik sa pagbabasa nang malingat ako at saktong tumama ang mga mata ko sa taong papasok sa library. Naniniwala na ako. The more you avoid the person, the more you'll see them.
Hindi ko na alam kung nagha-hallucinate ako dahil sa sobra-sobrang pag-iisip na dapat iniiwasan ko si Nexus. Na dapat nilalayuan ko siya for the sake of Jackie — for the sake of my peace of mind. Na dapat hindi ako nakatingin sa kaniya at ini-imagine na lumalapit siya sa akin ng may ngiti sa mga labi at sinasabing, "May kasama ka bang hindi ko nakikita?"
Ilang beses akong napakurap. That's random. "Huh?"
Mahina naman siyang natawa. "Ang tanong ko eh kung may kasama ka bang hindi ko nakikita?"
Muli akong napakurap nang napakurap at wala sa sariling tiningnan ang tatlo pang vacant chairs sa table na ino-occupy ko. "Uh... wala?" Wait! Natigilan ako bigla. Totoo ba talaga siyang nasa harapan ko at nagpapaalam maki-table?
"Puno na kasi yung ibang table," aniya saka pasimpleng tumabi para makita kong totoo yung sinasabi niya.
I mean totoo naman talaga. Buti nga at may napwestuhan pa ako dahil maraming laman ngayon ang library dahil sa project week na after intrams. Pero bakit naman kasi sa akin? Bakit ngayon kung kelan kailangan ko ngang umiwas? "Sige lang," I coldly replied as I forced my eyes to stare at the book once again.
"Thanks, Hadlee."
Ponyemas. Ponyemas na puso 'yan! Sinabi niya lang naman pangalan ko ah‽ Ba't ang bilis-bilis tumibok‽ Bakit parang malakas‽ Bawal 'yan ah‽ Hindi ba 'to um-attend ng practice‽
Hindi naman na ako nagsalita pa at tinuloy na lang ang pagkukunwari kong pagbabasa — I mean totoo akong nagbabasa. Pero kailangan kong takpan ng libro ang mukha kong traydor. Paniguradong namumula na naman ang mga pisngi ko habang kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi.
Hadlee, bawal nga 'yan sabi eh. Hindi ka pwedeng kiligin nang dahil lang sa pagbanggit niya ng pangalan mo. Hindi pwedeng porket nangyari 'to eh iisipin mong destiny ang may gawa. Walang ganon at alam mo 'yan. Sasaktan mo lang na naman ang sarili mo sa sarili mong ilusyon. Tigilan ang pagiging delulu. Hindi tayo pwedeng manakit ng iba at mas lalong hindi tayo pwedeng masaktan. Hindi pwede, Had. We need to forget about our feelings for him. We need to move on.
Pero kelan ba ako nanalo sa nararamdaman ko para kay Nexus?
Isang ngiti niya lang, isang tawa niya lang, agad akong manlalambot. Isang beses na pagtama ng mga mata namin, isang beses na pagtawag niya sa pangalan ko, agad akong mahuhulog paulit-ulit sa kaniya.
Masyadong malaki ang epekto sa akin ni Nexus, at masyado na rin iyong matagal na nananalagi sa buhay ko. Mahirap siyang kalimutan nang basta-basta lang.
Napabuntonghininga na lang ako. "This suck."
"Hmm?" Napasilip ako sa taas ng librong hawak ko't nakatakip pa rin sa mukha ko. Hindi nga ako nagkamali at si Nexus nga ang umimik dahil nakatingin na nga siya sa akin, sinundan niya pa ng tanong na "What sucks?"
Walang emosyon ko siyang tiningnan saka umiling. Ibinalik ko ulit ang mga mata at atensyon ko sa libro. I wanted to focus on the book, but my mind wanted to wander around the world.
"Para ba 'yan sa reporting mamaya?"
Lord, please, ayoko pong maging marupok, para niyo na pong awa. Tumango na lang ako saka pinilit na mag-focus. Please lang! Gusto kong mag-aral nang mapayapa, yung tipong hindi lumalambot sa ilalim ng tingin ng lalakeng ito.
Unfortunately, even though I wanted to not notice him at all, I could literally see him in my peripheral vision. Nexus adorably tilted his head a little to his right in order to seriously be in my view. "Why do I feel like gusto mo 'kong iwasan? O iniiwasan mo talaga ako."
Pigil na pigil akong manlaki ang mga mata dahil sa sinabi niya. Jusko, Had!
I was about to react — talk — when he got ahead of me. His cute smile, which got my attention in the first place, was plastered on his pretty lips. "Charot lang."
Lord! I told you po! Mahina ako sa mga ngiti niya! Bakit ba kasi ganito ang itsura niya sa paningin ko po? Paano na ang plano kong pagpaparaya? Ang pagmo-move on ko, Lord? Postponed na naman ho?
Pilit kong niloloko ang sarili kong naiintindihan ko ang binabasa ko't focus na focus ako, kaya lang ayaw ata talaga akong pag-move on-in — este pag-focus-in ni Nexus. "Uh... Hadlee... Pwede magtanong?"
Otomatikong umangat ang isang kilay ko. Oo na nga, gusto nga kita pero bawal, okay? Para namang teleserye 'tong buhay ko. "Ano 'yun?" tanong ko saka medyo ibinaba ang librong nakatakip sa mukha ko para malaya akong maglaway sa mukha ni Nexus — I mean tumulala — I mean tumingin.
"Anong topic mo sa PerDev?" Huminga naman ako nang malalim nang mapansin kong tumigil pala ako sa paghinga habang hinihintay siyang magtanong. Nang masabi ko ang topic ko ay muli siyang nagtanong. "Magpapa-quiz ka?" Tumango ako. "Mahirap?"
"I don't think the word mahirap exists in your dictionary, Nex." Late na nang ma-realize ko kung sinabi ko. Lalo na ang pagsabi ko ng nickname niya. I told you, self, stop saying that. Mas mukha kayong close, eh dapat hindi nga! Tama na yung ilang beses mong pagtawag sa kaniya ng "Nex" sa cafe noon. "I mean President."
"Hmm?" Ipinatong niya ang mga siko sa lamesa saka ipinatong ang baba sa mga kamay niyang magkadikit. "Bakit naman biglang bago? It's normal to call me Nex, Had."
The first syllable of my name is a common word, a typical one used is sentences, so bakit... Bakit parang kakaibang pakinggan kapag binabanggit niya?
Hindi na lang ako muling umimik. Ayoko na ng gulo. Gusto ko na talaga siyang iwasan — kalimutan ang nararamdaman ko. But then again, when did my heart ever listen?
Not when I knew he was out of reach.
Not when I knew that Jackie liked him.
Not even when I knew he liked someone else.
I just... I fell for him... hard... and it's difficult to stand once again.
I took a deep breath and did what I've always wanted to do. "Nex...us..." I adjusted the book and placed it open on the table. "Anong..." I cleared my throat as the words seemed to clog as he stared at me, waiting for my next words. "Anong topic mo?"
My difficult situation was then rewarded with his smile — my favorite scenery. He shared his topic then said, "Hindi pa ako magre-report mamaya, sa susunod na araw pa ang sched ko."
How I wish I could easily talk to him as he is with me. Pero sabagay, malaki ang difference namin. Ako, may gusto sa kaniya, siya, wala. "Ahh..." But even though that's my reality, I don't want to end this just yet. "Magpapa-quiz ka rin?"
Nexus nodded. "Pero imposibleng mahirapan ka ro'n. I don't think the word mahirap exists in your dictionary, Had."
And he just had to mimic me. I could not help but let out a chuckle because of that. After a little more exchange of words and thoughts about the upcoming lessons, mas maraming ambag si Nexus sa conversation na 'to, I began to relax and smile more around him, which honestly, felt surreal.
Unfortunately, every amazing scene has to end, and this one was caused by Nexus' friends as they suddenly pounced on him and basically dragged him out of the library. Nexus almost wasn't even able to bid a proper goodbye, but he did smile at me and waved apologetically. I made an awkward wave and smile, which was the best one I could offer at that moment.
And with those smiles and waves, I looked forward to a better interaction with Nexus. Where I could finally be free to collect smiles and greetings from him without me being awkward or mean — defense mechanism kicking.
I sure hope that'll happen.
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top